Home / Romance / His Dangerous Desire / Chapter 126 The How's and Why's

Share

Chapter 126 The How's and Why's

Author: zeharilim
last update Last Updated: 2025-07-18 13:28:30

Samantha's POV

"Nag-shift ka ng course?" gulat kong tanong kay Vince. "Anong nangyari? Hindi ba't ang laki ng sahod mo doon sa trabaho mo sa kompanyang pinasukan mo? Kahit ano pa ngang gawing pagmamaltrato sa 'yo no'ng boss mo ay ayaw mong umalis."

Natawa siya at marahang tumango. "Ang totoo niyan ay wala talaga akong balak na umalis. Ang problema ay kinailangan dahil sa nangyari no'ng huli tayong magkita."

"Huli tayong nagkita?" ulit kong tanong. "Iyong nagpupumilit ka na makipagbalikan sa 'kin?"

"Yes," mabilis niyang sagot.

Umangat ang dalawang kilay ko. "With just that, nagbago na kaagad ang isip mo?"

Saglit siyang napaisip at muli ay nagsalita. "It's a long story, actually. Hindi ko masasabi sa 'yo ang lahat ng detalye tungkol sa biglaang pagbabago ng isip ko."

Tumango na lamang ako bilang pagsang-ayon sa sinabi niyang iyon.

I respect his decision besides I had no right to ask him some things that he doesn't want to tell. Hindi na kami tulad ng dati. We're just mere stra
Continue to read this book for free
Scan code to download App
Locked Chapter

Latest chapter

  • His Dangerous Desire   Chapter 136 Change of Heart

    Samantha's POV"What do you want to talk about our marriage?" takang tanong ko kay Karlo. "Meron ba? Hindi ba't malinaw na ang naging usapan natin tungkol doon? There's nothing much to expect. Iyon nga lang ay kung gusto mo ng annulment?""I don't want an annulment." Iling niya. "Noong sinabi ko na gusto kong pag-usapan ang tungkol sa marriage natin, ang ibig kong sabihin...I want it to work."Napaisip ako habang mataman ko siyang tinititigan. "What do you mean?"Humugot siya ng isang malalim na hininga. He held my hands at bahagyang pinisil iyon. Nagbaba ako ng tingin sa mga kamay niyang mahigpit na hinawakan ang mga kamay ko at di nagtagal ay pinukulan ko siya ng tingin. "I want our marriage to work," pagsisimula niya habang mataman ko lamang na hinihintay ang mga susunod niyang sasabihin. "Gusto kong lumalim pa ang relasyon natin bilang mag-asawa. Gusto kong ibalik kung ano man ang nararamdaman ko sa 'yo noon, ang dating samahan natin."Agad na nagkasalubong ang dalawang kilay k

  • His Dangerous Desire   Chapter 135 Comics

    Theo's POVSa halos isang oras at kalahating panonood at pag-ubos ng mga stock kong snacks ay natapos na rin sina Evan at Neo.Ngunit sa puntong iyon ay rinig ko pa rin ang hagalpakan nila sa mga sandaling iyon habang pinag-uusapan ang tungkol sa pinanood nilang palabas. Sa kabilang banda naman ay nasa kusina ako at nakapuwesto sa dinner table. Abala akong nagse-send ng ilang mga documents na kailangan ni Taylor. Matapos nilang ligpitin ang kanilang mga pinagkainan ay agad nila akong tinungo at pumwestong naupo sa bakanteng upuan sa harap ko. "Tito," pagsisimula ni Evan. "Maaga pa naman. Tara labas tayo.""Kayo na lang, marami pa akong ginagawa," sagot ko na hindi man lang nag-aangat ng tingin sa kanila. Sumabat si Neo. "Sige na. Sa halos ilang buwan na lutang ka at walang ibang inatupag kundi alak, ngayon lang ulit tayo magba-bonding."Inihinto ko ang ginagawa ko at pinukulan sila ng tingin. "Kung gusto niyo, kayo na lang," sambit ko. "Marami pa akong kailangang tapusin. Kailang

  • His Dangerous Desire   Chapter 134 Sweetness Overload

    Samantha's POV"Ikaw pala ang asawa ni Love ko," bungad ni Ariana nang pumwesto ako sa dinner table. "You're not bad. Maganda ka naman pero iba pa rin ang ganda ko kaysa sa 'yo."Sumabat si Karlo. "Love! Would you stop?"Humugot ito ng isang malalim na hininga. "I'm sorry. Hindi ko lang talaga mapigilan ang sarili ko. You don't know how it feels to be the second option." Simangot nito. Matapos magsandok ng kanin ni Karlo ay agad niyang inilapag ang bandehado sa lamesa at nilapitan si Ariana. He hugged her from behind, and kissed her on her cheeks. Sa kabilang banda naman ay mas lalong nagsimangot na parang bata ang nobya nito. Sa mga sandaling iyon, gustuhin ko mang matawa ay minabuti ko na lamang na sarilihin iyon. Baka kasi mamaya ay pagkaisahan ako ng dalawang ito. Wala pa man din akong kakampi. "Let's eat," ani Karlo at umupo na sa kanyang puwesto. "Anong gusto mong ulam? Iaabot ko sa 'yo."Tumayo ako sa kinauupuan ko. Akmang dadamputin ko na ang bandehado na siyang naglala

  • His Dangerous Desire   Chapter 133 In Disguise

    Theo's POVMabilis pa sa alas-kuatro akong natigil nang madatnan kong nakaupo sina Evan at Neo sa living room ng condo ko. Abala silang nanonood habang nagngangata ng chips na inilagay nila sa malaking mangkok. Bukod pa roon ay mayroon ding bukas na ilang bote ng beer sa ibabaw ng coffee table. Napameywang ako sa mga sandaling iyon habang mataman ko silang pinapanood. Kung noon ay si Neo lang ang problema ko na bigla na lamang sumusulpot sa bahay ko, ngayon naman pati si Evan ay isinali na rin niya sa kalokohan niya. Maya-maya ay tiim-bagang kong hinawakan ang pinto at hindi kalaunan ay pabagsak na isinara iyon. Agad silang napasigaw na dalawa kung saan ay agad na tumilapon ang mangkok na may lamang chips na hawak-hawak nila. Sa pagtayo nila sa kanilang kinauupuan ay nabaling ang tingin nila sa akin."What the heck are you doing in my condo?" kunot-noo kong tanong. "At paano kayo nakapasok dito? Sa natatandaan ko ay ako lang ang may susi rito."Sumagot si Evan. "Itong si Neo, ma

  • His Dangerous Desire   Chapter 132 More Than One Story to Tell

    Samantha's POV"Bukod sa pambababae niya, meron pa ba siyang ibang kalokohang ginagawa sa 'yo? Is he hurting you physically or emotionally? Either of the two?" muling tanong ni Vince. Marahan akong tumango at pilit na napangiti sa kanya. "The first two months of our marriage, I had no problem with him," pagsisimula ko. "Pero habang tumatagal ay nakikita ko ang pag-uugaling meron siya. Kapag umaayaw ako sa gusto niya, sinasampal niya 'ko. Kapag nagpupumilit naman ako sa gusto ko, ikinukulong niya 'ko sa kwarto. Nandoon ako hanggang sa umuwi siya."Mabilis pa sa alas-kuatrong nagkasalubong ang dalawang kilay niya sa pahayag kong iyon. Napatutop siya sa kanyang bibig habang nakatuon ang tingin sa akin at tila ba hindi makapaniwala sa narinig niya. "Other than that, this is the first time na nakalabas ako," pagpapatuloy ko. "For two years of staying here in California, ngayon ko lang nagawang maging malaya ng ganito. Hindi ako pwedeng makipag-usap sa kahit na sino lalo na kung ibang l

  • His Dangerous Desire   Chapter 131 Photo Update

    Theo's POV "Anong meron at pinapunta niyo 'ko rito?" sambit ko at pabagsak na naupo sa couch. "Wag niyong sabihing pipilitin niyo na naman akong pumasok sa kompanya? Nag-usap na tayo, hindi ba? Paulit-ulit na lang ba? Aren't you tired of the same conversation? Dahil ako, pagod na pagod na." Kunot-noo kong pinukulan ng tingin sina kuya Irigo at Taylor sa mga sandaling iyon. Hindi ko alam kung ano na namang naisipan ng mga ito at pinapunta nila ako rito ngayon sa opisina. Kung tutuusin ay wala akong gustong gawin ngayong araw kundi ang humilata at matulog. Wala kasi halos akong tulog kagabi dahil sa kaiisip ko tungkol kay Samantha. A lot of things crosses my mind when I heard the recent news about her. She's in California. Nagpunta ako roon noong nakaraang buwan dahil inimbitahan ako ng former classmate ko sa kasal nito. Halos buong lugar ay nilibot ko dahil na rin sa pagpupumilit sa akin ng kaibigan ko na siya mismong naging tourist guide ko. But she's nowhere in sight.

More Chapters
Explore and read good novels for free
Free access to a vast number of good novels on GoodNovel app. Download the books you like and read anywhere & anytime.
Read books for free on the app
SCAN CODE TO READ ON APP
DMCA.com Protection Status