Samantha's POV"Ikaw pala ang asawa ni Love ko," bungad ni Ariana nang pumwesto ako sa dinner table. "You're not bad. Maganda ka naman pero iba pa rin ang ganda ko kaysa sa 'yo."Sumabat si Karlo. "Love! Would you stop?"Humugot ito ng isang malalim na hininga. "I'm sorry. Hindi ko lang talaga mapigilan ang sarili ko. You don't know how it feels to be the second option." Simangot nito. Matapos magsandok ng kanin ni Karlo ay agad niyang inilapag ang bandehado sa lamesa at nilapitan si Ariana. He hugged her from behind, and kissed her on her cheeks. Sa kabilang banda naman ay mas lalong nagsimangot na parang bata ang nobya nito. Sa mga sandaling iyon, gustuhin ko mang matawa ay minabuti ko na lamang na sarilihin iyon. Baka kasi mamaya ay pagkaisahan ako ng dalawang ito. Wala pa man din akong kakampi. "Let's eat," ani Karlo at umupo na sa kanyang puwesto. "Anong gusto mong ulam? Iaabot ko sa 'yo."Tumayo ako sa kinauupuan ko. Akmang dadamputin ko na ang bandehado na siyang naglala
Theo's POVMabilis pa sa alas-kuatro akong natigil nang madatnan kong nakaupo sina Evan at Neo sa living room ng condo ko. Abala silang nanonood habang nagngangata ng chips na inilagay nila sa malaking mangkok. Bukod pa roon ay mayroon ding bukas na ilang bote ng beer sa ibabaw ng coffee table. Napameywang ako sa mga sandaling iyon habang mataman ko silang pinapanood. Kung noon ay si Neo lang ang problema ko na bigla na lamang sumusulpot sa bahay ko, ngayon naman pati si Evan ay isinali na rin niya sa kalokohan niya. Maya-maya ay tiim-bagang kong hinawakan ang pinto at hindi kalaunan ay pabagsak na isinara iyon. Agad silang napasigaw na dalawa kung saan ay agad na tumilapon ang mangkok na may lamang chips na hawak-hawak nila. Sa pagtayo nila sa kanilang kinauupuan ay nabaling ang tingin nila sa akin."What the heck are you doing in my condo?" kunot-noo kong tanong. "At paano kayo nakapasok dito? Sa natatandaan ko ay ako lang ang may susi rito."Sumagot si Evan. "Itong si Neo, ma
Samantha's POV"Bukod sa pambababae niya, meron pa ba siyang ibang kalokohang ginagawa sa 'yo? Is he hurting you physically or emotionally? Either of the two?" muling tanong ni Vince. Marahan akong tumango at pilit na napangiti sa kanya. "The first two months of our marriage, I had no problem with him," pagsisimula ko. "Pero habang tumatagal ay nakikita ko ang pag-uugaling meron siya. Kapag umaayaw ako sa gusto niya, sinasampal niya 'ko. Kapag nagpupumilit naman ako sa gusto ko, ikinukulong niya 'ko sa kwarto. Nandoon ako hanggang sa umuwi siya."Mabilis pa sa alas-kuatrong nagkasalubong ang dalawang kilay niya sa pahayag kong iyon. Napatutop siya sa kanyang bibig habang nakatuon ang tingin sa akin at tila ba hindi makapaniwala sa narinig niya. "Other than that, this is the first time na nakalabas ako," pagpapatuloy ko. "For two years of staying here in California, ngayon ko lang nagawang maging malaya ng ganito. Hindi ako pwedeng makipag-usap sa kahit na sino lalo na kung ibang l
Theo's POV "Anong meron at pinapunta niyo 'ko rito?" sambit ko at pabagsak na naupo sa couch. "Wag niyong sabihing pipilitin niyo na naman akong pumasok sa kompanya? Nag-usap na tayo, hindi ba? Paulit-ulit na lang ba? Aren't you tired of the same conversation? Dahil ako, pagod na pagod na." Kunot-noo kong pinukulan ng tingin sina kuya Irigo at Taylor sa mga sandaling iyon. Hindi ko alam kung ano na namang naisipan ng mga ito at pinapunta nila ako rito ngayon sa opisina. Kung tutuusin ay wala akong gustong gawin ngayong araw kundi ang humilata at matulog. Wala kasi halos akong tulog kagabi dahil sa kaiisip ko tungkol kay Samantha. A lot of things crosses my mind when I heard the recent news about her. She's in California. Nagpunta ako roon noong nakaraang buwan dahil inimbitahan ako ng former classmate ko sa kasal nito. Halos buong lugar ay nilibot ko dahil na rin sa pagpupumilit sa akin ng kaibigan ko na siya mismong naging tourist guide ko. But she's nowhere in sight.
Samantha's POVSa halos isa't-kalahating taon kong pananatili sa California ay ngayon ko lamang nasilayan ang ganda ng lugar na ito. Palagi kasi akong nasa loob ng bahay at kulang na lang ay igapos ako ni Karlo sa kwarto. Hindi ko rin alam kung bakit. Siguro ay natatakot siya na baka gumawa ng paraan si Theo upang hanapin ako. Natatakot siya na mag-krus ang landas naming dalawa. Natatakot siya na hindi matuloy ang plano nilang tatlo nina Carlo at Lorie.Ano bang katatakutan niya? Sigurado naman ako na sa ngayon ay limot na ako ni Theo dahil sa kalokohang ginawa ko sa kanya. He's probably living his life with someone deserving of his love.Although, naaalala man niya ako ay tiyak ko na hindi iyon tulad ng dati. Sigurado akong galit ang lalaking iyon sa akin at sa puntong ito ay ayaw kong malaman kung gaano siya kagalit.Isang matamis na ngiti ang sumilay sa mga labi ko nang lumabas ako ng bahay. It's six o'clock in the morning. Kadalasan kapag ganitong mga oras ay nasa kusina ak
Theo's POV Halos dalawang oras na ang nagdaan ngunit hanggang ngayon ay hindi ko pa rin ako makatulog. Pilitin ko man ang sarili ko pero ayaw akong dalawin ng antok. Gising ang diwa kong nakatuon ang tingin sa ceiling ng kwarto ko habang nakahiga sa kama ko. Sa pangalawang pagkakataon ay rumehistro sa akin ang naging usapan naming tatlo nina Neo at Evan. Pero ang dahilan kung bakit hindi magawang mapanatag ng loob ko ay dahil sa narinig ko mula kay Neo. "Yes. Iyon ang gusto namin. Gusto naming itigil mo na kung ano man ang nararamdaman mo sa babaeng 'yon." Hindi ko lubos-maisip na narinig ko iyon mismo sa pamangkin ko na siyang nagtutulak pa sa akin noon at sa aming dalawa ni Samantha. Hindi lamang siya botong-boto kundi kulang na lang ay ipagtulakan ako na pakasalan ko na ang nobya ko. But now, he changed. May punto naman si Evan.