Samantha's POVBago ko pa man buksan ang bote ng shampoo ay natigil ako nang bumukas ang pinto ng shower room. Mula roon ay bumungad si Theo na wala ng suot na pang-itaas na damit at tanging boxer shorts lamang ang suot niya sa kanyang pang-ibaba.Blangko ang reaksiyon kong tinapunan siya ng tingin nang makita ko ang nakakalokong-ngiti sa kanyang mga labi."Anong ginagawa mo rito?" taas-kilay kong tanong. "Hindi ba't ang sabi mo matutulog ka na?""Maaga pa naman," sagot niya sabay hablot ng hawak kong bote ng shampoo. "Saka hindi rin ako makakatulog hangga't nandito ka pa sa banyo."Pagak akong natawa. "Ano namang koneksiyon niyon? Hindi ko naman dala 'yong kama o 'yong kumot."He chuckled. Hindi kalaunan ay natigil siya sa paglalagay ng shampoo sa buhok ko at ipinaharap niya ako sa kanya.Isinandal niya ako sa pader at siniil ng mapusok na halik sa labi."I know you're avoiding me," aniya at humakbang pa papalapit sa akin. "Simula nang umalis na ang mga bisita natin ay abalang-abala
Theo's POVIsang oras na ang nakakalipas simula nang harapin ko si Samantha kanina. Pero hanggang ngayon ay hindi ko pa rin maalis sa isip ko ang mga pinag-usapan namin.Lihim nalang akong natawa nang makita ko ang reaksiyon niya sa sinabi kong gusto ko siyang buntisin. She was too concerned about what she might look like if she got pregnant while wearing a wedding dress.Kung tutuusin ay hindi ako nagbibiro.Noon pa man ay nilinaw ko na sa kanya na gusto ko ng bumuo ng pamilya kasama siya. Hindi lang nangyari dahil sa sunod-sunod na pinagdaanan namin. Pero ngayon na maayos na ang lahat ay wala ng dahilan pa para hindi matuloy ang balak kong iyon.Maya-maya ay napukol ang tingin ko sa kusina nang marinig ko ang hagalpakan nilang tatlo kasama niya sina Bella at Neo. Sina Taylor at Herley ay agad nang umuwi dahil ayaw nilang makaharap si Samantha.Ang sabi sa akin ni Neo ay napahiya raw sila dahil sa mga sinabi ni Samantha at hindi nila alam kung mayroon pa ba silang mukhang ihaharap sa
Samantha's POVTila ba nalaglag ang panga ko nang marinig ko ang ikinuwentong iyon ni Mr. Irigo. Sa katunayan ay matagal ko nang gustong malaman kung ano nga ba ang naging pakiramdam ni Theo nang magkalayo kaming dalawa.But I don't have the guts to ask him until now.Hanggang ngayon kasi ay ramdam ko pa rin ang guilt sa puso ko sa ginawa kong iyon sa kanya. I should have told him about that matter, but instead natakot ako.Hindi ko alam kung ikatutuwa ko ba na hinayaan ko si Mr. Irigo na ikuwento niya ang buong pangyayari nang mga panahong iyon. But I'm thankful that it wasn't Theo that did it.Sigurado ako na mahaba-habang ang patutunguhan ng usapan namin kapag siya ang nakaharap ko sa mga sandaling ito. Bukod pa roon ay baka magkaiyakan na naman kaming dalawa."He was such a crybaby," natatawang anas ni Mr. Irigo. Hindi kalaunan ay muli siyang nagseryoso. "I didn't expect that. Minsan ko na siyang nakitang nagalit pero hindi sa ganoong paraan. He's angry and sad at the same time. A
(A week after Samantha ended things with Theo)"Kamusta ang tito Theo mo?" nag-aalalang tanong ni Irigo kay Neo. "Mag-iisang linggo na siyang hindi lumalabas ng kwarto niya. Kakain lang siya kung kailan niya gusto. Kinakausap naman namin pero ayaw niya kaming sagutin. Ni ayaw niyang mag-respond."Humugot ng isang malalim na hininga ang binata at napakamot sa kanyang batok."Hindi na ako magtataka pa kung bakit ganyan siya umasta," saad nito at binuksan ang refrigerator. "Ikaw ba naman ang iwanan at biglang talikuran ng babaeng pinakamamahal mo, siguradong lagapak ka sa kung saan kayo nagsimulang dalawa."Saglit siyang natigil. "Taylor's secretary? Samantha? He's in love with that woman?"Inilabas nito ang nabawasan na cake mula sa refrigerator. Inilapag nito iyon sa lamesa at kumuha ng platito at tinidor sa plate rack. Matapos niyon ay hinarap niya si Irigo na pumwesto sa bakanteng upuan sa dinner table."Very much in love…" aniya at pagak na natawa. "Wala na nga yatang ibang inatupag
Samantha's POV"Shocks! Nagawa kong sabihin 'yon sa harapan ng mga anak ni Mr. Irigo?" anas ko sa sarili ko habang nakaharap sa salamin. "Nagawa kong sagutin sina Ms. Taylor at Ms. Herley? Ano nalang ang mukhang ihaharap ko sa kanila? Ang tanong, magagawa ko pa ba silang harapin?"Kung may sakit lang ako sa puso ay baka inatake na ako sa mga sandaling ito.Hindi ko alam kung ano ang pumasok sa kokote ko at nasagot ko sila ng ganoon. Sa katunayan ay wala naman talaga akong balak na gawin iyon. Ayaw ko silang ipahiya dahil kahit paano ay may pinagsamahan din naman kami noon.Hindi ko lang sila naging boss kundi naging malapit din ako sa kanila. Bukod pa roon ay marami silang naitulong sa akin at siyempre ay ganoon din ako sa kanila."Still. Hindi pa rin maganda ang mga sinabi nila tungkol sa akin. Alam ba nila kung ilang beses kong ipinagtabuyan ang tiyuhin nila? Aba! Kulang nalang ay mag-resign ako sa trabaho ko, maiwasan ko lang siya," muli kong anas sa sarili ko.Isang malalim na bun
Theo's POV"That Selena Aguirre? Sigurado ba kayo na mas boto kayo sa babaeng 'yon kaysa rito kay tita Samantha?" nakangising anas ni Neo.Tumango si Taylor. "Of course. It's not just about the fact that she came from a wealthy family. Pero standard ang isang tulad ni Selena. She's a model, an architect, and at a very young age, isa na siyang President ng kanyang sariling kompanya.""Can you imagine kung maging parte siya ng pamilya Buendia?" dagdag pa ni Herley. "Hindi lang tayo magiging kilala kundi–""Didn't you know that Selena slept with her younger brother's ninong?" putol ni Neo na ikinatigil ni Herley. "Hindi niya tinigilan ang lalaking 'yon hangga't hindi nito ibinibigay sa kanya ang pagmamay-ari nito na 1.3 million na halaga ng bahay at lupa.""That's ridiculous–""After that, isinuko naman niya ang kanyang sarili sa isang Italian supermodel. Because of his connections, naipasok niya si Selena bilang isa sa mga model. And about her company…Do you think she owned that? You'll