Theo's POVIsang mabigat na buntung-hininga ang pinawalan ko matapos kong isara ang pinto ng condo ko. Right after I locked it, dumiretso ako sa living room at pabagsak na inihiga ang sarili ko sa couch. Sa mga sandaling iyon ay muli kong naalala ang napag-usapan namin ni Aljulmi. Hindi ko akalain na matapos ang dalawa at kalahating oras ay ako na ang Vice President ng DigiComics Company. Halos kaka-register ko lang kanina dahil sa kuryosidad ko sa author ng binabasa kong comics, hindi ko akalain na bigla akong kokontakin ng may-ari ng kompanyang iyon. Sa pagpikit ko ng mga mata ko ay siya namang pagtunog ng cellphone ko. Pikit-mata kong dinampot iyon sa coffee table kung saan ko iyon inilapag kanina. Right after I took it, iminulat ko ang mga mata ko kasabay ng pagbukas ko roon. It was a message from my trusted friend. 'Download this app and type the following code'Bagamat takang-taka ay ginawa ko na lang din ang ipinag-uutos niya. Nang matapos kong i-type ang code na ibinigay
Samantha's POV Natigil ako sa pagsusuklay ng buhok ko nang maramdaman ko ang pagyakap ni Karlo mula sa likuran ko. Kita ko ang ngiting nakaguhit sa kanyang mga labi habang panay ang halik niya sa pisngi ko. After an hour, nakauwi na rin kami galing sa carnival. Labis ang tuwa ko sa kadahilanang wala siyang ideya na nakipag-usap ako kay Vince at kinausap ako nito malayo sa kung saan niya ako iniwan. Sa pagbalik ko kasing muli sa pwesto ko ay natanaw ko siya na may kausap pa rin sa kanyang cellphone. Well, kung magkataon man na maabutan niya kaming magkasama at kung magkataon na mag-away kami dahil doon ay hindi ako magdadalawang-isip na sumama kay Vince. Kung nararapat na sagutin ko siya at kalabanin ko siya, gagawin ko. Maya-maya ay nagbaba ako ng tingin sa mga kamay niya na napadpad sa dibdib ko. Lihim akong napangiti sa mga sandaling iyon habang pinagmamasdan ko siya sa salamin. It's almost midnight. Pero eto siya kung saan imbes na matulog ay gusto pa yatang magpakas
Theo's POVUmangat ang dalawang kilay ko habang matamang pinagmamasdan si Aljulmi sa mga sandaling iyon. Kanina pa ako naghihintay ng sagot sa tanong ko pero hanggang ngayon ay wala pa rin siyang maibigay. Napakamot na lamang ako at hindi kalaunan ay lihim na natawa sa tinuran niya. Hindi ko alam kung saang lupalop ito ng mundo nanggaling at tila ba hindi nakakain ng ilang linggo. "Ano? Kaya pa ba?" tanong ko nang maubos niya ang laman ng pinggan niya. "Sabihin mo lang kung gusto mo pa. Ako na mismo ang mag-oorder para sa 'yo?"Natawa siya sabay punas ng kanyang bibig gamit ang table cloth. "Wag mo 'kong binibiro ng ganyan, Theo. Papayag kaagad ako," aniya at uminom ng tubig. "Pasensya na. Magmula kasi nang makapagtapos ako ng college ay hindi na ako nakatikim ng mga ganitong pagkain. Pinagbawalan ako ng girlfriend ko. Hindi naman ako makapagreklamo dahil tiyak na lagot ako kapag nagkataon."Marahan akong tumango. "Iyon pala ang rason. Aminado 'ko, tama ang girlfriend mo. If you co
Samantha's POV"Anong ginagawa mo rito?" bungad kong tanong kay Vince nang lapitan ko siya.Nginitian niya ako sabay nguso sa dalawang batang nakasakay sa carousel. "Ilang araw na kasing nagmamaktol ang dalawang 'yan na dalhin ko sila rito. Wala silang ibang ginawa kundi ang kulitin ako ng kulitin, kaya napilitan ako."Natawa ako at tumango. Muli ay ibinaling ko ang tingin ko sa dalawa na sa mga sandaling iyon ay tuwang-tuwa. It's been so long since I last saw them. Naalala ko pa nang mga panahong wala silang ibang inabangan kundi ang pagpunta ko sa bahay ng tiyuhin nila. I wonder kung kamusta na sila lalo na ang pag-aaral nila. Umiling ako. Ang bilis ng panahon. Noon lang ay magkasama naming pinaplano ang magiging future namin ni Vince. Ngayon ay magkaiba na ang mundong ginagalawan namin. "Ikaw? Anong ginagawa mo rito?" tanong niya. "Kasama mo ba ang asawa mo?""Oo," mabilis kong sagot. "Meron siyang kausap sa cellphone niya at sinabihan ko na rin siya na bumili ng makakain."
Theo's POVSaktong alas-siete ng gabi nang makarating ako sa coffee shop kung saan namin napag-usapang magkikita ni Aljulmi. Kung tutuusin ay inaasahan kong mag-uusap lamang kami sa phone.But then, he suggested na mas makabubuti kung magkikita kami ng personal at nang makapag-usap kami ng maayos at masinsinan. A minute later after I sat down sa napili kong pwesto ay dumating na siya. Ang kanina na nananahimik na lugar ay bigla na lamang nabulabog dahil sa ingay ng bunganga niya. I can't believe na hanggang ngayon ay dala-dala pa rin niyang ang ugaling meron siya noong high school kami. Always the loudest one.Tumayo ako sa kinauupuan ko at sinalubong siya. "Theo!" bulalas niya at mabilis pa sa alas-kuatrong tinapik ang braso ko. "Kamusta na? Long time no see!"Napangiwi ako dahil sa lakas ng pagkakatapik niya sa akin."Kung gaano ka kaliit, ganon din kalakas 'yang boses mo," anas ko na agad niyang ikinahagalpak. "Halatang-halata na wala ka pa rin talagang pinagbago. Ugali mo noon
Samantha's POVTila ba nabuhay ang natutulog kong dugo nang tuluyan na rin kaming makarating sa pupuntahan namin. Sa pagbaba ko sa kotse ay agad na nagningning ang mga mata ko nang mapagtanto ko kung saan ako dinala ni Karlo. It was a Fiesta Carnival. Napatutop ako sa bibig ko kasunod niyon ay ang pagsilay ng matamis na ngiti sa mga labi ko. Noon pa man ay wala akong ibang hiniling kundi ang makarating sa ganitong klaseng lugar. I know, it sounds childish and immature. Pero ano bang magagawa ko kung isa ito sa mga nasa wishlist ko?Hindi kalaunan ay nabali ang pagmamasid ko sa kabuuan ng lugar nang maramdaman ko ang paghapit sa akin ni Karlo sa bewang ko. I turned to him only to find out that he's already staring at me. Nginitian ko siya at ganoon din siya sa akin. Bagamat inis ako sa kanya dahil sa kung ano-anong mga pinagsasasabi niya kanina ay hindi ko naman maiwasang hindi matuwa sa ginawa niya ngayon. "Nagustuhan mo ba?" tanong niya habang hindi maalis-alis ang pagkakatit