Share

HE CAN KILL

Kinabukasan tinulungan nga ako ni Lily para mapalitan ang tseke at maipadala sa Davao. Halos isang oras mahigit ang inabot dahil malaki ang perang pinapalitan namin. Nakalagay nga ito sa atache case. Nagpadala agad ako sa kanila ng 50,000 para magastos nila.

Namili din ako dahil kinulit ako ni Lily. Mag-enjoy daw ako sa blessings para sa akin. Paglabas namin ay diretso agad kami sa tinutuluyan ko.

Buong hapon lang ako nakatitig sa pera sa harapan ko.

"Gwen, ayos ka lang dyan? Baka kainin mo ang pera dahil sa dami."

"Naguguluhan pa din ako Lily. Anong gagawin ko dito?"

"Eh di gastusin."

Kahit kailan wala talaga siyang matinong suggestions sa akin. Napailing nalang ako. Tumunog ang phone ko. Binuksan ko agad ang message. Bumungad agad sa akin ang text ni Julian.

"Miss Gwen, may gusto sana akong sabihin sayo. Sa personal sana."

Nagreply naman ako kaagad dito. Nakasilip si Lily sa akin.

"Palagay ko crush ka ni Julian bestie. Palaging nakangiti pag nakaharap ka."

"Gaga! Baka friendly lang."

"Friendly ka dyan. Ewan ko sayo. Minsan tanga ka o kaya manhid."

Akala niya hindi din siya ganun. Dumating na ang gabi at maaga kaming naghapunan sa maghanda papasok sa trabaho.

"Eh, Gwen, iiwan lang ba natin ang pera dito? Marami pa namang magnanakaw."

"Hindi naman siguro. Isasarado naman natin at ang landlady naman ay hindi nagpapasok ng kung sino." Tumango ito bilang pagsang-ayon. Pagkatapos maghanda ay nagsimula na kaming lumakad palabas para maghintay ng taxi.

Nakakita naman agad kami at sumakay dito. Tahimik lang kami buong biyahe dahil busy si Lily sa pagkalikot ng phone niya. Malamang kausap si Jake. Ayaw pa umamin ng babaeng ito na hulog na hulog siya.

Nakarating kami sa club ng napakaaga. Sinalubong ako agad ni Julian. May sasabihin nga pala ito sa akin. Dinala niya ako sa may iskinita pero may liwanag mula sa poste.

"Ano ba sasabihin mo Julian?"

"Miss Gwen, alam mo kasi, paano ko ba ito sasabihin,"nalilitong sabi nito. Nagsisimula na akong mainis.

"Sasabihin mo ba o hahayaan mong bumaho ang hininga mo."

"Miss Gwen, gusto kita. Ayun! Nasabi ko rin."

Nagulat ako sa rebelasyon niya. Wala pa kasing nagtatangka umamin sa akin or wala talagang may gusto sa akin.

"Julian kasi," pinutol ako nito agad. Tindi din niya para pigilan akong magsalita.

"Alam ko, Miss Gwen, may priorities ka. Handa akong maghintay pero hayaan mo sanang ipakita ko sayo kung anong intensyon ko sayo."

"Julian, wala akong maipapangako sayo. Hahayaan kitang ipakita yang nararamdaman mo."

Napangiti agad ito sa sinabi at nauna pang umalis sa akin. Napailing nalang ako sa kanya. Manghuhula yata si Lily. Naglalakad ako pabalik at isang nanlilisik na mata ang nakatingin sa akin. Napahawak ako sa dibdib at punong-puno ito ng kaba.

Bakit siya ganun magalit? Jowa ko ba siya? Naabutan ko ang lahat na abala sa pagbibigay ng orders. Nagsimula na din akong magtrabaho.

Lumipas ang mga araw hindi na nagpaparamdam yung misteryosong texter ko at admirer. Mabuti na din siguro kung ganun para hindi na ako mag-aalala.

Minsan lumalabas din kami ni Julian at tinutukso nga kami ni Lily. Sweet naman si Julian kaya lang hindi ko talaga alam kong may pag-asa ba siya sa akin. Panay sabi nitong maghihintay sa akin.

Halos isang linggo na din kaming lumalabas ni Julian. Isang araw sabay kaming umuwi dahil gusto niya daw safe ako. Sobrang caring niya talaga. Nang bumaba kami dalawang lalaki ang humarang sa amin. Kumapit ako kay Julian. Isang pamilyar na pigura ang sumalubong sa akin. Nakamaskara pero alam kong siya yun.

Kinuha nila si Julian.

"Anong kailangan niyo sa akin?! Sa amin,"galit na sabi ni Julian dito. Sinuntok nila ito sa sikmura kaya napaupo ito sa sementadong daan. Wala halos tao dahil malalim na ang gabi. Gusto ko sana ito tulungan pero may nakahawak sa akin. Halos hindi na nakatayo si Julian dahil sa bugbog.

"Please maawa kayo sa kanya. Tama na,"umiiyak kong pakiusap dito. Hindi sila nakinig bagkus hinawakan nang isa si Julian at ang misteryosong lalaking nagpapadala ng rosas sa akin ay hinawakan ang panga nito.

"You have the guts to touch her! I'm so tempted to kill you the moment she ride on your motor bike! I'm thinking your just being kind! You cross the line,"sabay suntok nito sa mukha niya. Napaubo ng dugo si Julian. Naiiyak nalang ako sa nasaksihan.

"You shouldn't live long! But first, apologize to me asshole! Bend your knees,"utos nito sa kanya. Nakaluhod sa harapan si Julian. Hinang-hina na ito.

"Please pakawalan niyo na siya! Wala siyang ginawagawang masama."

Napaiyak ako habang sinasabi yun. Bakit nagkaganito?

"Darling I hate rivals and touching my property. This stupid guy, should pay!"

"Hayop ka! Wala kang karapatan gawin yun at di mo ako pag-aari!"

Imbes na makinig ito sa akin sinipa niya ulit si Julian direkta sa mukha. Natumba ito sa sementadong daan. Pilit akong nagpupumiglas ngunit mahigpit ang hawak sa braso ko.

"Please tama na!"

"You like him that much darling? Well, unluckily he will go to hell so early. Sorry for that,"binaril Niya ito sa ulo na halos nabingi ako sa tunog nito.

Umagos ang dugo ni Julian sa daan. Bakit nabingi ang mga tao rito? May pinatay na nga bakit ayaw nila tumulong.

"Bring her to the car! Jerome, clean this mess and make sure CCTV videos are deleted. I don't want my hands dirty again."

Tumango ang tinutukoy niyang lalaki at walang habas na binitbit ang katawan ni Julian. Pinipilit nila akong ipasok pero nagpupumiglas. May tinakip na panyo sa mukha at tuluyan na akong nawalan ng malay. Siguro kamatayan ko na nga ito.

Nagising ako sa isang kwarto. Isang kwarto na may malaking kama na natatakpan ng pulang bed sheets at isang unan. Mapula din ang kumot. Ang bintana naman ay may pulang kurtina na sobrang haba. Hindi ito nakabukas.

Kusang tumulo ang luha ko dahil naalala ko ang pangyayaring naganap kanina. Bakit kailangan gawin yun kay Julian? Kasalanan ko ito bakit siya napahamak. Paano na ang pamilyang naghihintay sa akin? Kaya ko pa bang lumabas na madilim na lugar na ito?

Kaugnay na kabanata

Pinakabagong kabanata

DMCA.com Protection Status