Share

Roses and A Deadly Note

Pagpasok ko para sa duty ay sinalubong ako ng isa sa mga kasamahan ko at may iniabot sa akin. Isang bouquet ng roses at may black card pa.

"Kanino galing 'to Kelly?"

"Hindi ko alam girl. Basta may delivery boy na nagbigay at sinabi ang name mo kaya tinanggap ko na."

Lumapit din sa akin si Lily. Tiningnan ako nito na parang imbestigador dahil may hawak akong card at roses.

"Huwag ka ng magtanong dahil ako wala ring ideya kung sino ang nagbigay nito."

"Baka may nanliligaw sayo. Shy type lang siguro kaya may paganyan-ganyan."

"Ewan ko. Ilagay ko muna ito sa pantry natin."

Dinala ko nga ito at inilapag doon. May ilang customers na ding pumapasok at nagsimula na kaming kunin ang orders nila. 8:30 pm na din kasi. Pagkatapos ng ilang orders ay umupo ako saglit.

Tumunog ang cellphone ko. Tumatawag si Matteo gamit ang binigay kong cellphone sa kanila.

Sinagot ko agad ito baka emergency dahil gabing-gabi na at tumawag pa sila.

"Matteo, bakit?"

"Ate, si Nanay dinala namin sa hospital. Malubha na siya ate."

"Papaano? Hindi na ba niya iniinom ang gamot."

"Ate, naubusan si Nanay. At saka noong isang araw kumuha ito ng labada."

Naglakad ako palabas ng club para luminaw ang usapan namin.

"Bakit siya kumuha," tigas talaga ng ulo ni Nanay. Napasandig ako sa pader sabay kagat sa pang-ibabang labi. Ang hirap doon wala pa akong sahod. Saan ako kukuha? Sinabi ko sa kanila na gagawa ako ng paraan pero wala naman akong maisip na solusyon.

Napaupo na lang at umiyak ako. Bakit ako pinaparusahan ng ganito? Isang pares ng paa ang nakita ko sa harapan. Napaangat ako ng tingin. Isang nasa lagpas 40 ang nabungaran ko.

"Kuya, hindi ako hostess kaya pasensya na."

"My boss give this check to you. Accept it cause he hate rejections." Nagdalawang-isip ako pero hindi umaalis ang lalaking ito sa harapan ko. Tinanggap ko nalang ito. Wala naman akong choice dahil kailangan ko rin. Umalis na din pagkatapos magbigay ng check. Tiningnan ko ang nakasulat. Company name lang ang nakalagay.

Tumunog ang cellphone ko.

"I hate seeing you in tears darling but I will give luxury you deserve. Just be good girl okay?"

Ito ang text nito natanggap ko. Siya pala ang nagbigay ng pera. Pumasok ako ulit sa loob.

"Gwen, bakit ka nasa labas? Hinanap ka ng mga customers."

"Sorry Madam A."

"May problema ka ba iha?"

"Okay na po. May solusyon na ako."

"Mabuti naman iha. Sige bumalik ka na sa trabaho mo." Umalis na din si Madam sa harapan ko. Nagsimula na akong magserve ng drinks nila. Paminsan-minsan pinapainom nila ako. Hindi naman ako makatanggi dahil ang kukulit nila pero hindi naman sila bastos.

Medyo nabawasan na ang mga customers at ang iba naman ay sumasayaw na. Naupo ako sa bar counter. Nakita ko si Julian na busy sa pag-aayos ng alak at mga baso.

"Miss Gwen, mukhang napapagod ka na."

"Medyo. Kailangan kumayod eh."

"Miss Gwen, pwede kita pasabayin mamaya."

"Hindi na Julian. Baka sabay na kami ni Lily."

"Okay."

Iniwan ko muna siya at tiningnan ang bulaklak at black card para malaman kung sino ang nagbigay nito.

"Flowers for my darling."

Sobrang bango ng card nakakaantok. Inilagay ko ito ulit at inamoy ang bulaklak. Mabango din.

Bumalik ako ulit sa trabaho at pagkatapos ng shift ko ay magkasabay kami ni Lily dahil wala raw sila schedule ni Jake.

"Nalaman mo na ba kung sino ang misteryosong nagbigay ng rosas at itim na card sayo?"

"Hindi na. May tatanong sana ako bestie sayo?"

"Sige. Tanong ka na."

Nakapara na siya ng taxi at sumakay agad kamj pero tuloy-tuloy ang usapan namin.

"May alam ka bang pwedeng papalitan ng tseke?"

"Tseke? Bakit?"

Iniabot ko ang check sa kanya at tiningnan niya ito. Nalula din siya sa laki ng pera.

"300,000?!!"

Tinakpan ko agad ang bibig niya. Nakakahiya kay manong. Wala talagang preno ang bibig niya.

"Hindi mo kailangan sumigaw? Magkalapit lang tayo. Hindi ko rin alam ang gagawin. At saka kailangan ko din ng pera para kay Nanay dahil malala na ang kondisyon nito."

"Nandyan na nga tayo pero paano kung tumalbog lang ito at pinagtripan ka lang ng nagbigay eh di sayang ang effort natin."

"Eh basahin mo ang pangalan ng kompanya at yung nag-abot sa akin niyan talagang seryoso siya."

"Merrick Steel Industries. Teka bestie, malaking company nga ito. Bakit ka naman niya bibigyan?" Napailing nalang ako.

"Lily, baka ang nagbigay nitong bulaklak at card sa akin ay iisa kasi pagkaabot ng check na yan, nagbigay niya ng text sa akin."

"Eh, ano naman sinabi?"

""I hate seeing you in tears darling but I will give luxury you deserve. Just be good girl okay? Yan ang eksaktong sinabi niya."

Natawa si Lily. Naguguluhan na nga ako malakas pa ang topak ng babaeng ito.

"Sorry bestie, ang corny niya pero ang sweet."

"Demanding din," dagdag ko pa. Narating namin ang boarding house ng 40 minuto. Tumingin ako sa paligid baka may nakasunod sa amin pero wala naman kahit mumu.

Si Lily ang nagbukas ng boarding house at pumasok kami kaagad. Naupo ako sa kama.

"Bestie, ayos ka lang?"

"Sa tingin mo bestie, ano kailangan niya sa akin?"

"Ang pagkababae mo."

"Grabe naman yun."

"Hay naku, ang lalaki gumagastos lang yan sa babae pag may gusto silang kunin. Eh di ano pa nga ba? Yang natatakpan ng panty mo syempre."

Binagsak ko ang sarili sa kama. Tiningnan ko ulit ang tseke. Kabaliwan na ang nangyayari sa buhay ko.

"Gwen, magpahinga ka nalang. Tutulungan kitang mapalitan yan at maging ready ka sa anumang consequences."

"Okay good night. Matulog na tayo."

Ipinikit ko ang mata ko. Bukas ko nalang siguro iisipin ito dahil baka mabaliw na ako ng tuluyan. Ang bilis makatulog ni Lily. Hindi na nga nakapagpalit. Kinuha ko ang damit ko at nagpalit agad. Umupo ako malapit sa mesa at binuksan ko ang cellphone. Nagsimula na akong magtype ng mensahe. Binura ko ulit.

"Salamat sa tseke. Paano ba ako makakabayad?"

Nagreply naman ito kaagad.

"Just be a good girl and soon you can repay me. Sleep darling. It will not be good for you."

Mas lalong gumulo ang utak ko. Bumalik na ako sa kama at sinubukang matulog. Sana maging okay na ang utak ko bukas.

Kaugnay na kabanata

Pinakabagong kabanata

DMCA.com Protection Status