Share

I'm Pregnant

Busy si Red kaya nag-isip ako ng paraan paano makakausap si Mildred. Hindi pa rin ako mapakali. Lumapit ako kay Donna ulit. "Magandang umaga Donna. Pwede ko ulit hiramin ang cellphone mo?"

Napatingin siya sa akin at nag-isip pa. ''Naku madam. Bawal daw po sa inyo makigamit ng cellphone. Pasensya na po talaga.'' Ang hirap naman nito. Ngumiti lang ako at naglakad pabalik sa sala.

Pinuntahan ko na lang si Esmael. Nakatayo lang siya sa labas. Hindi pa rin ako sanay na maraming nakabantay sa labas. Parang may giyera laging susugurin. Kailan kaya ako masasanay sa ganito?

''Ehem! Pwede kitang istorbohin?''

Nagulat itong napalingon sa akin. Ilang saglit pa, ngumiti ito ng tipid.

''Madam, kayo pala.''

''Pwede ko bang dalawin si Red? Sa opisina niya.''

Napakamot ito sa kanyang ulo. ''Wala pong sinabi si Master na pwede kayong umalis.''

''Pwede mo naman siyang tawagan di ba? Sabihin mo, namimiss ko siya. Pumayag ka na," nakangiting pakiusap ko dito. Mukha na akong ewan dito. Sana effective.
Bab Terkunci
Membaca bab selanjutnya di APP

Bab terkait

Bab terbaru

DMCA.com Protection Status