Hilam ng luha ang aking mga mata nang yakapin ako ni Aling Nina pagkatapos kong sabihin iyon sa kanila. Yakap na may pag-uunawa at kailangang-kailangan ko sa oras na iyon. Yakap na siyang naging dahilan upang mapakalma ako ng bahagya.
Grace wiped my tears and tried to give me a wry smile. Ngunit hindi ko nagawang sagutin iyon ng isang ngiti rin. Dahil sa sitwasyon ko ngayon mukhang impossibleng magawa ko pa iyon. Muling nag-replay sa utak ko ang nangyari kanina. Buong-buo, bawat detalye ay malinaw sa alaala ko.
Kaya kahit anong gawin ko ay hindi ko magawang tanggapin ang lahat. Hindi ko kayang tanggapin na makikita ko siyang may ibang kayakap. Dalawang buwan lang akong nahuli ngunit may kapalit agad ako. Dalawang buwan kong tiniis ang sakit at paghihirap nang pagkawala niya tapos ito lang pala ang madadatnan ko. Winasak niya ako sa kabila ng pagmamahal ko sa kanya.
Hindi ko hangad na masaktan ng ganito. Pinilit ko namang maging okay sa kabila ng lahat ngunit lahat humatong sa hindi ko naman inaasahan. Pinili niyang maghanap ng iba at magpanggap na hindi ako kilala.
“Nakita ko na siya pero bakit imbis na saya ang maramdaman ko, lalo lang akong nawawasak nang dahil sa kanya?”
I was dying and hurting inside from the pain that only me could understand. It was unbearable for me but I was trying. All I want is to be with him again, pero bakit hindi madaling mangyari iyon. Saya ang gusto kong maramdaman pero sakit ang ibinigay niya.
“A-Ayokong tanggapin ang nakita ko. Sa lahat nang nangyari sa buhay ko itong sakit ang ayokong paulit-ulit na mararamdaman ko. Dalawang buwan kong tiniis ang lahat, hindi ko kakayanin pa kung hahantong lang sa ganito ang lahat.” Paulit-ulit akong napailing dahil sa pagkawalan ng pag-asa at pagkadismaya. But then I remembered all our memories together. How we fight to get each other. How we shared our love together. How his concern, sweet gesture, effort and love weakend me. The way he spoiled me by his love.
Gusto kong isipin na hindi totoo iyong nakita ko. Na baka nagha-hallucinate lang ako at si Ghon ang nakikita ko sa ibang lalaking nasasalamuha ko. Simula noong mawala siya gano'n lagi ang nangyari sa akin. Kapag may lalaki akong nakikita na may hawig kay Ghon ay doon nagsisimula ang pag-ha-hallucinate ko. Kahit si Wize napagkamalan kong si Ghon.
“Gusto ko siyang makita ulit pero sa kabila ng kagustuhan kong makita siya ay ang takot na nararamdaman ko sa maaaring malaman pa," I whispered while sobbing and I know they heard it.
Ang buntonghininga at pagsinghap ni Aling Nina at ni Grace ang tanging narinig ko. Nang akma akong magsasalita muli ay bumukas ang pinto. Kasabay kong bumaling doon ang dalawang kasama ko.
Ngunit gano'n na lang ang gulat ko nang makita ang taong pumasok. Seryoso ang kanyang mukha habang papasok sa kwarto. Pinagmasdan ko siya nang magsimula siyang maglakad palapit sa akin. Mula sa pangahan nitong mukha. Sa matangos niyang ilong. Sa makakapal nitong kilay na bahagyang nakasalubong at mga mata niyong kulay asul na tila dinadala ako sa ibang dimensiyon. Ang mapupulang labi niya na lagi kong hinahanap-hanap noon.
I stopped my sobbed. I blinked my eyes to suppress my tears from coming out again. Hinawakan ko ang aking dibdib dahil pakiramdam ko ay sumasakit iyon. I tried to breathe in and out to calm myself, but I lost.
“Ghon honey...”
Nakatuon lang sa akin ang paningin niya. Habang nakatingin sa mga mata niya ay nakikita ko ang kawalan ng emosiyon at interest doon na para bang walang kahala-halaga ang kaharap niya.
“How are you?” Ghon asked huskily while looking at me. Dahan-dahang kumunot ang noo niya sa hindi malamang kadahilanan. Nasasaktan akong makita ang inis sa mukha niya na para bang gusto na niyang umalis doon at parang napipilitin lang talaga siyang pumunta doon.
Sinubukan kong bumaba ng kama ko ngunit mabilis itong lumapit at pinigilan ako. Natigilan naman ako nang muli kong maramdaman ang init mula sa kaniya. Mga boltaheng dumadaloy sa buong katawan ko.
“What are you doing? Hindi ka pa pwedeng umalis dito. Your doctor said, you need to stay here until tomorrow. I-mo-monitor nila ang lagay ng baby mo,” malumanay at may diin na wika ni Ghon sa akin. Tinaas niya ang paa ko pabalik sa kama.
“Ghon, alam kong buhay ka.” Hindi ko pinansin ang sinabi niya, agad ko siyang niyakap na kinasinghap muli ni Grace at Aling Nina.
Naramdaman kong natigilan ito hanggang naramdaman ko ang paghawak niya sa magkabilang braso ko. Inakala kong yayakapin niya ako pabalik. Na muli kong mararamdaman ang init ng kanyang yakap. But it didn't happened. I didn't get the hug and heat from him that I'm expecting to happened.
“Miss?” Malakas akong nilayo ni Ghon sa kanya dahilan upang mabitawan ko siya. Umawang ang labi ko nang tingnan siya. Lalong nagsalubong ang mga kilay niya. “Hindi ko alam kung bakit tinatawag mo ako sa pangalan na iyan. Iniisip ko na lang na baka kamukha ko ang kasintahan mo o nagkakamali ka lang talaga. Miss, ayokong maghinala ang asawa ko na may ibang babae ako kaya pwede bang tigilan mo ako sa kakatawag niyan? Even though it's not my name, I felt like I'm cheating with my wife every time I heard that name.”
“But you're already cheating with her. Simula nang maghanap ka ng iba at ipagpalit siya,” I cried then punch his chest. Hindi ko inaasahan ang sagot niyang iyon.
Kaya kong tanggapin lahat ng klaseng pangalang itawag niya pero ang tawagin ako sa pangalan na animo'y hindi niya ako kilala? Anong kalokohan ito?
Nakita ko ang pagkunot ng noo niya lalo. Nakagat ko ang pang-ibabang labi. Walang nagbago sa mukha niya. Kung ano ang mukha niya noon gano'n din ngayon. Bawat parte at hulma walang nagbago sa kanya. Naaksidente ba talaga siya? Dahil sa nakikita ko mukhang okay naman siya.
“Miss, I don't know what you're talking about,” mariing wika ni Ghon. Umiiling-iling na umatras ito. “Nandito lang talaga ako para makibalita sa lagay mo dahil masyadong nag-aalala sa'yo ang asawa ko. Ayaw niya akong tigilan kakatanong kung ano ba ang lagay mo. Ngayon na alam kong okay na kayo ng anak mo ay aalis na ako. Ayokong naghihintay ng matagal sa bahay ang asawa ko.” Saka siya tumalikod at naglakad palayo sa akin.
Tumango ako. My heart was filled with too many emotions that I couldn't contain. Gusto kong sumabog dahil sa sobrang sakit. Naghalo-halo na ang lahat ng emosiyon na nararamdaman ko.
“A-Ayaw mong maghintay ng matagal ang asawa mo? Pero hinayaan mong tumagal ng dalawang buwan ang pagkawala mo, Ghon. Hinayaan mo akong maghirap ng dalawang buwan.” I cried until my eyes worn out. Hanggang wala na akong mailuluha pa. Hanggang maubos na maging ang kaunting lakas na meron ako. Muling lumapit sa akin si Aling Nina at Grace, muling niyakap ng puno ng pag-alala.
Lumabas din ako ng hospital kinaumagahan. Kasama ko si Aling Nina, hindi na sumama si Grace dahil may pasok ito. Nakaalalay ito sa akin habang papasok kami sa bahay nila. Dinala niya ako kwarto ni Grace na pinahiram muna sa akin. Magkatabi silang matulog ng kanyang anak sa isang kwarto.
“Dalawang buwan na ang nakakalipas ng ipakilala siya ni Lore sa amin. Mabait na bata si Lore, nag-iisa na lang sa buhay pero kayang tustusan ang pangangailangan. Namatay na ang magulang niya bata pa lang siya. Ayaw niyang sumama noon sa mga taong gustong kumupkop sa kanya. Sa murang edad ay natuto itong magtrabaho para sa sarili. Kaya lahat kami napapahanga ng batang iyon. Hindi din iyon mahilig sa mga lalaki kaya nang ipakilala niya si Tame bilang asawa niya ay nagulat kami. Sa kabila ng gulat namin ay masaya din kami para sa kanya dahil sa wakas ay may nakilala na din siyang lalaki na magmamahal at mag-aalaga sa kanya.” Habang nakatingin sa kisame ay naalala ko ang sinabi ni Aling Nina nag pauwi kami.
“Pero kung tama ngang asawa mo si Tame ay nakakalungkot isiping maling lalaki nga ang napili niya. Ngunit paanong gano'n ang trato sa'yo ng asawa mo?”
Gusto ko mang sagutin ang tanong niya ay wala din akong maisagot doon. Dahil kahit ako hindi alam kung bakit. Sa pagkakaalala ko kasi ay wala akong naging kasalanan sa kanya, wala akong naging pagkululang. Sa kabila nang lahat ng ibinigay ko ay hindi ko alam na kulang pa pala iyon para sa kanya.
Mariin kong ipinikit ang mga mata ngunit ang mga matatalim niyang asul na mga mata ang aking nakita. Pakiramdam ko lahat ng ito ay isang ilusyon lang. Mas lalong gumulo ang sitwasyon ko nang makita ko siya. Hindi naman kasi ito ang inaasahan kong mangyari. Na para bang lahat may mali. May mali sa mga bagay-bagay simula nang tumungtong ako sa lugar na ito. May mali sa lahat ng pangyayari.
Kailangan kong alamin ang lahat bukas. Paano kong hindi pala siya ang Ghon ko? Paano kung kamukha lamang niya ito kaya gano'n na lang ang naging asta nito sa akin? Ayokong makasira ng relasiyon kung sakaling mali ako.
‘Mali, Rain? Paanong mali ka? Kung bawat hulma at hugis ng mukha niya ay si Ghon? Walang nagbago sa kanya maliban sa umitim lang siya ng bahagya. Siya ang Ghon mo, wala ng iba. Ngayon ka pa ba maghihinala?’
Ilham POVPatungo pa lamang si Ilham noon sa Batangas noon para sa isang property na bibilhin niya. Kailangan niyang tingnan muna iyon bago pumirma ng kotrata sa kanila. Plano niya kasing gawing rest house iyon. He's readying for his future. Gusto niya kasing naka-settle na ang lahat para sa magiging pamilya niya para kapag nahanap na niya ang babaeng para sa kanya ay may maiiwan siya para sa mga ito. “Pagkatapos ko sa Batangas ay babalik ako diyan. Hindi naman ako magtatagal. Tsk!” Kausap niya ang doktor niyang kaibigan sa Australia. He's also a Filipino kaya nakakaintindi ng Tagalog. “Make it sure, Ilham. The last time na sinabi mo iyan, dalawang linggo mong tinupad!” inis na sigaw nito sa kanya. Hindi maiwasang mapangisi si Ilham. Daig pa kasi nito ang babae sa tinis ng boses nito. Kasalanan ba niya kung may binabantayan siyang tao kaya siya nagtagal sa Pilipinas? Umiling-iling na pinatay niya ang tawag pagkatapos magpaalam. Pagkarating niya ng Batangas ay agad niyang pinuntah
Haera was smiling while looking at the sunset in front of her. The laugh and chitchatting of her family and kids was filled the whole place. Years has past, she's slowly accepting that Ilham Pratama was really gone forever. Hindi na niya ito mahahawakan o mayayakap pang muli.Ngunit sa nangyaring iyon, natutunan ni Haera na kahit sa sandaling mga sandali ng pagmamahal ay nag-iwan ng walang hanggang bakas, and her heart was thankful para sa maikling oras na kanilang ibinahagi sa isa't isa.In the intricate tapestry of life where moments are woven with delicate threads of memories, she discovered, with a heart heavy with both sorrow and love, that her time with Ilham, although painfully brief, shimmered with an intensity and depth that many might never experience in a lifetime, teaching her the bittersweet truth that sometimes, the most profound joys are those that are fleeting, yet they leave an indelible mark on the soul.Mahirap man nang una dahil nasanay siyang laging nakaalalay si
After the wedding ay nagtungo na sila sa reception. Labis ang saya at emosiyon ang naramdaman ni Haera sa oras na iyon, ganoon din si Ilham. Because she's finally a Mrs. Pratama, for real.Kaya hindi maalis ang ngiti sa labi nilang pareho. Nakasandal si Ilham sa kanya habang nilalaro nito ang kamay niya. She kissed his cheek everytime he was poking her hand.“After the reception, can we go somewhere else? In our favorite place,” he finally talk that make her stunned.Mula nang umalis sila sa simbahan ay panay lamang ang ngiti nito. Ngayon namang nagsalita ito ay mas gugustuhin na lamang niyang tumahimik ito hanggang mamaya. She doesn't want to hear what he gonna say, dahil alam niyang hindi niya iyon magugustuhan.“Not now, Ilham please.” Nawala ang ngiti na kanina'y hindi mawala sa labi niya. Bumagsak ang balikat at malalim na bumuntonghininga.Pinagsalikop ni Ilham ang kamay nilang dalawa. Ayaw niya itong tingnan dahil natatakot siya, natatakot siyang baka bigla na lamang siyang hum
Nang gabing iyon ay hindi sila nagtabi ni Ilham sa pagtulog. Si Gelle ang tumabi sa Daddy nito samantalang siya ay natulog katabi nang Mommy niya. Kinaumagahan ay sunod-sunod na dumating ang mga mag-aayos sa kanya. Kaya habang naliligo ay hindi maalis sa kanya ang ngiti niyang mula pa yata kagabi. Pakiramdam niya mula pagtulog ay nakangiti pa din siya. “Ang blooming naman nitong anak mo, Mare!” Paglabas niya ng banyo ay iyon ang bumungad sa kanya.“Hindi kami mahihirapan dito, kahit simpleng makeup ay maganda na itong anak mo,” sabi naman ng makeup artist sa kanya. Bahagya siyang tumawa. Lumapit naman ang mga ito sa kanya at sinimulan na siyang ayusan. Pati ang Mommy niya ay inayos na din ng mga ito. Her bridesmaid was Grace and Craine, at sa groomsmen ay ang kaibigan ni Ilham. Ayaw kasi si Wize dahil kaibigan din nito si Ghon. Hindi na niya iyon pinilit pa. “Si Ilham, Mom?” she asked. “May nag-aayos na sa kanya. He's with his groomsmen kaya huwag ka nang mag-alala.” Tumango siya
Nagising si Haera kinaumagahan dahil sa pilit na mag-alis ni Ilham sa yakap niya. Pilit itong huwag maubo dahil ayaw siyang nagising nito. Nangunot ang noo ni Haera at mabilis na iminulat ang mga mata, na natuon naman agad iyon sa kanyang Fiance na sumusubok na tumalikod at doon umubo.Lumapit siya at hinaplos ang likuran nito. “Babe, are you okay?” nag-aalala siya. Ilham nodded, he can't speak because of his cough. Maluha-luha niyang hinaplos ang likuran nito ngunit nang lumakas at parang nag-iba ang klase nang pag-ubo nito ay tumayo siya at tinakbo ang pinto. Tuloy-tuloy na pagtulo ang luha niya dahil sa kaba ngunit pilit niyang pinapatatag ang kanyang sarili. “Doc, Mommy, si Ilham po!” she shouted loudly habang nasa hamba ng nakabukas na pinto. Bumalik siya sa kama nang marinig ang sunod-sunod at malakas na yabag patungo sa kwarto nila. Natigilan si Haera nang makita ang kung ano sa kamay nito. Tinatakpan ng kamay nito ang bibig habang umuubo ngunit nang tingnan nito ang kamay
Pagdating nina Haera sa Australia ay agad na siyang dumeretso sa hospital na sinabi ni Grace. Hindi na inalintana ang pagod sa byahe. Sinundo sila ng tauhan ni Ghon. Doon niya lang nalaman na may bahay at business din pala ito doon. “Magpahinga muna kayo sa bahay mo,” pagod niyang wika kay Ghon na kanina pa napapansin niyang nakatitig sa kanya. “Puntahan niyo na lang ako mamaya dito. Let the kids rest muna. I will stay here and find Ilham.” Hindi na niya hinintay pa na sumagot ang mga ito at lumabas na ng kotse. Mabuti na lang at tulog na ang mga bata. Walang lingon-lingong naglakad siya papasok sa loob. Ngunit hindi niya inaasahan na habang naglalakad ay binati siya ng mga nurse o mga nagtatrabaho doon. Gulat ang mga itong makita siya ngunit nagawa pa ring batiin siya.“Mrs. Pratama,” someone called him.That's it. Nakilala siya bilang asawa ni Ilham. Bahagya siyang napangiti at labis ang pagpipigil na huwag umiyak sa harap ng mga ito. “W-Where's my husband? Si Ilham?” Nang lumap