Napatitig si Avi sa divorce paper na nasa ibabaw ng mesa. Nang bumaba ang kaniyang tingin, agad niyang nakita ang pirma ni Silvestre sa papel.
Dahan-dahan siyang nag-angat ng tingin at nanubig agad ang kaniyang mga mata.
May kung anong nagbabara sa kaniyang lalamunan.
Nakatayo si Silver sa may pinto, nakatalikod sa kaniya't nakatingin sa malawak na hardin.
Parang binalot ng lamig ang kaniyang puso nang mapagmasdan ang likod nito. Matuwid ang pagkakatayo, ang isang kamay ay nasa bulsa, at kahit sa simple nitong postura ay napaka-guwapo pa rin nitong tingnan.
Kahit ang likod nito'y maayos at maganda ang hubog. Tila nagpapahiwatig na kahit na saang anggulo ay wala itong kapintasan.
“I have signed it,” basag nito sa katahimikan.
“You should do the same as soon as possible. Babalik na si Arsen. And all the legal procedures should take place, para mapadali ang paghihiwalay natin.”
Hindi pa rin ito humarap sa kaniya, pero nanunuot sa kaniyang puso ang malamig nitong tinig.
“And about the property, we did a notarization about it before marriage. There's no question of property division.”
Tumigil ito saglit.
“But as compensation, I will give you 20 million, and a villa in East Coast.”
Sigurado na nga si Silver sa desisyon nito. Pinalis niya ang kaniyang luha.
“I'm not taking anything. H-hindi ko gagawin ‘yon.” Nanginig ang kaniyang tinig.
Nakita niyang natigilan si Silver.
Umayos ito ng tayo, ngunit hindi pa rin humarap.
“You have to take it, I'm giving it to you. If you're leaving the house without anything, mas lalong mahirap na magpaliwanag kay Abuelo.”
Parang may humawak sa puso ni Avi dahil sa sinabi nito.
Piniga iyon dahilan para mahirapan siyang huminga.
“H-how about Abuelo? Alam n-niya ba na gusto mong makipaghiwalay?”
“It doesn't matter.” Ani Silver.
“He wouldn't be able to affect my decision now.”
Parang nanghina ang kaniyang tuhod. Kumapit siya sa gilid ng mesa at sa nanghihinang boses ay sinubukan na magsalita.
“Silver, can we... not get divorced?” Pagmamakaawa niya.
Sa wakas, humarap na ang lalaki sa kaniya at tiningnan na siya nito.
Ngunit malamig ang mga mata nito. Tila may yelong nakabalot sa lalaki.
Ganunpaman, hindi pa rin nakatakas sa kaniyang paningin ang manipis nitong labi, mahabang pilik-mata, makapal na kilay, at matangos na ilong na parang ipinintang obra ng isang perpektong pintor.
He looks immaculately handsome.
Parang lumulubog ang kaniyang puso. Ngunit sa kabila ng pagkalunod no’n ay handa pa rin siyang ilaban ang nararamdaman para kay Silver.
“Why?” Kunot noo nitong tanong.
Ikinuyom niya ang isang kamay.
“Dahil ayaw ko.” Mahina niyang saad.
Mas lalong nagsalubong ang makapal na kilay ng lalaki.
“Silver... Mahal kita.”
Muling tumulo ang luha sa kaniyang mga mata. Mas lalong sumikip ang kaniyang dibdib.
“I love you, and I still want to be your wife... K-kahit na hindi mo ‘ko mahal. I would do everything for you and—”
“Stop it, Avi.”
Mas lalong dumilim ang emosyon sa mga mata nito.
“I already had enough. A loveless marriage is a torture for me every second.”
Nag-iwas ito ng tingin, hindi matagalan na tingnan siya.
“It was a mistake for you to marry me back then. Alam mong sumunod lang ako sa kagustuhan ni Abuelo, and you also knew that I already love someone before. We couldn't be together.”
Hindi nito ibinalik ang tingin sa kaniya.
“Now that the three-year term is up, Arsen has also returned from the country, and I will marry her.” Buo ang loob na saad nito.
Nagbaba ng tingin si Avi pagkatapos ng sinabi nito. Nag-unahang magsitulo ang kaniyang mga luha at patago naman niya iyong pinunasan.
Ngunit nakita pa rin iyon ni Silvestre, at ang kaniyang mga mata'y mas lalo lamang na dumilim.
Biglang nabasag ang katahimikan dahil sa pag-ring ng kaniyang cellphone. Mabilis niya iyong kinuha sa bulsa ng pantalon at nang makita ang pangalan sa screen ay dali-daling sinagot.
“Arsen, are you on the plane? Why would you call?” Nag-aalala nitong tanong.
Maingat at malumanay ang tono ng boses nito, hindi niya halos makilala ang narinig na tinig.
Ibang-iba sa tono na palaging ginagamit ni Silvestre sa kaniya.
“Silver,” narinig niyang humagikhik ang kausap nito. “Nasa airport na ako, huwag kang mag-alala.”
“What? Hindi ba mamayang gabi pa dapat?”
“Hmm. I just want to surprise you, so I actually booked an early flight. Ayaw mo ba?” Nagtatampo nitong tanong.
Mas lalo pang sumikip ang dibdib ni Avi.
Ibinaling niya sa ibang direksyon ang kaniyang mga mata, pero ang kaniyang atensyon ay hindi niya maibaling sa iba.
“Wait for me, Arsen, I'll pick you up now!”
Pagkatapos sabihin iyon, ibinaba ni Silvestre ang telepono at nilagpasan siya na para bang isa lamang siyang hangin.
Naiwan siya roon mag-isa, hindi pa rin halos makagalaw.
Silver is already gone.
Ngunit ang amoy nito'y nanatili sa kaniyang tabi. Muling nagsitulo ang kaniyang mga luha.
She spent a decade of secretly loving him. Tatlong taon na silang kasal, at pinagsilbihan niya ang lalaki at ang pamilya nito nang walang kapaguran sa loob ng tatlong taon.
Minahal niya ito ng sobra-sobra, halos kinalimutan niya ang lahat para kay Silver. Ngunit sa huli, ito lamang ang matatanggap niya.
Ngayon, parang bilanggo na sa wakas ay nakalaya, mabilis na iniwan siya ng lalaki para puntahan ang totoong mahal nito.
Ariel Sendyll Espejo. The woman he dearly loved.
Sobrang sakit ng kaniyang nararamdaman, na pakiramdam niya'y hindi sapat na umiyak lang para mabawasan ang sakit.
Huminga siya ng malalim, mapait na ngumiti at umiling. Ang kaniyang mga luha ay tumulo sa papel na nasa mesa dahilan para mabasa ang pirma ni Silvestre sa divorce agreement.
Nang gumabi, dinala ni Silvestre si Arsen sa kanilang tahanan.
Nasa dining area na siya't naghahanda ng pagkain nang mamataan niya ang pagpasok ni Silvestre kasama ang babae.
Ibinaba niya sa mesa ang babasaging plato habang sinusundan ng tingin ang dalawa.
“Arsen!”
Sinalubong ng pamilya ni Silver ang kasamang babae. Ngumiti ito, pero kapit na kapit pa rin sa braso ni Silver.
Nakita niya ang pagkibot ng labi nito, tila may sinasabi kay Silver.
“Silver? Is this okay? You haven't divorced yet, narito pa si Avi?”
Dahil sa pagbulong ni Arsen, nagbaba ng mukha si Silver, pinapakinggan ng mabuti ang sinabi ng babae.
“She might resent me if she saw me.” Mahinang saad nito.
Umiling si Silver.
“She won't.” Nangangakong saad ng lalaki.
Walang pag-aalinlangan nitong idinagdag ang magpapanatag sa loob ni Arsen. “I don't love her, and she knows it. I already made it clear to her, we are just in a contractual relationship, she has to know her limits.”
Pinalibutan na ng pamilya ni Silver si Arsen kaya hindi na nila napansin ang paglapit ni Avi.
Narinig nito ang lahat ng kaniyang sinabi.
Contractual marriage?
Kinagat niya ang ibabang labi.
Ibig din bang sabihin no’n magpipikit-mata lang siya sa pagdala ni Silver sa babae nito dito sa kanilang tahanan?
Umiling siya, mabilis ang kaniyang hakbang pabalik sa kusina. Tinanggal ang kaniyang apron at inilagay sa countertop.
Tama na, masyado nang natatapakan ang kaniyang pagkatao.
Marami na siyang isinakripisyo para kay Silver para maghirap lang lalo.
“Avi?” Nagtatakang napatingin sa kaniya ang kasambahay.
“Avi? Saan ka—”
Hindi na niya narinig ang sinabi nito dahil mabilis na siyang tumakbo paalis.
"Dito ka."Hinila niyang muli si Anniza hanggang sa magpalit na sila ng pwesto. Siya na ang nasa gitna at ito naman ang nasa sulok. Sa likod ng kaniyang isip, may bumubulong na huwag silang sumabay sa lalaking ito. Na umalis na sila roon hangga't hindi pa sumasara ang pinto ng elevator.Ngunit matangkad at medyo malaki ang pangangatawan ng lalaki. Nakaharang ito sa may pinto at tila sinasadyang harangan ang pinto.Nakita niyang pinindot ng lalaki ang fourth floor. Sa tenth floor pa sila. Mauunang lumabas ang lalaking ito.Agad niyang inisip kung ano ang meron sa fourth floor. Hindi niya maalala kung ano ang meron do’n. Hindi siya gaanong familiar sa hotel na pinuntahan nila, dahil ang tanging sigurado lamang siya ay nasa tenth floor ang mamahaling restaurant ng hotel.Doon niya kikitain ang kaniyang date.Sumara ang pinto ng elevator. Huli na para lumabas pa. Dumagundong ang dibdib ni Aeverie, hindi dahil sa takot, kung hindi dahil sa pag-aalala para kay Anniza.Malakas ang kutob niy
Alas nuebe y media, nasa labas na silang tatlo nila Juanito. Sa kaniyang kamay ay apat na paper bag ng mga damit at alahas. Samantalang si Anniza ay may anim na paper bag ng mga damit at sapatos. Ngiting-ngiti ang babae at hindi maitago ang kagalakan sa mukha pagkatapos silang ilibre ni Juanito. Dapat ay sasamahan lamang nila ang lalaki na magshopping at tutulungan nila ito sa pagpili ng mga damit na dadalhin sa Boracay. Ngunit sila pa yata ang nakarami sa pamimili.Dahil gabi na masyado at may naghihintay pa sa kaniyang date, nagpasya siyang magpaalam na kay Juanito. Si Juanito rin ay may pupuntahan pa kaya pagkatapos nilang magpaalam sa isa't isa ay lumulan na ito sa sasakyan at agad na nagmaneho paalis.Nakatayo si Anniza sa tabi ni Aeverie, masayang kumakaway sa paalis na sasakyan ni Juanito. Ang ngiti sa kaniyang mukha ay hindi mabura.“I like him, Aeve.” Bigla'y sabi niya.“I relate to him so much. Hindi ba't sabi mo nag-iisa siyang anak ni Tita Pauline at hindi na nagpakasal si
Ala sais kuwarenta y otso na nang tingnan ni Silvestre ang kaniyang relo. Mahigit isang oras na siyang nakatayo at pabalik-balik sa labas ng opisina ni Aeverie. Ngunit hanggang ngayon ay hindi pa rin sa kaniya nagpapakita ang babae.Narinig niya kanina sa baba na may meeting si Aeverie kasama ang subordinates nito, ngunit kanina pa iyon, hindi ba? Bakit hindi pa bumabalik ang babae?"Excuse me?" Isang matinis na boses ang nagpalingon sa kaniya.Nakasuot ito ng uniform ng hotel, may dalang mga folder, at ilang kagamitan. Naglakad palapit ang babae at sinipat siya ng tingin."Why are you on this floor, Sir?"Nakasuot ng makapal na salamin ang babae. Inayos iyon bago muli siyang hinagod ng tingin, na para bang nagdududa sa kaniya."I'm waiting for Aeverie Cuesta. I have to discuss an important matter with her." Buo ang boses niyang sagot.Ngunit ang totoo, kinabahan siya ng kaunti, lalo pa't tumakas lamang siya para makarating sa palapag na ito. Eksklusibo ang palapag ng opisina ni Aever
"Kailangan mo kamo ng maisusuot at ipangreregalo?" Ngumiti siya, bigla'y may naisip. "Nakakapagod naman talaga ang pagsho-shopping lalo na kung mag-isa ka." Tumango si Juanito. Suko na siya sa paghahanap ng disenteng damit sa mga department store. Minsan ay ilang store pa lang ang napupuntahan niya ay nawawalan na siya ng gana. Hindi iyon ang hilig niya at wala rin siyang interes. Maliban sa pagpipiloto at pag-ma-manage ng hotel, wala na siyang ibang ginagawa, kaya hindi naman ganoon kahectic ang schedule niya. Naisip niyang hindi naman niya kailangan ng sekretaryo o assistant kaya tuloy, ngayon, walang mag-sho-shopping para sa kaniya. Naisip niyang saka na lamang siya kukuha ng empleyado kapag napili na niyang i-prioritize ang kaniyang mga hotel. "Anniza is here in the Philippines." Nakangiting anunsyo ni Aeverie. "She could help you. Mahilig din iyong magshopping kaya sigurado akong matutulungan ka no’n. And you won't get bored around her, Juanito." Naalala niya ang s
Sa opisina ay agad na iginiya ni Aeverie si Juanito papunta sa kaniyang lounge area. Nakangiti siya at hindi maitago ang sayang bumalot sa kaniyang puso sa kanilang pagkikita. "What do you want, coffee, juice, or tea?" Umiling si Juanito. "Hindi na, Aeve. I'm fine without any of those." Lumakad si Aeverie at naupo sa pang-isahang upuan. Tinitigan niya ng mabuti ang guwapong mukha ni Juanito. Sa isip niya'y pinupuna na niya ang mga pagbabago sa pisikal nitong anyo. Maliban sa tumangkad at naging maskulado si Juanito, halatang nagmatured din ang mukha nito. Lalaking-lalaki na ito kung tingnan, hindi na lamang parang totoy. Natawa siya sa kaniyang naisip. Noon ay inaasar niya pa si Juanito dahil madalas na baduy ang suot nito. Basta ba'y may maisuot na ito ay wala nang pakialam ang lalaki sa kung ano ang hitsura nito. Ganunpaman, kahit na hindi kagandahan ang damit nito, madalas pa rin iyong hindi mapuna dahil unang napapansin ng mga tao ang pambihira nitong kagwapuhan. M
"What's going on here?" Isang baritonong boses ang bumasag sa kanilang pagtatalo. Pare-pareho silang napatingin sa nagsalita. Kumunot ang noo ni Silvestre nang makita ang isang matipunong lalaki na naglalakad palapit sa kanila. Nakasuot ng asul na long sleeve ang lalaki, nakatupi iyon hanggang sa siko nito. Ang pares no’n ay isang puting pants na tila kumikintab pa. Matangkad ito, ngunit mas matangkad pa rin siya ng ilang pulgada. Maganda ang pangangatawan at maganda rin ang hitsura. Hindi siya pamilyar sa lalaki. "Juanito." Mahinang sambit ni Aeverie. Napatingin siya sa babae at nakita ang gulat at pagkamangha sa ekspresyon ng mukha nito. Parang sinumpit ang puso ni Silvestre nang makita ang paglalaro ng tuwa sa mga mata ng dating asawa. Agad na umahon ang pamilyar na paninibugho sa kaniyang dibdib. "Juanito!" Nang tingnan niya muli ang lalaki na bagong dating, may ngiti na rin sa labi nito. Maaliwalas ang mukha ng lalaki, at mas lalo itong nagmukhang Modelo ng isang mag