“Sir! Sir!” Nasa sala sila nang tumakbo papalapit ang isang kasambahay.
“S-si Ma'am Avi, umalis.” Kinakabahan nitong saad.
“Ano? Umalis? Kailan?”
Ibinaling niya ang tingin sa may dining area. Nasulyapan niya kanina si Avi roon.
Nakita niya pa na naghahanda ito sa mesa.
“Ngayon lang, Sir! Sinundan ko hanggang sa may gate, sumakay agad sa itim na sasakyan, Sir!”
Napatayo siya.
Nagsalubong ang kaniyang kilay at hindi makapaniwala sa narinig.
Mabilis siyang naglakad papunta sa hagdan. Umakyat siya sa kanilang kuwarto. Malinis ang buong kuwarto, ngunit napansin niya ang divorce paper na nasa sidetable. Kinuha niya iyon at nakitang pinirmahan na iyon ni Avi.
Mabilis niyang binuksan ang mga kabinet at nakita na naroon pa rin naman ang mga gamit nito.
Kumunot ang kaniyang noo, naglakad siya patungo sa teresa. Tanaw mula roon ang gate kaya nakita niya pa ang isang Rolls-Royce na mabilis ang patakbo paalis.
Naikuyom niya ang kamao.
Wasn't she reluctant to leave in the afternoon? Nakita niya pa itong umiyak sa kaniyang harap, pero ngayon, ang bilis na sumama sa iba!
Pakiramdam niya'y napaglaruan siya, kaya naman inilabas niya ang cellphone at tinawagan ang numero ng kaniyang secretary.
Ilang ring lang ay sumagot na ito.
Binanggit niya ang plate number ng sasakyan.
“Check whose car it is!”
“Yes, Mr. Galwynn.”
Nanatili siya sa teresa, masama ang tingin sa kalsada.
Limang minuto ang lumipas nang mag-ring ang kaniyang cellphone.
“Mr. Galwynn, the plate number is registered under the president of AMC Group.”
AMC... Ang panganay na anak ng pamilyang Cuesta?!
Imposible.
Galing lamang sa maliit na nayon si Avi, walang pera at hindi alam ang pinagmulan. Wala rin itong mga kaibigan at wala siyang nakilala ni isa man na malapit kay Avi sa loob ng tatlong taon nilang pagsasama.
Avi has no one.
Imposible na magkaroon ito ng ugnayan sa mga Cuesta. Lalo na sa panganay na lalaking anak ng pamilyang Cuesta.
Ngunit paano maipapaliwanag ang nangyari ngayon?
He gritted his teeth.
“But Mr. Galwynn, did you...” tumigil ng ilang saglit ang secretary. “Did you ask for a divorce from your wife today?”
Kumunot ang kaniyang noo. May nabubuhay na matinding emosyon sa kaniyang dibdib.
“Why would you ask?”
Hindi ito nagsalita.
Kaya nagpatuloy siya.
“I did. I should not wait for the New Year.”
Ang kaniyang dibdib ay tila kumukulo dahil sa matinding galit.
“But Sir... Today is your wife's birthday.” Imporma nito.
Natigilan siya dahil sa narinig.
Kaarawan ni Avi ngayon?
Hindi niya alam.
Hindi niya kailanman inalam.
Samantalang tahimik na pinagmasdan ni Avi ang madilim na kalangitan.
Mabigat ang kaniyang dibdib, ngunit maliban do’n ay wala na siyang maramdaman.
Ngunit sa ikabuturan ng kaniyang puso, tila may sumisingaw na emosyon.
Maybe... Regrets.
“Happy birthday, mi querida hermana.” Inabot ni Rafael ang kaniyang kamay at pinisil iyon.
Napatingin siya sa lalaki at pilit na ngumiti.
Palagi siyang tinatawag nitong ‘mi querida hermana’ kapag gusto nitong lambingin siya.
Hanggang ngayon ay madalas pa rin siya nitong kausapin sa Espanyol lalo na kapag naglalambing.
That sweet endearment means ‘my lovely sister’.
“I'd give you my gift later, for now, pupuntahan muna natin ang hinandang supresa ni Uriel para sa‘yo.”
Kumunot ang kaniyang noo.
“What is it this time?” Pagod niyang tanong.
Bahagyang natawa si Rafael.
“He has prepared millions of fireworks, which will be set off to cheer you up in the evening.” Sagot nito.
“I'm not in a mood to watch fireworks.” Bigo niyang saad.
Unti-unti siyang humilig sa balikat ng kapatid. Napahinga siya ng malalim at naramdaman na nag-iinit na naman ang sulok ng kaniyang mga mata.
Lumiwanag ang screen ng cellphone ni Avi, pero dahil wala roon ang atensyon ng babae, tanging si Rafael lamang ang nakabasa ng mensahe.
It's from unknown number. Kumunot ang noo ni Rafael.
Unknown number:
I already told you, you cannot take my place. Sooner or later I will take back everything that you take away from me! Are you shock to see me with, Silver? That's right, run away, and never bother us again.
Nagbaba ng tingin si Avi sa kaniyang cellphone nang mapansin na nakatingin si Rafael sa screen nito.
“Don't read it.” Pigil nito.
Mas lalo lamang siyang naging kuryuso sa sinabi nito.
Kaysa makinig ay muli niyang binuhay ang nag-off na screen. Tumambad sa kaniyang paningin ang mensahe.
Kinagat niya ang ibabang labi.
Tumulo ang luha sa kaniyang mga mata. Narinig niya ang bigong buntong-hininga ni Rafael sa kaniyang tabi.
“I told you—”
“It's okay.” Putol niya sa kapatid.
Pinunasan niya ang kaniyang mga luha.
“What? Things have come to this, and you still can't bear to let go?” Galit ngunit kontrolado nitong saad.
Hinila siya nito at agad na niyakap.
Hindi kayang tanggapin na umiiyak siya.
“Kuya, ano ba? It's my birthday today.” Awat niya sa lalaki.
“We should celebrate my birthday. Let's not talk about them.”
Nagtagis ang bagang ni Rafael. Ang pinaka-ayaw niya sa lahat ay ang nasasaktan ang kaniyang kapatid.
“I want to wreck his neck, Aeverie.”
Huminga ng malalim si Rafael.
“He doesn't deserve you, so please... Stop now. I couldn't bear to see you hurting.”
Marahan siyang tumango.
“He already killed Avi Mendoza, Kuya. Silver already killed her today.”
Kinagat niya ang ibabang labi.
Namumuo na naman ang luha sa kaniyang mga mata kaya pumikit siya.
“Gone the Avi Mendoza he knew, I'm... Back. Your mean and spoiled Aeverie Dawn Cuesta.”
Marahang natawa si Rafael. Hinaplos ang kaniyang buhok.
“We miss our little devil.” Biro nito.
Mas lalo siyang humilig sa dibdib ng kapatid.
“I miss you, too.” Bulong niya pabalik.
Tatlong taon ang sinayang niya. Tatlong taon ang isinakripisyo niya para lang makasama si Silver, sa pag-aakalang magiging sapat ang tatlong taon para matutunan siyang mahalin ng lalaki.
Ang laki ng binago niya para lang magustuhan ni Silver. Tinalikuran niya ang maraming bagay sa kaniyang buhay para lang piliin ang lalaki.
But in the end, Silver couldn't choose her the way she chose him.
Nagmulat siya ng mga mata, ngayon ay buo na ang kaniyang loob.
“I already had enough, Kuya Raf.” Saad niya.
“The pain is not worth it. I'm Aeverie Cuesta, men yield to me. People abide to my words.”
Tumango si Rafael.
“They bow down to you, Hermosa.” Bulong nito.
“So don't cry over that guy, little Princess. Cheer up, and let him see what he lose.”
Ang pamilyar na melodiya ng Le Temps des Lilas ni Ernest Chausson ay biglang nagpakaba kay Rafael habang pinagmamasdan ang kaniyang kapatid na nakatayo sa gitna ng entablado. Noong kumakanta pa si Aeverie ay isa ito sa pinakamagaling at hinahangaan ng mga vocal coach. Natural ang talento nito, hindi pinipilit at hindi na kailangan na e-pressure para makuha ang tamang tyempo at melodiya. Ngunit ilang taon nang hindi kumakanta si Aeverie. Ilang taon na nitong pinagpahinga ang boses at talento. Ngunit hindi man lang kababakasan ng takot ang magandang mukha ng babae. Nang bumuka ang bibig nito para sa intro ng kanta ay napatulala ang mga tao nang marinig na sobrang lamig ng boses nito. Naipikit ni Rafael ang kaniyang mga mata, lumuwag ang kaniyang paghinga at isang ngiti ang sumilay sa kaniyang labi. Hindi siya nagduda, natakot lamang siya… ngunit alam niya sa kaniyang sarili na malaki ang tiwala niya sa kakayahan ng kaniyang kapatid. Kaya nang magmulat siya ay tinitigan niya ang kapat
Mas lalong lumakas ang tibok ng puso ni Aeverie nang bumaba ang mukha ni Silvestre sa kaniya. She could feel it— the sudden heat and anticipation. Alam niya na kaniyang makatakas sa pagitan ng mga braso nito, kaya niyang matakasan ito… ngunit bakit hindi niya magawa? Bakit may pwersa pa rin na pumipigil sa kaniyang umiwas at lumayo? Nasaan na ang galit sa kaniyang puso? Nasaan na ang panatang hindi na niya hahayaan na makalapit sa kaniya ang lalaking ito? Nagtama ang kanilang tingin at sa sandaling iyon malinaw niyang nakita sa mga mata ni Silvestre ang pananabik na madampian ng halik ang kaniyang labi. Mas lalong bumilis ng tibok ng kaniyang puso. “Silvestre. Avi.” Ang malalim na boses ni Benito ang nagpatigil kay Silvestre sa paglapit pa lalo. Pareho silang napatingin sa kanan at nakita ang matandang sekretaryo ni Lucio. May halong gulat at pag-aalala ang ekspresyon ng mukha ng matandang lalaki. Halatang ayaw sanang makaisturbo sa kanila ngunit kailangan. Gumapang ang h
“What the heck? Are you crazy?!” Gulat niyang sigaw. “You lied to me again and again, Aeverie... Who do you think wouldn't go crazy?” “Ano bang sinasabi mo? Tyaka layuan mo nga—” nahigit niya ang hininga nang ilapit lalo ni Silvestre ang mukha sa kaniya. Hindi niya natuloy ang pagproprotesta dahil kaunting pagkakamali lang ay maglalapat agad ang kanilang labi sa sobrang lapit ng kanilang mga mukha. Hindi niya gustong mangyari iyon. The last thing she wants to happen is to get kissed by this man. Ngunit kung may makakakita sa kanila ay iisipin na naghahalikan silang dalawa. Lalo pa't bahagyang nakakiling ang ulo ni Silvestre, nakaanggulo para sa isang romantikong halik kagaya ng mga nakikita sa telenobela. Mabuti na lamang at parang hindi iyon palaging dinadaanan ng mga bisita at empleyado dahil walang ibang naroon kung hindi silang dalawa lang. “You’re a liar in nature, Aeverie Cuesta.” Naging madilim ang mga mata ni Silvestre, puno ng pait at panghuhusga nang pukulin siy
Pagkatapos na magbukas ng mga regalo ay nagpapatuloy ang masayang selebrasyon, nagbigay naman ng mensahe ang mga bisita habang inihahain ng mga waiter ang pagkain sa kani-kanilang mga mesa. Ninais ni Aeverie na mag-ayos ng makeup, kaya pansamantalang nilisan niya ang tabi ng kanyang Abuelo. Pagkatapos na makapagpaalam kay Rafael ay naglakad na siya patungo sa pasilyo na magdadala sa kaniya sa powder room. Habang naglalakad ay hindi niya mapigilan na hindi mapangiti ng may sarkasmo nang maalala ang mga pagpapahiyang inihanda nina Arsen at Fatima sa kaniya—mga hamak na pakanang puno ng kahihiyan na bumalik din sa kanila bilang karma. Those women are the real definition of b*tch*s. Hindi talaga siya tatantanan ng pamilya ni Arsen hangga't hindi siya napapabagsak. Alam niyang babatikusin siya, ngunit maswerte lamang siya at sa katangahan ng magtiyahin ay hindi nasukat ng dalawa ang isang bagay: ang pagmamahal sa kaniya ni Lucio. Too bad, the old man favored her so much. Kaya kahit na a
Humupa ang gulo. Nahila palayo ni Fatima si Arsen na halos manginig sa galit at pagkapahiya. Minabuti ngi Fatima na pauwiin na lang ang pamangkin kaysa maeskandalo pa sila. Sumingit naman ang ilang bisita sa pagbibigay ng regalo at ilang saglit pa’y nakalimutan din nila ang ginawang eksena ni Arsen. Muli ay bumalik ang galak sa puso ni Lucio. Naging magaan muli ang atmospera at marami nang regalo ang nabuksan ng matanda. Sa wakas ay turno na ni Aeverie na magbigay ng regalo. Nilingon ni Rafael si Blue at agad naman nitong nakuha ang senyales ng kapatid. Umalis ang lalaki para kunin ang regalo, at pagbalik nito’s sunod-sunod na singhap ang pumuno sa venue. Ang mga kaibigan ni Lucio Galwynn na mahilig din magkolekta ng antigong mga gamit ay namangha ng lubos sa dala ni Blue. Isang antigong upuan ang maingat na binubuhat nito. Nakilala nila ang dala-dala nitong antigo. “I-iyan ang regalo kay Mr. Galwynn?” “Hindi ba't iyan ang Sedia regale? Iyan ang upuan na pinapaniwalaang inuki
"If she really wanted this painting, why didn't she bid with me? She didn't really want to buy it, she just wanted to cheat me!" Sigaw ni Arsen, desperadang ibaling ang sisi kay Avi. Napakunot-noo ang mga tao at hindi alam kung paniniwalaan ang babae o kaaawaan na lang. "Hindi kaya may lihim na galit ang dating asawa ni Mr. Galwynn kaya ginawa niya ito? Everybody knows that Miss Espejo is engaged with Mr. Galwynn now.” “That's a petty. Tingin ko hindi iyon gagawin ng babaeng ito lalo pa’t mukhang tanggap naman niya na hiwalay na sila ni Silvestre.” “Sa bagay. There's Rafael Cuesta by her side.” Lalong sumidhi ang galit ni Arsen dahil sa mga tsismis! Kahit anong gawin niya'y wala siyang makuhang simpatya mula sa mga tao. "Avi, did you really do that?" May diin na tanong ni Bernard kay Aeverie. Tahimik naman na pinagmasdan ni Lucio Galwynn ang apo, naghihintay ng paliwanag. Walang panghuhusga sa mga mata ni Lucio, ngunit mayroong pag-iingat. Hinihikayat niya sa kaniyang tingin si