LOGIN“Oh my god.” Bulong ni Aeverie, puno ng iritasyon ang boses. So, they didn't send my car? Tanong niya sa sarili. Kinapa niya ang kaniyang cellphone at hinanap ang numero ni Rafael. Siguradong nasa trabaho pa ito, pero sino ang tatawagan niya kung hindi ang nakatatandang kapatid? Kinagat niya ang ibabang labi, pinipigilan ang sarili na madala ng emosyon. Naramdaman niyang nakatayo malapit sa kaniya si Silvestre. Medyo malayo naman ito, pero nakaka-bother pa rin ang presensya nito kaya kahit na may distansya naman sa pagitan nila ay nararamdaman niya pa rin ang presensya nito. Ilang ring na pero hindi pa rin sinasagot ni Rafael ang tawag. “The user’s currently busy. You're directed to voicemail. Please, leave a message.” Bungad ng operator. Nagtagis ang kaniyang ngipin. Ang numero naman ni Uriel ang kaniyang tinawagan nang hindi sumagot si Rafael . Ilang ring din bago iyon sinagot ni Uriel. “Kuya Uriel.” Matigas niyang turan nang sa wakas ay sagutin ang tawag. “Aeve?
Sa pasilyo, malayo si Silvestre kay Aeveri habang sinusundan ang babae. Ayaw niyang mapansin nito ang kaniyang presensya kaya’t hanggang maaari ay tahimik lamang siyang sumusunod at binibigyang distansya ang pagitan nila. Kapag naman nasa opisina ito ay nasa labas naman siya ng opisina, nagbabantay ay naghihintay hanggang sa matapos ito sa trabaho. Pagkatapos nilang mag-usap ni Maredith Sevilla kanina, mas naging tahimik siya. Minsan ay nararamdaman niyang sumusulyap sa kaniya si Aeverie, pero kapag binabalingan niya ito ng tingin, sa ibang bagay nakapokus ang atensyon nito. Ngunit alam niyang hindi guni-guni na sumusulyap ito sa kaniya. Buong araw, simula nang bumisita si Maredith, pakiramdam niya’y tinitingnan siya ni Aeverie. Hindi niya lang ito mahuling nakatingin sa kaniya. Lunch break, bumaba ito sa restaurant kaya nakasunod siya. Kagaya noong unang araw niya, pinaupo pa rin siya ng waiter sa kalapit na mesang inuukupa ni Aeverie. Nag-order sila at sabay na kumain. No
Simula sa kaniyang pagkabata, wala na siyang ibang pangarap kung hindi ang maging kagaya ng kaniyang Tita Fatima— makapag-asawa ng mayamang negosyante. Malaki ang naging impluwensya ng kaniyang tiyahin sa kaniya. Mas malapit pa ang loob niya kay Fatima kumpara sa kaniyang inang si Arabella. Matagal na niya itong iniidolo. Bata pa lang ay nakitaan na siya ng potensyal ni Fatima kaya inihanda siya ng babae para sa kaniyang pangarap. Si Silvestre ang nakita nilang magbibigay sa kaniya ng pagkakataon na makamit ang yaman, kapangyarihan, at impluwensya na kaniyang inaasam. Sa murang edad ay natutunan na niyang manipulahin si Silvestre Galwynn. Siguro nga’y naging kampante siya dahil alam niyang malaki ang utang na loob sa kaniya ni Silvestre. Sa isip niya, kahit na gumawa siya ng kalokohan, hangga’t hindi nito nalalaman, ay patuloy siyang pipiliin ng lalaki. Pinakita rin sa kaniya ni Silvestre na mahal na mahal siya nito, kaya lumakas lalo ang kaniyang loob na gumawa ng mga kalokohan
Nang hapong iyon ay nasa City Jail Female Dormitory si Fatima kasama ang abogado ni Arsen. Sa ilang beses na niyang pagbisita, hindi niya pa nasasabi kay Arsen ang nangyari kay Alvi. Pinipigilan niya rin ang sarili na magsabi dahil marami nang problema si Arsen, ayaw niyang madagdagan ang alalahanin nito. “How’s Mom and Dad?” Iyon palagi ang bungad sa kaniya ni Arsen kapag nakikita nitong siya lamang at ang abogado ang nagpunta. Sinasalubong niya ito ng yakap upang itago ang totoong reaksyon. Kahit paano’y naawa siya sa kalagayan ni Arsen. Ngayon dapat mas ipinaparamdam ang suporta at pagmamahal ng mag-asawang Espejosa anak, ngunit dahil sa mga nangyari ay hindi man lang nila ito mapuntahan. Ilang araw din siyang nakapiit sa kulungan noong nakaraan, kaya't alam niya kung gaano kahirap ang buhay sa loob ng gusaling ito. Malayong-malayo ang buhay nila sa labas, kumpara dito sa loob ng kulungan. “Where’s Mom?” ngayon ay ipinilit na ni Arsen na malaman kung nasaan ang ina. Lumayo s
“I didn't want to develop feelings for her, especially since our marriage was just for convenience. At nang mga panahon na ‘yon, pilit kong pinagbabawalan ang sarili na mahulog sa kaniya. Para sa akin, mali ang magustuhan siya. Gusto ko lang na sumuko siya sa akin— sa kasal namin.” Ikinuyom ni Maredith ang kaniyang kamao. Gusto niyang sampalin ang lalaking ito. Mahirap ang pinagdaanan ni Aeverie sa kanilang pamilya. Hindi lingid sa kaniya na nasasaktan si Aeverie dahil sa masalimuot na relasyon nila. Nagtitiis si Aeverie sa ugali ni David. Pilit nitong tinatanggap ang mga anak ni David sa labas. Pilit nitong iniintindi ang kanilang pamilya. Lumaki ito na hindi normal ang pamilyang nakapaligid sa kaniya. Nang mangarap itong bumuo ng sariling pamilya ay ganitong lalaki pa ang natagpuan. “Sa kagustuhan ko na lumayo siya, hindi ko na napansin na unti-unti na pala akong nahuhulog sa kaniya. Naging malinaw lang ‘yon nang wala na siya sa akin.” “Stop it.” Si Maredith sa mariin na boses
Kahit hindi sabihin ni Maredith ang bagay na iyon, agad na mahuhulaan na mag-ina sila ni Aeverie. Batang version ni Maredith si Aeverie. Ang hugis ng mukha, ang matangos at maliit nitong ilong, ang matang may kakaibang kislap ng paglinga, at ang labing hugis pana. Nang makita siya ni Silvestre kanina, naisip agad ng lalaki na ito ang ina ni Aeverie. Magkasingganda ang dalawa. “I’ve learned from an article na bata ka pa noong maulila ka.” Hinuli ni Maredith ang emosyon sa mga mata ni Silvestre, ngunit walang nagbago. Kaya nagpatuloy na lamang siya. “Due to some unfortunate circumstances, your mother had suffered from depression. And she ended her own life.” Hindi man lang nag-iwas ng tingin si Silvestre. Matapang pa rin nitong sinalubong ang kaniyang tingin kahit na direkta na niyang binanggit ang tungkol sa pagpapakamatay ng ina nito.Hindi rin naman sekreto ang nangyari. Naging laman ng pahayagan ang pagpapakamatay ng ina ni Silvestre kaya alam ni Maredith ang tungkol sa bagay na







