“At ngayon na bumalik ka na ay gusto mo agad na maging CEO? You must be kidding me, Aeverie!”
Parang may mabigat na bagay na nakadagan sa dibdib ni Aeverie. Naiintindihan niya ang galit ng kaniyang ama. Naiintindihan niya kung hindi ito sasang-ayon sa kagustuhan ni Rafael na gawin siyang CEO ng AMC group. Tatlong taon siyang nawala. And guilt is already creeping inside her. Itinago niya ang tungkol sa kaniyang pagpapakasal kay Silvestre. Tanging ang kaniyang mga kapatid lamang ang nakakaalam tungkol sa bagay na iyon. At isa pa, hindi niya kayang sabihin iyon kay David at sa kaniyang ina. Dahil masalimuot ang kanilang pamilya, ayaw niyang madamay pa si Silvestre sa kanila. For once, she dreamed for a perfect and peaceful family. Akala niya'y maibibigay iyon ni Silver. Malaki ang galit niya kay David, malaki ang kasalanan nito sa kaniyang Mommy. Ayaw niya sanang magaya sila ni Silver sa kanila, pero sa huli, bigo na naman siya. “Dad, Aeve knows as much as I do. She also has the potential to be the CEO of AMC.” Mahinahon na saad ni Rafael. “Naalala mo nang minsang muntik nang malugi ang kompanya dahil sa nangyaring trahedya noon? Nang manakaw ang prototype ng bagong product natin? Naunang mag-launch ang kabilang kompanya ng parehong produkto dahilan para maantala ng ilang buwan ang paglaunch natin? But Aeverie proposed several effective control measures in order to get back to our track.” Bumaling si Rafael sa kaniya at masuyong ngumiti. “She was able to make a great innovation, kaya mabilis na nakilala ang produkto natin at hindi naikumpara sa unang nag-launch no’n.” Matagal na simula nang huli silang magkasama ni Rafael at Uriel, pero hanggang ngayon ay ramdam niya pa rin ang pagsuporta ng kaniyang mga kuya. Kaya hindi tuluyang nasira ang kaniyang pag-iisip sa magulo nilang pamilya dahil nariyan ang kaniyang mga kapatid. Malaki man ang pagkukulang ni David, napupunuan naman iyon ni Rafael at Uriel. “And in fact, you always misunderstood our Aeverie. She's the most patient and resourceful person in our family.” Kumunot ang noo ni David. Hindi niya nais na magpadala sa mga sinasabi ni Rafael pero kahit paano ay may epekto iyon sa kaniya. “And Dad, napakagaling mong kumilatis ng tao pagdating sa negosyo. But why don't you see Aeve's potential? She can lead and manage the company so much better, give her chance.” Natahimik ang silid nang ilang minuto pagkatapos nang sinabi ni Rafael. Malalim ang pagkunot ng noo ni David at tinitimbang ang sinabi ni Rafael. Sa huli ay huminga siya ng malalim at pagod na sumandal sa swivel chair. “Fine. I will give her a chance. But just for once. But first,” tumitig ng diretso si David kay Aeverie. Seryoso ang kaniyang mga mata. “I will test you. You have to prove yourself to me, not as your father, but as the chairman of AMC Group. You have to pursue me and make your Kuya Rafael proud.” Umangat bahagya ang sulok ng labi ni Aeverie. Kailan pa siya natakot sa hamon ng kaniyang ama? Buong buhay niya ay palagi niyang pinapatunayan kay David na hindi lamang siya simpleng anak ng chairman ng AMC Group. She's as good as her brothers. “For now, let's have a simple celebration of your birthday.” Naging malambot ang ekspresyon ng mukha ni David. Dumaan sa mga mata nito ang pangungulila ng ilang segundo pero agad din iyong naglaho. “I will also give you a few days to relax and enjoy, and next week you can already report to Arc Hotel and meet all the employees. Simula sa susunod na linggo ay magtatrabaho ka na rin, titingnan ko ng mabuti kung ano ang magagawa po para sa pinaka-matandang hotel ng ating pamilya.” Narinig ni Aeverie ang pagbuntong-hininga ni Rafael sa kaniyang tabi. “We cannot lose the Arc. Kung tuluyang babagsak ang hotel, ay babagsak din ang kumpyansa kong magagawa mong maging CEO ng AMC Group.” “Aeverie can still save the hotel, Dad.” Positibong saad ni Uriel. Naningkit ang mga mata ni David at bumaling sa anak. “You two, you will stay out of this. Sa oras na malaman kong sinasabotahe niyo ako para sa kapatid niyo ay hindi niyo magugustuhan ang gagawin ko sa inyong dalawa.” Humalakhak si Uriel, napangisi naman si Rafael. “We wouldn't do that, Dad. Malaki ang tiwala namin kay Aeverie. She can even do it without our help.” Umismid lamang si David sa kaniyang mga anak. Pagkatapos no’n ay nagpaalam na si Rafael, tumayo silang tatlo at lumabas ng silid. “The maids will prepare a simple dinner at the garden, Dad.” Bilin ni Rafael sa ama bago lumabas. Nang nasa pasilyo na sila ay hindi maiwasan ni Aeverie na magbuntong-hininga. “Tell me, how's the Arc Hotel doing? Is it already at its critical state? Sigurado akong pahihirapan muna ako ni Daddy.” Walang madali sa kanilang pamilya. Maging si Rafael ay nahirapan ito bago maging CEO. Masyadong metikuluso ang kanilang ama pagdating sa negosyo. Ayaw nitong pumalpak. Natahimik ang kaniyang mga kapatid. Hindi agad nakasagot si Rafael kaya tumikhim si Uriel at natawa ng mahina para pagaanin ang sitwasyon. “Our business is already expanding Aeverie. Magkatulong si Kuya Rafael at si Dad sa pamamahala ng mga negosyo, pero hindi pa rin maiwasan na may mga nahuhuli sa priority.” Uriel wrinkled his nose. “And, sadly, ang hotel ang pinaka-least sa priority natin ngayon. Pero ayaw ni Dad na pakawalan ang Arc, alam mong doon tayo nagsimula. Malaki ang sentimental value ng hotel na iyon.” Marahan siyang tumango. “But don't worry, I will assist you.” Si Rafael. “Habang nasa hotel ka pa ay ihahanda ko na rin ang ibang mga negosyo para sa iyo. Para kung sakali na maging maayos ang pagsusulit mo ay madali nalang ipasa ang posisyon sa iyo.” Ngumuso si Aeverie. “Are you really that excited to leave all the work to me? Kapag ba pastor ka na ay hindi ka na maaaring maging parte ng negosyo ng pamilya?” Kumunot ang noo ni Rafael, pagkaraan ay napailing. “It's a different field Aeverie. I will still try to help, but maybe my time wouldn't always that free for worldly things.” Napatitig ng maigi si Aeverie kay Rafael. Seryoso ito sa pagpapastor. Masyadong seryoso ang lalaki na akala niya'y habang-buhay na itong magiging tagapamahala ng mga negosyo. Iyon pala, iba ang nais ng puso nito. Ngayon niya lamang nakita na ganito kapursigido si Rafael sa isang bagay. At dahil nagi-guilty pa rin siya sa pag-iwan sa kaniyang pamilya, naiisip niyang ito lamang ang tanging paraan para makabawi sa kanila. “I will do my best, tingnan natin kung magiging successful ako.” Ngumiti siya. Umakbay sa kaniya si Uriel. “You would do better at managing business, Aeverie. We believe in you.” Nangingiting saad ni Uriel.Ang pamilyar na melodiya ng Le Temps des Lilas ni Ernest Chausson ay biglang nagpakaba kay Rafael habang pinagmamasdan ang kaniyang kapatid na nakatayo sa gitna ng entablado. Noong kumakanta pa si Aeverie ay isa ito sa pinakamagaling at hinahangaan ng mga vocal coach. Natural ang talento nito, hindi pinipilit at hindi na kailangan na e-pressure para makuha ang tamang tyempo at melodiya. Ngunit ilang taon nang hindi kumakanta si Aeverie. Ilang taon na nitong pinagpahinga ang boses at talento. Ngunit hindi man lang kababakasan ng takot ang magandang mukha ng babae. Nang bumuka ang bibig nito para sa intro ng kanta ay napatulala ang mga tao nang marinig na sobrang lamig ng boses nito. Naipikit ni Rafael ang kaniyang mga mata, lumuwag ang kaniyang paghinga at isang ngiti ang sumilay sa kaniyang labi. Hindi siya nagduda, natakot lamang siya… ngunit alam niya sa kaniyang sarili na malaki ang tiwala niya sa kakayahan ng kaniyang kapatid. Kaya nang magmulat siya ay tinitigan niya ang kapat
Mas lalong lumakas ang tibok ng puso ni Aeverie nang bumaba ang mukha ni Silvestre sa kaniya. She could feel it— the sudden heat and anticipation. Alam niya na kaniyang makatakas sa pagitan ng mga braso nito, kaya niyang matakasan ito… ngunit bakit hindi niya magawa? Bakit may pwersa pa rin na pumipigil sa kaniyang umiwas at lumayo? Nasaan na ang galit sa kaniyang puso? Nasaan na ang panatang hindi na niya hahayaan na makalapit sa kaniya ang lalaking ito? Nagtama ang kanilang tingin at sa sandaling iyon malinaw niyang nakita sa mga mata ni Silvestre ang pananabik na madampian ng halik ang kaniyang labi. Mas lalong bumilis ng tibok ng kaniyang puso. “Silvestre. Avi.” Ang malalim na boses ni Benito ang nagpatigil kay Silvestre sa paglapit pa lalo. Pareho silang napatingin sa kanan at nakita ang matandang sekretaryo ni Lucio. May halong gulat at pag-aalala ang ekspresyon ng mukha ng matandang lalaki. Halatang ayaw sanang makaisturbo sa kanila ngunit kailangan. Gumapang ang h
“What the heck? Are you crazy?!” Gulat niyang sigaw. “You lied to me again and again, Aeverie... Who do you think wouldn't go crazy?” “Ano bang sinasabi mo? Tyaka layuan mo nga—” nahigit niya ang hininga nang ilapit lalo ni Silvestre ang mukha sa kaniya. Hindi niya natuloy ang pagproprotesta dahil kaunting pagkakamali lang ay maglalapat agad ang kanilang labi sa sobrang lapit ng kanilang mga mukha. Hindi niya gustong mangyari iyon. The last thing she wants to happen is to get kissed by this man. Ngunit kung may makakakita sa kanila ay iisipin na naghahalikan silang dalawa. Lalo pa't bahagyang nakakiling ang ulo ni Silvestre, nakaanggulo para sa isang romantikong halik kagaya ng mga nakikita sa telenobela. Mabuti na lamang at parang hindi iyon palaging dinadaanan ng mga bisita at empleyado dahil walang ibang naroon kung hindi silang dalawa lang. “You’re a liar in nature, Aeverie Cuesta.” Naging madilim ang mga mata ni Silvestre, puno ng pait at panghuhusga nang pukulin siy
Pagkatapos na magbukas ng mga regalo ay nagpapatuloy ang masayang selebrasyon, nagbigay naman ng mensahe ang mga bisita habang inihahain ng mga waiter ang pagkain sa kani-kanilang mga mesa. Ninais ni Aeverie na mag-ayos ng makeup, kaya pansamantalang nilisan niya ang tabi ng kanyang Abuelo. Pagkatapos na makapagpaalam kay Rafael ay naglakad na siya patungo sa pasilyo na magdadala sa kaniya sa powder room. Habang naglalakad ay hindi niya mapigilan na hindi mapangiti ng may sarkasmo nang maalala ang mga pagpapahiyang inihanda nina Arsen at Fatima sa kaniya—mga hamak na pakanang puno ng kahihiyan na bumalik din sa kanila bilang karma. Those women are the real definition of b*tch*s. Hindi talaga siya tatantanan ng pamilya ni Arsen hangga't hindi siya napapabagsak. Alam niyang babatikusin siya, ngunit maswerte lamang siya at sa katangahan ng magtiyahin ay hindi nasukat ng dalawa ang isang bagay: ang pagmamahal sa kaniya ni Lucio. Too bad, the old man favored her so much. Kaya kahit na a
Humupa ang gulo. Nahila palayo ni Fatima si Arsen na halos manginig sa galit at pagkapahiya. Minabuti ngi Fatima na pauwiin na lang ang pamangkin kaysa maeskandalo pa sila. Sumingit naman ang ilang bisita sa pagbibigay ng regalo at ilang saglit pa’y nakalimutan din nila ang ginawang eksena ni Arsen. Muli ay bumalik ang galak sa puso ni Lucio. Naging magaan muli ang atmospera at marami nang regalo ang nabuksan ng matanda. Sa wakas ay turno na ni Aeverie na magbigay ng regalo. Nilingon ni Rafael si Blue at agad naman nitong nakuha ang senyales ng kapatid. Umalis ang lalaki para kunin ang regalo, at pagbalik nito’s sunod-sunod na singhap ang pumuno sa venue. Ang mga kaibigan ni Lucio Galwynn na mahilig din magkolekta ng antigong mga gamit ay namangha ng lubos sa dala ni Blue. Isang antigong upuan ang maingat na binubuhat nito. Nakilala nila ang dala-dala nitong antigo. “I-iyan ang regalo kay Mr. Galwynn?” “Hindi ba't iyan ang Sedia regale? Iyan ang upuan na pinapaniwalaang inuki
"If she really wanted this painting, why didn't she bid with me? She didn't really want to buy it, she just wanted to cheat me!" Sigaw ni Arsen, desperadang ibaling ang sisi kay Avi. Napakunot-noo ang mga tao at hindi alam kung paniniwalaan ang babae o kaaawaan na lang. "Hindi kaya may lihim na galit ang dating asawa ni Mr. Galwynn kaya ginawa niya ito? Everybody knows that Miss Espejo is engaged with Mr. Galwynn now.” “That's a petty. Tingin ko hindi iyon gagawin ng babaeng ito lalo pa’t mukhang tanggap naman niya na hiwalay na sila ni Silvestre.” “Sa bagay. There's Rafael Cuesta by her side.” Lalong sumidhi ang galit ni Arsen dahil sa mga tsismis! Kahit anong gawin niya'y wala siyang makuhang simpatya mula sa mga tao. "Avi, did you really do that?" May diin na tanong ni Bernard kay Aeverie. Tahimik naman na pinagmasdan ni Lucio Galwynn ang apo, naghihintay ng paliwanag. Walang panghuhusga sa mga mata ni Lucio, ngunit mayroong pag-iingat. Hinihikayat niya sa kaniyang tingin si