LOGINPumasok si Aeverie kasunod ang dalawang kapatid.
Sa mahabang sofa sila naupo, napapagitnaan ang babae ng kaniyang mga kuya. Ngayon napagtanto ni Aeverie kung gaano kakomportable ang maupo sa sariling sofa. Walang pag-aalangan niyang inalis ang strap ng kaniyang high heels at nang makita iyon ni Uriel, tinulungan siya. “My feet hurts.” Natatawang saad ni Aeverie. Hindi na siya sanay na maglakad na mataas ang suot na takong, mabilis nang mangalay ang kaniyang mga paa. Itinaas ni Uriel ang dalawa niyang paa at minasahe iyon. “What are you?” Galit na tanong ni David. “Is that what you learned from your years of experience as a doctor in the battle field? Itaas ang paa at ipamasahe sa iba? Where did you learned that? From the bandits?” Muling bumalik ang strikto at malamig na mukha ni David. Noon ay halos hindi sila magkasundo ni Aeverie, siya ang palaging kaaway nito, pero simula nang mawala ang babae, labis-labis ang kaniyang pangungulila. Ngunit hindi niya alam kung paano iyon ipakita ng tama kaya idinaan niya sa pangangaral. Kagaya ng palaging ginagawa ni Aeverie kapag pinapagalitan siya ng kaniyang Daddy, pinaikot niya ang mga mata. Ngunit nahagip ng kaniyang tingin ang isang malaking frame. Kumunot ang kaniyang noo at napatitig sa frame. “When would you change, young lady?” Nadidismayang saad ni David. Ngunit hindi na niya iyon narinig dahil natulala na siya sa nakasabit sa dingding. Hinding-hindi siya magkakamali, iyon ang iniregalo niya sa kaniyang ama nang maikasal ito sa pangatlong asawa. That's my personal poem I wrote for him. Bulong ng kaniyang isip. Sampung taon na ang nakakalipas, akala niya'y itinapon na iyon ng kaniyang Daddy. Pero nagkamali siya, mas pinalaki pa nito ang dati ay sa maliit na hardwood niya lang iniukit na tula. Ngayon ay kapansin-pansin iyon, at kayang basahin kahit sa malayong distansya. Sa galit niya noon dahil sa muling pagpapakasal ng kaniyang Daddy, hindi na niya naisip na masyadong masasakit ang mga katagang naroon. Ang regalo ay ibinigay niya sa mismong kasal ni David, labis siyang nasaktan nang sa pangatlong beses, ay nagpakasal ito. Pinagpyestahan ng media ang kanilang pamilya dahil nagkaroon ito ng apat na asawa. Hindi siya masaya sa pamilyang nakagisnan niya, kaya sa kagustuhan na makaiwas sa pamilyang Cuesta ay nagboluntaryo siyang sumama sa Israel para manggamot ng mga sundalong sugatan. Mas pipiliin niyang sumulong sa mapanganib na gyera kaysa araw-araw na humarap sa problema ng kanilang pamilya. “Why would you hang this to your office?” Baling niya sa ama. Kumunot ang noo ni David, napasulyap sa regalong bigay niya. “You gave me this, so I decided to hang it in my office. In that way, I could read it during my free time and remember that you once wrote a poem for me.” Umasim ang mukha ni Aeverie. He must be kidding me. Bulong niya sa sarili. Ang tula ay punong-puno ng galit at pagkamuhi para sa kaniyang ama. Hindi dapat iyon ginawang palamuti sa opisina. “Dad, since Aeverie is back, maybe you can already consider my suggestions.” Singit ni Rafael. Seryoso ang boses nito. “I decided to give up my position as the CEO of AMC Group and let Aeverie take over it.” “What?” Mabalis na napabaling si Aeverie sa kaniyang Kuya Rafael. Nakita niyang seryoso itong nakikipagtitigan sa kanilang ama. Determinado ang guwapo nitong mukha. “You don't know what you're saying, Rafael.” Madiin na saad ni David, nagulat din sa biglaang saad ng anak. Napailing ang matandang lalaki. “I've been the CEO for years now, Dad. I already told you about my opinion for the AMC Group, I believe that Aeverie can handle it much better.” “Kuya Raf—” “I told you about my heart's desire, I want to become a pastor and spend my years in serving the Lord.” Napaawang ang labi ni Aeverie nang marinig ang sinabi ni Rafael. Seryoso ang mukha nito at parang mula sa kaibuturan ng puso nito ang mga salitang binigkas. Natahimik ang silid. Walang nangahas na kumontra. Napatikhim si David. “If you don't want to be the CEO of the company, then the second son will do it!” Deklara ni David. Natigil ang pagmamasahe ni Uriel sa paa ni Aeverie. “No, no, no, no.” Mabilis na umiling si Uriel. “I am already a public official and I must not have anything to do with the big consortium. I will be suspended for investigation and the court would probably kick me out!” Idinaan ni Uriel sa pagtawa ang kabang naramdaman ngunit namutla ang kaniyang mukha. Marahas na bumuga ng hangin si David. Isa ito sa iniiwasan niyang pag-usapan, ang pagpasa ng pangangalaga sa kompanya. Rafael is his first and only choice! “Rafael, you know that you're more than capable to manage the company.” Ipinilit muli ni David. Ano pang silbi ng pagkakaroon niya ng maraming anak na lalaki kung lahat ay umiiwas sa responsabilidad? Isa-isa silang nag-niningning at nakikilala sa iba't ibang larangan sa labas at napapagod na siya sa mga nangyayari. “I wouldn't let Aeverie take over the position. She wouldn't be able to act as a CEO of AMC Group.” Pagkontra ni David. Humihina na ang katawan ni David, at alam niya sa kaniyang sarili na dapat nang ipasa ang obligasyon sa kanilang negosyo. Si Rafael ang gusto niyang mamahala, malaki ang potential nito sa pagpapalago ng kanilang negosyo, ngunit ngayon ay umaayaw na ang lalaki. Hindi dahil sa hindi niya mahal ang kaniyang anak na babae, sadyang matigas lamang ang kaniyang ulo sa paniniwalang dapat na ang lalaking anak ang magmamana at magpapatakbo ng kompanya. “If Kuya Rafael and Kuya Uriel wouldn't like to take the position, then maybe I can do it myself.” Ani Aeverie. Pagak na natawa si David, sumisikip ang kaniyang paghinga at binalingan ang anak. “You would like to take over? Do you think that AMC Group is just a game? How can you possibly handle all the work-pressure? How can you pursue all the inventors? Much more, how can you handle all the employees and workers? What do you even know about business?" Hindi na naitago ang galit at lungkot sa boses ni David. Ngunit nang makitang blangko lamang ang ekspresyon ng mukha ni Aeverie ay nadismaya rin sa sarili. Kababalik lamang ni Aeverie ngunit ito na agad ang kanilang bungad. Ganunpaman, hindi niya pa rin napigilan na sabihin ang kaniyang hinanakit. “At isa pa, you're also an impulsive and fickle-minded person. You wouldn't hesitate to abandon everyone just so you can go and chase all the stupid things out there!” Huminga siya ng malalim, napaiwas ng tingin kay Aeverie nang makitang naapektuhan ito sa kaniyang sinabi. “I wouldn't put someone to an important position just because he or she is my son or my daughter, gusto kong pumili ng taong hindi iiwan ang posisyon ng ganoon lang. You've been in Israel for three d*mn years, we were so worried Aeverie!” Ibinalik niya ang tingin sa anak, ngayon ay ito naman ang nag-iwas. “I thought you were blown into pieces by a bomb at the border! We were so worried. Your mothers are so worried about you! We thought we're gonna lose you.” Sa huli ay humina ang kaniyang tinig. Tatlong taon din siyang naghirap, labis-labis ang kaniyang pag-aalala para sa kaniyang anak.Bago pa makalapit sa mesa ni Mr. Galwynn ay nag-angat na ito ng malamig na tingin. Parang agilang nagmamasid at handa nang mandagit. “What’s this?” Pagkalapag niya sa printed files ay nagtanong agad ang lalaki. “That’s the monthly report from the finance department, Mr. Galwynn.” Aniya. Kinuha ni Silvestre ang folder saka binuklat. Mabilis nitong pinasadahan ng tingin ang ilang pahina bago isinara at inilagay sa isang drawer. Nanatili naman siyang nakatayo sa harap ng mesa nito. “Anything else?” Malamig nitong tanong. Tumango siya, “Yes, Mr. Galwynn.” “Proceed.” “Kagabi ay galing ako sa Arc Hotel, may isang empleyado akong kinausap para malaman kung nag-oopisina pa rin ba ang kanilang general manager. Ang sabi niya, may itinalagang bagong general manager ang hotel. Hindi na ang anak ni Mr. Cuesta ang namamahala, mayroon nang bago.” Noong una’y blangko ang mga mata ni Silvestre, ngunit dahil sa sinabi ni Gino, nagkaroon ng kakaibang emosyon ang mga mata ng lalaki. Magk
Lumipas ang ilang araw, ngunit hindi pa rin matagpuan ng mga tauhan ni Fatima ang dating nobyo ni Arsen. Inimbestigahan na nila maging ang pamilyang Cuesta ngunit wala rin silang nakuhang lead. Ang nakapagtataka lang, lahat ng gamit ni Drake ay naroon pa rin sa mumurahing hotel room na kinuha nito. Lahat ng gamit, maging ang passport at mga ID nito ay naroon pa rin. Kaya’t mahirap paniwalaan na umalis ito ng bansa.Kaya't patuloy na kinukulit ni Arsen ang kaniyang Tiyahin na hanapin nang mabuti si Drake. Lalo pa't malapit nang ianunsyo ang kaniyang engagement kay Silvestre. Ayaw niyang magulo na naman ang kanilang mga plano.Sa isang sikat na shoes store. Isinusukat ni Arsen ang mga sandals sa kaniyang paa, abala ang sales lady na paglingkuran siya. Mahigit sampung klase ng high heels ang nakalatag sa tiles at isa-isa niya iyong isinusukat— tinitingnan kung babagay ba sa kaniya. “That one, Hija. It looks good on you.” Si Arabella nang maisuot ni Arsen ang isang pares. Syempre naman
Ilang oras na byahe bago sila makarating sa syudad. Sa mansion ay sinalubong siya ng kaniyang mga kapatid. Si Rafael at Uriel ang nasa labas at naghihintay sa kaniya. “Aeve…” “I’m tired. Let’s talk later.” Malamig niyang sabi, hindi napigilan ang pagkairita dala ng pagod at puyat. “No, we will talk. Now.” Maawtoridad na saad ni Uriel. Napatigil siya sa paglalakad. Malalim siyang humugot ng hininga. Kung iritado siya, ay iritado rin ang kaniyang mga kapatid, hindi pwedeng sabay-sabay silang maging ganito. Humarap siya kay Uriel. Matigas ang ekspresyon ng mukha nito. Si Rafael naman ay blangko ang ekspresyon ng mukha. Humakbang si Uriel at naglakad papuntang dining area. Naiwan sila nila ni Rafael. “Hindi nakatulog ng maayos si Uriel, Aeve. He waited, so don’t ignore us.” Mahinahon ngunit halatang may diin sa salita ni Rafael. She's a spoiled daughter and sister. Sa materyal na bagay ay spoiled siya ni David, kahit ano’ng gusto niya’y kayang bilhin ng pera ni David. Samantalang s
“Umalis kaninang madaling araw si Silver, Avi. Nasabi niya ba sa’yo kung saan siya pupunta?” Si Manang Petrina nang makababa siya sa kusina. Maaga siyang gumigising para tumulong sa paghahanda ng almusal ng pamilya. Ngunit nang umagang iyon, masama ang kaniyang pakiramdam, pinilit niya lamang ang sarili na gumising ng maaga para tumulong sa kusina. Nasa harap na siya ng sink at maghuhugas na dapat ng kamay nang marinig ang sinabi ni Manang Petrina. Lumingon siya sa babae at marahang umiling. “Hindi po kami nagkausap kahapon, Manang.” Amin niya. “Avi? Ano’ng problema?” Madaling lumapit ang ginang at maingat na inilapat ang palad sa noo niya. “Mainit ka, anak!” Sigaw nito. Dahan-dahan siyang umiling. “Ayos lang po—” “Ay, naku! Hindi. Hindi ka maayos. Tingnan mo nga, namumutla ka.” Hinawakan ni Manang Petrina ang braso niya at pilit siya nitong pinaupo malapit sa island counter. Medyo nanghihina nga siya, pero sa isip niya’y ayos pa naman siya. Kaya niya pa. “Nakapagpahinga ka
Hindi kailanman pinaramdam ni Silvestre sa kaniya na may halaga siya. Sa tuwing tinitingnan siya ni Silvestre noon ay walang pagmamahal, kung may emosyon man na rumereplekta sa mga mata nito, iyon ay digusto at panghahamak lamang. Palaging iniisip ng lalaki na kaya lamang siya nagpakasal dito ay dahil sa ambisyon niyang umangat ang estado sa lipunan. Iniisip nitong pera at yaman lamang ni Lucio Galwynn ang kaniyang habol. Sa tuwing binibigyan siya ng mga mamahaling regalo, wala siyang maramdamang tuwa sa kaniyang puso. Mas lalo lamang na lumalaki ang kahungkagan na kaniyang nararamdaman. Kagaya lamang si Silver ng kaniyang amang si David, akala nito’y sapat na ang materyal na bagay para tumbasan ang pagmamahal na kaniyang nilulumos mula rito. Kaya ngayon na para itong tangang habol ng habol sa kaniya saan man siya magpunta ay talagang naguguluhan siya. Hindi niya malaman kung gusto lamang nitong isabotahe ang kaniyang mga date o sadyang makasarili lamang ang lalaki at gusto ni
Bakit nga ba siya naaapektuhan sa ideyang naroon si Silvestre at natutulog sa couch? Ano bang pakialam niya?Iritado na tuloy niyang binuksan ang refrigerator at kinuha ang karton ng gatas. Nagtungo siya sa lalagyan ng mga baso’t tasa para kumuha ng isang babasaging baso. Nagsalin siya ng gatas. Nang mapuno iyon ay saka lamang niya ibinalik sa loob ng refrigerator ang karton. “Can’t sleep?” Halos mapatalon siya sa gulat nang marinig ang baritono at medyo paos na boses ni Silver. Nilingon niya ang lalaki at nakita ito sa hamba ng pintuan ng kusina. Nakasandal ito, medyo pagod ang ekspresyon ng mukha, at namumula ng kaunti ang mga mata. Pinaikot niya ang mga mata at hindi na sinagot si Silvestre. “I can't sleep, too.” Sumbong nito na parang bata. Nagtagis ang kaniyang bagang. Ano’ng pakialam niya? Alangan naman problemahin niya pa iyon? Binalikan niya ang gatas na nasa baso. Mahigpit niya iyong hinawakan, nagtatagis ang kaniyang bagang at parang nagkakagulo sa likod ng kaniyang







