That's the only way Old David will not suspect me. Bulong ng kaniyang isip.Kung babalik siya sa villa, iyon ay para lang kunin ang kaniyang mga gamit na naiwan, ngunit ang kukunin niya lamang ay 'yong mga importante lamang at talagang sa kaniya.Gusto niya rin personal na makausap ang matandang si Lucio para maunawaan nito ang kaniyang sitwasyon. Kahit paano, sumunod naman siya sa kasunduan nila ng matanda. Pinangako niyang pagkatapos ng kaarawan nito ay saka lamang siya makikipaghiwalay kay Silvestre.Ngayon na tapos na ang kaarawan nito, malaya na siyang magfile ng divorce.Hindi niya gustong ipahamak ang Abuelo, ngunit sa ginawa niya at sa mga nalaman ni David tungkol sa kaniya at sa naging karanasan niya sa pamilyang Galwynn, siguradong napopoot ito sa mga Galwynn. Hindi niya rin naman masisisi ang kaniyang ama, matagal niyang inilihim ang pagsasama nila ni Silvestre at marami siyang hinarap na paghihirap para lang makasama ang lalaking iyon.Para kay David, hindi tamang nagdusa
Isa pa, bakit hindi nila agad nalaman na nagpakasal na pala ito? At ngayon… makikipaghiwalay na. Huli na naman sila sa balita. Lumunok si Anizza bago maingat na nagtanong. “Is it possible to divorce him? May divorce na ba sa Pilipinas? Hindi ba kayo nagkakasundo kaya kailangan niyong maghiwalay?” Parang may kaunting kurot sa puso ni Aeverie habang tinatanong siya ni Anizza. Hindi kagaya ng mga kapatid niyang lalaki, hindi nagtatanong o nag-uusyuso ang sinuman sa tatlo. Rafael ask, but only the important matters. Si Uriel kapag magtanong, may halong legal na diskusyon. Si Sage, matatakot siya siguro kapag tinanong siya ng kapatid niyang iyon. Si Anizza, alam niyang kuryuso lamang ito. At bilang babae na rin, gusto siyang damayan sa bagay na ito. Marahan siyang tumango. “Yes, we’re not just suitable for each other.” “I heard that he's the president of Galwynn Corporation. Bilang presidente ng sariling kompanya, siguradong abala siya sa maraming bagay kaya hindi na niya nag
Isang katok ang pumukaw kay Aeverie mula sa malalim na pag-iisip. Nilingon niya ang pinto. Hindi niya alam kung kanina pa ba kumakatok ang taong nasa labas, dahil nakatulala siya't malalim ang iniisip. Sinundan ng dalawang katok ang nauna kaya sumagot na siya. “Come in.” Tumigil ang pagkatok, at alam niyang nag-aalangan pang pumasok ang taong nasa labas. Ngunit pagkaraan, unti-unting bumukas ang pinto. Inaasahan na niya kung sino ang naroon. Sumungaw ang ulo ni Anizza at hinagilap siya nito. Nang makita siyang nakaupo malapit sa bintana ay itinulak nito ang sarili papasok ng silid. Maliit na ngiti ang iginawad sa kaniya ng babae. Anizza is already wearing her pajamas. She looks fresh from her half-bath. Akala ni Aeverie ay nagpapahinga na ito dahil gabi na rin masyado. Ngayong gabi, sumama sa mansion si Anizza. Gusto nitong matulog sa mansion kung saan nakatira ang magkakapatid. Aeverie willingly took her sister in. Ayos lang din naman kayna Rafael na dito natutulog ang ib
Madilim ang ekspresyon ng mukha ni David. Mas kalmado ang tono nito ngayon, ngunit mas lalo iyong nagiging delikado dahil kontrolado na nito ang galit ngunit hindi nila alam kung paano iyon huhupa. Sa tuwing naiisip niya ang kaniyang mga nalaman tungkol kay Silvestre at sa pamilya nito, mas lalo lamang na sumisikip ang kaniyang dibdib dahil sa galit. Gusto niya sugurin ang bahay ni Bernard at Bartolome para ipakita sa magkapatid kung ano ang kaya niyang gawin para maipaghiganti ang kaniyang anak. Gusto niyang magkita rin sila ulit ni Silvestre nang makatikim ito ng kaniyang kamao. "Old Man, can we just forget it? I’m trying to pacify everything. You don’t have to worry about it anymore.” “Pacify?” Sarkastikong tanong ni David. “Lucio’s secretary shameless brought your marriage contract to my office this morning!” Dumagundong ang malakulog na boses ni David. Walang nagsalita pagkatapos ng pagsigaw nito. Maging si Aeverie ay kinagat na lamang ang kaniyang dila. Parang sasabog na
“I guess she was busy,” mahinang sagot ni Anizza. "But she emailed us after two weeks that we’ve contacted her management. Pumayag naman po siya at naging intresado rin.” Umayos ng upo si David Cuesta. Sa harap ng kaniyang mga anak, kapag tungkol sa negosyo ay nananatili pa rin siyang seryoso at propesyunal. “You have an international brand, Anizza. Next time, you should get someone who’s already famous and known in the country. Mas madaling makikilala ang mga produkto mo at marami ang maiinganyo.” Ngumiti si Anizza. “Thanks for the advice, Dad… But I really want Honey Rivera to be my first embassadress. She has a big potential. Malay natin, a year or two, she became the most influential and known personality in the showbiz industry.” “Kung maganda at talentado naman ang newbie na ‘yan, she will survive in the industry. Iyon naman talaga ang puhunan sa showbiz; face, beauty, and a little bit of talent.” Nangingiting sabi ni Larissa na isa na rin sa naging sikat na personalidad
Malaki at mahaba ang hapag-kainan, sapat lamang sa laki ng pamilya ni David Cuesta. Sa kabisera nakaupo ang padre de pamilya at sa kabilang dulo naman nakaupo si Felistia. Sa kanan ni David ay si Rafael, sa kaliwa naman nakaupo si Uriel. Sa tabi ni Rafael ay si Achilles at si Juanito. Sa tabi naman ni Uriel ay si Harvey, si Lawrence at si Blue.Sa dulong kabisera, ang nasa kanan ni Felistia ay si Maredith at ang nasa kaliwa ay si Larissa. Sa tabi ni Larissa ay ang anak niyang lalaki na si Sage. Katabi naman ni Maredith si Aeverie. Sa tabi ni Aeverie ay isa pang bakanteng upuan bago ang upuang inukupa ni Anizza. Sa tapat naman ni Anizza ay ang ina nitong si Jannah na walang katabi sa magkabilang gilid.May apat na bakanteng upuan pa rin ang mahabang mesa kahit na napakarami na nila.Puno ng mga pagkain ang mahabang mesa at lahat ng masasarap na putahe ay inihain ni Larissa para sa salo-salong ito. Ang mga katulong ay nakahilera sa gilid, lahat ay