Malaki at mahaba ang hapag-kainan, sapat lamang sa laki ng pamilya ni David Cuesta. Sa kabisera nakaupo ang padre de pamilya at sa kabilang dulo naman nakaupo si Felistia. Sa kanan ni David ay si Rafael, sa kaliwa naman nakaupo si Uriel. Sa tabi ni Rafael ay si Achilles at si Juanito. Sa tabi naman ni Uriel ay si Harvey, si Lawrence at si Blue.Sa dulong kabisera, ang nasa kanan ni Felistia ay si Maredith at ang nasa kaliwa ay si Larissa. Sa tabi ni Larissa ay ang anak niyang lalaki na si Sage. Katabi naman ni Maredith si Aeverie. Sa tabi ni Aeverie ay isa pang bakanteng upuan bago ang upuang inukupa ni Anizza. Sa tapat naman ni Anizza ay ang ina nitong si Jannah na walang katabi sa magkabilang gilid.May apat na bakanteng upuan pa rin ang mahabang mesa kahit na napakarami na nila.Puno ng mga pagkain ang mahabang mesa at lahat ng masasarap na putahe ay inihain ni Larissa para sa salo-salong ito. Ang mga katulong ay nakahilera sa gilid, lahat ay
Habang abala si Aeverie sa kaniyang mga kapatid sa sala, si Felistia naman ay hindi mapakali. Nabalitaan na niya ang nangyari sa kaarawan ni Lucio.Isang kaibigan ang nagkwento sa kaniya sa nangyari sa party. Alam na rin ni Maredith ang tungkol sa bagay na iyon kaya napapansin niyang tila matamlay ang babae.Siguro dahil mahina ang puso ni Maredith kapag tungkol sa ganitong usapin kaya malaki ang epekto nito. Nag-iisang anak nito si Aeverie, at babae pa, paanong hindi niya man lang nalaman na nagpakasal na pala ito? At sa isang Galwynn pa?"What's wrong with you?" Takang tanong ni Larissa sa kaniya nang pumasok siya sa kusina.Nasa dining table si Maredith at Jannah at masinsinang nag-uusap ang dalawa. Pumasok siya sa kusina para tingnan kung kamusta na ang niluluto ni Larissa, pero napansin nito na tila wala siya sa kaniyang sarili.Sumandal siya sa island counter at kinagat ang kaniyang daliri. A mannerism when she's anxious."May problema ba, Fely?" Lumapit sa kaniya si Larissa at
"Aeveeee!" Nagpa-park pa lang ang sasakyan nila ay naririnig na niya ang matinis na boses mula sa labas. Binuksan ng isang helper ang pinto ng sasakyan at lumabas naman siya. Nang lingunin niya kung saan galing ang boses ng tumatawag sa pangalan niya, nakita niyang tumatakbo papunta sa direksyon niya si Anizza. Matangkad ang babae, at kahit na medyo payat naman, alam niyang may laman pa rin ang katawan nito. Kaya nang makalapit ito at niyakap siya, alam na niyang maiipit siya. Aeverie is tall, but Anizza is inches taller than her. Napangiwi siya nang maramdaman na sumikip ang kaniyang paghinga dahil sa higpit ng yakap nito. "I missed you, Aeve!" Ngumiwi siya dahil hindi magawang ngumiti sa sobrang higpit ng yakap nito sa kaniya. "I... I missed you too." Bulong niya. Lumayo sa kaniya si Anizza at mariin na hinawakan ang magkabila niyang braso. Namumula ang mukha nito at nanunubig ang mga mata.Wala gaanong nagbago sa babae, kung mayroon man, mas lalo itong gumanda dahil sa pamb
"You filed for divorce?" Gulat na tanong ni Rafael sa kabilang linya nang sabihin niya kung saan siya nagpunta.Tiningnan niya ang rearview mirror, at saglit na nagtama ang tingin nila ni Blue. Siguro ay nasabi nito kay Rafael na lalabas sila ngayong umaga kaya tumawag sa kaniya ang lalaki pagkatapos ng meeting nito.Hindi na dapat niya ilihim ang tungkol sa nilakad niya dahil wala na rin naman siyang dapat isekreto sa kaniyang kapatid."But it's not settled yet. Hindi naman gano'n kadali ang pagfile ng divorce. But at least I tried to make it clear with Silver that I'm trying to break our marriage off. The message was clear, I'm taking this to the legal court because I want to end this in legal terms. Para kahit sa papel, wala na kaming koneksyon sa isa't isa."Marahas na huminga sa kabilang linya si Rafael. Tila hindi ito natutuwa na umalis siya ng bahay para asikasuhin ang kaniyang dibursyo."Lumabas ka pa rin kahit alam mong delikado! Luckily, there were no media during Mr. Galwyn
Silvestre was left speechless. Hindi na ito nakapagsalita. Tumalikod siya at hindi na siya nito napigilan nang maglakad siya palayo. Mabigat ang kaniyang dibdib at sumasakit ang kaniyang ulo. Ang pakay nila sa Regional Court ay makausap si Atty. Revarez para tulungan silang humarap sa Korte at nang ma-i-proseso na ang kanilang dibursyo. Kailangan na nila ng legal na kasulatan na magpapatunay na wala nang ugnayan si Avi at Silvestre sa isa't isa para matahimik na si David. Pero sa unang hakbang pa lang ng kanilang legal na paghihiwalay ay pumalpak na agad si Silvestre. Pagpirma na lang sa form ay hindi pa nito magawa! Malalaki ang kaniyang hakbang nang lumapit siya sa Rolls-Royce na nakaparada. Nakasunod na sa kaniya si Blue, tumakbo ito para mahabol siya. Nahuli si Blue dahil kinausap pa nito ang abogado at ibinigay ang form na pinirmahan niya kanina. Mabilis na lumapit ang assistant at hinawakan ang doorhandle para buksan ang pinto ng sasakyan. Malalim ang paghinga nito at medyo
Nanatiling nakatayo si Silvestre, ang mga mata ay nakapako sa papel at mahigpit pa rin ang hawak sa ballpen. "If you're still not ready, Mr. Galwynn... Then we can make another schedule for this. Pag-usapan niyo muna kung handa na talaga kayo." Maagap na saad ng abogado nang makitang hindi pa rin pumipirma si Silvestre. Tumayo si Aeverie at halos malukot na ang mukha sa biglang pagkapikon. Bakit ba nag-aalinlangan si Silvestre? Ano bang problema nito? It's not like he will sign a transfer of wealth to my name! Ano bang problema niya? Galit na sigaw ng isip ni Aeverie. "No, attorney. Matagal na kaming nag-usap ni Mr. Galwynn tungkol sa bagay na ito. He even made a divorce agreement before and he willingly signed it!" Umahon ang galit sa puso ni Aeverie. Naalala niyang pumirma si Silvestre sa divorce agreement na inihanda nito noon. Minamadali pa siya ng lalaki na pirmahan ang agreement dahil babalik na si Arsen at ayaw nitong makagulo siya. Hindi siya nagalit nang gawin iyo