LOGIN
Mahigpit ang hawak ni Clarisse sa steering wheel ng sasakyan habang parang sirang plakang umiikot sa kan’yang isipan ang mga larawan at video na natanggap niya.
Nasa paanan pa lamang siya ng pintuan, rinig na niya ang kinaiinisan niyang boses.
“Lucas, puwede bang dito na ako matulog ngayong gabi?”
Umigting ang tainga ni Clarisse nang marinig ang boses ng kan’yang kapatid.
Bahagyang nakaawang ang pinto at kitang-kita niya ang pares ng sapatos ng babae. Mahigpit ang hawak ni Clarisse sa kan’yang bag na tila humuhugot siya ng lakas roon.
Matalim ang titig niya sa dalawa ngunit tila wala itong nakikita. Maging ang kan’yang asawa na si Lucas ay parang hangin lamang ang tingin sa kan’ya.
Tinaasan lamang siya ng tingin ni Rachelle habang nakapulupot ang kamay sa braso na para bang pagmamay-ari niya si Lucas. Bahagyang nakasandal ang ulo sa balikat habang deretso at mapanuri ang titig kay Clarisse—tila ba naghahamon.
Parang mayroong bumabara sa lalamunan ni Clarisse at hindi siya makapagsalita.
“Nasa shower pala, huh?” aniya na may panunuya.
Ginawaran siya ng pekeng ngiti ni Rachelle na tila hindi niya alam na darating.
“Nandito ka pala, ate. Bakit hindi ka nagsabi na uuwi ka? Akala ko hindi ka na babalik.” Ngumiti si Rachelle nang nakakaloko.
Kung makapagsalita ito, tila ba ay siya ang asawa na may karapatan sa pamamahay ng mga Montenegro.
Tiningnan lamang siya ni Clarisse at lumipat naman ito sa kan’yang asawa.
Hindi maipagkakaila ang kagwapuhan ni Lucas sa postura niya ngayon—malakas ang appeal nito sa suot na suit. Ang katikasan ng katawan niya ay may paghahambing sa mga aktor sa pelikula.
Lumipat ang tingin ni Lucas sa kanya, malamig at walang pakialam, na para bang isa siyang estranghero na dumating nang hindi inanyayahan.
“There was an accident kanina sa taping,” sabi nito nang walang emotion. “Hindi na niya kayang umuwi mag-isa. She will stay.”
Lumingon si Lucas na para bang nag-uutos. “Ihanda mo na ang guest room sa second floor.”
Tumawa nang mapait si Clarisse. “Baka nakakalimutan mo kung sino ako? Hindi ako katulong.”
Nagulat si Lucas sa kan’yang tinuran. Ngayon lamang niya narinig si Clarisse na sumagot nang gano’n.
“We have helpers. Sila na ang gagawa.”
“Ate, isang gabi lang naman. Ayokong makaabala sa inyong dalawa ni Kuya,” singit ni Rina na tila awang-awa siya.
Parang kutsilyong dahan-dahang bumaon sa dibdib ni Clarisse.
Tatlong taon. Tatlong taong tinitikis ni Clarisse ang pagiging asawa nito ngunit sa kabila ng lahat ni minsan hindi niya naramdaman na kabilang siya sa pamilya nila. Alam niyang pinakasalan lamang siya ni Lucas dahil sa utos ng kan’yang Lola. Hindi siya kaya nitong bisitahin at lalong hindi man lang siya nito ginagalaw hangga’t hindi kailangan.
Akala niya si Lucas ay isang taong walang pakialam. Subalit, sa nakikita niya ngayon na kasama si Rachelle, hindi lang talaga siya nito mahal. Kailangan niyang tanggapin ‘yon.
Nakaramdam si Clarisse na may masakit sa kan’ya ngunit hindi niya alam kung saan. Kaya’t itinuro niya ang pintuan para kay Rachelle.
“Rachelle, lumabas ka,” utos niya na may diin. Tumingin siya kay Lucas, “Let’s get divorced.”
“Divorce? Nasisiraan ka na ba?”
Nagniningning ang mga mata ni Rachelle sa narinig niya. “Ate, baka puwede niyo pa pag-usapan—”
“Lumabas kana!” sigaw ni Lucas kay Rachelle.
Natigilan si Rachelle, saka mabilis na sumunod, ayaw niyang sirain ang isang bagay na matagal na niyang hinihintay.
Kinuha ni Clarisse ang divorce paper na inihanda niya. Nilagay niya ito sa bedside table para kay Lucas. Nagsimula na siyang mag-impake nang pumasok si Lucas sa k’warto.
Tuluyan nang nabasag ang kalmadong itsura nito.
“H’wag mong iisipin na may pagpipilian ka? Hangga’t asawa kita, akin ka. Naiintindihan mo ba?”
Sinalubong niya ang tingin ng asawa.
“Dinala mo na ang babae mo rito sa bahay natin nang walang pahintulot ko. Sa tingin mo, nirerespeto mo ako bilang asawa mo?” Tinuro niya ang papel. “Wala akong kukunin sa ‘yo. Pirmahan mo lang.”
Hindi makapaniwala si Lucas sa narinig.
“Ako ang magde-desisyon kung kailan tayo maghihiwalay.”
Hinatak ni Lucas si Clarisse nang ikinagulat nito. Bahagyang nagdikit ang kanilang mga balat at nagdulot ito ng mala-kuryenteng pakiramdam. May kakaiba sa kan’yang hawak. Tiningnan niya si Lucas sa mata, ang tensyon na namumuno rito, at ang halos hindi mapigil ang pagnanasa.
Paggising ni Clarisse, dumungaw sa kan’ya ang kulay abong langit. Tiningnan niya si Lucas na mahimbing ang tulog pero kailangan na niyang umalis. Nagbihis at kinuha na niya ang suitcase at umalis nang walang paalam.
Hindi niya alam, nagbunga pala ang gabing iyon.
Five years later…
Lulan ng eroplano galing United Kingdom, hindi maikukubli ni Clarisse ang pangamba nang tumapak ulit siya sa bayan na minsan na niyang iniwan. Gano’n pa rin—maalikabok at maalinsangan ang hangin.
“Prof, pasensya na po. Sobrang traffic ngayon. Mahuhuli ako,” sabi niya sa cellphone.
Ngumiti lamang ang nasa kabilang linya. “Mag-ingat kayo, Dr. Claire Navarro.”
Hindi pa rin sanay si Clarisse na tawagin sa pangalang iyon.
Si Dr. Claire Navarro—ang pangalan na ginagamit niya upang takasan ang lahat. Kailangan niya ito para protektahan ang meron siya. Isang general surgeon sa larangan ng medisina na pinag-aagawan ng iba’t-ibang research facilities. Maliban sa emergency patient sa Pilipinas, may isa pang dahilan kung bakit siya nagbalik.
Ilang buwan lamang matapos niya iwan noon ang bansa, namatay ang kan’yang Lolo. Masyadong mabilis ang burol at imposibleng hindi binalita ng media sa laki ng impluwensya nito. Kaya’t napagpasyahan niyang suriin ang tunay na nangyari.
“Siya nga pala, Dr. Navarro,” ani ng Professor. “Nandito si Lucas Montenegro at hinahanap ka. Alam mo na, ‘yong Lola niya…”
Natigilin si Clarisse. “Napag-usapan na natin ‘to, Prof. I have only one patient there.”
Bago pa matapos ang usapan, may sumigaw sa likod ng sasakyan.
“Mama, tingnan mo! Woahh!”
Lumabas ang ulo ni Andrei ng bintana na siyang ikinabahala ni Clarisse.
“Andrei, ilang beses ko ba sasabihin sa ‘yo na delikado ‘yan.” Hinila niya ang anak sa loob.
Subalit natigilan siya nang makita niya ang tinuro ng anak. Mamahaling sasakyan—makintab, nakakasilaw, makapangyarihan. Tila ba multo ng nakaraan.
“Lucas?” Umiling siya. “No, he can’t be.”
Tiningnan niya ang dalawang niyang anak sa likod at bumilis ang tibok ng puso niya. Si Andrei ay nakasimangot, samantala si Lia naman ay tahimik na hawak ang maliit na stuff toy.
Huminga siya nang malalim.
“Hindi ako bumalik rito para sa kan’ya. Isa akong ina—hindi na kailanman yuyurakan muli.”
Mula sa nagtataasang gusali sa Makati, natatangi ang Montenegro Group of Companies sa tinitingala ng lahat. Mula sa mga dekalibreng materyales at modernong istraktura, hindi maipagkakaila na isa ang kumpanya nila sa matitibay at matatag. Ang kabuuang disenyo nito ay elegante at moderno, angkop sa kapaligiran nito na nag-uunahan sa pataasan na tila ba ekonomiya ng bansa.Sa ika-limamput-apat na palapag naroon ang opisina ni Lucas. Habang tahimik siyang nakikinig sa report ni Sergio—ang assistant niya, biglang nag-vibrate ang phone niya ng dalawang beses. Nang silipin niya ang screen, kumunot ang noo niya. “Pinagsasabi mo?” singhal na sagot niya sa text. Sa isip niya, “Anong bata pinagsasabi ng kumag na ‘to?”Maya-maya pa, may kasunod ng larawan. Dalawang bata—isang babae at isang lalaki—magkahawig na magkahawig. Kahit siya na nakasandal lamang sa swivel chair ay napabalikwas siya sa gulat. Ang lalaki ay nakasimangot na pumasok sa loob na may dalang toy car, samantala ang babae naman
Mula sa likuran ni Lucas, dumungaw ang matandang babae na nakahilig sa recliner sa loob ng kwarto. Biglang namuo ang luha sa mata ni Clarisse ngunit kaagad niya itong pinigilan. “Grandma…” bulalas niya. “Lola naman. Andito naman ako,” suyo ni Lucas sa Lola niya. Umupo ito sa tabi nito habang nakaangat ang tingin.“Makinig ka,” galit na sigaw ng matanda, habang hinahampas ang arm rest, “Kung hindi mo kayang iuwi ang asawa mo rito, kalimutan mo na na may Lola ka pa.”Napayuko si Lucas sa tinuran nito. Samantala, mula sa maliit na salamin, umaliwalas ang mukha niya nang makita si Clarisse malapit sa pinto.“Clarisse!” masiglang tawag niya. “Halika rito. Buti nagbalik ka. Ikaw lang ang nag-iisang apo’t manugang ng pamilya natin. Kapag inapi ka ng kumag na ‘to,” sabay batok kay Lucas, “lumapit ka lang sa ‘kin.”Tahimik na napabuntong hininga si Lucas. Tumayo siya sa pagkakaupo.“Medyo magulo ang isip ng Lola ko,” mahina nitong sabi. “Pasensya na, Dr. Navarro. Sana matingnan niyo siya.”
Kahit kilala si Rachelle sa entertainment industry at sa marangyang pamilya, hindi makakapayag si Professor Martin na bastusin niya ang isang haligi sa larangan ng medisina.“Miss Rivera, watch your words. Wala kang karapatang laitin ang sinuman dito lalong-lalo na ang bisita ko.”Dating estudyante ni Professor Martin si Claire sa UK at alam niya ang kakayahan nito. Ilang beses niya itong kinumbinsi na bumalik na ng Pilipinas at magtrabaho sa Medical Center, pero laging bigo siya. Kaya nagtaka siya nang pumayag ito na bumalik ngayon. Gayumpaman, masaya siyang nandito ito ngayon. Bahagyang napahiya si Rachelle pero taas-noo pa rin siya.“I will hire you,” malamig na sabi nito. “Masama ang pakiramdam ng Mommy ko nitong mga nakaraang araw. Sakto, ikaw na ang tumingin—”“No!” sagot ni Clarisse ng diretso. “Wala akong oras sa mga walang kwentang bagay.”Nginitian niya si Rachelle nang nakakaloko. Natigilan si Rachelle sa sagot nito. Nagngingitngit sa galit at tinaas niya ang kan’yang kam
“Andrei, gayahin mo ang kapatid mo. Tahimik lang.”Hindi pa rin tapos si Clarisse sa pangangaral niya. Sa dalawang paslit niya, si Andrei ang pinakamakulit. Lagi itong napapagsabihan dahil sa kuryusidad nito sa mga bagay-bagay.“Eh, kasi Mama, may kasalanan ‘yan,” bulong ni Andrei sa kan’ya. “Naalala mo ‘yong unauthorized transaction sa card mo po? Ginamit niya ‘yon. Order ng order ng kung anu-ano.”“Chessboard lang ‘yon, Kuya,” giit naman ni Lia.“Oo nga pero peke naman,” pangungutya ni Andrei.“Ano?” Nabitaw si Clarisse sa manibela. Halos mapamura na siya sa inis. “That’s 30,000 pesos, Lia. Tapos peke?”Napatitig na lamang si Clarisse sa daan. Sumasakit ang ulo niya sa dalawa. Sumabay pa ang traffic sa init ng ulo niya.Pagkatapos niyang iwan si Lucas, hindi niya aakalain na magbubunga ang gabing ‘yon at kambal pa. Mababait naman ito no’ng sanggol pa lamang ngunit nang tumongtong ng tatlong taon, wala nang araw na siya ay payapa. Subalit, ito ang dahilan kung bakit patuloy siyang lu
Mahigpit ang hawak ni Clarisse sa steering wheel ng sasakyan habang parang sirang plakang umiikot sa kan’yang isipan ang mga larawan at video na natanggap niya. Nasa paanan pa lamang siya ng pintuan, rinig na niya ang kinaiinisan niyang boses. “Lucas, puwede bang dito na ako matulog ngayong gabi?” Umigting ang tainga ni Clarisse nang marinig ang boses ng kan’yang kapatid. Bahagyang nakaawang ang pinto at kitang-kita niya ang pares ng sapatos ng babae. Mahigpit ang hawak ni Clarisse sa kan’yang bag na tila humuhugot siya ng lakas roon. Matalim ang titig niya sa dalawa ngunit tila wala itong nakikita. Maging ang kan’yang asawa na si Lucas ay parang hangin lamang ang tingin sa kan’ya. Tinaasan lamang siya ng tingin ni Rachelle habang nakapulupot ang kamay sa braso na para bang pagmamay-ari niya si Lucas. Bahagyang nakasandal ang ulo sa balikat habang deretso at mapanuri ang titig kay Clarisse—tila ba naghahamon.Parang mayroong bumabara sa lalamunan ni Clarisse at hindi siya makapa







