Mag-log in“Andrei, gayahin mo ang kapatid mo. Tahimik lang.”
Hindi pa rin tapos si Clarisse sa pangangaral niya. Sa dalawang paslit niya, si Andrei ang pinakamakulit. Lagi itong napapagsabihan dahil sa kuryusidad nito sa mga bagay-bagay.
“Eh, kasi Mama, may kasalanan ‘yan,” bulong ni Andrei sa kan’ya. “Naalala mo ‘yong unauthorized transaction sa card mo po? Ginamit niya ‘yon. Order ng order ng kung anu-ano.”
“Chessboard lang ‘yon, Kuya,” giit naman ni Lia.
“Oo nga pero peke naman,” pangungutya ni Andrei.
“Ano?” Nabitaw si Clarisse sa manibela. Halos mapamura na siya sa inis. “That’s 30,000 pesos, Lia. Tapos peke?”
Napatitig na lamang si Clarisse sa daan. Sumasakit ang ulo niya sa dalawa. Sumabay pa ang traffic sa init ng ulo niya.
Pagkatapos niyang iwan si Lucas, hindi niya aakalain na magbubunga ang gabing ‘yon at kambal pa. Mababait naman ito no’ng sanggol pa lamang ngunit nang tumongtong ng tatlong taon, wala nang araw na siya ay payapa. Subalit, ito ang dahilan kung bakit patuloy siyang lumalaban sa buhay.
Umusad na rin ang trapik makalipas ang kalahating oras. Pagbaba ng overpass, liliko na sana si Clarisse papunta sa inuupahan niyang apartment nang muling ilabas ni Andrei ang ulo niya.
“Mama, Lexus LX600.” Halos tumulo na ang laway ni Andrei kakatitig sa limited edition na sasakyan.
“Andrei, tumigil ka. Delikado ‘yang ginagawa mo. Bumalik ka sa loob,” sita niya sa anak.
Lilingon na sana si Clarisse para hilahin pabalik si Andrei pero nadulas ang kamay niya at bumangga sa isang sasakyan. At sa lahat ng puwedeng tamaan—sa Lexus pa.
Aksyong iiyak si Andrei sa nasaksihan.
“Mama, may pambayad ba tayo? Ibebenta mo ba ako?” Dahil sa sunod-sunod nitong pagkapilyo, tumatak na kay Andrei ang katagang ibebenta siya.
“H’wag kang aalis diyan.”
Bababa na sana si Clarisse ng SUV upang makipag-usap nang bumaba rin ang sakay ng Lexus.
Pamilyar ang postura pag nakatalikod. Hindi nga siya nagkakamali—Si Lucas, ang dati niyang asawa. Para siyang binuhusan ng malamig na tubig at dali-daling pinaandar ang makina at inapakan ang gas pedal.
Mabilis na nawala ng SUV sa gitna ng traffic.
“Mama, mali po ‘yon. Hala ka! Mahuhuli ka ng mga police.”
“Talaga?” Naalala niya kung paano siya tumakas noon na buntis at mag-isa. Kayang-kaya niya ring gawin ulit ‘yon ngayon nang walang pag-alinlangan.
Sumulyap si Lia sa nanay niya.
“Mama, kilala niyo po ba ‘yon?” takang tanong nito.
Umiling si Clarisse at ngumiti ng pilit, saka nagpaliwanag. “Hindi, ‘nak. Kailangan lang talaga nating magmadali. May pasyente pa ako.”
Samantala sa elevated highway, nagsalita ang driver ni Lucas. Nakakunot ang noo nito dahil sa gasgas ng kotse.
“Sir, tinakasan tayo. Paano na po ‘to?”
Tahimik lamang si Lucas.
“Hayaan mo na. Mas importante maabutan natin si Dr. Navarro,” aniya. “Diretso na tayo sa Makati Medical Center.”
Kapag hindi niya maabutan ang doktor, baka huli na ang lahat.
***
PAGKATAPOS maihatid ni Clarisse ang mga bata sa apartment kasama ang on-call nanny, nagmadali na siyang pumunta sa Medical Center kung saan gaganapin ang surgery.
Pagkarating niya roon, pabalik-balik ang lakad ng Professor niya sa labas ng operating room.
“Dr. Navarro, dito,” tawag ng Professor. Iginiya sa loob ng operating room. “Lumala bigla ang kondisyon. Hindi mapigilan ang internal bleeding. Naglabas na rin kami ng critical notice—”
“Relax lang Prof. We’ve done this before.” Naalala niya ang first case niya at kapareho ito. “How’s the blood bank?”
“Hindi problema ang dugo. Naabisuhan na rin ang Red Cross.”
Pitong oras ang operasyon at successful ito. Bandang alas dos na ng hapon nang makalabas siya at pagod na pagod.
“Stable na ang pasyente pero kailangan obserbahan. Tapos ilipat na sa regular room kapag okay na.”
Tinanggal niya ang surgical gown and mask at tinapon ito sa basurahan.
“Bantayan ang pasyente nang maigi. Ipatawag ako kahit konting abnormalities na nangyayari.”
Masayang naglakad si Clarisse sa hallway nang biglang nabangga niya ang isang babae.
“Hindi ka ba tumitingin sa dinadaanan mo?” sigaw ng babae. “Shit. Ang baho!”
Pag-angat ng tingin ni Clarisse, ngumiti siya ng pilit.
“Kung minamalas ka nga naman. Rachelle Rivera,” sambit niya.
Tulad ng dati, hindi pa rin nagbabago si Rachelle. Mula sa pananamit na hindi angkop sa kung nasaan siya, makitid pa rin ang utak.
Elitista!
Sinipat siya nito mula ulo hanggang paa. “Bagong nurse ka ba rito? Bakit gan’yan itsura mo?”
Hinawakan ni Clarisse ang pisngi niya at halos matawa.
“So my make up skills work,” bulong niya sa sarili.
“Hoy, tinatanong kita. At saka, h’wag mo nga akong titigan. Dukutin ko ‘yang mata mo, eh,” iritable nitong tugon.
“Sa tingin mo ba ang ganda-ganda mo?” ganti ni Clarisse. Wala na sana siyang balak patulan ito.
“Ano? Kilala mo ba kung sino ako?”
Biglang dumating ang hospital director at tinawag si Clarisse.
“Dr. Navarro.”
Natigilan si Rachelle. “Dr. Navarro? The “Claire Navarro”?”
Kilalang-kilala niya ang pangalang ‘yon. Bukambibig ‘yon ni Lucas simula’t sapul palang na lumala ang sakit ni Senior Grandma.
Sa itsura ni Clarisse, hindi mo aakalain na isa siyang doctor. Tinago niya ang sarili sa likod ng make-up na animoy ayaw magpakilala. Madaming pekeng pekas at mga nunal sa mukha. Kumpara sa Clarisse noon, hinding-hindi siya makikilala ngayon.
“Akala ko ba isang world-renowned doctor. Isang probinsyana lang pala.”
Mula sa nagtataasang gusali sa Makati, natatangi ang Montenegro Group of Companies sa tinitingala ng lahat. Mula sa mga dekalibreng materyales at modernong istraktura, hindi maipagkakaila na isa ang kumpanya nila sa matitibay at matatag. Ang kabuuang disenyo nito ay elegante at moderno, angkop sa kapaligiran nito na nag-uunahan sa pataasan na tila ba ekonomiya ng bansa.Sa ika-limamput-apat na palapag naroon ang opisina ni Lucas. Habang tahimik siyang nakikinig sa report ni Sergio—ang assistant niya, biglang nag-vibrate ang phone niya ng dalawang beses. Nang silipin niya ang screen, kumunot ang noo niya. “Pinagsasabi mo?” singhal na sagot niya sa text. Sa isip niya, “Anong bata pinagsasabi ng kumag na ‘to?”Maya-maya pa, may kasunod ng larawan. Dalawang bata—isang babae at isang lalaki—magkahawig na magkahawig. Kahit siya na nakasandal lamang sa swivel chair ay napabalikwas siya sa gulat. Ang lalaki ay nakasimangot na pumasok sa loob na may dalang toy car, samantala ang babae naman
Mula sa likuran ni Lucas, dumungaw ang matandang babae na nakahilig sa recliner sa loob ng kwarto. Biglang namuo ang luha sa mata ni Clarisse ngunit kaagad niya itong pinigilan. “Grandma…” bulalas niya. “Lola naman. Andito naman ako,” suyo ni Lucas sa Lola niya. Umupo ito sa tabi nito habang nakaangat ang tingin.“Makinig ka,” galit na sigaw ng matanda, habang hinahampas ang arm rest, “Kung hindi mo kayang iuwi ang asawa mo rito, kalimutan mo na na may Lola ka pa.”Napayuko si Lucas sa tinuran nito. Samantala, mula sa maliit na salamin, umaliwalas ang mukha niya nang makita si Clarisse malapit sa pinto.“Clarisse!” masiglang tawag niya. “Halika rito. Buti nagbalik ka. Ikaw lang ang nag-iisang apo’t manugang ng pamilya natin. Kapag inapi ka ng kumag na ‘to,” sabay batok kay Lucas, “lumapit ka lang sa ‘kin.”Tahimik na napabuntong hininga si Lucas. Tumayo siya sa pagkakaupo.“Medyo magulo ang isip ng Lola ko,” mahina nitong sabi. “Pasensya na, Dr. Navarro. Sana matingnan niyo siya.”
Kahit kilala si Rachelle sa entertainment industry at sa marangyang pamilya, hindi makakapayag si Professor Martin na bastusin niya ang isang haligi sa larangan ng medisina.“Miss Rivera, watch your words. Wala kang karapatang laitin ang sinuman dito lalong-lalo na ang bisita ko.”Dating estudyante ni Professor Martin si Claire sa UK at alam niya ang kakayahan nito. Ilang beses niya itong kinumbinsi na bumalik na ng Pilipinas at magtrabaho sa Medical Center, pero laging bigo siya. Kaya nagtaka siya nang pumayag ito na bumalik ngayon. Gayumpaman, masaya siyang nandito ito ngayon. Bahagyang napahiya si Rachelle pero taas-noo pa rin siya.“I will hire you,” malamig na sabi nito. “Masama ang pakiramdam ng Mommy ko nitong mga nakaraang araw. Sakto, ikaw na ang tumingin—”“No!” sagot ni Clarisse ng diretso. “Wala akong oras sa mga walang kwentang bagay.”Nginitian niya si Rachelle nang nakakaloko. Natigilan si Rachelle sa sagot nito. Nagngingitngit sa galit at tinaas niya ang kan’yang kam
“Andrei, gayahin mo ang kapatid mo. Tahimik lang.”Hindi pa rin tapos si Clarisse sa pangangaral niya. Sa dalawang paslit niya, si Andrei ang pinakamakulit. Lagi itong napapagsabihan dahil sa kuryusidad nito sa mga bagay-bagay.“Eh, kasi Mama, may kasalanan ‘yan,” bulong ni Andrei sa kan’ya. “Naalala mo ‘yong unauthorized transaction sa card mo po? Ginamit niya ‘yon. Order ng order ng kung anu-ano.”“Chessboard lang ‘yon, Kuya,” giit naman ni Lia.“Oo nga pero peke naman,” pangungutya ni Andrei.“Ano?” Nabitaw si Clarisse sa manibela. Halos mapamura na siya sa inis. “That’s 30,000 pesos, Lia. Tapos peke?”Napatitig na lamang si Clarisse sa daan. Sumasakit ang ulo niya sa dalawa. Sumabay pa ang traffic sa init ng ulo niya.Pagkatapos niyang iwan si Lucas, hindi niya aakalain na magbubunga ang gabing ‘yon at kambal pa. Mababait naman ito no’ng sanggol pa lamang ngunit nang tumongtong ng tatlong taon, wala nang araw na siya ay payapa. Subalit, ito ang dahilan kung bakit patuloy siyang lu
Mahigpit ang hawak ni Clarisse sa steering wheel ng sasakyan habang parang sirang plakang umiikot sa kan’yang isipan ang mga larawan at video na natanggap niya. Nasa paanan pa lamang siya ng pintuan, rinig na niya ang kinaiinisan niyang boses. “Lucas, puwede bang dito na ako matulog ngayong gabi?” Umigting ang tainga ni Clarisse nang marinig ang boses ng kan’yang kapatid. Bahagyang nakaawang ang pinto at kitang-kita niya ang pares ng sapatos ng babae. Mahigpit ang hawak ni Clarisse sa kan’yang bag na tila humuhugot siya ng lakas roon. Matalim ang titig niya sa dalawa ngunit tila wala itong nakikita. Maging ang kan’yang asawa na si Lucas ay parang hangin lamang ang tingin sa kan’ya. Tinaasan lamang siya ng tingin ni Rachelle habang nakapulupot ang kamay sa braso na para bang pagmamay-ari niya si Lucas. Bahagyang nakasandal ang ulo sa balikat habang deretso at mapanuri ang titig kay Clarisse—tila ba naghahamon.Parang mayroong bumabara sa lalamunan ni Clarisse at hindi siya makapa







