author-banner
reesecycle
reesecycle
Author

Novels by reesecycle

His Ex-Wife's Greatest Secret

His Ex-Wife's Greatest Secret

Clarisse Rivera only wanted respect from her marriage—ngunit sa halip, pagtataksil ang ibinigay sa kanya ng asawa niyang si Lucas Montenegro. Nang dalhin nito ang ibang babae sa kanilang tahanan, iniwan ni Clarisse ang lahat at naglaho, dala ang isang lihim: buntis siya ng kambal. Pagkalipas ng limang taon, bumalik siya bilang isang kilalang doktor na may ibang pangalan, handang buuin ang buhay kasama ang kanyang mga anak. Ngunit muling nagkrus ang landas nila ni Lucas—isang makapangyarihang lalaking hindi pa rin nakakalimot sa nakaraan. Habang unti-unting nabubunyag ang katotohanan, isang tanong ang hindi niya matakasan: Hanggang saan lalaban ang isang ina para protektahan ang kanyang mga anak—kapag ang ama mismo ang kalaban?
Read
Chapter: Chapter 5
Mula sa nagtataasang gusali sa Makati, natatangi ang Montenegro Group of Companies sa tinitingala ng lahat. Mula sa mga dekalibreng materyales at modernong istraktura, hindi maipagkakaila na isa ang kumpanya nila sa matitibay at matatag. Ang kabuuang disenyo nito ay elegante at moderno, angkop sa kapaligiran nito na nag-uunahan sa pataasan na tila ba ekonomiya ng bansa.Sa ika-limamput-apat na palapag naroon ang opisina ni Lucas. Habang tahimik siyang nakikinig sa report ni Sergio—ang assistant niya, biglang nag-vibrate ang phone niya ng dalawang beses. Nang silipin niya ang screen, kumunot ang noo niya. “Pinagsasabi mo?” singhal na sagot niya sa text. Sa isip niya, “Anong bata pinagsasabi ng kumag na ‘to?”Maya-maya pa, may kasunod ng larawan. Dalawang bata—isang babae at isang lalaki—magkahawig na magkahawig. Kahit siya na nakasandal lamang sa swivel chair ay napabalikwas siya sa gulat. Ang lalaki ay nakasimangot na pumasok sa loob na may dalang toy car, samantala ang babae naman
Last Updated: 2026-01-14
Chapter: Chapter 4
Mula sa likuran ni Lucas, dumungaw ang matandang babae na nakahilig sa recliner sa loob ng kwarto. Biglang namuo ang luha sa mata ni Clarisse ngunit kaagad niya itong pinigilan. “Grandma…” bulalas niya. “Lola naman. Andito naman ako,” suyo ni Lucas sa Lola niya. Umupo ito sa tabi nito habang nakaangat ang tingin.“Makinig ka,” galit na sigaw ng matanda, habang hinahampas ang arm rest, “Kung hindi mo kayang iuwi ang asawa mo rito, kalimutan mo na na may Lola ka pa.”Napayuko si Lucas sa tinuran nito. Samantala, mula sa maliit na salamin, umaliwalas ang mukha niya nang makita si Clarisse malapit sa pinto.“Clarisse!” masiglang tawag niya. “Halika rito. Buti nagbalik ka. Ikaw lang ang nag-iisang apo’t manugang ng pamilya natin. Kapag inapi ka ng kumag na ‘to,” sabay batok kay Lucas, “lumapit ka lang sa ‘kin.”Tahimik na napabuntong hininga si Lucas. Tumayo siya sa pagkakaupo.“Medyo magulo ang isip ng Lola ko,” mahina nitong sabi. “Pasensya na, Dr. Navarro. Sana matingnan niyo siya.”
Last Updated: 2026-01-14
Chapter: Chapter 3
Kahit kilala si Rachelle sa entertainment industry at sa marangyang pamilya, hindi makakapayag si Professor Martin na bastusin niya ang isang haligi sa larangan ng medisina.“Miss Rivera, watch your words. Wala kang karapatang laitin ang sinuman dito lalong-lalo na ang bisita ko.”Dating estudyante ni Professor Martin si Claire sa UK at alam niya ang kakayahan nito. Ilang beses niya itong kinumbinsi na bumalik na ng Pilipinas at magtrabaho sa Medical Center, pero laging bigo siya. Kaya nagtaka siya nang pumayag ito na bumalik ngayon. Gayumpaman, masaya siyang nandito ito ngayon. Bahagyang napahiya si Rachelle pero taas-noo pa rin siya.“I will hire you,” malamig na sabi nito. “Masama ang pakiramdam ng Mommy ko nitong mga nakaraang araw. Sakto, ikaw na ang tumingin—”“No!” sagot ni Clarisse ng diretso. “Wala akong oras sa mga walang kwentang bagay.”Nginitian niya si Rachelle nang nakakaloko. Natigilan si Rachelle sa sagot nito. Nagngingitngit sa galit at tinaas niya ang kan’yang kam
Last Updated: 2026-01-14
Chapter: Chapter 2
“Andrei, gayahin mo ang kapatid mo. Tahimik lang.”Hindi pa rin tapos si Clarisse sa pangangaral niya. Sa dalawang paslit niya, si Andrei ang pinakamakulit. Lagi itong napapagsabihan dahil sa kuryusidad nito sa mga bagay-bagay.“Eh, kasi Mama, may kasalanan ‘yan,” bulong ni Andrei sa kan’ya. “Naalala mo ‘yong unauthorized transaction sa card mo po? Ginamit niya ‘yon. Order ng order ng kung anu-ano.”“Chessboard lang ‘yon, Kuya,” giit naman ni Lia.“Oo nga pero peke naman,” pangungutya ni Andrei.“Ano?” Nabitaw si Clarisse sa manibela. Halos mapamura na siya sa inis. “That’s 30,000 pesos, Lia. Tapos peke?”Napatitig na lamang si Clarisse sa daan. Sumasakit ang ulo niya sa dalawa. Sumabay pa ang traffic sa init ng ulo niya.Pagkatapos niyang iwan si Lucas, hindi niya aakalain na magbubunga ang gabing ‘yon at kambal pa. Mababait naman ito no’ng sanggol pa lamang ngunit nang tumongtong ng tatlong taon, wala nang araw na siya ay payapa. Subalit, ito ang dahilan kung bakit patuloy siyang lu
Last Updated: 2026-01-14
Chapter: Chapter 1
Mahigpit ang hawak ni Clarisse sa steering wheel ng sasakyan habang parang sirang plakang umiikot sa kan’yang isipan ang mga larawan at video na natanggap niya. Nasa paanan pa lamang siya ng pintuan, rinig na niya ang kinaiinisan niyang boses. “Lucas, puwede bang dito na ako matulog ngayong gabi?” Umigting ang tainga ni Clarisse nang marinig ang boses ng kan’yang kapatid. Bahagyang nakaawang ang pinto at kitang-kita niya ang pares ng sapatos ng babae. Mahigpit ang hawak ni Clarisse sa kan’yang bag na tila humuhugot siya ng lakas roon. Matalim ang titig niya sa dalawa ngunit tila wala itong nakikita. Maging ang kan’yang asawa na si Lucas ay parang hangin lamang ang tingin sa kan’ya. Tinaasan lamang siya ng tingin ni Rachelle habang nakapulupot ang kamay sa braso na para bang pagmamay-ari niya si Lucas. Bahagyang nakasandal ang ulo sa balikat habang deretso at mapanuri ang titig kay Clarisse—tila ba naghahamon.Parang mayroong bumabara sa lalamunan ni Clarisse at hindi siya makapa
Last Updated: 2026-01-14
You may also like
TO BE WITH YOU
TO BE WITH YOU
Romance · Onelubb
12.7K views
I'm a slave for you
I'm a slave for you
Romance · Remnis Luz
12.6K views
His Metal Cage
His Metal Cage
Romance · noowege
12.6K views
Explore and read good novels for free
Free access to a vast number of good novels on GoodNovel app. Download the books you like and read anywhere & anytime.
Read books for free on the app
SCAN CODE TO READ ON APP
DMCA.com Protection Status