“Andrei, gayahin mo ang kapatid mo. Tahimik lang.”Hindi pa rin tapos si Clarisse sa pangangaral niya. Sa dalawang paslit niya, si Andrei ang pinakamakulit. Lagi itong napapagsabihan dahil sa kuryusidad nito sa mga bagay-bagay.“Eh, kasi Mama, may kasalanan ‘yan,” bulong ni Andrei sa kan’ya. “Naalala mo ‘yong unauthorized transaction sa card mo po? Ginamit niya ‘yon. Order ng order ng kung anu-ano.”“Chessboard lang ‘yon, Kuya,” giit naman ni Lia.“Oo nga pero peke naman,” pangungutya ni Andrei.“Ano?” Nabitaw si Clarisse sa manibela. Halos mapamura na siya sa inis. “That’s 30,000 pesos, Lia. Tapos peke?”Napatitig na lamang si Clarisse sa daan. Sumasakit ang ulo niya sa dalawa. Sumabay pa ang traffic sa init ng ulo niya.Pagkatapos niyang iwan si Lucas, hindi niya aakalain na magbubunga ang gabing ‘yon at kambal pa. Mababait naman ito no’ng sanggol pa lamang ngunit nang tumongtong ng tatlong taon, wala nang araw na siya ay payapa. Subalit, ito ang dahilan kung bakit patuloy siyang lu
Last Updated : 2026-01-14 Read more