ELARA'S P.O.V:
"Mommy, how's your day po?" tanong ni Ale sa akin habang pinupunasan ko ang kanyang katawan matapos naming maligo. Hindi ko alam kung bata ba 'tong kaharap ko o kaedad ko na. Masyadong mature kung magsalita. "Okay naman po ang araw ni Mommy dahil may Aleron siya na laging sasalubong sa kanya after work." "Eh si Daddy po? How's his day?" Natigilan ako sa biglaang pagtatanong ni Ale tungkol sa kanyang ama. Hindi ko inaasahan na lalabas yun sa bibig niya. "Ale, you know that I don't know where your Dad is. Ni hindi ko nga alam ang pangalan niya." Lumukob ang lungkot sa mukha ni Ale. Mula ng magkaisip siya, kinukwento ko lagi sa kanya na hindi ko alam kung nasaan ang Daddy niya at hindi ko naman ipinagkakait sa kanya ang totoo ngunit hindi ko sinabi na nabuo lamang siya sa isang pagkakamali. Pagkakamali ko na nagdala sa akin ng isang Aleron Vance. "It's okay, Mom. Don't be sad about it. Happy naman tayo kahit wala si Daddy sa tabi natin." I smiled at him. "Hindi ko alam kung bata ka ba talaga o nagkatawang bata ka lang, halika nga. Pa-hug si Mommy?" Tinalon ni Ale ang distansiya naming dalawa at saka niya ako niyakap at pinupog ng halik ang aking pisngi katulad ng sa kung paano ko siya panggigilan. "Elara," Naputol ang lambingan naming mag-ina nang pumasok si Alon, ang kapatid ko. "Ano ba 'yon?" inis na sambit ko. Mula nang lokohin ako ni Vince, lahat ng lalaking nakapaligid sa akin ay sinusungitan ko na kahit sarili ko pang kapatid. Babaero din kasi. "Sungit nito, pinapatawag ka ni Mama." "Bakit daw?" "Hindi ko alam, napag-utusan lang ako," aniya bago abutin si Ale at walang pagdadalawang-isip na kinarga ang bata at saka siya naglakad palabas ng aking kwarto. Nagbihis na lang ako at saka ako lumabas ng kwarto at nadatnan ko si Mama na nasa sala ng aming bahay at hinihintay ako. "Pinatawag niyo raw po ako?" wika ko matapos kong maupo sa single couch. "Wala ka ba talagang balak na magtrabaho sa Vance Corporation? Anak, hindi mo naman kailangang magpaalipin sa ibang kompanya at maging sekretarya." Mukhang nakarating na naman sa kanya ang balita na natanggap ako sa Saavedra. "Ma, ayoko nga po. Ayokong ipaalam sa buong mundo na ang Elara Vance na kilala nila ay isang disgrasyada. Ayoko rin namang madumihan ang apelyido niyo ng dahil sa akin at ayaw ko ring husgahan nila ang anak ko." Isang mapang-unawang tingin ang ibinigay ni Mama sa akin at inabot ang kamay ko. "Anak kasi, bakit mo ba ipinipilit sa ibang kompanya ang sarili mo kung pwede ka namang magtrabaho sa kompanya natin?" "Mas malaki ang tyansa ng skills at growth development ko nang wala ang anino niyo. Hindi ko naman po kailangang kumapit sa apelyido natin para masabing mayaman ako. Kaya kong magtrabaho, ma, and please hayaan niyo akong maghanap ng boarding house." "Fine, maghanap ka pero iiwan mo si Aleron dito sa bahay." "Ano?" "O bakit? Hayaan mong kami ang mag-alaga sa apo ko at hahayaan kita sa gusto mong mangyari. Tapos ang usapan." Napabuga na lamang ako ng hangin at hindi talaga siya magpapatalo ng katigasan ng ulo sa akin. Although, sanay naman si Ale dito sa bahay at mukhang mas okay 'yon para maalagaan ng maayos ang anak ko. "Fine, payag na akong iwan si Ale dito pero dadalhin niyo siya sa mapipili kong bahay ng T-TH at SS." "Anong TTH at SS?" takang tanong ni Mama. "Tuesday, Thursday, Saturday at Sunday. Yun ang schedule ko sa anak ko." "Ewan ko sa'yong bata ka. Pagod na ako sa'yo. Dyan ka na nga." Hinayaan ko na lang si mama at iniwan ako bago siya dumiretso sa kusina. Kung magdedesisyon na lang din siya sa anak, dapat ako pa rin ang masusunod.ELARA'S P.O.V:MULI kong nilingon si Sir Felip at sakto namang huminto ang sasakyan dahil naka red light."B-Bakit mo naman gustong magkaanak sa akin?" natatawang wika ko pero sa totoo lang, kinakabahan ako na baka may alam siya tungkol kay Aleron ngunit tanging pamilya ko lang ang nakakaalam tungkol sa bata."Because I want to. Kailangan ba ng rason para hindi ko pangaraping magkaroon ng anak sa'yo?""Sir, isang gabi lang na may nangyari sa atin at imposible namang mabuntis mo ako ng ganung kabilis."Pero may bunga, Elara!"Sharp shooter ako, Elara. Gusto mong subukan?"Nanglaki ang mga mata ko. "Tigilan mo nga ako! Green light na!"Namayani ang halakhak ni Sir Felip sa loob ng kotse at saka siya muling nagmaneho at itinuro ko sa kanya ang bahay namin.Nang huminto ang kotse, saktong nasa labas si Alon at may kausap ito sa telepono."Is that your husband?" biglang sambit ni Sir Felip at nakaramdam ako ng kakaibang tensyon nang lingonin ko siya.Nakaisip ako ng kalokohan."Oo. Kaya ti
ELARA'S P.O.V:NANG MARATING namin ang basement ng SAC, laglag ang aking panga ng abutan ako ni Sir Felip ng helmit."Sigurado kang motor ang gagamitin natin?" hindi makapaniwalang tanong ko.Although maangas naman ang motor na gamit niya, ducati yun at talagang mas malaki pa sa kanya."Why? Takot ka bang sumakay sa motor? Hindi ka nga natakot na sakyan ako-- aray!" hinaing niya matapos kong hampasin ng helmet ang braso niya."Kita mong naka skirt ako tapos ipapasakay mo ako dyan?"Sumimangot ang kanyang mukha at binawi ang helmet sa akin at ibinalik niya yun sa ibabaw ng motor. Pumihit siya sa kanyang kaliwa at isang itim na BMW ang naroon."Sabi ko nga magko-kotse na lang tayo. Sa susunod kasi huwag ka nang magsuot ng skirt.""Anong gusto mo, magpantalon ako? Mawalang galang na Sir pero hindi naman yata appropriate yun bilang sekretarya mo.""Elara, whatever you wear is all fine with me as long as you are comfortable. Get inside."Hindi na lang ako umimik nang pagbuksan niya ako ng
ELARA'S P.O.V: SUMAPIT ang hapon, uwian na ng mga empleyado ngunit heto ako at nasa loob pa rin ng opisina ni Saavedra. "May balak ka bang pauwiin ako?" tanong ko habang nanatili siyang nakatitig sa papel na hawak niya. "Ihahatid kita so wait for me until I finish my work." "Bakit mo naman ako ihahatid? Kaya kong umuwi mag-isa." Umangat ang kanyang mukha at tinignan ako ng masama. "Baka takbuhan mo na naman ako at limang taon ulit ang bibilangin ko bago kita makita ulit." Binitawan niya ang hawak na papel at saka siya tumayo mula sa kanyang swivel chair at lumapit sa akin. "You can't escape from me this time, Elara Vance." "What made you think that I can't escape from you? Baka nakakalimutan mo na sekretarya mo ako at Boss kita." "Exactly. I am your Boss so do whatever I want you to do and made a deal with me." "Bakit ba masyado kang mapilit sa deal na gusto mo kung marami namang babae ang umaaligid sa'yo?" "That's my point baby. I want you to be my girlfriend so that they w
ELARA'S P.O.V:LUMIPAS ang mga araw at buwan, naririndi ako sa boses ni Saavedra at ngayon nga ay ipinatawag na naman niya para sa isang walang kwentang bagay."Make me a coffee," aniya dahilan para mapairap ako sa kawalan at padabog na naglakad patungo sa kwarto kung saan siya nananatili habang nagtatrabaho rito sa kompanya."Kung pwede lang manakal ng Boss, baka kanina ko pa ginawa!" nangigigil na bulong ko sa aking sarili habang naghahanda ng kape."Why don't you that while we are on top of my bed?"Agad akong napalingon sa gulat at nakita ko si Saavedra na nasa likuran ko at may pilyong ngisi na nakapaskil sa kanyang labi."Ang bastos mo!""What? We did it though, hindi ko lang maalala yung pakiramdam. Why don't we try? Just accept my offer then you will feast my body.""Ayoko! Tigilan mo nga ako, Saavedra. Trabaho ang ipinunta ko rito at hindi kalandian. O ayan ang kape mo. Nababanas ako sa'yo!"Agad na akong naglakad palabas ng kanyang opisina at wala yatang araw na hindi nasisi
ELARA'S P.O.V:INIHIT ng ubo si Mr. Saavedra dahilan para makawala ako mula sa pagkakakaupo sa kanyang kandungan at umayo ako ng tayo at inunat ang damit kong unti-unti nang nagugusot."Alam mo Sir, malapit na akong mainis sayo. Kung landian lang din ang gusto mo, sana nagtawag ka na lang ng isa sa mga babae mo."Tinignan niya ako ng masama. "Sa tingin mo papatol pa ako sa ibang babae matapos mong kunin ang virginity ko? Mahiya ka nga.""Wow? Ako pa ang dapat mahiya sa lagay mong yan?""Aba, dapat lang! Limang taon kitang hinanap tapos ganito lang ang gagawin mo sa akin? Hindi ka ba naawa?""For your information, Mr. Saavedra, ngayon lang kita nakilala at ang isang gabing sinasabi mo ay pagkakamali lamang yun. Dala lang yun ng problema ko sa ex kong nagloko kaya ako napadpad sa bar na yon.""Women and their issues, sa tingin mo paniniwalaan kita? Matapos mo akong babuyin-- aray!"Hinampas ko nga ng folder dahil sa mga lumalabas sa bibig niya."Baboy mo mukha mo. Hindi ko alam kung rer
ELARA'S P.O.V:"ANO PO bang pag-uusapan natin, Sir?" kinakabahang tanong ko habang nakatayo, ilang dipa ang layo sa kanyang kinauupuan."Why don't you sit first, Miss Vance?""Huwag na ho, sanay naman po akong tumayo."Umigkas ang isang kilay niya sa akin at saka siya napapabuntong hiningang tumayo mula sa kanyang kinauupuan at naglakad siya palapit sa akin.Itinukod niya ang isa niyang kamay sa mesa habang nakatingin sa akin."So, sanay ka rin na mang iwan ng taong natutulog at hindi man lang ginising para humingi ng eksplenasyon?""Ano bang sinasabi mo, Sir?"Napaatras ako ng kaunti nang hawakan niya ang aking baba at marahang iniangat yun upang magtama ang aming mga mata."Do you think I will forgot what happened that night five years ago? Sinamantala mo ang kalasingan ko--""O.A mo, hindi no!"Nanglaki ang mga mata ko sa sinabi ko dahil sumilay ang ngisi sa kanyang labi."So, tama ako? Ikaw yung babaeng nakasama ko sa Grind Me Harder, five years ago na ang nakakalipas?""H-Hindi n