Beranda / Romance / His Fake Wife / Kabanata 1: Aurora

Share

His Fake Wife
His Fake Wife
Penulis: Purplexxen

Kabanata 1: Aurora

Penulis: Purplexxen
last update Terakhir Diperbarui: 2025-02-01 18:44:15

Aurora's Point of View

DALA marahil ng pagod kaya masyadong mahaba ang tulog ko. Mukhang hindi pa ako magigising kung hindi lang kumalam ang tiyan ko at naghahanap na ng pagkain. Sa pagmulat ko ng mga mata ang kisame ng kwarto ni Tanya ang siyang bumati sa akin. Si Tanya ang anak ni Auntie Leonora.

Sa totoo lang, ngayon ko pa lang sila nakilala, ngayon lang na isinama ako ni Auntie Pacita dito sa Lanayan. Kadarating lang namin at halos isang araw ang byahe bago kami makarating kaya pagod na pagod ang katawan ko. Hindi ko alam na may kamag-anak pa pala kami, hindi ko iyon alam, ang akala ko'y sila Auntie Pacita na lang ang kamag-anak na meron ako.

Bumangon ako at nagpasyang lumabas baka sakaling may makakain. Hindi na ako kumain kaninang tanghalian dahil naunahan na ako ng antok at pagod. Nasa ikalawang palapag ng bahay ang kwarto ni Tanya kaya kailangan ko pang bumaba papunta sa kusina. Sana lang may pagkain pa. Hindi pa nga ako nakakapagpalit ng damit, mamaya ay maliligo ako dahil kahapon ko pa itong damit.

Saglit akong natigilan sa pagbaba ng hagdan nang marinig na parang nagkakagulo sa baba. Anong problema? Parang may nag-aaway. Dali-dali akong humakbang sa baitang para tingnan kung ano ang gulo.

Tumigil ang mga paa ko nang makita ang limang mga lalaking may malalaking katawan. Kausap ng isa sa kanila si Auntie Pacita at Auntie Leonora at nagsisigawan sila. Natuon ang tingin nila sa akin, kumunot ang noo ko nang mabilis na tumungo ang dalawang lalaki sa akin at hinawakan ang magkabila kong braso at sapilitan akong kinaladkad papalabas.

“Teka! Bitiwan niyo ko!” Taranta kong sigaw nang mas naging agresibo silang kaladkarin ako palabas ng bahay.

May dalawang humarang kayna Auntie para hindi na nila ako malapitan. Takot at pangamba ang naramdaman ko kaya sumisigaw ako.

“Auntie! Tulungan niyo ko!”

“Tulong! Bitiwan niyo ko! Ano ba!”

Pero malalakas sila. Umaangat ang katawan ko sa lupa dahil sa pagpupumiglas ko at kahit anong pagpapasag kong gawin hindi nila ako binibitawan. Hanggang sa makalabas kami ng bahay at nakita ko ang itim na sasakyang naghihintay sa amin. Mas lalong kumabog ang dibdib ko kaya buong lakas akong nagwala at nagpumilit makawala sa hawak nila.

“Auntie! Auntie Pacita!”

Hindi ko na matanaw kung lumabas ba ng bahay sila Auntie.

Hindi nila ako magawang tulungan.

Hanggang takpan ng isang lalaki ang bibig at ilong ko gamit ang puting panyo. May kung anong matapang na amoy iyon na naging dahilan para mahilo ako at manghina. Para bang ninakaw ang lakas ko hanggang sa tuluyang hilahin ng dilim ang lahat sa akin.

Tulungan niyo ko.

Parang pinukpok ng martilyo ang ulo ko nang magising ako. Sobrang sakit din ng katawan ko at nahihilo pa ako. Marahan kong kinusot ang mga mata ko dahil nanlalabo iyon. Nang maging malinaw na ang paningin ko tumambad sa akin ang malaki at maranyang kwarto.

Agad akong bumangon kahit pa parang pinupukpok ng martilyo ang bawat parte ng utak ko. Inilibot ko ang paningin sa buong silid, malaki at malawak iyon na parang kasing laki na ng bahay namin sa Damarenas.

Mayroon pang sofa at mga mamahalin na upuan sa isang sulok, mga lalagyan ng libro, at may pintong patungong teresa. Nakabukas ang lampshade na nagbibigay ng kahel na liwanag sa buong silid.

Nasaan ako?

Rumagasa sa alaala ko kung paano ako kinaladkad ng mga mamâ kanina at pinatulog gamit ang panyong may nakakahilong amoy. Dahil doon mabilis akong bumangon at tinungo ang pinto. Kailangan kong umalis.

Pinihit ko ang seradura pero mukhang nakasarado iyon. Mas lalo lang akong nataranta.

Ilang beses ko pa iyong ginawa at buong lakas na pinilit na pihitin iyon pero hindi pa rin mabuksan. Nagpalinga-linga pa ako para makahanap ng pwedeng gamitin para buksan ang seradura. Napabaling ang tingin ko sa maliit na kabinet malapit sa kama at kinapapatunangan ng lampshade. Baka may mahanap ako roon. Nilapitan ko iyon at akmang bubuksan iyon nang matigilan ako dahil sa larawan na naroon.

Literal na nahulog ang panga ko at parang tumigil ang pagpintig ng puso ko. Inabot ko iyon at tiningnan ng mabuti ang larawan. Bakit? Paano?

Isa iyong larawan ng bagong kasal. Isang napakagwapong lalaki ang naroon habang katabi ang bride. Kamukhang-kamukha ko ang babae. Pero imposible! Hindi ako ito.

Mas lalo ko pang tiningnan ang babaeng nasa larawan. Kamukha ko nga siya, sadyang napakaganda niya lang dahil may kolorete ang kaniyang mukha at napakaganda ng kaniyang suot na pangkasal.

"So, you're already awake."

Mabilis kong ibinalik ang larawan at humarap sa taong nagsalita. Natulos ang mga paa ko nang makita ang lalaking kanina ay nasa larawan lamang.

Nakasuot pa siya ng puting long sleeve na nakatupi hanggang siko at mukhang kadarating lang galing sa kung saan. Humakbang siya palapit kaya muling bumalik ang mabilis na pagpintig ng dibdib ko.

Lanjutkan membaca buku ini secara gratis
Pindai kode untuk mengunduh Aplikasi
Komen (12)
goodnovel comment avatar
Rosa Mea Jamisola
anong story po ba to?
goodnovel comment avatar
Jojel Campuso
parang complete nman pero nka lock pa sa akin
goodnovel comment avatar
Leony Cabral Mejia
hndi sya Ang asawa moo
LIHAT SEMUA KOMENTAR

Bab terbaru

  • His Fake Wife   Kabanata 49.4: Missed

    Elizabeth's Point of View Because after my relationship with Primo, I closed myself to everyone. Hindi na ako nagboyfriend ulit pagkatapos niya. I didn't accept any suitor. Kahit noong nag-aaral ako sa Cebu at may mangilanngilan na nagpaparamdam ay agad kong kinaklaro sa kanila na hindi ko gusto na magkaroon ng boyfriend. I made it clear, that it's my personal decision to never accept any serious relationship. Sa ilang taon na malayo ako sa San Gabriel, hindi ko pala sinubukan na kalimutan si Primo at ang nangyari noon. Palagi ko pala iyong inaalala at ginagawang motivation para magpatuloy at tumakbo palayo. I didn't forget the pain... I fueled it with more painful memories. Hanggang sa ang maging resulta nito ay matinding galit. Matinding poot. I didn't deal with the pain, I just buried it. Hindi ko siya tinapos, itinago ko lang pala— kasama ng ilang emosyon na akala ko'y nawala na. My phone suddenly rings. Sa gulat ay muntik ko pang mahulog ang platito na nasa hita ko.

  • His Fake Wife   Kabanata 49.3: Missed

    Elizabeth's Point of View I went home with my cinnamon roll and strawberry milkshake. This time, nasa bahay na si Mama at naabutan ko siyang pinapagalitan ang ilang kasambahay dahil walang nakakaalam kung saan ako nagpunta.She sounds concerned and a bit anxious. Nakatungo naman at tahimik ang mga katulong.Nakaharap siya sa may pinto habang pinagsasabihan ang mga katulong kaya agad niya akong nakita nang papasok na ako ng bahay. Nanlaki ang kaniyang mga mata at eksaherada siyang nagpakawala ng malalim na hininga."Liza!" Sa pagalit na tono ay sigaw niya. Dali-dali siyang lumapit sa akin."Liza! Oh my goodness! Saan ka na naman ba nagpunta? Tumawag na ako sa bahay ninyo dahil akala ko umuwi ka, pero wala ka raw doon! Nag-aalala na kami't lahat-lahat, hindi pa rin namin alam kung saan ka nagpunta! We couldn't contact your mobile phone!"Sinalubong ko naman siya at hinalikan ang pisngi niya. Kumunot ang noo niya at nagtatakang tumingin sa akin."Bumili lang ako ng pagkain sa cafe, Ma

  • His Fake Wife   Kabanata 49.2: Missed

    Elizabeth's Point of ViewI shifted on my seat. Hindi ko siya sinagot, pero hinila niya pa rin ang upuan at dahan-dahang naupo. Napatingin ako sa mga taong naroon, ang dalawang babae malapit sa mesa ko ay biglang nagsitayuan para umalis. Ang mag-asawang kaoorder pa lang ng pagkain ay sa malayong sulok pumwesto. Ang mga empleyado ay nagkunwaring mga abala sa kani-kanilang mga trabaho.It feels like, they're being cautious because Jasmine is sitting with me."K-kamusta?" Utal niyang tanong nang mapatingin ako sa kaniya.Maliit ang ngiti sa kaniyang labi."I... I haven't seen you for awhile. Kamusta ka, L-liza?"Kung titingnan ng mabuti, nakakaawa ang kaniyang hitsura. Walang kulay ang kaniyang mukha. Maging ang dating kulay rosas na labi ay parang nawalan na rin ng kulay. Namumutla siya ng husto."I'm fine."Sinubukan niyang palakihin ang kaniyang ngiti."Mabuti naman."Unti-unting bumaba ang kaniyang tingin. Nagtagal iyon sa aking tiyan. I felt a little uneasy because of it.Muli akong

  • His Fake Wife   Kabanata 49: Missed

    Elizabeth's Point of View The next morning, I received a lot of missed calls from unknown number. Kung hindi ko pa nabasa ang mga text na natanggap galing sa parehong numero hindi ko pa maiisip na si Primo iyon. 7:46 PM Unknown Number: Katatapos lang ng meeting. Can I call you now? 7:49 PM Unknown Number: Primo. I bought. another sim card since I couldn't contact you using my original sim card. 8:00 PM Unknown Number: How's the party, Liza? 8:03 PM Unknown Number: Please, don't drink too much. Send me a text once you're free. 8:05 PM Unknown Number: I want to hear your voice. I miss you. Hanggang ngayon ay binabalik-balikan ko pa rin ang mga text niya. Marami iyon, bawat text ay sinusundan niya ng tawag na hindi ko rin naman nasasagot. Hindi ko na nakita kagabi na tumatawag siya dahil naiwan sa kuwarto ang cellphone ko. Hindi ko rin naman naisip na tatawag siya at magtetext. I blocked his number before, noong inis na inis ako sa kaniya, kahit ang phone number niya ay pin

  • His Fake Wife   Kabanata 48.4: Absence

    Elizabeth's Point of View Isinarado ko ang pinto at pagod na naglakad papunta sa kama. I don't know why I always feel exhausted. Kapag nasa kuwarto na ako ay saka ko mas lalong nararamdaman ang matinding pagod. Sobrang sakit ng katawan ko na para bang pinasan ko ang buong mundo. Sa umaga ay sinasadya kong pagurin ang sarili para wala na akong panahon na mag-isip sa gabi dahil agad na akong hihilahin ng antok dahil sa pagod. Pero kapag nakatihaya na ako sa kama at nag-iisa, parang baha na mabilis na umaapaw ang mga bagay-bagay sa isip ko at kahit na pagod na ang katawan ay may panahon pa rin na mag-isip ng kung ano-ano. Siguro nasanay na si Primo sa masama kong ugali. Siguro ay nagsasawa na rin siya? ‘Di ba't mas mabuti iyon? Dahil kung nagsasawa na siya sa pakikitungo ko sa kaniya ay maiisip niyang iurong ang engagement namin dalawa. Maiisip na niya na dapat hindi niya hayaang ipakasal kami sa isa't isa. Ngayon ay hahanap na siya panigurado ng ibang paraan para mapanagutan

  • His Fake Wife   Kabanata 48.3: Absence

    Elizabeth's Point of View Simula nang maikasal si Kuya Alted at Aurora ay naibaling naman sa akin ang atensyon ng ilang nakakaalam tungkol sa planong engagement para sa amin ni Primo. Tingin nila, dahil ikinasal ngayong taon si Kuya Alted ay ako naman ang susunod. This is not the first time someone congratulated me for this. Peke akong ngumiti. "Hindi pa po namin iyan napag-uusapan." Naramdaman ko ang paninitig ni Kuya Alted at Kuya Nexon sa akin. Matuwid akong tumayo, nilabanan ang sarili na madala ng emosyon. "Ah? Hindi pa ba?" Bigong mukha ang pinakita niya sa akin. "Sa bagay, matagal nga naman ang preparasyon ng kasal. Baka wala pa kayong napipiling buwan at araw ng kasal, ano? But, oh, so be it. Nasa inyo naman kung kailan niyo gusto." Narinig kong tumikhim si Kuya Nexon. Wala sa sariling napasulyap ako ng tingin sa kaniya. Nakababa ang kaniyang mga mata sa mesa namin habang nakakunot ang noo. Ibinalik ko ang tingin sa mga bisita at pekeng ngumiti ulit. Nagp

Bab Lainnya
Jelajahi dan baca novel bagus secara gratis
Akses gratis ke berbagai novel bagus di aplikasi GoodNovel. Unduh buku yang kamu suka dan baca di mana saja & kapan saja.
Baca buku gratis di Aplikasi
Pindai kode untuk membaca di Aplikasi
DMCA.com Protection Status