LOGINAurora's Point of View
"Sino kayo?" Tanging ang liwanag lamang sa malaking lampshade ang nagbibigay liwanag sa buong kwarto. Ngunit sapat iyon para makita ko ang biglang pagliyab ng galit sa kaniyang mata dahil sa tanong ko. Mas lalo pa akong kinabahan nang makita ang pagtatagis ng kaniyang bagang at tumalim ang kaniyang mata. "What now? You're going to act like you have a g*dd*mn amnesia? Do you really think that I'm a f*ck*ng m*r*n, Candice?!" Ang galit niyang boses ay parang ungol ng isang mabangis na hayop sa gitna ng kaparangan. Nakakatakot, malalim at mapanganib. "H-hindi po ako si Candice." Umiling ako. Takot na sa kung ano ang gagawin niya. "Hindi ko po kilala ang sinasabi niyo." Malalaki ang hakbang na lumapit siya sa akin at wala akong nagawa nang haklitin niya ang braso ko at mahigpit iyong hawakan. "D*mn you! Akala mo ba makukuha mo ako sa ganiyan! Hindi ako tanga. Naiintindihan mo?" Pinilit kong baklasin ang kamay niya dahil masakit iyon. "Hindi nga ho kasi ako si Candice. Hindi ko ho iyon kilala. Baka nagkakamali lang kayo. Aurora—" Natigilan ako sa pagsasalita nang malakas niya akong itulak papunta sa kama. Lumundo iyon dahil sa lakas ng pagbagsak ko. Takot akong tumingin sa kaniya. Wala naman akong ginagawang masama. Hindi ko kilala si Candice. Hindi ko siya kilala! Wala akong alam sa mga sinasabi niya. "You f*ck*ng sl*t! Don't you dare try to lie to my face again! Hindi ikaw si Candice? Sino ka ulit? F*ck it! Anong drama ‘to? Akala mo ba mauuto mo ako?" Dumukwang siya palapit at sa takot ko, agad akong umatras palayo sa kaniya. "Ibalik mo ang pera ko, lahat ng pera ko at mga alahas na kinuha mo. Hindi ka na ngayon sa akin makakatakas dahil pagbabayaran mo lahat ng kasalanan mo sa akin!" Nag-iinit ang sulok ng mata ko kaya tiningnan ko siya't nagmakaawa. "Pakiusap, wala akong alam sa sinasabi mo. Hindi ko kilala si Candice. Hindi ako siya." "Shut up! You are Candice! You are my d*mn wife." "Hindi ako iyon!" Sigaw ko, mas nilakasan upang marinig niya ng husto. Malayang nagsitulo ang mga luha ko at gusto kong magmakaawa na paniwalaan niya ako. Pero nakikita ko ang agresibong galit at pagkamuhi sa mga mata niya. Sirado ang isip niya sa kahit na anong sasabihin ko. Umayos siya ng tayo at umangat ang sulok ng labi na para bang natutuwa siya sa nakikita niya ngayon. "You can't f**l me, Candice, not again." Pagkatapos niya iyong sabihin naglakad siya palabas ng kwarto at malakas na ibinagsak ang pintuan. Mas lalong lumakas ang pag-iyak ko, halo-halong emosyon ang nararamdaman ko ngayon, pagkalito, takot at pangamba. Hindi ko siya kilala at ang sinasabi niyang Candice. Mariin kong ipinikit ang mga mata at pilit pinakalma ang sarili kahit ang totoo nanginginig pa rin ako dahil sa takot. Hindi dapat ako umiyak dahil wala akong kasalanan. Kung bakit kasi kamukha ko ang asawa niya? Wala akong maalala na ikinasal ako, imposible iyon dahil ngayon lang kami rito nakarating sa Lanayan. Ngayon ko lang din siya nakita. Nasaan na sila Auntie Pacita? Hinahanap kaya nila ako? Bakit walang mga pulis? Tumayo ako at lumapit ulit sa pintuan. Akmang pipihitin ko iyon nang makarinig ng mga tinig na nanggagaling sa labas. "Bantayan niyo ng mabuti, huwag niyong palalabasin." "Opo, señorito." Ibigsabihin may bantay sa labas ng kwarto? Padaosdos akong naupo sa sahig at nanghihinang sumandal sa pintuan. Bakit ganito? Bakit nangyayari ito? Aurora Sandoval, iyon ang pangalan ko at hindi Candice! Paanong magiging asawa niya ako gayong galing ako sa Damarenas at doon na ako lumaki. Napakaimposible ng lahat. Wala rin akong kapatid dahil ulila na ako, nakikitira lang ako kayna Auntie Pacita at hindi pa sana ako makakapunta rito kung hindi lang ako isinama ni Auntie Pacita para bumisita sa isang kamag-anak. “Auntie, tulungan niyo ‘ko.” Isinubsob ko ang mukha sa mga kamay at doon na umiyak. Galing ako sa malayong lugar na kahit kailan hindi pagtatagpuin ang landas namin. Kung sana nakikinig lang siya, kung sana hinahayaan niya muna akong magpaliwanag baka magkaintindihan kami. Tiningnan ko ang pinto papuntang teresa. Tumayo ako at naglakad patungo roon, baka sakaling makatakas ako rito. Pero bumungad sa akin ang tanawin ng malawak na harden. Tiningnan ko ang baba, kung tatalon ako paniguradong may mababali sa akin. Masyadong mataas dahil mukhang nasa ikalawang palapag ako ng bahay. Ibigsabihin lang walang ibang daan kung hindi ang pinto. Ngunit may mga bantay. Wala na talaga akong pag-asang makaalis sa lugar na ito. Bakit Candice? Ano bang ginawa mo at ganon na lamang ang galit ng lalaking iyon sa iyo? Nagnakaw ka ba kagaya ng sinabi niya kanina? Bakit kailangang ako ang maipit dito? Wala naman akong kinalaman. Wala akong alam. Ako si Aurora! Gusto ko iyong isigaw sa mukha ng lalaking iyon. Ako si Aurora at hindi si Candice. Ayaw ko sa lugar na ito. Ngayon pa lang natatakot na ako sa pwedeng mangyari sa akin.Jehan’s Point of View Hindi naman ganoon kalayo ang mansion ng mga Dela Fuente kaya ilang minuto lang ay natanaw ko na ang pamilyar na malaking gate. Mataas pa rin iyon, mukha mang luma ay halatang matibay pa rin. Ang guwardiyang nakalagi sa guardhouse ay agad na lumapit para buksan ang gate nang makita nito si Nicole. Nakababa kasi ang salamin sa bintanang katabi nito kaya kita agad siya sa loob. “Good morning, Senorita Nicole.” Bati nito sabay ngiti. “Good morning.” Bati pabalik ni Nicole. Nang malaki na ang pagkakabukas ng gate ay at kasya na ang sasakyan ay pinaandar nang muli ni Nicole ang sasakyan. Nakapasok kami at dire-diretso na siyang nagmanahe papunta sa rotunda, sa tapat lamang ng mansion ng mga Dela Fuente. Hindi pa ganoon katagal nang makapunta ako rito. Naaalala ko pa ang intricate exterior design ng mansion, pero ngayon ay nakatulala na naman ako at parang nalululala naman sa rangya ng tahanan. Mayaman ang mga Gazalin. Malaki ang mansion nila at bawat sulok ng t
Jehan's Point of View True to Nicole’s words, siya na ang nagpaalam para sa amin kay Madame Sole. At may pakiramdam ako na hindi kayang hindian ng matanda si Nicole kaya pumayag ito sa pag-alis namin. Nicole's wearing a white open-knit long-sleeved crop-top. Ang panloob niya’y itim na sports bra. And pang-ibaba niya’y itim na midi-skirt na may mahaba at malaking slit sa kaliwang hita kaya nakikita ang maputi at mahahaba niyang legs. Pinaresan niya iyon ng puting sneakers. At bilang accessory, nagsuot siya ng gintong pulseras at gintong relo. Sa balikat niya’y nakasabit ang itim na shoulder bag na kung hindi ako nagkakamali ay may tatak na LV. She looks chic. Simple lamang ang suot, ngunit sobrang ganda. “Come on, Jehan.” Tawag niya sa akin nang makitang pababa na ako ng hagdan. Tumayo siya galing sa sofa kung saan nilalaro niya kanina ang mga pamangkin. Gising na rin kasi si Zia at kandong ito ngayon ni Daisy. Si Zeke ay naglalaro ng mga laruang cars sa coffee table. Kahit paano
Jehan's Point of ViewThe next morning, si Daisy, Clad, at ang anak nilang si Zeke ang naabutan kong nag-aalmusal. I wasn't particularly early or late. Napagtanto ko rin na hindi sila maagang nagigising dito. Ala syete y media ay gising na ako, pero ngayong alas otso lang ako bumaba para mag-almusal na. “Good morning, Tita Jehan.” Ngiting bati ni Zeke nang makita ako. Tinutulungan siyang kumain ng Mommy niya. Sabay na nag-angat ng tingin si Clad at Daisy sa akin. “Good morning, Jehan.” Si Daisy na agad ang pagguhit ng ngiti. Parang nakakahiyang tumawag ng Ate kay Daisy. Kahit na iyon naman ang tawag sa kaniya ni Nicole at ni Nicolas. Mas matanda nga siya marahil sa amin, pero nakakahiya pa rin ang tumawag ng ate. Siguro hindi rin kasi ako sanay na mag-address ng ate kahit sa mga nakatatanda sa akin kasi hirap din akong tawaging ate… si Veda. “Good morning.” “Sumabay ka na sa amin mag-almusal, Jehan.” I smiled politely. Naglabas naman agad ng pinggan at kubyertos ang kasambah
Jehan's Point of View “Nexon…” I trailed off. Hindi siya lumayo, tumitig lamang siya sa akin. Hindi ko matagalan ang paninitig niya kaya napaiwas ako ng tingin kasabay ng pag-init bigla ng pisngi ko. I’m sure I'm not blushing. Why would I? “Baka… baka may makakita sa atin.” “No one can find us here.” Maagap niyang tugon sa malamig na tono. “Not even your fiancé.” Naibalik ko ang tingin sa kaniya. Sinalubong naman niya agad ang mga mata ko. Dahil medyo madilim sa parteng ito, madilim din ang ekspresyon ng mukha niya. Hindi ko matukoy kung dahil sa anino ng gabi, o dahil sa nararamdaman niyang emosyon kaya ganoon ang mukha niya. “Ano’ng fiancé?” Naguguluhan kong tanong. Tumitig siya sa mga mata ko, parang may hinahanap, pero walang ibang naroon kung hindi pagtataka. “You don’t know? Everyone's talking about you and Nicolas. Ang ilan sa mga bisita ngayon, iniisip na engagement party ito ninyo ni Nicolas.” May kakaiba sa tono niya… parang galit na nang-uuyam. Umawang ang bib
Jehan's Point of View Sa hagdan ay naririnig ko pa ang pang-aasar nila kay Nicolas. Ngunit tinawanan lamang iyon ng lalaki. I don’t know, but it feels like everyone’s thinking that there’s something between us. Pero wala naman. Hindi naman si Nicolas ang ipinunta ko sa lugar na ito. T’yaka hindi sinagot ni Nicolas ang tanong ko kanina tungkol kay Liezel. Maybe there’s something between them? O baka ako lang ang nag-iisip no’n dahil sa nasaksihan kanina sa burol? Nang makarating sa ikalawang palapag, kabado kong tiningnan ang sala— umaasang naroon si Nexon. Ngunit wala. Wala nang tao sa sala at malinis na rin iyon. Umuwi na kaya siya? Sabi niya mag-uusap kami, hindi ba? Napahikab muli ako. Mabilis kong tinakpan ang bibig saka napailing sa sarili. Paano pala kung mahilig sa mga party ang pamilyang Gazalin? Baka magmukha akong killjoy sa paningin nila dahil maaga akong nagpapahinga? Paano kung maoffend sila Madame Sole dahil sa pagkawala ko? Pero sinabi naman ni Nicol
Jehan's Point of ViewThe fireworks display was pretty amazing. Nasa labas sila Nicolas, samantalang nasa loob ako ng sasakyan habang pinagmamasdan ang pagsabog ng fireworks sa kalangitan. Actually, pagkarating namin ay may fireworks na. Kaya nga mabilis na nagsibabaan ang mga kasama ko para makita iyon bago pa matapos. My eyes slowly drifted to where Nicolas’ friends were. Nagtatawanan sila Nasser, Erica at Emman habang kinukunan ng pictures at video ang fireworks. Si Katrina at Jericho naman ay magkayakap malapit sa puno ng acacia. Kumunot ang noo ko nang mapansin ang dahan-dahang paglapit ni Liezel sa pwesto ni Nicolas. Busy si Nicolas sa pagkuha ng pictures kaya hindi napansin ang presensya ni Liezel. Mabagal ang paghakbang niya palapit, parang natatakot na mapansin ni Nicolas. At nang makalapit na nang tuluyan ay tahimik na lamang na tumabi sa lalaki. Bigla’y hindi ko na maalis ang tingin sa dalawa. Ayaw kong pag-isipan ng masama si Liezel. Mukhang malapit naman sila sa isa’







