Aurora's Point of View
Mayaman talaga siya, kahit ang mga painting na nakasabit sa dingding talagang engrande. Hindi ko tuloy maiwasang hindi ilibot ang tingin sa kabuuan, ngayon ko lang napagtantong hindi ito simpleng bahay lang, mansyon na ito. Panay ang pagtingin ko sa paligid habang nakasunod sa kaniya. Marami rin ang mga katulong sa bahay at hindi ko na matandaan kung ilan silang lahat dahil iba-iba ang skirt na suot nila, may blue, orange, red at green. May konekta ba iyon sa trabaho nila? "Manang Osmet!" He shouted. At mula sa kung saan sumulpot ang isang matandang babae na seryoso ang ekspresyon ng mukha. Mukhang siya ang mayordoma nang lahat nang mga katulong base na rin sa awra at sa suot niyang all-black. Mukhang sixty plus na ang matandang babae dahil may pagkakulubot na rin ang balat nito sa mukha. "Señorito." Bati nito sa lalaking kasama ko. Señorito? Ganon ba talaga siya tawagin ng lahat? "Dalhin mo si Candice sa harden at ituro sa kaniya ang mga dapat linisin. Pronto." Tiningnan ako ng sinasabi niyang manang Osmet. Saglit na dumaan ang pagkadisgusto sa mga mata nito bago tumango at naglakad. "Sumunod kayo, Señorita." "Stop calling her señorita. From now on call her by her name. She doesn't deserve any kind of respect." Matigas at walang emosyong utos niya sa mayordoma. "Masusunod, Señorito." Sagot pabalik ng matanda. Wala akong imik habang nakasunod kay manang Osmet nang papunta kami ng harden. Hindi na namin kasama ang supladong lalaking iyon pero nakatanaw pa rin siya sa amin. Mayroong dalawang katulong na mukhang mas bata lang sa akin ng dalawa o isang taon na naroon at may mga hawak na walis at ilang kagamitang panlinis. Mayroon ding pandilig at malaking gunting. "Magsimula kayo sa pagwawalis ng mga tuyong dahong nalaglag kasunod ng pag-ayos sa mga paso." Ani manang Osmet na iniiwasang hindi sa akin tumingin. Tumango lang ako at kinuha ang walis-tingting sa isang katulong at nagsimula ng maglinis. Naroon pa rin ang dalawang katulong at nakamasid sa akin kasama si manang Osmet na nakakunot ang noo habang nakatingin sa ginagawa ko. Maraming puno dito na sinadyang itanim sa mga lugar na napili para pagandahin mismo ang harden. Marami rin ang mga bulaklak, samu't saring bulaklak at mga halamang herbal. Mas maganda pala dito kesa sa tinitingnan ko lang galing sa teresa ng kwarto. Sanay naman akong maglinis kaya baliwala lang iyon sa akin. Hindi na bago ang mga ganitong gawain kaya alam ko ang ginagawa ko. Ako pa ba? Lumaki ako sa bahay ng Auntie Pacita, isang babaeng estrikta at lahat ng pagkakamali ko sa buhay ay pinupuna, may apat siyang mga anak pero kahit isa sa kanila hindi ako tinutulungan sa gawaing bahay. Ako lahat, dinaig ko pa ang katulong dahil lahat ng gawaing bahay ako ang gumagawa, ako ang nagluluto, naglilinis ng bahay, naglalaba, namamlantsa at kung ano-ano pang iuutos nila. Buhay prinsesa at prinsipe ang mga anak ni Auntie sa bahay, kaya siguro sanay na ang katawan ko sa kahit na anong gawain, madali na lang sa akin kahit anong iutos nila. Hindi ko alam kung ilang oras din ang itinagal ko sa harden dahil sa paglilinis, basta nawili ako lalo na sa mga bonsai na ginupitan ko ng mga dahon. Nagdilig din ako ng mga bulaklak at sinigurado kong tama ang ginawa kong pagdidilig dahil itinuro iyon sa amin noon sa asignaturang Agriculture. Hindi pa nga ako natatapos nang tawagin ni Manang Osmet ang pangalan ni Candice, ibigsabihin ako ang tinatawag niya. Lumapit ako sa kaniya at nagpunas ng pawis. "Bakit po?" Natameme siya ganon din ang dalawang katulong na nagbabantay sa akin. Para bang may sinabi akong mahika sa kanila at hindi nila nagawang makapagsalita agad. "Bakit po, Manang Osmet?" Ulit ko pero sa pagkakataong ito nag-aalangan na rin ako. "S-si Señorito pinapatawag ka." "Saan po?" Malaki masyado ang mansyon niya. Malay ko ba kung nasaan siya. "Nasa dining room." Lutang na sagot ni Manang. Kumunot ang noo ko at nag-isip kung nadaanan ba namin kanina ang sinasabing dining room. Parang hindi. Nasaan ba iyon? "Saan po iyon?" Nagpalitan ng tingin ang dalawang katulong at agad ding tumungo. Si Manang Osmet naman ay tumikhim at inayos ang sarili. "Sumunod ka sa akin." Saad niya at naglakad. Ganoon nga ang ginawa ko. Pumasok kami ulit sa mansyon at dumiretso sa dining area, hindi talaga namin ito madadaanan kanina dahil nasa pinakadulong bahagi ito sa kanan malapit sa daan papuntang kusina. Hindi nakatakas sa paningin ko ang swimming pool sa labas katapat ng dining table. Hindi ko agad pinansin ang lalaking naghihintay sa akin sa mesa, bagkus hinayaan ko ang sarili na tingnan pang mabuti ang mahabang swimming pool sa labas. Gusto kong mamangha sa lahat ng narito, sobrang yaman niya talaga at ang ganda pa ng mansyon niya. Mukhang kumpleto na lahat.Elizabeth's Point of ViewHumarang sa paningin ko ang waitress nang ibaba niya sa mesa ang inorder naming pagkain at inumin. Nang umayos siya ng tayo ay natanaw ko agad ang lalaking higit na hindi ko inaasahan.Madali akong nagbaba ng tingin at tumungo nang tuluyan. My heart raced.Hindi pa man nakakainom ng kape ay parang nagpapalpitate na ako sa sobrang kaba.“Liza?” Nagtatakang tawag ni Cassy.I gritted my teeth. Hindi ko alam kung malakas ba ang boses niya, o sa pandinig ko lang malakas dahil nasa tabi ko lang naman siya.“Shh.” I hushed her immediately.Nang mag-angat ako ng tingin ay nakita kong lumingon sa pwesto namin ang mga kaibigan ni Primo tila narinig ang pagtawag sa pangalan ko. Siya lamang ang hindi nakatingin dahil abala siya sa pag-order sa counter. Nang makita ni Joson na nakita ko na sila ay dahan-dahan siyang kumaway.Si Milo naman ay ngumiti ng maliit.Ngunit hindi ko natugunan ang isa man sa kanila. Marahas lamang akong nag-iwas ng tingin at agad na nairita.Baki
Elizabeth's Point of ViewBut I was wrong. Every morning, I could feel the world spinning. Walang mintis sa umaga ang pagdalaw ng masamang pakiramdam at ang pagkahilo ko ng walang dahilan.Nahihilo ako palagi at naduduwal pagkakagising ko pa lang. Kahit na iniiwasan ko nang uminom ng alak sa gabi, kahit na hindi na ako nagpupuyat at nagpapakastress masyado. Hindi pa rin bumabalik sa normal ang katawan ko. I still feel sick in the morning.Hindi ko lamang pinahahalata kay Aurora at Kuya Alted dahil ayaw kong mag-alala sila. Lalo na si Kuya Alted, baka maisip niyang nagiging pabigat pa ako sa paghahanda sa kasal nila ni Aurora kung kailan malapit na.“Namumutla ka na naman.” Bulong ni Cassiopeia na nasa tabi ko.Sinulyapan ko siya ng tingin at napabuntong-hininga na lamang. Inilapag ko sa ibabaw ng mesa ang mga card.Hindi ko pa natitingnan isa-isa. Pero wala na akong gana, masyado pa kasing maaga para makipagkita sa kaniya, at asikasuhin ang lahat ng ito. Pero dahil babalik din siya ag
Elizabeth’s Point of ViewThe next morning. I felt like I'm dying. Kung hindi lang dahil sa sunod-sunod na katok galing sa pinto ng kuwarto ko ay pipiliin ko na lamang na matulog at hindi na bumangon pa.My headache is back. At mas malala pa ito kumpara sa kahapon. Umiikot na naman ang paningin ko kahit na nakapikit naman ako. Ramdam ko ang pag-akyat ng asido sa tiyan ko na dahilan para mas lalong lumala ang pakiramdam ko.Ano na naman ba ang problema sa akin?“Liza?”Tumigil ang kung sinumang kumakatok sa labas. Lumangitngit ang pinto, tila nagawang buksan ng taong tumatawag sa akin.“Liza?”I heard footsteps. But I can’t open my eyes. Hindi ko alam kung sino ang pumasok sa kuwarto. Hindi ko makilala ang boses ng tumatawag sa pangalan ko.“Liza? Bakit hindi ka pa bumabangon?” Lumundo ang kama dahil sa pag-upo ng bagong dating. Nakilala ko agad ang pamilyar na amoy ni Aurora nang maupo siya sa tabi ko.I groaned. Hindi ko masabi na nahihirapan akong magmulat ng mga mata dahil nahihil
Elizabeth's Point of ViewNang ihanda na ni Aurora ang pagkain sa island counter ay tinulungan ko siya. Samantalang nilinis naman ng mga katulong ang kusina. Ang katulong na kasama kanina ni Aurora ay umalis para makapagpahinga na kaya nawala na nang tuluyan ang pag-asa sa akin na may makakalap ako na impormasyon tungkol kay Jasmine at sa gobernador.I sat on the high stool. Akala ko ay aalis si Aurora, pero laking pagtataka ko nang maupo siya sa tabing upuan. Siya pa ang nagsalin ng tubig para sa akin.“Where's the twin?” I asked her as I prepared to eat my dinner.Just soup. Me and my soup against the cold evening.“Nakatulog ng maaga ang dalawa dahil maraming ginawa sa school kanina. Pagkatapos na maghapunan ay umakyat agad sa kuwarto nila para makapaghanda na sa pagtulog.” Kwento niyaI slowly nodded my head. Humigop ako ng sabaw at agad naman na humagod sa lalamunan ko ang init nito. Pinuno nito ng kakaibang pakiramdam ang puso ko.Somehow, I could feel my body relaxed. Hindi ko
Elizabeth’s Point of View Hindi ko na dapat na iniisip ang problema ni Jasmine at ang anak niya. Simula nang biguin niya ako sa pagkakaibigan namin ay sinanay ko na ang sarili na tinuturing na lamang siyang hangin.Hindi ko na dapat pag-aksayahan ng panahon ang kagaya niya. Luckily, I was discharged before evening. Sa byahe ay nakatulog na naman ako dahil siguro sa huling gamot na itinurok sa IV fluids bago kami tuluyang idinischarge ng doktor.Alas otso nang magising ako para bumaba at humingi ng pagkain sa kasambahay nang maabutan ko sa kusina si Aurora at ang isang katulong na madalas niyang tawagin na Nay Consing.“May inaalagan nga raw na kabit si Betina. Nagkita kami sa palingke noong nakaraang araw at nakwento niya na ilang araw nang dinudugo ang babae.” Saad ng kasambahay.Ilang Linggo na ako sa Lanayan at pansamantalang nakikitira sa bahay ni Kuya Alted para mapabilis ang pag-aasekaso sa kasal nila ni Aurora. Mas gusto ko rin dito sa Lanayan dahil mag-isa lang ako sa villa
Elizabeth's Point of ViewNang umalis si Aurora ay tuluyan akong naiwan mag-isa. Inabala ko na lamang ang sarili sa pakikipagtitigan sa puting kisame dahil wala na rin naman akong magagawa kung hindi ang maghintay na bumalik siya para makauwi na kami.Goodness, do I really have to be stuck in here?I could hear mumbling and faint noises around me, but I could not understand anything. Alam ko na may iba pa akong kasama na mga pasyente sa ward, sa likod lamang ng mga kurtinang nakaharang sa magkabila ko.Ipinikit ko ang mga mata at hindi na prinoblema ang ingay na naririnig. Hindi ko na rin inalam kung ilan kaming nasa ward dahil mukhang marami, base na rin sa mumunting boses na tumatagos sa mga kurtina.What do I expect from an open ward? Of course, there are many patients here.“Jasmine Alfaro?”“Opo.”“How are you feeling now? Dinudugo ka pa rin ba?”Agad na bumukas ang mga mata ko nang marinig ang pamilyar na boses sa katabing bed. Kung hindi dahil sa nakaharang na kurtina ay agad k