Aurora's Point of View
NAG-ANGAT ako ng tingin, isang katulong ang pumasok at may dalang tray na puno ng pagkain. Matapos niya iyong ilagay sa kama ay walang imik din siyang lumabas. Kasalukuyan akong nakahilig sa may pintuan ng teresa at tinatanaw ang malawak na harden sa labas. Para lang akong ibon na nakakulong sa hawla at walang kalayaan. Apat na araw na rin simula nang kunin nila ako at ikulong sa kwartong ito. Laging may nakabantay sa labas ng silid kaya hindi ako makalabas, wala rin akong maisip na pwedeng paraan para makaalis sa lugar na ito. Kain, tulog, at pagtanaw lamang sa harden ang nagagawa ko buong araw. Para akong pinaparusahan ng langit, para akong bilanggo sa isang marangyang silid. Narinig kong bumukas ulit ang pinto pero hindi na ako nag-abalang lingunin iyon, baka isa rin sa mga katulong. Siguradong maglilinis lang iyon ng kuwarto. "Ba't hindi ka pa kumakain?" Para akong tinamaan ng kidlat nang marinig ang boses na iyon. Dali-dali akong umayos ng tayo at pumihit paharap. Doon nagtagpo ang mga mata namin ng lalaking apat na araw ko na ring hindi nakikita. Simula nang gabing iyon, hindi na siya bumalik dito, hindi ko alam kung saan siya nagpunta pero mukhang umalis siya dahil kahit anino at boses niya ay hindi ko nakita at narinig. "Ayaw mo ba sa pagkain?" Walang buhay niyang tanong. Kinabahan na naman ako, hindi ko alam kung bakit sa tuwing nagsasalita siya para iyong ungol ng isang mabangis na hayop sa pandinig ko. Hindi ko pa rin magawang makasagot kaya naglakad siya palapit. Natagpuan ko lamang ang sarili na umaatras dahil sa takot. Malalaki ang hakbang niya dahil sa mahahaba ang kaniyang paa. Nasa teresa na ako kaya't malamig na bato ang siyang lumapat sa likod ko. "Why are you not talking to me? May lakas ka pa talaga ng loob na magmatigas sa akin?" Sipat niya at hinawakan ang braso ko nang mahigpit. Napakislot ako sa pagdampi ng kamay niya sa balat ko. Nakasuot ako ng sando kaya malaya niyang nahahawakan ng mahigpit ang braso ko at namumula na iyon dahil sa higpit ng pagkakahawak niya. Marahas niya akong hinila papasok ng kwarto at itinulak sa kama. Wala pa rin akong imik kahit na sobra na ang ginagawa niya. "Eat that, you're going to pay me starting today. Make it fast because you will have to clean the garden after you finish that." Tiningnan ko siya, salubong ang kaniyang kilay at naroon na naman ang naglulumiyab na galit sa mga mata niya. Nag-iwas ako ng tingin at sinunod ang gusto niya. Fried rice, egg, hotdog at sandwich and nakalagay sa tray kasama ang isang basong orange juice. Siguro kung sa probinsya ito, kape at tinapay lang ang almusal ko. Walang pag-iinarte ko iyong kinain habang nariyan pa rin siya at nakatingin sa akin. Hindi ko na tiningnan ang reaksyon niya, basta inubos ko ang pagkain at ininom lahat ang orange juice. Naiisip ko palang na malawak ang harden nila, paniguradong kailangan ko ng lakas para malinis iyon. Nang matapos ako tiningnan ko siya, mas salubong pa ang kilay niya at kunot na kunot ang kaniyang noo na para bang may hindi tama sa ginawa ko. Bumukas ang pintuan at pumasok ang dalawang katulong, ang isa ay kinuha ang tray at ang isa naman ay may dalang damit na ipinatong sa ibabaw ng kama. "Ano 'to?" For the first time, ngayon lang may lumabas na salita sa bibig ko. Kinuha ko ang damit at nakitang kulay itim iyong kamisita at itim na pajama. Parang ginagamit ng isang hardenera. Kung ganoon ito ang isusuot ko? "Wear that." Maawtoridad niyang saad. Saglit ko lang siyang tiningnan at kinuha nga ang damit. Dumiretso ako sa banyo at nagpalit. Isa ito sa gusto ko rito sa kwartong ito, masyadong malaki ang banyo, may shower, may bathtub, may toilet at may sink pa. Kumpleto na lahat. Nang matapos akong magpalit tiningnan ko ang sarili sa salamin, doon ako napabuntong-hininga. Kamukhang-kamukha ko talaga ang asawa niya, siguro sa tuwing nakikita niya ako mas lalong naglulumiyab ang galit niya dahil akala niya talaga ako ang asawa niya. Ngayon, pinaparusahan niya ako sa kasalanan na hindi ko naman ginawa. "D*mnit! Faster!" Kinatok niya pa ng malakas ang pinto kaya nagmamadali akong lumabas. Nang makita niya ako tiningnan niya ako mula ulo hanggang paa. Kumunot ang noo niya nang makitang nakatali ang buhok ko. Bakit? Eh sa mainit e. Normal na iyon na bagsak at makapal kaya madali lang akong mainitan. Hanggang bewang din ang haba non kaya kinakailangan talagang lagyan ng tali. "Labas." Katulad kanina ay wala akong imik at sinunod ang gusto niya. Pinihit ko ang seradura at bumukas nga iyon. Nasa labas ang dalawang lalaki at parang nagbabantay. Nagbaba sila ng tingin nang mapadaan kami sa kanila, nauna siyang maglakad sa akin kaya nakasunod ako. Dumiretso siya sa pa-spiral na hagdan at bumaba, nakasunod pa rin ako sa kaniya.Primitivo's Point of View Nang paalis na siya ng kusina ay sinundan ko na lamang siyang ng tingin ngunit hindi na pinigilang umalis. I know she will not give a d*mn about my feelings anymore, pero mas magaan pa rin sa dibdib na sabihin sa kaniya kung ano ang iniisip at nararamdaman ko. Kahit na alam kong maiinis siya sa akin, pinipilit ko pa rin na sabihin sa kaniya ang mga bagay na ‘yon. ‘Cause in that way, I want her to know that I'm still trying to reach her. Hinawakan ko muli ang tasa at ngumiti sa sarili nang maisip na kahit na simpleng bagay lamang ang ginagawa niya ay tila malaki at mabigat na iyon para sa akin. Sa ilang beses kong pagpasok sa villa nila, ngayon niya pa lamang ako inalok ng kape. Madalas, pinapaalis niya lang ako at hindi na inaalok na makapasok man lang hanggang sa living room. Ipagtatabuyan niya agad ako, dahil hindi bisita ang tingin niya sa akin, kung hindi trespasser.Gagawin niya ang lahat para lamang hindi ako magtagal sa paningin niya. Kaya ngayo
Elizabeth's Point of View Tinalikuran ko siyang muli para kumuha ng instant coffee galing sa pantry. I don't want to tire myself preparing the coffee maker machine for him. Kaya ang instant coffee na lamang ang maiaalok ko sa kaniya. I grabbed a new mug from the shelf. Pagkatapos na maglagay ng kape ay binuhusan ko iyon ng mainit na tubig bago bumalik sa kaniya. Dahan-dahan kong inilapag sa kaniyang harap ang dala kong kape. Nang mag-angat ako ng tingin ay saka ko lang napagtanto na nakatitig na pala siya sa akin.Kumunot ang noo ko. Nang makaayos ng tayo sa kaniyang harap ay pinagtaasan ko siya ng kilay."Why are you looking at me like that?" Galit kong tanong sa kaniya.Hindi ko gusto ang tingin niya. Ayaw kong titig na titig siya sa akin na tila kinakabisa ang bawat kilos ko.Kumurap siya at wala sa sariling ngumiti. His white teeth were displayed to my sight. Nalukot naman ang mukha ko dahil sa pagngiti niya."Why are you smiling like a creep, Gazalin?" Napipikon na talaga ako
Elizabeth's Point of View I glared at him when he didn't even move. Ngayon, paano siya babalik sa bistro? "Where are the maids?"Naalala kong may pumunta nga palang mga katulong dito sa villa pero hindi nakapasok dahil updated na ang system. Kumunot ang kaniyang noo sa tanong ko kaya naisip ko agad na wala siyang nakitang tao sa labas. Mukhang umuwi na lang ang mga katulong at hindi na naghintay.I fished out my phone from my purse to ask Kuya Nexon about the maids. Sakto naman na bumungad ang numero at pangalan ni Kuya Nexon sa screen. "Kuya." I answered him coldly. "Are you home?" May pag-aalala sa tono ng boses niya kaya ang malamig na pagtrato na dapat ko sanang ipataw sa kaniya dahil sa ginawa niya ay nawala na sa isip ko. "Yes," sagot ko. "Where's Primo?"Sumulyap ako ng tingin kay Primo. Nakatingin naman siya sa akin, seryoso ang ekspresyon ng mukha.Paano ngayon babalik sa bistro ang isang ‘to?"Let him stay for awhile. Uuwi ako ngayong gabi kaya pinauwi ko na
Elizabeth's Point of View Nakakahiya. Iyon palagi ang naiisip ko sa tuwing nahuhuli ako ni Nicolas na nakatingin kay Primo. Hindi ko rin alam na palagi na palang binabantayan ni Nicolas ang mga ginagawa ko, kaya madalas niya tuloy na makitang sumusulyap ako ng tingin kay Primo kapag nariyan siya. Simula nang gabing iyon, nagsuspitya na siya na may gusto ako kay Primo kaya siguro hindi na siya tumigil sa pagbabantay sa mga kilos ko. At kahit na itanggi ko pa na wala akong nararamdaman para sa kaniyang pinsan, alam ko na hindi siya maniniwala. To be honest, I really don't know how I feel for Primo. I don't understand why I have to steal glances everytime he's near. He's cute, yes. But I don't have a crush on him! Or... maybe... just a little? "Totoo, Liza?" Dahil magkakambal si Nicolas at si Nicole, walang bagay na maitatago ang isa sa isa. Kaya ang pagsususpitya ni Nicolas tungkol sa nararamdaman ko kay Primo ay nakaabot sa pandinig ni Nicole. At kung makulit si Nico
Elizabeth's Point of ViewI honestly felt defeated. Alam ko na magmamatigas siya at ipipilit niya kung ano ang gusto niya, lalo pa't tinawagan siya ni Kuya Nexon! Iyon ang nagpapalakas sa kaniyang loob.With all my might, I pushed him away. Pinukol ko siya ng masamang tingin nang makalayo na siya ng ilang sintemetro."I hate you." Mariin kong saad.Tinalikuran ko siya at tumuloy na sa backseat para makalayo sa kaniya nang tuluyan.Fine, I will let him drive! Para lang matahimik ang kaluluwa niya. Pero hinding-hindi ako tatabi sa kaniya.I slid in to the backseat and fastened my seatbelt. Lukot na lukot ang mukha ko dahil sa matinding pagkayamot sa kaniya.Sumunod naman siya nang makaupo na ako, naupo siya sa driver's seat at sumulyap pa talaga sa rearview mirror para lang mas maasar ako lalo sa pagmumukha niya!"Where's the key?"I gritted my teeth. D*mn it! Kung pwede lang talagang sipain siya palabas ng sasakyan ay gagawin ko para lang hindi ko na marinig ang boses niya at hindi ko
Elizabeth's Point of View He said it so casually that it shocked everyone. Tila natahimik ang buong bistro pagkatapos ng ilang pagsinghap galing sa ibang costumer. Maging si Juliet ay hindi nakapagsalita lalo pa't tumigil sa harap namin si Primo. Nagtagis naman ang bagang ko dahil sa biglaang pagkairita sa ginawa niya. Kaysa na sagutin siya, muli akong humarap kay Juliet para pormal na magpaalam. "Thank you for inviting me tonight. Happy birthday." I greeted her again. "Mauna na ako." Hindi ko na hinintay na may sabihin pa siya sa akin. Tumalikod na ako at malalaki ang hakbang na naglakad paalis ng bistro. Now, I felt humiliated. Parang tumatagos sa buto ko ang kahihiyan dahil sa ginawa ni Primo! I didn't like it when people saw us together. Mahirap na para sa akin na magkasama kami sa iisang lugar kahit na hindi kami nagkakausap o naglalapit, kaya paano pa kapag lumapit na siya at kaswal na makipag-usap? Mabilis ang hakbang ko pababa sa hagdan ng bistro. Mas lalong nag-