Home / Romance / His Fake Wife / Kabanata 2.3: Attitude

Share

Kabanata 2.3: Attitude

Author: Purplexxen
last update Last Updated: 2025-02-01 18:50:01

Aurora's Point of View

"Have a sit." Utos niya sa akin.

Hindi ko pa rin alam ang pangalan niya. Wala pa akong naririnig mula sa mga katulong maliban lang sa “señorito” na tawag sa kaniya. Kahit ang apelyido niya hindi ko rin alam.

Nasa kabisera siya at parang haring nakaupo. Ngayon ko lang napansin ang maraming pagkain na nakahain sa mahabang mesa.

Agad naman na kumalam ang tiyan ko nang makita ang masasarap na putahing iyon kahit hindi naman pamilyar kung anong klaseng luto iyon.

Naupo ako sa upuan bago ang sa kaniya. Dahil doon kumunot ang noo niya, pero wala akong alam. Saan ba dapat ako umupo kung ganon?

"Hindi ba pwedeng maghugas muna ako ng kamay bago kumain?" Malumanay at mababa ang boses ko nang itanong ko iyon sa kaniya.

Saglit niya pa akong pinakatitigan at kalaunan tumango ng marahan. Agad naman akong tumayo at nagtungo sa kusina.

Limang katulong ang naroon at nabigla pa sila nang makita ako, agad silang nagsitabi na para bang nakakatakot akong nilalang.

Hinayaan ko na lang sila at lumapit sa sink. Hinugasan kong mabuti ang mga kamay at nagpunas bago bumalik para kumain.

Kumakain na siya nang bumalik ako kaya agad akong nag-sign of the cross at mahinang bumulong ng panalangin na nakagawain ko na. Pagmulat ko ng mga mata ay inabot ko agad ang mga pagkain na gusto kong kainin.

Marami ang pagkain nila rito, masasarap at alam kong hindi mauubos. Hindi kagaya sa bahay nila Auntie Pacita, kailangan kong tipirin ang sarili ko kung hindi masisinghalan ako.

Dito, hindi nila binibilang ang bawat subo ko, hindi mahalaga kung ano ang kinakain, binibigay nila lahat sa akin kaya kahit papaano may nagustuhan ako rito.

"Pagkatapos mo linisin mo ang guestroom at ang dalawang sasakyan sa labas. Ayosin mong walang masisira." Basag niya sa katahimikan habang nakatingin sa akin.

Sinulyapan ko lang siya at tumango. Sino ba naman ako para magreklamo hindi ba?

Naglilinis din naman ako noon ng Jeep ni Mang Esteno kaya magagawa ko ring linisin ang mga sasakyan niya. Kailangan ko lang mag-ingat.

Kumalansing ang kubyertos niya kaya tumingin ulit ako sa kaniya. Naroon na naman ang galit sa mga mata niya at parang hindi siya natutuwa sa akin.

"Ano ba talagang plano mo, Candice? Do you really think I'll buy your acting?"

Tiningnan ko lang siya. Wala naman akong ginagawa, ba't naiinis na naman siya?

Gusto ko talagang isigaw sa kaniya na hindi ako si Candice, na hindi ako ang asawa niya at hindi lang ako umaarte.

Pero maniniwala ba siya? Baka mas magalit lang siya sa akin ng sobra at saktan ako.

"Susundin ko naman lahat ng mga iuutos mo. Hindi ako magrereklamo." Dahil sa kaba iyon agad ang lumabas sa bibig ko.

Kumuyom ang kaniyang kamao kaya mas lalo akong kinabahan. Sobrang lakas na ng tambol ng dibdib ko. Bakit ba lahat na lang ng sinasabi at ginagawa ko ay hindi naaayon sa gusto niya? Ang gulo niya

rin!

Sa pagkabigla ko'y tumayo siya at umalis. Naiwan naman akong mag-isa. Bumuntong-hininga ako at nagpatuloy sa pagkain, nagugutom ako at may gagawin pa ako kaya kailangan kong kumain.

Bahala siya, mapapansin niya rin naman na hindi ako ang asawa niya kaya hangga't hindi siya kumbinsido na hindi ako ang asawa niya mananatili muna ako rito. Kahit pa maging katulong niya ako, ang mahalaga pinapakain niya ako ng marami.

Magsasawa rin siya kakapilit na ako si Candice.

Nang matapos akong kumain akmang ililigpit ko na ang pinagkainan namin nang lumabas ang limang katulong at sinabing sila na lang daw ang gagawa noon. Hindi na ako nag-abala at bumalik na lang ako sa kwarto para saglit na magpahinga at maligo para mamaya ko na linisin ang guestroom tapos mamayang hapon ko naman lilinisin ang mga sasakyan niya.

Pagkatapos kong maligo binuksan ko ang walkin closet ni Candice, kaniya iyon dahil mga damit pambabae ang naroon. Tiningnan ko ang mga damit at isang buntong-hininga ang pinakawalan. Ang hilig niya sa mga dress at mga maiiksing damit, may iilan pang masyadong maliit sa akin at walang sleeve. Mahihirapan pa yata akong maghanap ng maayos na susuotin. Agad umangat ang sulok ng labi ko nang makakita ng isang t-shirt.

Malaki iyon at aabot sa tuhod ko panigurado. Pero mas okay na ito, mas komportable ako rito. Agad ko iyong sinuot at pumili ng maiksing short na mukhang pantulog niya lang. Ayos na ito, pagtatyagaan ko na lang muna dahil wala naman dito ang mga damit ko.

Nang buksan ko ang pinto at hahanapin na dapat ang guestroom naroon na pala sa labas ang supladong ito. Hinagod niya ako ng tingin mula ulo hanggang paa. Nagsalubong na naman ang kilay niya at parang may mali na naman akong nagawa at hindi niya iyon nagustuhan.

"Bakit?" Nakaramdam tuloy ako ng hiya. Wala namang masama sa suot ko.

He cussed. Sa likod niya ay naroon ang dalawang katulong na kanina ay kasama ko sa harden. May dala na naman silang panlinis. Umalis siya at parang galit na naman.

"May topak ba talaga ang lalaking iyon?" Hindi ko mapigilang hindi maitanong sa mga katulong.

Nagkatinginan sila at nakita kong nag-aalangan talaga sila sa akin.

"Sige, huwag niyo na lang sagutin. Mukhang meron nga."

Continue to read this book for free
Scan code to download App
Comments (10)
goodnovel comment avatar
Nining Seblit Marina
I love the story
goodnovel comment avatar
Mylene Macam Tambong
excited s next chapter,,
goodnovel comment avatar
Mylene Macam Tambong
interesting story..khit nagsisumuka p lng..
VIEW ALL COMMENTS

Latest chapter

  • His Fake Wife   Kabanata 10.3: Feelings

    Elizabeth's Point of View Tinalikuran ko siyang muli para kumuha ng instant coffee galing sa pantry. I don't want to tire myself preparing the coffee maker machine for him. Kaya ang instant coffee na lamang ang maiaalok ko sa kaniya. I grabbed a new mug from the shelf. Pagkatapos na maglagay ng kape ay binuhusan ko iyon ng mainit na tubig bago bumalik sa kaniya. Dahan-dahan kong inilapag sa kaniyang harap ang dala kong kape. Nang mag-angat ako ng tingin ay saka ko lang napagtanto na nakatitig na pala siya sa akin.Kumunot ang noo ko. Nang makaayos ng tayo sa kaniyang harap ay pinagtaasan ko siya ng kilay."Why are you looking at me like that?" Galit kong tanong sa kaniya.Hindi ko gusto ang tingin niya. Ayaw kong titig na titig siya sa akin na tila kinakabisa ang bawat kilos ko.Kumurap siya at wala sa sariling ngumiti. His white teeth were displayed to my sight. Nalukot naman ang mukha ko dahil sa pagngiti niya."Why are you smiling like a creep, Gazalin?" Napipikon na talaga ako

  • His Fake Wife   Kabanata 10.2: Feelings

    Elizabeth's Point of View I glared at him when he didn't even move. Ngayon, paano siya babalik sa bistro? "Where are the maids?"Naalala kong may pumunta nga palang mga katulong dito sa villa pero hindi nakapasok dahil updated na ang system. Kumunot ang kaniyang noo sa tanong ko kaya naisip ko agad na wala siyang nakitang tao sa labas. Mukhang umuwi na lang ang mga katulong at hindi na naghintay.I fished out my phone from my purse to ask Kuya Nexon about the maids. Sakto naman na bumungad ang numero at pangalan ni Kuya Nexon sa screen. "Kuya." I answered him coldly. "Are you home?" May pag-aalala sa tono ng boses niya kaya ang malamig na pagtrato na dapat ko sanang ipataw sa kaniya dahil sa ginawa niya ay nawala na sa isip ko. "Yes," sagot ko. "Where's Primo?"Sumulyap ako ng tingin kay Primo. Nakatingin naman siya sa akin, seryoso ang ekspresyon ng mukha.Paano ngayon babalik sa bistro ang isang ‘to?"Let him stay for awhile. Uuwi ako ngayong gabi kaya pinauwi ko na

  • His Fake Wife   Kabanata 10: Feelings

    Elizabeth's Point of View Nakakahiya. Iyon palagi ang naiisip ko sa tuwing nahuhuli ako ni Nicolas na nakatingin kay Primo. Hindi ko rin alam na palagi na palang binabantayan ni Nicolas ang mga ginagawa ko, kaya madalas niya tuloy na makitang sumusulyap ako ng tingin kay Primo kapag nariyan siya. Simula nang gabing iyon, nagsuspitya na siya na may gusto ako kay Primo kaya siguro hindi na siya tumigil sa pagbabantay sa mga kilos ko. At kahit na itanggi ko pa na wala akong nararamdaman para sa kaniyang pinsan, alam ko na hindi siya maniniwala. To be honest, I really don't know how I feel for Primo. I don't understand why I have to steal glances everytime he's near. He's cute, yes. But I don't have a crush on him! Or... maybe... just a little? "Totoo, Liza?" Dahil magkakambal si Nicolas at si Nicole, walang bagay na maitatago ang isa sa isa. Kaya ang pagsususpitya ni Nicolas tungkol sa nararamdaman ko kay Primo ay nakaabot sa pandinig ni Nicole. At kung makulit si Nico

  • His Fake Wife   Kabanata 9.3: Drive

    Elizabeth's Point of ViewI honestly felt defeated. Alam ko na magmamatigas siya at ipipilit niya kung ano ang gusto niya, lalo pa't tinawagan siya ni Kuya Nexon! Iyon ang nagpapalakas sa kaniyang loob.With all my might, I pushed him away. Pinukol ko siya ng masamang tingin nang makalayo na siya ng ilang sintemetro."I hate you." Mariin kong saad.Tinalikuran ko siya at tumuloy na sa backseat para makalayo sa kaniya nang tuluyan.Fine, I will let him drive! Para lang matahimik ang kaluluwa niya. Pero hinding-hindi ako tatabi sa kaniya.I slid in to the backseat and fastened my seatbelt. Lukot na lukot ang mukha ko dahil sa matinding pagkayamot sa kaniya.Sumunod naman siya nang makaupo na ako, naupo siya sa driver's seat at sumulyap pa talaga sa rearview mirror para lang mas maasar ako lalo sa pagmumukha niya!"Where's the key?"I gritted my teeth. D*mn it! Kung pwede lang talagang sipain siya palabas ng sasakyan ay gagawin ko para lang hindi ko na marinig ang boses niya at hindi ko

  • His Fake Wife   Kabanata 9.2: Drive

    Elizabeth's Point of View He said it so casually that it shocked everyone. Tila natahimik ang buong bistro pagkatapos ng ilang pagsinghap galing sa ibang costumer. Maging si Juliet ay hindi nakapagsalita lalo pa't tumigil sa harap namin si Primo. Nagtagis naman ang bagang ko dahil sa biglaang pagkairita sa ginawa niya. Kaysa na sagutin siya, muli akong humarap kay Juliet para pormal na magpaalam. "Thank you for inviting me tonight. Happy birthday." I greeted her again. "Mauna na ako." Hindi ko na hinintay na may sabihin pa siya sa akin. Tumalikod na ako at malalaki ang hakbang na naglakad paalis ng bistro. Now, I felt humiliated. Parang tumatagos sa buto ko ang kahihiyan dahil sa ginawa ni Primo! I didn't like it when people saw us together. Mahirap na para sa akin na magkasama kami sa iisang lugar kahit na hindi kami nagkakausap o naglalapit, kaya paano pa kapag lumapit na siya at kaswal na makipag-usap? Mabilis ang hakbang ko pababa sa hagdan ng bistro. Mas lalong nag-

  • His Fake Wife   Kabanata 9: Drive

    Elizabeth's Point of View Pagkatapos na kumain ng mga dinala kong kakanin at dessert ay nagpaalam ulit ako sa kanila na pupunta muna ako ng powder room. Rakki was already drunk that he teased me as I walked passed them. "Hoy! ‘Tong babaeng ‘to. Uminom ka naman. Hindi ka pa umiinom, oh?" "Huwag niyo na painumin si Liza. Magda-drive pa ‘yan." Sabat ni Christine. "SUS! E kahit naman malasing ‘yan may maghahatid pa rin diyan. Ito si Cyrus, volunteer. O kaya si Gerald. Si Fredo! O ito na lang kaya si Fedil?" "I will drink later, Rakki. Maghuhugas lang ako ng kamay." Medyo natatawa kong sabi sa kaniya dahil nakabusangot na ang mukha niya nang makita niyang naglalakad pa rin ako palayo sa kanila. "Che!" Pinaikot niya ang mga mata niya. Natawa naman ako. Wala naman talaga akong balak na uminom. Tyaka pagbalik ko, baka magpaalam na rin ako kay Juliet na uuwi na ako dahil gabi na masyado. I went straight to the powder room. Nang matapat sa sink ay agad kong binuksan ang grip

More Chapters
Explore and read good novels for free
Free access to a vast number of good novels on GoodNovel app. Download the books you like and read anywhere & anytime.
Read books for free on the app
SCAN CODE TO READ ON APP
DMCA.com Protection Status