Home / Romance / His Fake Wife / Kabanata 28.2: Positive

Share

Kabanata 28.2: Positive

Author: Purplexxen
last update Last Updated: 2025-07-21 01:50:10

Elizabeth's Point of View

Kagaya ng sabi ni Papa, dumating nga ang doktor. Pumasok ang doktor sa silid kasama si Cassy.

Isang mainit na ngiti ang iginawad sa akin ng babaeng doktor bago dahan-dahan na naglakad patungo sa amin. Mukhang mas bata lang ng ilang taon kay Mama ang doktora, maamo ang mukha at ang mga mata ay puno ng empatiya. May dala siyang clipboard at isang manipis na folder. Tahimik siyang lumapit sa kama at maingat na umupo sa tabi ko nang tumayo si Mama.

To give her more space, umatras ng isang beses ang mga magulang ko, ngunit nanatili sila sa tabi upang mabantayan pa rin ako.

Samantalang si Cassy ay naupo sa upuan sa gilid, ang mga mata ay nasa amin at ang mukha ay puno ng pag-aalala.

"Liza, kumusta ang pakiramdam mo?" tanong ng doktor, ang boses ay mahinahon at puno ng pag-aalaga.

Namamalat ang lalamunan ko at nangangati iyon kaya sinubukan kong lumunok upang maging maayos ang pagsasalita ko, ngunit parang mahirap.

"Medyo masakit po ang tiyan ko," amin ko sa pao
Continue to read this book for free
Scan code to download App
Locked Chapter
Comments (1)
goodnovel comment avatar
Merlinda Kong Mejos
to be continued again primo and Elizabeth
VIEW ALL COMMENTS

Latest chapter

  • His Fake Wife   Kabanata 29.4: Denial

    Elizabeth's Point of View Pagkaupo ko ay agad na tumabi si Madame Sole sa akin. Si Mama naman ay naupo sa kanan ko at saka tiningnan kung may galos ba ako. Mas lalo lamang akong nahiya, naguluhan at hindi na rin mapakali kagaya nila. "Okay ka lang ba? May nararamdaman ka na namang hindi maganda?" Nag-aalalang tanong ni Mama. Umiling ako, mas lalo lamang na naging kabado. "You look pale, Hija." Bigla'y puna ni Madame Sole. "Hindi kaya mas mabuti na patingnan ka na namin sa doktor?" Umiling ako, ayaw na balingan ng tingin ang matanda. Nakakahiya! "Bumaba lang po ako para maghanap ng pagkain." Amin ko, umaasang matunugan nilang nagugutom ako at dapat ay nasa kusina ako at hindi dito sa sala. "Pero pinaakyat ko sa kasambahay ang pagkain, Liza! Bawat oras ay pinapalitan namin iyon para masiguradong mainit pa at hindi panis kapag kinain mo." Ani Mama. Ang pritong manok at ang sinigang pa lamang ang natikman ko kanina. Medyo mainit pa ang sinigang, at malutong pa naman ang manok, p

  • His Fake Wife   Kabanata 29.3: Denial

    Elizabeth's Point of ViewI felt so tired after crying for hours. Nakatulog ako saglit at nang magising ay napansin agad ang pagkain na nakalapag sa bagong mesa na ipinasok sa kuwarto ko.Hindi na ako nakakain ng breakfast kaninang umaga. And it's almost ten now, masyado nang late para sa breakfast.I bit my lower lip. Kung hindi ako kakain ay tuluyan na akong manghihina at baka mahilo na naman. Pero wala talaga akong ganang kumain.Unti-unti akong bumangon at lumapit sa mesang may nakapatong na pagkain. Walang gana kong tiningnan ang mga pagkain. Hindi man lang ako makaramdam ng gutom kahit na mukhang nakakatakam naman ang mga iniluto ng kusinera.Naupo pa rin ako para kumain.Ngunit ilang subo pa lang ay umakyat na naman ang asido sa tiyan ko. I tightly closed my eyes, trying to push it back to my stomach.Ilang minuto na ganoon ako, nakapikit at pilit na nilalabanan ang kagustuhan na sumuka. Nang bumalik sa normal ang tiyan ko ay hindi ko na ulit binalak na sumubo pa.Siguro dahil

  • His Fake Wife   Kabanata 29.2: Denial

    Elizabeth's Point of ViewThe next morning, just I expected, my head is aching so bad. Kahit na gising na ang diwa ko ay minabuti ko munang hindi gumalaw dahil sobrang sakit talaga ng ulo ko at nahihilo ako.I groaned frustratedly when someone pulled the curtains. Pumasok ang liwanag at kahit nakapikit naman ako ay parang nakakasilaw pa rin ang liwanag. Now, my vision's red. Umiikot ang puting liwanag sa pulang background."Liza?" Ang boses ni Manang Julieta ang sunod kong narinig nang dali-dali akong tumayo para tumakbo papunta sa banyo.Nang makalapit sa lababo ay agad na umakyat ang asido sa lalamunan ko na isinuka ko naman. Hinang-hina man ay sinubukan ko pa rin kumapit sa gilid ng lababo."Diyos ko!" Bulalas ni Manang Julieta na sumunod din sa akin sa banyo.Lumapit siya at pinungos ang buhok ko, habang patuloy naman ako sa pagsusuka."Manang?" Mula sa labas ng banyo ay narinig ko ang boses ni Mama.Lumapit din siya at naabutan kami sa ganoong eksena."Nagsusuka na naman si Liza,

  • His Fake Wife   Kabanata 29: Denial

    Elizabeth's Point of ViewKagaya ng pangako ko kay Mama, uuwi ako sa amin para doon na ipagpatuloy ang pagpapahinga. Sa biyahe ay kasama ko siya at si Mamang Julieta, hindi ko na pinayagan si Aurora at Kuya Alted na mag-abala pang ihatid kami sa San Gabriel dahil maggagabi na rin. Delikado na sa daan pag-uwi nila.Si Cassy ay umuwi rin ng Prestino pagkadischarge sa akin. Sinabi niya na hindi siya pupunta sa Lanayan bukas dahil may importante siyang pupuntahan kaya may isang araw pa akong pahinga bago bumalik sa pag-aasikaso sa kasal ni Aurora.Hindi pwedeng ipagkatiwala ko kay Cassy ang lahat. Lalo pa't isang buwan na lang ay ikakasal na si Kuya Alted at Aurora.Pagkarating sa bahay, ramdam ko na agad ang kakaibang bigat na lumukob sa akin. Dati ay ayaw ni Mama at ni Papa na bumukod kami ni Kuya Nexon, pero nang mabalitaan kong bumili si Nexon ng villa para sa sarili niya ay nagpumilit akong samahan siya sa villa.Nagsimula na rin siyang mamili ng properties ng mga panahon na 'yon kay

  • His Fake Wife   Kabanata 28.3: Positive

    Elizabeth's Point of View "Liza?" "Liza, okay ka lang ba diyan?" Noong una ay paisa-isa lang ang katok ni Cassy galing sa labas ng banyo, pero dahil sa hindi ko pagsagot sa tanong niya ay mukhang natataranta na siya. Sunod-sunod na ang kaniyang pagkatok at naririnig kong pilit niyang pinipihit ang seradura ng pinto. Frustrated kong isinuklay ang buhok gamit ang kanang kamay. Hindi pa ako tapos sa pakikipagtitigan sa mga pregnancy test na nakakalat sa lababo nang biglang bumukas ang pinto. "Liza! Diyos ko namang bata ka!" Pasigaw na sabi ni Manang Julieta na matagal nang katulong sa pamilya namin. Nasa labas siya ng banyo, kasama si Kuya Alted na salubong ang kilay at madilim ang anyo. Si Cassy ay hindi maipinta ang mukha sa pag-aalala. Si Kuya Alted ang unang umabante na hula ko'y nakapwersa sa pinto para bumukas. The scowl in his face is a proof that his mad. "Iwan niyo muna ako, Kuya Alted, Please." Nanghihina kong sabi. Mula sa mukha ko ay napunta ang tingin niya sa kamay k

  • His Fake Wife   Kabanata 28.2: Positive

    Elizabeth's Point of ViewKagaya ng sabi ni Papa, dumating nga ang doktor. Pumasok ang doktor sa silid kasama si Cassy.Isang mainit na ngiti ang iginawad sa akin ng babaeng doktor bago dahan-dahan na naglakad patungo sa amin. Mukhang mas bata lang ng ilang taon kay Mama ang doktora, maamo ang mukha at ang mga mata ay puno ng empatiya. May dala siyang clipboard at isang manipis na folder. Tahimik siyang lumapit sa kama at maingat na umupo sa tabi ko nang tumayo si Mama. To give her more space, umatras ng isang beses ang mga magulang ko, ngunit nanatili sila sa tabi upang mabantayan pa rin ako. Samantalang si Cassy ay naupo sa upuan sa gilid, ang mga mata ay nasa amin at ang mukha ay puno ng pag-aalala."Liza, kumusta ang pakiramdam mo?" tanong ng doktor, ang boses ay mahinahon at puno ng pag-aalaga.Namamalat ang lalamunan ko at nangangati iyon kaya sinubukan kong lumunok upang maging maayos ang pagsasalita ko, ngunit parang mahirap."Medyo masakit po ang tiyan ko," amin ko sa pao

More Chapters
Explore and read good novels for free
Free access to a vast number of good novels on GoodNovel app. Download the books you like and read anywhere & anytime.
Read books for free on the app
SCAN CODE TO READ ON APP
DMCA.com Protection Status