Naging sunod-sunod ang paglunok ni Anie nang makita niya si Alvaro sa kanyang likuran. Nahinto na rin ang paghakbang niya at mataman na lamang napatitig sa mukha ng binata. Ilang araw niya rin itong hindi nakita. Ayon sa tauhan nitong napagtanungan niya ay abala ang binata sa trabaho nito sa Manila. Kung kailan ito babalik sa resort ay hindi na niya inalam pa.But now, he’s back. Halata pang bagong dating pa lamang si Alvaro dahil nakasuot pa ito ng puting long-sleeved polo at itim na slacks na marahil ay suot pa nito sa pinanggalingang trabaho. Sapatos na itim din ang suot pa nito sa mga paa. Hindi pa nga maikakaila sa mukha nito ang pagod na marahil ay dahil sa pinaghalong pagtatrabaho at pagmamaneho patungo roon sa resort na kinaroroonan nila.“Bakit hindi ka pa pumapasok sa loob?” tanong ulit nito nang hindi siya nag-abalang sumagot kanina. Ipinagpatuloy pa nito ang pagtawid sa natitirang distansiya sa pagitan nilang dalawa. Nang ilang hakbang na lang ang layo sa kanya ay saka ito
Mariing naihilamos ni Alvaro ang kanyang kanang palad sa kanyang mukha upang alisin ang tubig na bumabagsak mula sa dutsa. He was under the shower, taking a bath while his mind was occupied with a lot of things. He was just standing and letting the water to drop on his naked body as one figure kept on flashing in his mind--- si Anie.Naipikit niya nang mariin ang kanyang mga mata kasabay ng pagtukod ng kanyang mga kamay sa tiles na dingding. Now, the water was dropping on his bare back. Hindi niya alam kung bakit pero hindi maalis sa isipan niya ang paghalik na ginawa niya sa dalaga nang isang araw. It had been two days since that happened actually. Pero hanggang sa mga sandaling iyon ay laman pa rin ng isipan niya ang nangyari.It wasn’t the first kiss that he had experienced. Ilang babae na ang nahalikan niya. Ni hindi nga lang halik, ang iba ay talagang naikama niya pa katulad na lamang ni Jewel. But for some reasons that Alvaro couldn’t understand, that simple kiss that he did to
Awtomatikong napahawak nang mariin si Anie sa kuwelyo ng damit na suot ni Alvaro. Pakiramdam niya ay kailangan niyang gawin iyon dahil sa biglang panghihina ng kanyang mga tuhod dahil sa ginawa nito.He kissed her! The way he pressed his lips against hers was so firm that she couldn’t get a chance to move. Maging ang kamay kasi nitong nakahawak sa batok niya ay mariin ding pigil siya sa pagkilos.Her protest was muffled by his kiss but her eyes still showed defiance. It was her first kiss! At hindi sa ganoong paraan niya gustong maranasan ang kanyang unang halik.Dahil sa kaisipang iyon ay pilit siyang nag-ipon ng lakas para maitulak si Alvaro. Ang mga kamay niyang mariing nakahawak sa damit ng binata ay agad niyang inilapat sa dibdib nito saka malakas itong itinulak doon. Waring nagtutulak ng matigas na bato si Anie dahil hindi man lang natinag ang lalaking nangangahas na humalik sa kanya. Sa halip, mas humigpit pa ang hawak nito sa batok niya kasabay ng mas pagdiin pa ng mga labi ni
Daig pa ni Anie ang ipinako sa kanyang kinatatayuan matapos marinig ang mga sinabi ni Alvaro. Maang siyang napatitig sa mukha nito na para bang hindi makapaniwalang sasabihin iyon ng binata. Mariin pa siya munang napalunok bago nauutal na nagsalita.“N-Naririnig mo ba ang mga sinasabi mo, Alvaro? Pinag-isipan mo man lang ba muna ang mga iyan bago lumabas sa bibig mo?”Tumikwas ang isang sulok ng mga labi nito dahil sa naging tanong niya. Then, he stared at her face with so much amusement in his eyes as if what she said was something to be laughed at.“What is the easiest way to get even with an enemy, Anie? Hindi ba’t ang iparanas din sa kanila ang sakit na pinaranas nila sa iba?” anito, nakatiim-bagang na. Gone was the amusement and the anger went back on his face. “Trace took advantage of my sister, ruined her until she decided to just end her life rather than be miserable because of what he did. Pati ang walang kamuwang-muwang na dapat ay pamangkin ko, nadamay sa ginawa ng kapatid
Matamang nakatuon ang mga mata ni Anie sa malawak na dagat. Maganda ang panahon kaya payapa rin ang malawak na tubig. Mabini lamang ang paghampas ng bawat alon sa pinong buhangin ng resort na umaabot pa sa kanyang kinatatayuan.Nasa may dalampasigan siya at kanina pa naglalakad-lakad. Nakatayo na siya ngayon sa bahaging tinatamaan ng mga alon at hindi na inalintana kung mabasa man ang tsinelas na kanyang suot. Hindi kalayuan sa kanyang kinatatayuan ay ang dalawang tauhan ni Alvaro na nakasunod saan man siya magpunta. Sadyang dumidistansiya lamang ang mga ito para mabigyan siya ng pagkakataong mapag-isa.Hindi niya pa mapigilan ang pag-ahon ng inis, partikular para kay Alvaro. Heto ba ang malayang tinatawag nito? Hindi nga siya ikinukulong sa loob ng silid ngunit lagi namang may nakabuntot saan man siya magpunta. Alam niya rin na kahit nasa loob na siya ng kuwarto ay may nakatalaga pa ring magbantay sa labas niyon para masigurong hindi siya makatatakas.Muli niyang inihakbang ang kanya
“What do you mean na tatlong araw kang hindi papasok sa kompanya? Paano ang trabaho mo, Alvaro?” magkasunod na tanong ni Philip sa kanya mula sa kabilang linya. Kausap ito ni Alvaro sa kanyang cell phone habang nakatayo siya at nakatutok ang kanyang paningin sa malawak na dagat.“There is nothing to worry, Uncle. I am still working on my laptop. What is the use of the internet anyway? Magagawa ko pa ring makipag-usap kay Baron,” wika niya rito sa magaan na tinig.“How about our meeting with Carson Builders? Nakatakda tayong makipagkita sa kanila sa makalawa, Alvaro?”“I cancelled it,” mabilis niyang saad dito.“You what?!” gulat nitong reaksyon. “Why did you do it?”Nagpakawala pa muna ng isang buntonghininga si Alvaro bago sumagot sa kanyang tiyuhin. “Hindi natin kailangang makisosyo sa kanila, Uncle. Savalleno Real Estate can stand without them. Besides, nakakukuha tayo ng mga kliyente kahit wala sila. If we merge with them, mas sila ang makikinabang kaysa sa tayo. We are doing busi