Awtomatikong napahawak nang mariin si Anie sa kuwelyo ng damit na suot ni Alvaro. Pakiramdam niya ay kailangan niyang gawin iyon dahil sa biglang panghihina ng kanyang mga tuhod dahil sa ginawa nito.He kissed her! The way he pressed his lips against hers was so firm that she couldn’t get a chance to move. Maging ang kamay kasi nitong nakahawak sa batok niya ay mariin ding pigil siya sa pagkilos.Her protest was muffled by his kiss but her eyes still showed defiance. It was her first kiss! At hindi sa ganoong paraan niya gustong maranasan ang kanyang unang halik.Dahil sa kaisipang iyon ay pilit siyang nag-ipon ng lakas para maitulak si Alvaro. Ang mga kamay niyang mariing nakahawak sa damit ng binata ay agad niyang inilapat sa dibdib nito saka malakas itong itinulak doon. Waring nagtutulak ng matigas na bato si Anie dahil hindi man lang natinag ang lalaking nangangahas na humalik sa kanya. Sa halip, mas humigpit pa ang hawak nito sa batok niya kasabay ng mas pagdiin pa ng mga labi ni
Daig pa ni Anie ang ipinako sa kanyang kinatatayuan matapos marinig ang mga sinabi ni Alvaro. Maang siyang napatitig sa mukha nito na para bang hindi makapaniwalang sasabihin iyon ng binata. Mariin pa siya munang napalunok bago nauutal na nagsalita.“N-Naririnig mo ba ang mga sinasabi mo, Alvaro? Pinag-isipan mo man lang ba muna ang mga iyan bago lumabas sa bibig mo?”Tumikwas ang isang sulok ng mga labi nito dahil sa naging tanong niya. Then, he stared at her face with so much amusement in his eyes as if what she said was something to be laughed at.“What is the easiest way to get even with an enemy, Anie? Hindi ba’t ang iparanas din sa kanila ang sakit na pinaranas nila sa iba?” anito, nakatiim-bagang na. Gone was the amusement and the anger went back on his face. “Trace took advantage of my sister, ruined her until she decided to just end her life rather than be miserable because of what he did. Pati ang walang kamuwang-muwang na dapat ay pamangkin ko, nadamay sa ginawa ng kapatid
Matamang nakatuon ang mga mata ni Anie sa malawak na dagat. Maganda ang panahon kaya payapa rin ang malawak na tubig. Mabini lamang ang paghampas ng bawat alon sa pinong buhangin ng resort na umaabot pa sa kanyang kinatatayuan.Nasa may dalampasigan siya at kanina pa naglalakad-lakad. Nakatayo na siya ngayon sa bahaging tinatamaan ng mga alon at hindi na inalintana kung mabasa man ang tsinelas na kanyang suot. Hindi kalayuan sa kanyang kinatatayuan ay ang dalawang tauhan ni Alvaro na nakasunod saan man siya magpunta. Sadyang dumidistansiya lamang ang mga ito para mabigyan siya ng pagkakataong mapag-isa.Hindi niya pa mapigilan ang pag-ahon ng inis, partikular para kay Alvaro. Heto ba ang malayang tinatawag nito? Hindi nga siya ikinukulong sa loob ng silid ngunit lagi namang may nakabuntot saan man siya magpunta. Alam niya rin na kahit nasa loob na siya ng kuwarto ay may nakatalaga pa ring magbantay sa labas niyon para masigurong hindi siya makatatakas.Muli niyang inihakbang ang kanya
“What do you mean na tatlong araw kang hindi papasok sa kompanya? Paano ang trabaho mo, Alvaro?” magkasunod na tanong ni Philip sa kanya mula sa kabilang linya. Kausap ito ni Alvaro sa kanyang cell phone habang nakatayo siya at nakatutok ang kanyang paningin sa malawak na dagat.“There is nothing to worry, Uncle. I am still working on my laptop. What is the use of the internet anyway? Magagawa ko pa ring makipag-usap kay Baron,” wika niya rito sa magaan na tinig.“How about our meeting with Carson Builders? Nakatakda tayong makipagkita sa kanila sa makalawa, Alvaro?”“I cancelled it,” mabilis niyang saad dito.“You what?!” gulat nitong reaksyon. “Why did you do it?”Nagpakawala pa muna ng isang buntonghininga si Alvaro bago sumagot sa kanyang tiyuhin. “Hindi natin kailangang makisosyo sa kanila, Uncle. Savalleno Real Estate can stand without them. Besides, nakakukuha tayo ng mga kliyente kahit wala sila. If we merge with them, mas sila ang makikinabang kaysa sa tayo. We are doing busi
Alvaro’s head slightly tilted because of what Anie did. Alam niyang bahagya itong nasaktan dahil napalakas ang sampal na iginawad niya rito. Maging ang palad niya nga ay bahagyang humapdi dahil doon ngunit hindi niya ipinahalata sa binata. Disimulado na niyang hinamig ang sarili at tumayo nang tuwid.Maya-maya pa ay marahas nang lumingon ulit sa kanya si Alvaro. Hindi maitago ang pagdilim ng mukha nito nang tumitig sa kanya kasabay ng paghaplos sa pisngi nitong nasampal niya.“D-Deserve mo iyan,” nauutal niyang sabi na pilit pa ring pinatatatag ang sarili sa harap nito.“Really, Anie? I deserved it? After helping on paying Nando’s debt?” buwelta nito sa kanya.“Pagtulong ang tawag mo roon?” balik-tanong niya pa. “Panggigipit sa akin ang tawag sa ginawa mo, Alvaro.”Marahas itong napaismid habang patuloy pa rin sa paghaplos sa pisngi nito. Pagkaraan, ibinaba na nito ang kamay saka nagwika. “So be it,” anito. “But that won’t change the fact that you owe me something, Anie. More than hal
Sunod-sunod ang naging paglunok ni Anie habang nakatitig sa mukha ni Alvaro. Hindi nakaligtas sa kanya ang pagtiim-bagang nito dahil sa nakitang binabalak niyang gawin. Dahil sa nakikitang ekspresyon sa mukha ng binata ay marahan niya pang naihakbang paatras ang kanyang mga paa.Napasulyapan pa si Anie sa pintuang nilabasan nito. Mula sa kinatatayuan niya ay nakita niya ang kusina. Noon niya lang napagtantong doon galing ang binata at kung anong oras ito dumating sa bahay na iyon ay hindi niya alam.“G-Gusto ko nang umuwi, Alvaro,” wika niya sa mahinang tinig. “N-Nakikiusap ako. Mananagot ka lang sa batas kapag nalaman nila itong ginagawa mo.”Agad na tumikwas ang isang sulok ng mga labi nito matapos marinig ang mga sinabi niya. Dahan-dahan na rin itong humakbang palapit sa kanya sanhi para mapaatras pa siya. “And how would that be possible, Anie? You think I will give you a chance to do that?”“Ano ba ang gusto mo?” she said in frustration. “Hanggang ngayon, hindi ko maintindihan kun