LOGINKanina pa naihinto ng kanyang Kuya Trace ang sasakyang pag-aari nito sa harap ng apartment nilang mag-iina ngunit hindi pa rin kumikilos si Anie para bumaba. Ni hindi siya umimik at nanatiling nakatuon ang kanyang mga mata sa unahan ng sasakyan. Wari bang kapwa sila nakikiramdam sa isa’t isa at walang nangahas na maunang magsalita.Pagkasakay niya nga kanina sa kotse ni Trace ay agad na itong nagmaneho paalis ng establisyementong nabili ng panganay nilang kapatid. Ni hindi niya alam kung nakaalis na rin ang kanilang Kuya Lemuel at si Alvaro sa naturang lugar. Agad na kasi silang umalis at hayun nga’t naihatid na siya nito sa kanilang apartment.Pero sa halip na lumabas na mula sa may passenger’s seat ay nanatiling nakaupo lamang roon si Anie. Marami siyang gustong sabihin pero lahat ng iyon ay pinangingibabawan ng emosyong nasa dibdib niya. Hanggang ng mga sandaling iyon kasi ay hindi pa rin maalis ang sakit na nadarama niya dahil sa huling mga sinabi ni Alvaro. Alam niyang wala siyan
Kanina pa pinagmamasdan ni Anie ang kanyang mga anak na ngayon ay masayang pinagsasaluhan ang mga pagkaing dala ng ama ng mga ito. Hindi niya pa maiwasang mapangiti habang nakatuon sa dalawa ang kanyang mga mata. They looked so innocent while eating. Walang kaalam-alam ang mga ito sa uri ng sitwasyong mayroon sila ni Alvaro.Dumating kanina ang binata dala ang paboritong pagkain ng kambal. Sa ilang beses na nitong pagdalaw sa kanilang apartment ay alam na nito kung ano ang gustong-gustong kainin nina Archer at Ava. Iyon nga ang dala nito kanina at alam ni Anie na paraan iyon ng binata para makuha ang loob ng kanilang mga anak.Anie could feel it. Alam niyang sinusubukan ni Alvaro na kunin ang loob ng dalawang bata. Kay Ava ay wala itong masyadong problema. Magiliw na rito ang anak nilang babae dahil likas naman kay Ava ang madaldal at nakikipag-usap kahit kanino.But Archer was a different story. Dama niyang alangan pa ang anak nilang lalaki sa ama nito. Halos hindi nga kumikibo si Ar
Marahang ipinarada ni Alvaro ang kanyang sasakyan sa loob ng isang malawak na bakuran. Bago tuluyang lumabas mula sa may driver’s seat ay iginala niya pa muna ang kanyang paningin sa paligid. Tahimik at kung hindi niya lang alam na may mga taong naghihintay sa kanya sa loob ng apat na palapag na gusaling iyon ay iisipin niyang siya lamang ang naroon sa naturang lugar.But he knew better. Alam niyang kanina pa nasa loob ng gusaling iyon ang dalawang lalaking katatagpuin niya--- sina Lemuel at Trace.Trace called him a while ago. Nais nitong makipagkita sa kanya at kahit hindi nito sinabi sa kanya ang dahilan ay nahuhulaan na niya ang sadya nito. Alam niyang ang tungkol kay Anie at sa pagiging ama niya ng kambal ang nais nitong pag-usapan nila.Nagpakawala muna siya ng isang malalim na buntonghininga bago lumabas na ng kanyang sasakyan. Naglakad na rin siya papasok ng gusali habang hindi pa maiwasang igala ang kanyang paningin sa paligid. Tuloy-tuloy na nga siyang humakbang papasok. Buk
Agad nang binuksan ni Anie ang pinto sa may backseat nang huminto na ang kotseng sinasakyan nila. Nagpatiuna siya sa pagbaba saka inalalayan naman si Ava na makalabas na rin ng naturang sasakyan--- ang sasakyan ni Alvaro.Kalalabas lamang nila ng ospital at naroon si Alvaro na tinulungan pa siya sa pag-aasikaso sa kanilang anak. Hindi pa maitago ang disgusto sa mukha nito nang malamang bayad na ang lahat sa ospital. Tama nga ang kanyang Kuya Trace. Aakuin nga ng binata ang lahat ng bayarin sa pagkakaospital ni Ava, bagay na inunahan nang gawin ng kapatid niya.Hindi na ito nakipagtalo pa ngunit nagpresinta naman itong ihatid na sila pauwi ng kanilang anak. Hindi na siya tumanggi. Pakiramdam niya rin naman ay hindi papayag si Alvaro na hindi sila maihatid ni Ava. Idagdag pang nais na rin kunin ni Anie na pagkakataon iyon para maipakilala ang binata kay Archer.Hawak ang kamay ng kanilang anak ay nagsimula na siyang maglakad papasok sa apartment nilang mag-iina. Nakasunod sa kanilang li
“So, you have a twin brother?” tanong pa ni Alvaro kay Ava. Masuyo ang tinig nito nang magtanong sa kanilang anak pero nanliliit ang mga matang napapasulyap sa kanya.“Yes, his name is Archer. We call him Archie,” bibong sagot ni Ava na walang kamalay-malay sa tensyon na namamagitan sa kanilang dalawa ng ama nito.“Would you be okay here, sweetie? I will ask for a nurse to look after you just for a while. Lalabas lang kami saglit ng mama mo. Mukhang may kailangan lang kaming pag-usapan.”Anie avoided Alvaro’s stare. Dama niya ang galit sa titig nito at waring nahihinuha niya na kung ano ang rason. Inaakala nitong itinatago niya ang tungkol sa kaalamang may kakambal si Ava... na dalawa ang anak nilang dalawa.“Of course. I am a brave girl,” matapang pang sagot ng anak nila.Alvaro chuckled. Banayad nitong hinaplos ang buhok ni Ava kasabay ng paglarawan ng paghanga sa mukha nito. Admiration and love for their daughter mirrored in his eyes and Anie couldn’t help but swallowed hard. Kung
Tahimik at mag-isang nakaupo si Anie sa may waiting area ng ospital habang malayo ang itinatakbo ng isipan niya. Tapos nang masalinan ng dugo si Ava ngunit nasa ilalim pa rin ito ng obserbasyon ng mga doktor. Bumaba na rin ang lagnat nito kaya kahit papaano ay nakahinga na siya nang maluwag.Maya-maya pa ay napaupo siya nang tuwid nang makita si Theo na naglalakad palapit sa kinaroroonan niya. Marahan siyang napangiti at hinintay itong tuluyang makaupo sa kanyang tabi.“T-Thank you, Theo. Tatanawin kong malaking utang na loob ito sa iyo,” wika niya nang nasa tabi na niya ang binata.“You don’t have to, Anie. Bukal sa loob ko ang ginawa ko sa anak mo,” tugon nito bago siya matamang pinagmasdan sa kanyang mukha.Agad na naupo nang maayos si Anie saka napayuko ng kanyang ulo. Hindi man ito nagtatanong ngunit alam niyang naghihintay itong magsimula siyang magkuwento.And she did. Nagpakawala muna si Anie ng isang malalim na buntonghininga bago siya nagsimulang magsalita. “I-I’m sorry kung







