Share

CHAPTER 6

last update Huling Na-update: 2025-09-04 21:35:43

Hindi alam ni Anie kung gaano na niya katagal na pinagmamasdan ang kanyang sarili sa harap ng maliit na salaming nakasabit sa dingding ng kanyang kuwarto. Kanina pa siya bihis pero hindi pa siya lumalabas ng kanyang silid. Nasa dibdib niya pa ang agam-agam kung tutuloy pa ba siya sa binabalak puntahan o babalewalain na lang ang imbitasyong natanggap, kung imbitasyon man ngang matatawag ang ginawa ng kapatid niyang si Trace.

Ngayon na nga ang araw ng engagement party nito at ng kasintahang si Chrissa. Bago pa siya umalis sa bahay ng kanyang ama nang unang beses siyang pumunta roon ay binigay na sa kanya ng kanyang kapatid ang detalye ng gaganaping okasyon.

And that day is today. Nakabihis na siya at nakaayos pero hindi niya magawang lumabas ng kanyang silid. Tutuloy pa ba siya? Talaga bang tuluyan na niyang papasukin ang mundo ng pamilya ng kanyang ama? Ano na lang ang mangyayari matapos ng gabing iyon? Baka hindi niya lang makayanang pakibagayan ang mundong ginagalawan ng mga ito.

Nagpakawala siya ng isang malalim na buntonghininga. Muli niya pang sinipat ang kanyang sarili sa harap ng salamin. Ni hindi niya nga alam kung nababagay na ba ang gayak niya sa pupuntahan. Sa nakita niyang yaman ng mga De la Serna, paniguradong mga may sinasabing tao rin ang bisita ng mga ito.

And she was just wearing a simple dress. Kulay puti iyon na may maliliit na disenyong bulaklak. Abot sa kanyang tuhod ang haba at may mga manggas na hanggang sa kalahati ng kanyang mga braso. Flat na sandalyas naman ang nasa kanyang mga paa.

Hindi na siya naglagay ng makeup sa mukha. Maliban sa hindi niya kaugaliang maglagay talaga ng mga kolorete sa mukha, tanging foundation at lipstick lang ang mayroon siya. Kahit kapag papasok sa trabaho ay iyon lang din ang gamit niya. Ang kanyang buhok naman ay hinayaan niyang nakalugay lang.

Maya-maya pa ay muli siyang napabuntong-hininga. Kinuha na niya ang kanyang sling bag at lakas-loob nang lumabas ng kanyang silid. Pupunta siya sa engagement party ng kanyang kapatid. Hindi niya alam kung ano ang kahihinatnan ng pagdalo niya roon pero bahala na. Ang nais niya lang ay ang maranasang maging parte rin ng pamilya ng kanyang ama. If it went well, then good.

Dire-diretso na sana siyang lalabas ng bahay nang madatnan niya ang kanyang Tiyo Nando sa may sala. Agad pa ang paglingon nito nang mapansin siya.

“Saana ng lakad mo, Anie?” anito sabay gala ng paningin sa kanyang kabuuan.

Hindi niya alam kung bakit pero simula nang makitira siya sa bahay na iyon, hindi lingid sa kanya ang uri ng mga tinging iginagawad sa kanya ni Nando. Iyon nga ang dahilan kung bakit mas pinipili niyang pumasok sa flower shop kaysa ang maglaan ng oras sa bahay na iyon kasama ito.

“May pupuntahan lang, Tiyo. Nakapagpaalam na ako kay Tiya Mirasol. Baka ho gabihin ako ng uwi.”

“May date ka ba?” malisyoso nitong tanong na agad niyang ikinakunot-noo.

“Wala ho,” wika niya sa halos malamig na tinig. Hindi niya pa nagustuhan ang uri ng tonong ginamit nito matapos marinig na gagabihin siya ng uwi. “Aalis na ho ako.”

She didn’t wait for him to answer. Mabilis na siyang lumabas ng bahay saka tuloy-tuloy nang naglakad hanggang sa bahaging may masasakyan na siyang tricycle. Kailangan niya pa kasing sumakay patungo sa may highway kung saan naroon naman ang mga taxi na sasakyan niya papuntang venue ng engagement party nina Trace at Chrissa.

Hindi nagtagal ay narating niya rin ang naturang lugar. Sa function hall ng isang kilalang hotel gaganapin ang naturang pagdiriwang. Ayon kay Trace, simpleng selebrasyon lang iyon na tanging mga malalapit na kamag-anak at kaibigan lamang ang dadalo.

Simple lamang daw pero alam ni Anie na hindi biro ang gastos. Kung para sa mga ito ay simple na iyon, siya naman ay nagagarbuhan pa rin. Sa venue pa lang, hindi na kakayanin ng mga simpleng mamamayang katulad niya.

“Masaya akong nakarating ka,” agad na bati sa kanya ni Chrissa nang tuluyan na siyang nakarating sa venue.

Nahihiyang napangiti na lamang siya. Chrissa was accommodating. Ramdam niyang pilit nitong pinaparamdam sa kanyang hindi siya dapat mailang sa mga ito. Pati ang asawa’t mga anak ng kapatid niyang si Lemuel ay nakaharap niya na rin. Lahat ng mga ito ay magiliw ang pakikitungo sa kanya.

Hindi rin maitago ang galak kay Marcelo nang makita siya. Kahit naiilang pang makipag-usap dito ay magalang pa rin itong hinarap ni Anie.

May inilaang maikling programa para sa mga ikakasal. Hindi pa maitatanggi ni Anie na natutuwa siyang makitang nagkakasaya ang mga ito. Deep inside, she knew she was also happy for them.

Hanggang sa matapos ang programa at dumako sila sa pagkain. Anie was just alone on her table. May mga pagkakataong nilalapitan siya nina Chrissa at Jossa, ang asawa ni Lemuel, para siguraduhing maayos lamang siya sa kanyang kinauupuan.

Hanggang sa naging abala na ang lahat. Ang mga kapatid niya’t ama ay hindi nawawalan ng kausap. Nasisiguro niyang konektado sa negosyo ng mga ito ang mga taong naroon.

Hindi niya na rin planong tumagal pa roon. Balak niyang magpaalam na rin dahil hindi niya nais na masyadong gabihin sa pag-uwi. She roamed her eyes around the place to look for her brothers to say goodbye. Si Chrissa ang una niyang namataan na saktong naglalakad din palapit sa kanya. Ang plano niya ay ang magpaalam na sa babae.

Ngunit halos ilang hakbang na lang bago makarating sa mesa niya ay agad nang tinawag ni Trace ang kasintahan nito.

“Baby,” masuyong tawag nito kay Chrissa. “I’ll introduce you to someone. Of course, you already know Alvaro, don’t you? Ang tumulong sa akin noon para iligtas ka.”

Nakita niya ang pagtango ni Chrissa sabay tingin sa dalawang lalaking kasunod ni Trace sa paglalakad. Hindi na sana bibigyang pansin ni Anie ang mga naroon ngunit sadyang naagaw na ng isa sa mga lalaki ang kanyang atensyon.

She couldn’t be wrong. Ang lalaking kasama ng kanyang kapatid ay ang lalaking nagtungo sa flower shop na kanyang pinagtatrabahuan. Ito ang kasintahan ng babaeng napadalhan niya ng maling bulaklak!

“And, baby, this is Uncle Philip, Alvaro’s uncle,” narinig niya pang saad ni Trace. “Uncle, this is Chrissa, my fiancée.”

They continued talking. Naririnig niya ang tinig ng mga ito pero halos hindi niya na maintindihan kung ano pa ang pinag-uusapan ng mga ito. Her mind was already occupied by the man standing just a few steps away from her. Halos manumbalik pa sa kanya ang galit na nasa mukha nito nang sumugod sa flower shop. Dahilan iyon para agad siyang mataranta sa kanyang kinauupuan.

“We are sorry, we’re late, Trace. May importante lang kaming dinaanan ni Alvaro,” saad ng matandang lalaking kausap ng kanyang kapatid.

“No worries, Uncle,” tugon ni Trace. “Would you like to eat now?”

“Mamaya siguro. I’ll talk to your father first,” said the old man and turned to that guy who went to the flower shop. “How about you, hijo?”

Tinanong ng matandang lalaki ang binatang alam niyang may galit pa sa kanya. Maging sina Trace at Chrissa ay napatitig na rin dito. But the guy wasn’t able to answer and it’s because of one reason--- napalingon ito sa kanya at ngayon ay mataman na siyang pinagmamasdan!

Shit!

Anie wanted to panic. Hindi nakaligtas sa kanya ang paniningkit ng mga ito habang sa kanya nakatingin. At ano na nga ang sinabi nito nang magkaharap sila? Na pagbabayaran niya ang kasalanang nagawa niya rito sa oras na magkita sila ulit?

And because of that thought, Anie instantly stood up. Naging marahas pa ang kanyang pagtayo dahil sa pagmamadali. Walang lingon-lingon na siyang naglakad palabas ng function hall na iyon saka tinalunton ang palabas ng naturang gusali. Ni hindi na niya naisipan pang magpaalam sa ama niya’t mga kapatid. Basta na lamang siyang lumabas at nang makarating sa may parking lot ng hotel ay doon na pinakawalan ang kanyang hiningang pakiramdam niya ay kanina niya pa pigil-pigil.

What was that man doing there? Kakilala ito ng kapatid niya? Ng pamilya niya?

“Ano na, Anie?” pabulong niyang sambit sa sarili. Sadyang maliit ba ang mundo at doon niya pa talaga nakita ulit ang lalaking iyon?

*****

“Is there something wrong, Alvaro?” narinig niyang tanong ni Trace sanhi para mapalingon siya rito.

Agad na hinamig ni Alvaro ang kanyang sarili. Hindi niya kasi maiwasang sundan ng tingin ang dalagang dali-daling lumabas ng function hall. Nasisiguro niyang iyon ang babaeng nagkamali ng pinadalang bulaklak kay Jewel. Ang babaeng dahilan ng pakikipaghiwalay sa kanya ng dating kasintahan!

Ano ang ginagawa nito sa okasyong iyon? Sino ang kakilala nito roon?

“Do you know her?” usisa niya kay Trace sabay hayon ng mga mata sa dinaanan ng dalaga.

“Her who?” naguguluhang tanong nito.

“S-Si Anie,” sambit naman ni Chrissa na waring nahulaan kung sino ang tinutukoy niya. Pakiramdam niya pa ay nakita nito ang paninitig na ginawa niya sa dalaga kanina. “She is Trace’s sister.”

“Sister?!” gulantang na bulalas ni Alvaro. Kulang ang salitang gimbal para ilarawan ang naramdaman niya pagkarinig sa mga sinabi ni Chrissa. Hindi niya kasi inaasahang iyon ang isasagot nito.

Sister? Kapatid ni Trace ang babaeng iyon?!

“You’re referring to Anie,” saad ni Trace. “Anak siya ni Papa, you know, just like Lemuel.”

Nagkibit-balikat pa si Trace. Agad niya namang nakuha kung ano ang ibig sabihin nito. Hindi lingid sa kanila na anak ni Marcelo sa ibabang babae si Lemuel. Ang ibig ba nitong sabihin ay anak din sa labas ni Marcelo ang dalagang nagpadala ng maling bulaklak kay Jewel?

Agad siyang napalingon sa kanyang Uncle Philip na kasama niya sa pagtungo roon. Sa kabila ng galit na mayroon sila para kay Trace ay pinaunlakan nila ang imbitasyon nitong dumalo sila sa engagement party nito at ni Chrissa.

Nagpalitan sila ng isang makahulugang tingin ni Philip. Alam niyang katulad niya ay puno na rin ito ng katanungan. At kahit gusto niya pang mang-usisa kay Trace ay hindi na niya nagawa dahil agad na itong nag-aya na magtungo na sa kinaroroonan ng ama nito at ni Lemuel.

Magkakapanabay na silang nagtungo palapit sa mesang kinauupuan nina Marcelo ngunit nang ilang hakbang na lamang bago marating iyon ay agad nang nagwika si Alvaro.

“Excuse me, Trace... Uncle,” aniya na ikinalingon ng mga ito. Pati si Chrissa ay napatitig sa kanya. “I forgot, I need to call someone. Business related.”

“Who are you going to call?” nagtatakang saad ni Philip na waring wala namang ideya kung ano ang binabalak niyang gawin.

“I promise Mr. Reyes that I’ll return his call tonight. Nakalimutan kong hindi ko pa pala siya natatawagan,” aniya saka binalingan naman sina Trace. “This won’t take long. Babalik din ako agad.”

“Sure,” tipid na sagot na ni Trace. Ang Uncle Philip niya na lamang ang inakay nito palapit sa mesang kinaroroonan nina Marcelo at Lemuel.

Si Alvaro ay wala nang inaksayang sandali. Mabilis na siyang tumalikod saka lumabas ng function hall, hindi para tawagan si Mr. Reyes kundi para sundan ang dalagang halatang umiiwas sa kanya.

Hindi niya ito nakita sa pasilyo sa labas ng function hall dahilan para may pagmamadaling tinalunton niya na ang palabas ng gusali. Sa uri ng pag-alis na ginawa ng dalaga, nasisiguro niyang nagbabalak na itong lisanin ang lugar na iyon para iwasan siya.

And Alvaro wanted to run after her. Sa kung ano mang dahilan ay hindi niya alam. He felt like he still had an unfinished business with that woman. Lalo pa ngayon na nalaman niyang may kaugnayan pala ito sa mga De la Serna.

Nakarating na siya sa labas ng naturang gusali. Agad niya pang iginala ang kanyang paningin sa paligid sa pag-asam na makita pa ito. And he wasn’t disappointed. There, at the parking lot, he saw the woman who, obviously, was avoiding him.

Nakatalikod sa kanya ang dalaga. Waring habol pa nito ang paghinga at hinihingal dahil sa pagmamadaling makaalis ng function hall kanina. Hindi nga siya nagkamali. Lumabas ito para umiwas sa kanya at ngayon ay mistulang nagkukubli doon sa parking lot. And to Alvaro’s amusement, sa tabi pa mismo ng sarili niyang sasakyan nakatayo ang dalaga.

“Hiding like a scared kitten now, little one?”

A soft gasp escaped from her throat as she heard his voice. Marahas itong napalingon at halos mapaawang pa ang mga labi nang makita siya...

Patuloy na basahin ang aklat na ito nang libre
I-scan ang code upang i-download ang App
Mga Comments (3)
goodnovel comment avatar
Nhor Qu P Bitol
asan na kaya ang kadugtong nito
goodnovel comment avatar
EDEN
naku alvaro wag m nman idamay c anie kaluka k
goodnovel comment avatar
Laiiii
Nako Anie lagot ka
Tignan lahat ng Komento

Pinakabagong kabanata

  • His Heart Series 3: His Ruthless Heart   CHAPTER 47

    Natatarantang pinaglipat-lipat ni Anie ang kanyang paningin sa mga taong naroon. Iba’t ibang emosyon ang nakalarawan sa mukha ng mga ito habang nakatitig sa kanyang anak. Si Theo ay may ngiti sa mga labi habang nakatuon ang mga mata kay Ava. Noon pa man ay alam na niyang magiliw talaga ito sa kanyang mga anak. Hindi nakaliligtas sa kanya ang tuwa sa mukha nito sa tuwing kasama ang dalawang bata.And surprisingly, Anie saw a smile on Jewel’s face as well. Mukhang naaliw din ang dalaga nang makita si Ava lalo na nang magsalita ito. Sa dalawang anak niya kasi, si Ava talaga ang mas madaldal habang si Archer naman ay mas madalas tahimik at seryoso lamang. Iyon marahil ang rason kung bakit nakuha ni Ava ang atensyon ni Jewel. Ganoon pa rin kaya ang reaksyon nito kapag nalamang anak ni Alvaro ang batang pinagmamasdan nito ngayon?Then, she looked at James. Isang makahulugang tingin ang iginawad niya rito na waring agad naman nitong nakuha. Mabilis na nga itong napatayo nang tuwid bago disim

  • His Heart Series 3: His Ruthless Heart   CHAPTER 46

    Malakas na naitulak ni Anie si Alvaro na labis nitong ikinabigla. Nang mapaatras ang binata ay mabilis na siyang bumaba mula sa pagkakaupo sa kanyang mesa. Isa-isa na niyang isinara ulit ang mga butones ng suot niyang blusa saka inayos ang kanyang sarili.She wanted to hate herself. Bakit ganoon na lamang ang epekto nito sa kanya? Bakit kaydali niyang makalimot basta ito ang kasama niya? Bakit kaydali niyang madarang sa bawat halik at haplos nito? Kung hindi pa ito nagtanong tungkol sa peklat niya sa tiyan ay hindi pa siya babalik sa matinong kaisipan.Hindi na siya natuto. Minsan na siyang napaglaruan ni Alvaro, napapayag na maging alipin nito sa kama bilang kabayaran ng kasalanang inaakusa nito. Hinayaan niyang mangyari iyon dahil na rin sa ayaw niyang magpang-abot ito at ang pamilya niya. But deep inside, Anie knew it wasn’t only about it. Alam niya sa kanyang sariling unti-unti na siyang nahulog sa binata sa kabila ng dahilan ng pagdala nito sa kanya sa resort na iyon.And she was

  • His Heart Series 3: His Ruthless Heart   CHAPTER 45

    Daig pa ni Anie ang ipinako sa kanyang kinatatayuan nang lumapat ang mga labi ni Alvaro sa kanya. Nanlaki rin ang kanyang mga mata dahil sa labis na pagkabigla. His lips were pressed firmly against her lips and she couldn’t even move her head to avoid him. Mariin din kasi ang hawak nito sa kanyang batok dahilan para hindi siya makaiwas.Agad niyang naiangat ang kanyang dalawang kamay at mariing napahawak sa long-sleeved polo na suot ni Alvaro. Ilang segundong para siyang nawala sa kanyang sarili dahil sa paghalik na ginawa nito. Matapos ang maraming taon ay ngayon lamang ulit siya nahagkan ng binata at sari-saring emosyon ang agad na lumukob sa kanyang dibdib dahil doon.Pero agad niyang pinanaig ang matinong kaisipan. Hindi niya itatangging malaki pa rin ang epekto sa kanya ni Alvaro. He still had a huge effect on her to the point that she couldn’t help but rattled in anticipation whenever he’s near. Pero mali... maling-mali kung hahayaan niya ito sa ginagawa ngayon. He’s getting mar

  • His Heart Series 3: His Ruthless Heart   CHAPTER 44

    Parang wala sa sariling sinasalansan ni Anie ang ilang papel na nasa ibabaw ng kanyang mesa. Inililigpit na niya ang ibang gamit roon habang ang ilan naman na dinadala niya pauwi ay isinisilid na niya sa loob ng kanyang shoulder bag.It was already passed six in the afternoon. Kanina lang sila nakabalik ni Theo sa PJ Studio matapos ng ilang oras na pagkuha ng litrato kina Alvaro at Jewel. Si Theo ay agad na inasikaso ang pag-eedit ng ibang larawan ng magkasintahan samantalang siya ay sinimulang magbasa ng mga email na natanggap ng studio. Nang mapansin niyang mag-aalas sais na rin naman ay nagsimula na siyang mag-ayos ng kanyang mga gamit.Malayo ang itinatakbo ng isipan niya. Hanggang sa mga oras na iyon ay hindi mawala sa isipan niya ang ekspresyong nakita niya sa mga mata ni Alvaro nang magtagpo ang kanilang mga paningin kaninang kinukuhanan ni Theo ng larawan ang mga ito.He was instructed to look at Jewel with loving expression in his eyes. And yes, he was able to give the emotio

  • His Heart Series 3: His Ruthless Heart   CHAPTER 43

    “I-I am glad you came, Anie,” saad ni Marcelo sa mahinang tinig habang may ngiti sa mga labi.Gumanti rin ng ngiti si Anie sa kanyang ama kasabay ng marahan niyang paghakbang palapit sa kamang kinahihigaan nito. Bakas na ang katandaan kay Marcelo, maging ang pagiging mahina ng katawan nito. At kahit pa lumaki siyang hindi malapit sa kanyang ama ay hindi niya pa rin maiwasang mag-alala para rito.Nakalabas na ito ng ospital at ngayon ay sa bahay na lamang tuluyang nagpapagaling. Though, she saw a nurse a while ago and Anie knew she was personally taking care of her father. Sa yamang mayroon ang mga De la Serna, nasisiguro niyang hindi pababayaan ng kanyang mga kapatid ang kalusugan ng kanilang ama at kayang-kayang kumuha ng mga ito ng personal nurse.Nang tuluyang makalapit sa kamang kinaroroonan nito ay naupo sa isang silyang nakapuwesto malapit roon si Anie. Matapos niyang makausap ang kanyang Kuya Trace ay ngayon lamang siya nagpasyang dalawin ang kanyang ama. Nagdadalawang-isip pa

  • His Heart Series 3: His Ruthless Heart   CHAPTER 42

    Marahang naglakad si Anie palapit sa tatlong tao na ngayon ay pare-pareho nang nakatuon sa kanya ang mga mata. There was Theo. Kasama na nito ang mga bagong kliyente nila sa PJ Studio. Agad pang napatitig si Anie sa babaeng kaharap ng katrabaho niya. She was beautiful, dressed sophisticatedly and with so much class. Ito iyong uri ng babae na kahit siguro hindi maglagay ng kolorete sa mukha ay maganda pa rin.Then, her eyes darted to the man beside the lady. Ang lalaking sa loob ng mga nakalipas na taon ay hindi niya man lang nakalimutan. Sa tingin niya nga, wala yatang araw na hindi man lang ito pumasok sa isipan niya. Araw-araw ay may nagiging paalala sa kanya ang binata--- ang kanyang mga anak.It was the reason why it became so hard for her to forget him. How could she? Sa tuwing nakikita niya ang mga bata ay ito ang naaalala niya.Si Alvaro...Mariing napalunok si Anie. Nagtagpo ang kanilang mga paningin dahil sa kanya na rin nakatitig ang binata. Hindi pa maitago ang pagkagulat s

Higit pang Kabanata
Galugarin at basahin ang magagandang nobela
Libreng basahin ang magagandang nobela sa GoodNovel app. I-download ang mga librong gusto mo at basahin kahit saan at anumang oras.
Libreng basahin ang mga aklat sa app
I-scan ang code para mabasa sa App
DMCA.com Protection Status