Share

CHAPTER 5

last update Last Updated: 2025-09-03 21:46:18

Halos paika-ika pa si Anie habang naglalakad na patungo sa flower shop na kanyang pinagtatrabahuan. Sa kabila ng hindi naman malubha ang pagkakasagi sa kanya ng motorsiklo ng mga lalaking nagnakaw ng cell phone nina Patty at James, hindi pa rin maiwasang indahin niya ang sugat na natamo dahil sa nangyari. Idagdag pang talagang nasaktan din siya dahil sa pagbagsak niya sementadong kalsada.

Pinayuhan siya nina Emmy at Patty na huwag na munang pumasok sa trabaho nang araw na iyon. Ayon sa dalawa ay ipahinga niya na muna ang kanyang katawan. But Anie insisted to go to work. Hindi niya gustong lumiban dahil nanghihinayang siya sa isang araw na sahod. Idagdag pang mas gugustuhin niyang mamalagi sa flower shop kaysa ang maghapong nasa bahay ng kanyang Tiya Mirasol. Naroon lamang kasi ang Tiyo Nando niya na hindi niya kayang makasama nang matagal.

Anie heaved out a deep sigh. Hindi niya pa maiwasang isipin ang mga nangyari kahapon. Mas laman ng isipan niya ang taong tumulong sa kanya para madala sa ospital--- ang kapatid niyang si Trace.

Hindi na nga siya nakapagpigil at tuluyan nang ipinakilala rito ang kanyang sarili. Laking gulat pa ni Trace nang malamang De la Serna ang kanyang apelyido. He even introduced himself and told her that he’s also a De la Serna, which she answered that she knew about it.

Doon na niya ipinaliwanag kung ano ang kaugnayan niya sa mga ito. Alam niyang hindi siya pinaniwalaan ng binata. Naiintindihan niyang hindi ganoon kadaling tanggapin ang mga sinabi niya. Gusto pa ngang isipin ni Anie na baka akalain nitong nasisiraan na siya ng bait para ipakilala ang kanyang sarili na anak ni Marcelo De la Serna.

But Anie had no choice but to do it. Binanggit niya pa kay Trace ang pangalan ng kanyang ina na nasisiguro niyang makikilala ng kanilang ama. Kung tanggapin man siya ng mga ito o hindi ay bahala na. Ang mahalaga ay nasabi niya ang tungkol sa pagkatao niya.

Maya-maya pa, ang tahimik niyang paglalakad patungo sa flower shop ay agad na natigil nang may isang magarang sasakyang basta na lamang huminto sa gilid ng kalsada kung saan naroon siya. Anie instantly became alert because of that. Mahigpit niya pang nahawakan ang strap ng kanyang sling bag at napatitig sa pinto ng naturang sasakyan nang biglang bumukas iyon.

Dalawang lalaking nakasuot pa ng itim na business suit ang lumabas at sa hindi niya malamang dahilan ay mataman siyang tinitigan. Hindi niya man gustong makadama ng kaba pero iyon agad ang umahon sa kanyang dibdib pagkakitang naglakad palapit sa kanya ang mga ito.

“Miss Anie De la Serna?” saad ng isa na agad nagpaawang ng kanyang bibig.

“K-Kilala ninyo ako? Sino... sino kayo?” magkasunod niyang tanong kasabay ng paghakbang ng kanyang mga paa paatras. Ang kabang nasa dibdib niya ay dumoble pa dahil sa kaalamang kilala siya ng dalawang lalaki samantalang siya ay walang ideya kung sino ang mga ito.

Mula sa bulsa ng suot nitong suit ay may kinuha ang lalaking kumausap sa kanya. It’s a small calling card that he instantly handed to her.

Agad iyong kinuha ni Anie saka pinasadahan ng basa ang mga nakasulat. Naroon ang pangalan ng isang kompanya at contact details niyon--- DLS Corporation.

“D-DLS?” sambit niya sa mahinang tinig.

“We are working for the De la Serna, Miss Anie,” maagap na paliwanag sa kanya ng lalaki. “Napag-utusan kami ni Sir Trace na puntahan ka at hikayating sumama sa amin ngayon.”

Anie’s forehead furrowed. Nagdududang pinagmasdan niya pa ang mga ito. “P-Paano ninyo nalamang--- a-ang... ang ibig kong sabihin, na ako si Anie? W-Wala akong litrato sa kapatid... k-kay Trace.”

“Hindi mo kilala ang mga De la Serna, Miss Anie. Madali sa kanila ang magpahanap ng isang tao. Madali para sa kanilang alamin kung saan ka nakatira.”

Nang hindi siya nakaimik ay nagsalita na rin ang isa pang lalaki. “Maaari naming tawagan si Sir Trace kung hindi ka naniniwalang pinasusundo ka nila ni Sir Marcelo.”

Pagkarinig sa pangalan ng kanyang ama ay agad na napatayo nang tuwid si Anie. Hindi siya nakapagsalita dahilan para itinuloy na nga ng lalaki ang pagtawag nito sa kanyang kapatid. Gamit ang sarili nitong cell phone ay nag-dial ito ng numero at hindi nga nagtagal ay may kausap na ito sa kabilang linya.

Hindi na niya kailangan pang magtanong. The call was on loud speaker and she instantly recognized Trace’s voice. Nais pa nga sana siya nitong kausapin ngunit tinanggihan na niya. Sa huli, nagpasya na lamang siyang sumama sa dalawang lalaki.

Naroon pa rin ang pag-aalangan sa kanyang dibdib. But the hesitation was replaced by so much anticipation that she felt. Sa unang pagkakataon, makakaharap niya na talaga ang kanyang ama? Ano ang kalalabasan ng pagkikita nilang iyon?

Hindi pa maiwasang igala ni Anie ang kanyang paningin sa loob ng sasakyang kinalulunaran niya. Siya lamang ang nasa backseat habang ang dalawang lalaki ay nasa unahan ng sasakyan. May kausap pa ang isa sa mga ito sa cell phone na hindi mahirap hulaang ang kapatid niya pa rin. It was as if Trace was giving some instructions to the man.

Hindi nga nagtagal ay nakarating sila sa isang malaking bahay na halos magpaawang sa mga labi ni Anie. Sa tanang buhay niya, ngayon lamang siya makapapasok sa ganoong karangyang bahay na madalas ay sa TV niya lamang napapanood.

It was a three-storey house with a modern architectural design. Pahaba pa ang naturang bahay kaya nasisiguro ni Anie na napakalawak ng loob niyon.

“This way, Miss Anie,” untag sa kanya ng isa sa mga lalaking kasama niya. Nagpatiuna ito sa paglalakad na agad niya namang sinundan. Halos nahirapan pa siyang sumunod dito dahil nga sa iniinda niyang sugat sa binti.

Tuloy-tuloy silang pumasok sa bahay. Bantulot pa sa paghakbang si Anie habang hindi niya mapigilang igala ang kanyang paningin sa bawat madaanan nila.

Nagsusumigaw ng karangyaan ang bawat sulok ng bahay. Sa may sala pa lang ay nasisiguro na niyang umaabot ng ilang halaga ang bawat gamit na naroon. Buong sala pa nga lang ay waring kasinglaki na ng buong bahay ng kanyang Tiya Mirasol.

“Dito tayo, Miss Anie,” saad pa ng lalaki dahilan para mapalingon na siya rito.

Isang pintuang hindi nalalayo sa sala ang itinuro nito na agad na nilang nilapitan. The man gave warning knocks on the door before he slowly opened it. Sumilip pa muna ito sa loob bago tuluyang niluwagan ang pagkakabukas ng pinto.

“Narito na ho siya, Sir,” ani ng lalaki saka siya nilingon. Inilahad lang nito ang isang kamay na wari bang inuudyukan na siyang humakbang papasok.

And Anie did. With hesitation and nervousness, she slowly walked in the room. Ni hindi pa siya tuluyang nakapapasok nang marinig na niya ang pagsarang muli ng pinto sa kanyang likuran. Alam niyang ang lalaki ang nagsara niyon ngunit hindi na niya nagawa pang lumingon dito. Natuon na kasi ang kanyang mga mata sa tatlong lalaking nasa loob ng silid na pinasok niya.

Anie swallowed hard. She held on the strap of her bag tightly as three pairs of eyes were looking intently at her. Isa na roon ang kapatid niyang si Trace na prenteng nakaupo sa isa sa mga visitor’s chair na nasa tapat ng malaking executive desk. Sa kaliwa nito ay isa pang lalaki na mukhang mas matanda kaysa kay Trace. And then the old man who was sitting on the high-back swivel chair and now intently looking at her--- her father, Marcelo.

“Why don’t you sit down, Anie?” Si Trace ang unang bumasag sa katahimikan. Itinuro pa nito ang isa pang visitor’s chair na nasa tapat nito ngunit hindi man lang siya tuminag sa kanyang kinatatayuan. Nanatili siya malapit sa may pintuan habang hindi mapuknat ang paninitig sa kanyang ama.

Marcelo cleared his throat then stood up. Marahan itong humakbang palapit sa kanya habang may isang masuyong ekspresyon sa mukha. “Anie...” saad nito habang pinakatitigan siya. “You look exactly just like your mother.”

Anie was at loss for words. Ano ba ang dapat sabihin sa amang ngayon niya lamang nakaharap? Though, nakita na niya sa foundation noon ang matandang lalaki, ngayon lamang niya ito makakausap.

“I’ve been waiting for this day to happen, to finally meet you,” dagdag pa ni Marcelo.

“Alam mo ang tungkol sa akin,” aniya sa mahinang tinig. What she said was more of a statement that a question. “B-Bakit ngayon lang tayo nagkaharap at nagkausap?”

She heard someone smirked. Nang sulyapan niya ang lalaking nasa tabi ni Trace ay nakita niyang nanunuyang nakangisi ito. “Don’t be surprised, Anie. Mas matanda pa ako sa iyo nang malaman kong anak din ako ng lalaking nasa harapan mo. I’m Lemuel, by the way, panganay na bastardo ni Marcelo.”

Anie couldn’t help but gasped. Mataman niyang pinagmasdan ang lalaking nagsalita. Anak din ito ng kanyang ama? Katulad niyang anak sa labas?

Nang hindi siya nakapagsalita ay marahan nang tumayo si Trace. Nakapamulsa pa itong humarap sa kanya. “So, we’ve confirmed na anak ka nga ni Papa. Meaning to say, kapatid mo kami ni Lemuel. He was the eldest among us anyway.”

“H-Hindi ko alam kung anong sasabihin...” nauutal niyang sabi, pinaglipat-lipat pa ang tingin sa tatlong lalaking kasama niya sa silid na iyon.

“Where are you staying, hija?” tanong na ni Marcelo. “I heard about Aurora’s death.”

“P-Paano mo nalaman?”

“Sa foundation,” maagap nitong sagot. “The moment Trace told me about you, nagtanong na ako kay Mrs. Collins tungkol kay Aurora. I’m sorry to what happened to her.”

Mariin siyang napalunok nang maalala ang kanyang ina. “S-Sa kaibigan ni Nanay ako nakatira.”

“Why not stay here, hija?” tanong ng kanyang ama. “Ang mga kapatid mo ay may kanya-kanya nang pamilya. Ako lang naman ang narito at---”

“No,” mariin niyang tugon hindi pa man ito tapos magsalita.

And what she answered made the three men stunned. Waring hindi inaasahan ng mga ito ang mariin niyang pagtanggi.

“Anie---”

“Hindi mo inaasahang agad akong titira rito kasama mo matapos ng una nating pag-uusap,” saad niya. “Nineteen years kitang hindi nakilala bilang ama.”

“Kaya nga gusto kong bumawi sa iyo,” katuwiran ni Marcelo. “Si Aurora ang may kagustuhang ilayo ka sa akin, Anie. Kung ako lang ang masusunod ay kaya kong sustentuhan ka---”

“Habang may pamilya ka?” awat niya sa pagsasalita nito. Hindi niya na mapigilan ang bahagyang pagtaas ng kanyang tinig. “Paano? Ibabahay mo kami ni Nanay at habang-buhay na tataguriang kabit mo?”

Hindi nakaligtas sa kanyang pandinig ang pagbuga ng buntong-hininga ni Trace. He’s the legitimate son. Sa mga nangyayaring iyon, ito ang nasa mahirap na sitwasyon. Ano kaya ang nadarama nito sa kaalamang nanloko ang ama nito noon?

“Anie...” sambit ni Marcelo na mistulang hindi na malaman kung ano ang sasabihin.

“G-Gusto ko nang umuwi,” aniya sa garalgal nang tinig. Lumingon siya kay Trace dahil alam niyang ito ang kausap ng lalaking nagdala sa kanya roon.

At waring nakuha naman ng kapatid niya ang nais niyang sabihin. Tumayo na ito nang tuwid saka nagwika. “I’ll ask my men to drive you home,” seryosong saad nito. “I know this is a hard time for all of us, Anie. Pero kinumpirma ni Papa ang tungkol sa iyo. And I’ll tell you honestly, mahirap man pero wala na akong magagawa kundi ang tanggapin ka.”

Anie blinked her eyes to stop herself from crying. Nang hindi siya umimik ay nagpatuloy pa si Trace sa pagsasalita.

“Hindi ka namin pipiliting tumira rito kasama si Papa. But I guess, you have no choice but to accept the fact that you’re a De la Serna and you need to be part of us. Pag-aralan mo nang maging parte ng pamilyang ito.”

“Trace is right,” segunda rito ni Marcelo. “Give me a chance to be a father to you, Anie.”

“Chrissa and I are having our engagement party soon,” wika pa ni Trace sanhi para hindi siya makapagsalita. Malamang ay ang kasintahan nito ang tinutukoy na Chrissa. “Dumalo ka, Anie. You need to know everything about the De la Serna.”

Anie almost wanted to smirk. It wasn’t even an invitation. What her brother said was an order. Ganito ba talaga ito makipag-usap?

“Come to your brother’s engagement party,” Marcelo said. “Ipakikilala kita sa mga taong malapit sa mga De la Serna.”

Agad ang pag-ahon ng kakaibang emosyon sa kanyang dibdib. What will happen after that? Sinu-sino ba ang mga taong makikilala niya sa engagement party ng kapatid niya? Would they accept her as part of the De la Serna?

Continue to read this book for free
Scan code to download App
Comments (1)
goodnovel comment avatar
Fe Gillesania
thanks for the beautiful story author ...
VIEW ALL COMMENTS

Latest chapter

  • His Heart Series 3: His Ruthless Heart   CHAPTER 68

    Hindi na mabilang ni Alvaro kung ilang beses na siyang umusal ng panalangin habang pabalik-balik ng lakad sa tapat ng emergency room ng ospital na pinagdalhan nila kay Anie. Hindi niya maipaliwanag ang takot na nasa kanyang dibdib nang mga sandaling iyon. Iyon, sa totoo lang, ang unang pagkakataong nakadama siya ng ganoong uri ng takot.Dali-dali nga nilang dinala sa ospital si Anie matapos nitong magtamo ng tama ng baril. Maging si Archer ay siniguro rin nilang matitingnan ng doktor dahil sa mga pasang nakuha rin nito. Gusto niya ring patingnan sa eksperto ang kanyang anak para maiwasan na ring magdulot ng trauma rito ang mga nangyari.Siya at si Trace na ang nagdala sa kanyang mag-ina sa ospital. Si Lemuel naman ang sumama sa mga awtoridad para masigurong pagbabayaran nina Jewel ang ginawa nitong pagpapadukot kay Archer. Halos magmakaawa pa sa kanya ang dating kasintahan na tulungan niya itong maabsuwelto... na nagawa lamang daw ‘di umano nito ang bagay na iyon dahil sa labis na pag

  • His Heart Series 3: His Ruthless Heart   CHAPTER 67

    Dama na ni Anie ang sakit na dulot ng ginawa ng lalaki sa kanya. Ngunit sa halip na indahin niya pa iyon ay mas pinili niyang lapitan si Archer na nang mga sandaling iyon ay patuloy pa rin sa pag-iyak. Alam niyang labis nang natatakot ang kanyang anak at hindi maiwasang mabahala ni Anie na baka magdulot iyon ng trauma rito.“Stop crying, baby. Mama is here,” pagpapakalma niya rito kahit pa ang totoo, maging siya ay puno na ng kaba ang dibdib.Archer hugged her tight. Pinilit niyang tumayo at akma sanang bubuhatin ang kanyang anak nang mabilis na siyang hinablot ng lalaki. Marahas ang ginawa nitong paghila sa kanya dahilan para mabitiwan niya si Archer na mas tumindi pa ang pag-iyak. Nasisiguro niyang nasaktan ito nang hindi sinasadyang mabitiwan niya.“Ang lakas din ng loob mong manlaban kay Ma’am. Baka nakalilimutan mong nasa alanganin ka nang sitwasyon, Miss,” saad ng lalaki sa kanya.“Bitiwan mo ako,” mariin niyang sabi kasabay ng pagpupumiglas. Ngunit sa halip na pakawalan nito an

  • His Heart Series 3: His Ruthless Heart   CHAPTER 66

    Halos maikuyom ni Anie ang kanyang mga kamay na nakahawak sa laylayan ng suot niyang t-shirt habang naglalakad siya papasok ng isang malawak na bakuran. Palinga-linga pa siya sa paligid at hindi maiwasang mapakunot-noo dahil sa nakikita sa naturang lugar.It was the address that the caller gave her. May kalayuan na iyon sa apartment na kanilang tinitirhan ngunit hindi iyon alintana ni Anie makita niya lang ulit ang kanyang anak.The place was like an abandoned warehouse. Malawak ang bakuran na walang halos nakikita kundi mga pira-pirasong bakal na ang iba ay mga kalawangin na, sanhi marahil ng tagal nang nakaimbak doon. Nagkalat din ang mga tuyong dahoon na nagmula sa matatandang punong-kahoy na nasa loob ng bakuran. Duda pa siya kung may nagmamantini pa ng lugar. Para kasing hindi nalilinisan iyon.Mula sa paggala ng kanyang paningin sa kinaroroonan niya ay biglang natigilan si Anie. Isang malakas na lagitnit ang kanyang narinig mula sa may entrada ng warehouse. Gawa sa bakal ang sli

  • His Heart Series 3: His Ruthless Heart   CHAPTER 65

    Mula sa hindi na mabilang na pagpapabalik-balik ng lakad sa may sala ng kanilang apartment ay agad na natigilan si Anie nang makita ang pagdating ng ilang kapulisan. It was Alvaro who called the authorities and reported what happened to their son a while ago.Halos ilang oras pa nga ang inilaan nila sa parke sa pag-asam na mahanap si Archer. Naikot na nila ang buong lugar. Maging ang mga kalapit na establisyemento ay pinuntahan din nila sa pagbabaka-sakaling pumunta roon ang kanyang anak.Ngunit ilang oras na ang lumipas at nakailang beses na silang nagpabalik-balik sa paghahanap pero hindi nila nakita si Archer. And it was something that really brought worries to Anie. Kilala niya ang kanyang mga anak. Likas na may kakulitan ang mga ito, lalo na si Ava, pero hindi ugali ng dalawa na gumawa ng bagay na alam ng mga itong ikagagalit niya.And Anie knew very well that Archer won’t go anywhere. Alam nitong hindi niya gustong nagpupunta ang mga ito kung saan-saan lang. Their safety was her

  • His Heart Series 3: His Ruthless Heart   CHAPTER 64

    “Sa tingin niya ba ay ganoon lang talaga kadali iyon? Na dahil sinabi niyang ikaw ang gusto niya ay magiging maayos na ang lahat sa inyong dalawa?” magkasunod na tanong sa kanya ni Patty. Puno pa ng inis ang tinig nito nang magsalita sa kanya.Anie heaved out a deep sigh and darted her gaze to her kids. Hindi nga siya nakasagot sa mga sinabi ni Patty at napatitig na lamang sa kanyang mga anak. Nasa hindi kalayuan nila sina Ava at Archer at abalang naglalaro kasama si Betsy.Nasa isang park sila malapit lamang sa PJ Studio. It was weekend, at kapag ganoong wala silang pasok sa trabaho ay naglalaan talaga siya ng oras para sa kambal. At sinabi niya sa kanyang kaibigan ang lakad nilang mag-iina. Nang malaman nito iyon ay agad itong nagpaabiso na darating para magkausap silang dalawa. Nabanggit niya rin kasi rito sa pamamagitan ng isang text message ang tungkol sa naging huling pag-uusap nila ni Alvaro. Patty was so curious about it. Ngayon nga ay halos ikorner siya nito para matanong ng

  • His Heart Series 3: His Ruthless Heart   CHAPTER 63

    Matuling lumipas ang isang linggo mula nang mamatay ang kanilang ama. Nailibing na si Marcelo sa mausoleum ng mga De la Serna at ang libing nito ay dinaluhan ng malalapit na kamag-anak at kaibigan ng kanilang pamilya. Maging ang mga empleyado ng DLS Corporation at ng shop ng kanyang Kuya Lemuel ay nakiramay din sa kanila.Isang linggo na ang dumaan ngunit hindi pa rin makapaniwala si Anie na wala na ang kanilang ama. Hindi man siya lumaking kasama ito, hindi niya pa rin maiwasang makadama ng pagdadalamhati.Pero katulad nga ng sabi ng nakararami, ‘life must go on’. At kasama sa pagpapatuloy niya ng buhay ay ang tuluyang pagtanggap sa posisyong inaalok sa kanya ng mga De la Serna sa kompanya ng mga ito. Hindi niya alam kung paano sisimulan pero hindi na niya matanggihan pa ang kanyang mga kapatid. She couldn’t even help but felt guilty for not doing it while their father was still alive. Kung sana ay ginawa niya na iyon nang nabubuhay pa ang kanilang ama ay nasisiguro niyang ikagagalak

More Chapters
Explore and read good novels for free
Free access to a vast number of good novels on GoodNovel app. Download the books you like and read anywhere & anytime.
Read books for free on the app
SCAN CODE TO READ ON APP
DMCA.com Protection Status