Share

Chapter 138: Knocking Inside of Your Door Part 3

"Miss, maling direksyon ka!" rinig ko pang saway noong lalaking nasa unahan ko nang magtagpo ang aming mga mata pero nagkibit-balikat lang ako.

Patuloy lang ako sa pagtakbo kahit kinakapos na ako ng hangin. Ang nasa isip ko lang sa sandaling 'to ay ang makarating ako roon. Kakalimutan ko na lang muna sa ngayon ang atraso't kasalanan niya sa akin basta makita ko lang ang kalagayan niya. Hindi ko maiwasan ang kung anu-anong pumapasok sa isipan ko kaya mas lalo lang akong nag-aalala.

"S-Sandali!"

Hinihingal akong napahinto sa tapat ng ambulansya na limang metro ang layo sa akin. Wala iyong nagkukumpulang tao.

"H-Huwag niyo munang isara!" pakiusap ko nang makitang kong isasara na nila iyong ambulansya.

Nagtatakang lumingon sa akin iyong dalawang medics kaya mas lalo akong nataranta.

"Baka kilala ko siya!" pilit kong dagdag kahit hinahabol ko pa ang hininga.

"Sa tent mo na lang siya puntahan pagkatapos ng Marathon, Miss."
Locked Chapter
Continue to read this book on the APP

Related chapters

Latest chapter

DMCA.com Protection Status