Share

Chapter 140: Calling A Teapot Orange Part 2

Natawa ako sa huling linya. Naimagine ko kasi ang mukha ni Manang.

"At saka umuwi ka na raw, miss ka na niya," dagling dagdag niya.

Napangiwi naman ako dahil do'n. "Sinungaling ka talaga. Hindi naman iyon sinabi ni, Manang, e," sagot ko sa kanya.

Hindi naman talaga ako pinapauwi ni Manang dahil alam niya kung nasaan ako. Saka minsan nga bumibisita siya sa condo ko na may dalang kung anu-anong ulam.

"Bakit naman? Miss ka naman talaga ni, Manang. Kahit nga ako miss na kita." Tumigil siya sa paglalakad. "Iyong mga gamit mo, nasa kwarto mo pa. Walang pinagbago ro'n. Araw-araw iyong nililinisan ni, Manang, baka kamo raw bumalik ka. And I'm sure, malungkot iyon kasi kahit ako, wala doon."

He sighed. "Promise ko kasi sa kanya papauwiin kita. And I'm glad I'm showing results. Sapat na sa akin iyong alam kong nag-aalala ka pa rin pala."

Pagkatapos ay nagsimula na siyang maglakad ulit. Saka ay sinundan na naman ng katahimikan.

Ma
Locked Chapter
Continue to read this book on the APP

Related chapters

Latest chapter

DMCA.com Protection Status