Share

Genesaret Viesta

Author: AtengKadiwa
last update Last Updated: 2022-07-09 09:27:41

"Maraming salamat po, Manong Samyo." ani Genesaret sa matandang nagtitinda ng mga bulaklak sa isang flower shop sa bayan.

"Walang anuman, iha. Balik ka ulit ah?" anito. Ngumiti siya sa matanda at tumango.

"Oo naman po!" aniya at ikinaway ang kamay rito.

"Mauna na po ako." aniya habang naglalakad patungo sa glass door ng flower shop habang ikinakaway parin ang kamay rito.

"Mag-iingat ka!" anito na tinugon niya ng tango.

Nang makalabas siya, tinungo niya ang bisekleta niya na nasa tabi lang ng shop. Inilagay niya sa basket ang mga pinamili at umangkas sa bisekleta. Malapit na siya sa daan ng biglang may sumulpot na sasakyan sa kanan niya. 

Hindi niya napansin iyon, dahil sa labis na pagkagulat nawalan siya ng balanse na naging dahilan para matumba siya. Na nagdulot sa kaniya ng sugat sa kamay at paa. Naiiyak na siya dahil sa sakit. Biglang bumukas ang pinto ng sasakyan kaya napasulyap siya doon. 

Nakahanda na siyang bulyawan ang lalaki pero natigilan siya ng makita ang kabuuan ng lalaki. Sa lahat ng gwapong lalaki na nakita niya, ito na ata pinakagwapo sa lahat. Dahan-dahan lumapit sa kaniya ang lalaki pero nakatanga pa rin siya. Tsaka lang siya bumalik sa kasalukuyan mula sa pagsipat sa lalaki ng magsalita ito.

"Miss, okay ka lang?" tanong nito. Napakurap-kurap siya sa adonis na nasa kaniyang harapan.

"HIndi ako okay, hindi ko alam kung makakatayo pa ako." aniya at pinilit na may lumabas na luha sa kaniyang mga mata. Kitang-kita niya ang awa sa m,ga mata ng lalaki.

"Gusto mo bang dalhin kita sa ospital para matingnan ka?" tanong nito sa nag-aalalang boses. Tumango siya at pilit na sinalubong ang mapang-akit nitong mga mata.

"Yes, please. Pero hindi ako makalakad eh. Okay lang ba na buhatin mo ako?" tanong niya na pinilit na palambutin ang boses at mukha. Mukhang nag-alinlangan pa ang lalaki pero kalaunan ay pumayag din.

"Okay." anito at dahan-dahan siyang binuhat patungo sa kotse nito. Binuksan nito ang passengers seat gamit ang kaliwang kamay at maingat siyang inilapag roon. Ngumiti siya rito.

"Salamat." aniya. 

Tumango lamang ito na para bang ipinagdadamot ang ngiti nito. Bakit kaya? Hindi ba ito nagagandahan sa kaniya? Hindi naman pwede, dahil madami ang nagsasabi na maganda siya! Pinilit niyang ikalma ang sarili at binalingan ito ng makasakay na ito at maniobrahin ang sasakyan. 

"Anong pangalan mo?" tanong niya rito. Saglit siya nitong tinapunan ng tingin at muling ibinalik ang tingin sa harapan.

Lumingon si Jarred sa babae ng tanungin nito ang pangalan niya. Maganda ang babae at mukhang may kaya ito sa buhay.

"Jarred Racqueza." aniya at muling ibinalik ang tingin sa daan. Inilahad nito ang kamay sa kaniyang harapan.

"Genesaret Viesta, but you can call me Gene." anito. 

Sa totoo lang, ayaw magkaroon ng kontak sa mga babae lalo kapag hindi niya ito kilala, Gusto niya nakikita man siya ni Jasmine, maging tapat siya rito. 

Pero sa ngayon, wala namang masama kung tatanggapin niya ang pakikipagkamay nito lalo at halatang mabait naman ito. Tinanggap niya ang pakikipagkamay nito.

"Jarred Racqueza." aniya at akmang hihilain na sana niya ang kamay niya pero di niya mahila. Siguro ng maramdaman nito na hinihila niya ang kamay ay dagli nitong binitawan iyon.

"Sorry, ang lambot kasi ng kamay mo." puri nito. Ngumiti siya at ibinalik muli ang tingin sa harapan ng mapansin na malapit na sila sa ospital.

 "Malapit na tayo." pagpapaalam niya rito.

Nang marating nila ang ospital, lumabas siya ng sasakyan at umikot patungong driver's seat para alalayan si Genesaret. 

"Awts! Di ko talaga kayang maglakad." anito na may lungkot sa mga mata at pinipilit tumayo pero napapaupo pa rin. 

Wala siyang ibang pagpipilian kundi ang pangkuin ang dalaga. Nang makapasok sila sa ospital, dali-dali silang inasikaso ng nurse at kumuha ng strecher. Inihiga niya ang dalaga ng makalapit ang nurse sa kanila na may dalang strecher.

"Salamat." aniya. 

Ngiti lamang ang iginanti ng nurse at iginiya sila sa room kung saan para sa mga minor bruise at aksidente. Nang marating nila iyon, agad na ipinasok ang dalaga sa loob. Nangungusap na napatingin sa kaniya ang dalaga.

"Pwede mo ba akong samahan?" tanong nito na kababakasan ng lungkot ang boses. 

Hindi niya tuloy maiwasang mainis sa pagiging demanding ng babae. Sino ba ito para samahan pa niya sa loob?

"Sila na ang bahala sayo. Tatawagan ko muna fiance ko para ipaalam na narito ako." aniya. 

Kinuha sa suot na pulo ang cellphone at tinawagan si Jasmine. Hindi tuloy niya nakita ang pagtalim ng mga mata ni Genesaret habang iginigiya ito patungo sa loob ng silid pagamutan.

Hindi maiwasang mainis ni Gene dahil sa narinig mula sa bibibg ni Jarred. ibig sabihin ikakasal na ito! Sabagay, kahit naman kasal na ito, gagawin niya ang lahat mapasakaniya lang ito. 

May annullment naman at sisiguraduhin niya na mapapasakaniya si Jarred. Hindi niya alm, pero simula ng makita niya ito. Nakaramdam na siya ng matinding atraksiyon dito.

"Miss, ayos na ang mga gasgas mo at wala namang bali kaming nakita. Minor scratches lang kaya pwede ka ihatid ng kasama mo sa inyo." anang nurse na siyang nag-assist sa kaniya.

Ngumiti siya rito, akmang aalalayan siya nito pero kaagad niyang iwinaksi iyon. Bastos na siya kung bastos wala siyang pakielam! Dahil ang gusto niyang humahawak sa kaniya ay si Jarred.

"Okay na, kaya ko na ang sarili ko." aniya at lumabas na ng silid kasama ang bill niya. 

Nadatnan niyang may kausap si Jarred na palagay niya ay ang fiance nito. Hmp! Maghihiwalay kayo, sinisiguro ko iyan! isiguraduhin ko na sakin mapupunta si Jarred Racqueza! Aniya sa sarili. Nginitian niya si Jarred ng lumingon ito sa gawi niya. Lumapit ito sa kaniya.

"Okay ka na? Kamusta ka daw?" tabnong nito. 

Pero kitang-kita niya na parang hindi naman ito sincere sa sinabi. Mukhang mahihirapan siyang paamuin ito, pero gagawin niya ang lahat makuha lang ang loob nito maging ang puso nito.

"Okay na ako. Pwede ba ako magpahatid sa bahay? Ipapakuha ko nalang sa driver namin yung bike bukas." ani ko. Tumango siya.

"Sandali at babayaran ko lang bill natin." aniya at pumunta na sa Billing Section ng hospital sa may pasilyo. Umupo siya sa inupuan kanina ni Jarred. Ilang sandali pa ay bumalik na si Jarred at niyayang umalis para ihatid siya. Nang nasa sasakyan na siya nito, pinagbuksan siya nito ng pintuan.

"Salamat." aniya pero walang tugon ito. 

Huminga siya ng malalim at pumasok na sa loob. Maging ito ay pumasok na sa loob. Binuhay ni Jarred ang sasakyan at minaniobra iyon palabas ng parking area ng ospital tsaka tinahak ang daan pabalik. Samantala, ibinigay naman niya ang direksiyon dito.

"Anong trabaho?" tanong niya rito nang hindi ito umiimik.

"CEO ako ng Racqueza Steel Corporation." anito. Wow! Siya pala ang CEO ng RSC!

"Wow! Actually, my father is an investor. Kung sakali, willing ka ba na tanggapin siya bilang investor mo?" tanong ko na nagbabakasali na pumayag siya. Sinulyapan lan siya nito saglit at muling ibinalik ang tingin sa daan.

"Pag-iisipan ko, Genesaret."

"Call me Gene." aniya. Tumango lang siya. Nang malapit na kami sa bahay. Saktong nasa bakuran si Mr. Viesta at inaasikaso ang mga halaman ng asawa.

"Dad!" aniya at kinawayan ang ama. Lumingon naman ang kaniyang ama at napakunot-noo nang makita ang mga benda niya sa braso at paa. Lumabas na rin ng sasakyan si Jarred.

"Magandang hapon po. Hindi ko po sinasadya na pagliko ko po sa isang kanto kanina ay nabangga ko po siya na naging dahilan para matumba siya at magasgasan." paliwanag ni Jarred. Lumapit si Mr. Viesta at sinuri ang kaniyang mga benda.

"Okay lang po ako, dad. Huwag niyo pong sisihin si Jarred, kasalanan ko po dahil hindi ko po tinitingnan ang daan ng palabas na po ako ng shop ni Manong Samyo." paliwanag niya habang nakatingin ng may pagsuyo sa kaniyang ama. Huminga ito ng malalim.

"Okay. Pero magkakapeklat yan, anak." nito na nag-aalala. Lumapit siya rito at umabresete.

"Okay lang po ako at matatanggal rin ang peklat. Okay?" aniya rito at tumingin kay Jarred na abala sa cellphone. 

Mukhang kausap nito ang fiance nito. Nang matapos ito, bumaling ito sa kanila at ngumiti tsaka dahan-dahang lumapit.

"Kabastusan naman po kung aalis ako ng hindi nagpapaalam." anito at inilahad ang kamay kay Mr. Viesta. Hindi maiwasan ni Gene na mas lalong humanga rito. "Jarred Racqueza po. The owner of Racqueza Steel Corporation." anito. Tinanggap naman ng kaniyang ama ang pakikipagkamay nito.

"Mr. Allan Viesta. Nice to meet you Mr. Racqueza. I'm an investor, pwede mo ako magoing investor sa kompanya mo." anang kaniyang ama. 

Gustong magpasalamat ni Gene sa taas dahil mukhang umaayon sa kaniya ang pagkakataon. Mabuti nalang talaga at nadatnan nila sa bakuran ang kaniyang ama, tiyak na hindi makakatanggi si Jarred.

"Sure po, you can visit to my office in RSC, Mr. Viesta para mapag-usapan natin ang tungkol diyan. Pero sa ngayon kailangan ko na pong umuwi dahil gumagabi na po." anito na may masuyong ngiti sa mga labi.

"Sure. Mag-iingat ka." paalala ni dad. Bago pa man ito tuluyang makapasok sa sasakyan ay agad siyang lumapit rito.

"Salamat." aniya na may sinseridad.

"No worries." anito at tuluyan ng pumasok sa loob ng sasakyan at pinasibad iyon pabalik. 

Hindi ko hahayaan na maging ganiyan ang pakikitungo mo sakin, Jarred. Hindi ang fiance mo ang nararapat sayo, kundi ako! Sinisiguro ko na maghihiwalay kayo!

Continue to read this book for free
Scan code to download App

Latest chapter

  • His Infinite Affection (Sequel of Debt Repayment)   The Three Siblings (Special Chapter 10)

    Makalipas ang labim-apat na taon. May dalawang lalaki at isang babae na anak ang mag-asawang Racqueza. Ang panganay na si Jayron na dalawampung taong gulang, pangalawa si Jayraine na labing-apat at ang bunso ay Jarren na labindalawang taong gulang. Hindi maipagkakaila ang kagandahan ng nag-iisang babae at ang kagwapuhan ng dalawang lalaki. Sa murang edad ay responsable na ang mga ito. Si Jayron ay sinasanay ng kaniyang magulang dahil pagtuntong nito sa dalawampu't-dalawang taong gulang ay ito na ang mamamahala ng Racqueza Steel Corporation. Sa ngayon, sinasanay na siya ng ni Jarred. Soon, si Jarren at Jayraine ang mamamahala ng Saderra's Steel Corporation."Kuya, sa tingin mo ba magugustuhan nina mom at dad ang plano natin?" tanong ni Jayraine sa kaniyang kuya Jayron. Ngumisi si Jayron."Oo naman, magugustuhan iyon nina mom at dad. Alam mo naman na simpleng effort lang ay masaya na sila," anito. Nagplaplano ang magkakapatid ng sorpresa para sa kanilang magulang na ngayon ay nasa CK R

  • His Infinite Affection (Sequel of Debt Repayment)   Giving Birth To Jayraine (Special Chapter 9)

    Pagdating ni Jarred sa mansiyon at maipark ang sports car sa garahe, lumabas na siya ng sasakyan kasabay ng paglabas din ni Jayron. Papunta pa lang siya sa pintuan ng lumabas si Jasmine at sinalubong siya."Baby!" anito at niyakap siya. Niyakap din niya pabalik ang asawa. Napunta ang paningin ni Jasmine sa anak."Hello baby," anito."Good afternoon, mommy. Sabi ni dad may surprise ka daw po sa kaniya? Ano po iyon?" kuryos nitong tanong. Tumingin sa kaniya ang asawa at ngumiti."Yes, i have a suprise. Kaya pipiringan ko ang daddy mo, okay? Kapag nakita mo ang surprise ni moomy sa loob huwag kang maingay ah," anito na at inilagay ang hintuturo sa labi nito. Tumango-tango naman si Jayron. "Yes, mommy! Promise, quiet lang ako!" masigla nitong sagot. Napangiti na naiiling na lang siya. Hinarap siya ni Jasmine at naglabas ng panyo saka nagtungo sa kaniyang likuran at piniringan."Baby, na-eexcite tuloy ako sa surpresang ito? Gender reveal ba ito?" tanong niya. Naramdaman niya na natigilan s

  • His Infinite Affection (Sequel of Debt Repayment)   Gender Reveal (Special Chapter 8)

    Makalipas ang anim na buwan, may kalakihan na ang tiyan ni Jasmine. Nahirapan man siya sa pagbubuntis pero kinakaya niya. Naging maselan din ang paglilihi niya pero dahil sa pag-alalay sa kaniya ng asawang si Jarred, hindi niya naramdaman ang hirap. Ginawa nila ang lahat para maging malusog ang bata. Umiwas rin siya sa mga bagay na makakapagdulot sa kaniya ng stress at pagod. Umabsent muna siya sa trabaho ngayong araw. Nagprisinta ang kaniyang ama na ito na muna ang bahala sa mga trabaho niya ng araw na iyon. Sabagay, nandoon naman si Claria para gabayan ang kaniyang ama. Huminga siya ng malalim at pinakatitigan ang repleksiyon sa salamin. Napangiti siya habang tinitingnan ang may kaumbukan niyang tiyan. Tatlong buwan na lang ilalabas na niya ang kanilang anak ni Jarred. Hindi pa nila alam ang kasarian ng kanilang anak. Pupunta pa lang ngayon si Jasmine sa OB-Gyne para magpa-ultrasound. Sasamahan siya ng kaniyang ina. Hinihiling na sana ay babae ang nasa loob ng kaniyang sinapupunan.

  • His Infinite Affection (Sequel of Debt Repayment)   Second Baby (Special Chapter 7)

    Habang hinihintay ni Jasmine ang asawa na mga sandaling iyon ay patungo na sa Breadshop para bilhin ang ube cake na pinaglalawayan niya. Tumayo siya at lumabas ng opisina. Pupunta siya sa Cruz Drug Store di-kayuan sa gusali para bumili ng pregnancy test."Mrs. Racqueza saan po kayo pupunta?" tanong sa kaniya ni Claria ng matapat siya sa mesa nito. Mula sa ginagawa ay nag-angat ito ng tingin. Lumingon siya rito at nginitian ang dalaga."Pupunta ako ngayon sa Cruz Drug Store para bumili ng pregnancy test. Gusto kong malaman kung buntis nga ba talaga ako lalo at nagcra-crave ako ng ube cake. Nagpabili nga ako kay Jarred eh," pagbibigay-alam niya. Kahit papaano naging malapit na sina Jasmine at Claria kaya nasasabi na rin niya rito ang ibang mga bagay patungkol sa kaniya. Natutop ni Claria ang labi kasabay ng panlalaki ng mga mata dahil sa gulat."Baka na po kayo?!" mangha nitong tanong."Hindi pa naman ako sigurado. Baka nagcra-crave lang ako pero..." Huminto siya sa pagsasalita ng maisi

  • His Infinite Affection (Sequel of Debt Repayment)   Paglilihi (Special Chapter 6)

    Isang buwan ang nakalipas matapos ang kasal nina Jasmine at Jarred. Bumalik na rin siya sa trabaho sa Saderra Coffee Factory. May mga trabaho man siyang nadatnan dahil sa isang buwan na pagkawala, hindi naman niya kailangan gawin iyon kaagad. Kasama naman niya si Claria na tapusin ang mga iyon. Nang araw na iyon ay maaga siyang pumasok sa opisina. Inihatid siya ng asawang si Jarred. Nagsuhesiyon siya na kumuha na lang sila ng private driver para hindi ito mahirapan lalo at may kalayuan ang Racqueza Steel Corporation pero tumanggi ito. Ang sabi nito, mas mabuti na ito pa rin ang maghatid sa kaniya dahil ayaw nitong ihabilin siya sa iba. Bilang asawa, obligasyon nito ang kaligtasan niya at ayaw nitong ipasuyo sa iba ang bagay na kaya pa naman nitong gawin. Napangiti siya nang maalala ang pag-uusap nila tungkol doon. Kitang-kita sa mga mata ni Jarred ang labis na pagmamahal at pagtangi sa kaniya. Na sa tagal nilang pagsasama ay kailanman hindi iyon nagbago bagkus mas lalo pa iyong lumal

  • His Infinite Affection (Sequel of Debt Repayment)   The Wedding (Special Chapter 5)

    Ito na ang araw na pinakahihintay ni Jasmine. Ang muling pag-iisang dibdib nila ni Jarred. Narito siya ngayon sa kaniyang kwarto at inaayusan ni Celine. Habang nakatingin siya sa repleksiyon niya sa salamin, hindi niya maiwasan ang mapangiti. Ibang-iba ang babae na nakikita niya sa kaniyang harapan. Babaeng punong-puno ng pag-asa ang mababakas sa kaniyang mukha. Napakaganda rin niya ng mga sandaling iyon. Gandang para lang kay Jarred. Pumalakpak si Celine nang matapos siya nitong ayusan."Ayan! Perfect!" bulalas ni Celine habang nakangiti na nakatingin sa repleksiyon niya sa salamin. Nagtama ang mga mata nila. Makikita sa mga mata ni Celine ang kasiyahan para sa kaniya. "Napakaganda mo, Jasmine. Walang tulak kabigin ang iyong kagandahan. Tiyak na mas lalong maiinlove sa iyo si Jarred," anang kaniyang kaibigan. Ngumiti siya. Maski din naman siya ay lalong naiinlove sa asawa. "Thank you, Celine. Maraming salamat dahil ikaw ang kaibigan ko," aniya at nilingon ang kaibigan. Ngumiti ito.

More Chapters
Explore and read good novels for free
Free access to a vast number of good novels on GoodNovel app. Download the books you like and read anywhere & anytime.
Read books for free on the app
SCAN CODE TO READ ON APP
DMCA.com Protection Status