"Sigurado ba kayo na sa huwes kayo magpapakasal?" tanong ni Celeste kina Jarred at Jasmine na magkatabing nakaupo sa mahabang sofa sa salas. Tiningnan siya ni Jarred. Tumango siya."Opo, sigurado na po kami, Tita Celeste dahil hindi po namin alam kung anong pwedeng mangyari lalo at hindi namin alam kung nasaan si Beatriz, gusto ko rin po na sana na kapag ikakasal ulit kami, magigng ring bearer po ang magiging anak. Pasensiya na po kung yun po ang desisyon ko." hinging paumanhin niya. "At ginusto ko rin po ang desisyon ni Jasmine." segunda ni Jarred. Napatingin siya sa kasintahan at nginitian. Tumango lamang si Jarred na may ngiti sa mga labi."OKay, kung yan ang desisyon niyo. Wala na kaming magagawa pero ang gusto sana namin ay sa simbahan kayo ikasal pdero okay na rin iyon ang mahalaga maikasal na kayo." ani Tita Celeste. Hindi nakapunta ang kaniyang mga magulang dahil may biglaang meeting na kailangan nilang daluhan at nangako na babawi sila."Salamat po." aniya at bahagyang yumu
Tumagilid ng higa si Jasmine paharap kay Jarred. Ngumiti si Jarred ng magtama ang kanilang mga mata na tinugon naman niya ng isang masuyong ngiti. Hinawi nito ang ilang hibla ng kaniyang buhok na tumatakbong sa kaniyang mukha at iniipit iyon sa kaniyang tainga. Nang matapos nitong gawin iyon, hinaplos nito ang kaniyang pisngi."Gusto mo ba sumama bukas? Pupunta ako kina Tita Raquel para imbitahan siya sa kasal natin." ani Jarred habang hinahaplos pa rin ang kaniyang pisngi at mataman nakatitig sa kaniya. Titig na punong-puno ng pagmamahal. Tumango si Jasmine at siya naman ang humawak sa pisngi nito."Oo, pupunta ako para ma-meet ko rin ang mga kamag-anak mo sa ina. Gusto ko silang makilala." aniya.Umusog siya para magdikit ang kanilang katawan. Ramdam niya sa ilalim ng kumot ang hubad na katawan ni Jarred at ang nag-uumigt*ng nitong sandata na animo'y handa sa anumang digmaan. Ipinalibot niya ang kamay sa katawan nito."Tiyak na matutuwa sila sa iyo, na ang isang Jarred Racqueza ay n
Sabay na lumabas si Jasmine at Jarred ng kusina tsaka nagtungo sa salas. Nagpaalam muna silang dalawa na magbibihis muna. At nang makapagbihis, sabay silang nagtungo sa salas at naupo sa sofa na kaharap ng kinauupuan ng mag-ama. Ngumiti si Jasmine sa dalawa at tumayo tsaka nilapitan ang bisita at inilahad ang kamay."Jasmine Saderra po, future wife po ni Jarred." pagpapakilala niya sa sarili. Tiningnan niya si Genesaret na tumayo at ngumiti pero ramdam niyang pilit lamang iyon. Napakunot-noo siya. Ano ang ibig sabihin nun? Agad na tinanggap ni Mr. Viesta ang kaniyang kamay."Mr. Allan Viesta, iha," nilingon nito ang anak. "at siya naman si Genesaret Viesta ang aking unica hija." pagpapakilala nito sa anak. Nang bitawan ni Mr. Viesta ang kaniyang kamay, tumayo si Genesaret at nakipagkamay sa kaniya."Nice to meet you. Sobrang bait ng asawa mo, inalagaan niya ako noong nadisgrasya ako." anito. Nagpanting ang tainga niya sa narinig. Sasagot na sana siya ng sumingit sa usapan nila si Jar
Ngayon ang araw na pupunta sina Jarred at Jasmine sa tita nito na si Raquel. Abala sa sarili si Jasmine, tinitingnan ang sarili sa salamin. Inaanggulo ang sarili kung bagay ba ang dress na suot niya. Nang makontento, ngumiti siya at itinuon ang pansin sa paglalagay ng kalorete sa mukha. Si Jarred naman ay nangingiti na nakatingin sa kasintahan. Hindi niya mapigilang humanga sa taglay nitong kagandahan na siyang laging hinahanap-hanap niya sa tuwing nasa trabaho siya. Ang kagandahan na kailanman ay hindi niya pagsasawaang titigan."I'm done!" ani Jasmine at humarap kay Jarred."Bagay ba?" tanong niya sa kasintahan. Tumango ito bilang pagsang-ayon. Tumayo ito at nilapitan siya tsaka hinapit sa bewang. Pinakatitigan siya nito."Basta ikaw ang nagsusuot, bagay na bagay baby." puri nito sa kaniya na ikinangiti niya. Kitang-kita niya ang sinseridad sa mga mata nito na hindi pambobola lamang ang sinasabi nito. Inilapat niya ang labi sa pisngi nito."Thank you for giving me self-confidence."
Huminto ang sasakyan sa labas ng gate ng isang katamtamang laking bahay. Lumang istilo ito. Agad na bumaba ang magkasintahan at tinungo ang gate kung saan may doorbell sa gilid niyon. Pinindot ni Jarred ang doorbell ng tatlong beses. Sa pagpunta sa lugar na ito ay nagtatanong-tanong si Jarred sa mga taong nadadaan nila para humingi ng direksyon patungo rito. Ipinalibot niya ang tingin sa labas, walang gaanong bahay na makikita. Iilan lamang ang nakatayo at medyo malayo na iyon. "Sino iyan?" ang tawag na iyon ang nagpabalik ng kaniyang paningin sa loob ng compound ng bahay. Nasa tabi lamang niya si Athalia. Nakita niya ang isang ginang na papalapit sa kinaroroonan nila. Nagsalubong ang kilay niya para mukhaan kung sino ang ginang na papalapit. Biglang nagliwanag ang bakas ng kaniyang mukha ng mamukhaan kung sino ito. "Tita Raquel!" sigaw niya kasabay ng pagkaway rito. Nanlalaki ang mga mata ni Raquel ng mamukhaan kung sino ang nasa labas ng gate. Dali-dali itong naglakad patung
Kitang-kita ni Jarred ang pagliwanag ng mukha ni Raquel dahil sa kaniyang balita. Kitang-kita ang kasiyahan roon. Tumayo si Raquel at lumapit sa kaniya para bigyan siya ng isang mahigpitt na yakap. Dagli naman siyang tumayo para tanggapin ang yakap ng kaniyang Tita Raquel. Nang maghiwalay sila sa pagkakayakap. Hinaplos ni Raquel ang kaniyang pisngi."Masaya ako para sa iyo, iho." tiningnan nito si Jasmine na mataman lamang na nakatingin sa kanila. Nginitian nito si Jasmine at iniunat ang mga kamay rito."Pwede ba kita mayakap, iha?" tanong nito. Dagling tumayo si Jasmine at tinanggap ang paanyaya nito. Humiwalay si Raquel sa pagyayakapan nila at tinitigan si Jasmine."Alagaan mong mabuti si Jarred, huwag kayong papayag na masira ang inyong samahan ng kung sinuman. magpakatatag kayong dalawa," tumingin ito kay Jarred "hindi madali ang buhay may asawa. madami kayong pagsubok na pagdaraanan, pero malalampasan niyo iyon kung nagtitiwala kayo sa isa't-isa." mahabang sermon nito sa kanila.
Matapos malaman ni Jarred ang buong katotohanan sa kaniyang tiyahin. Hindi niya maiwasang makaramdam ng guilty dahil hindi niya pinakinggan ang paliwanag noon ng kaniyang ama, magpapaliwanag sana noon si Dante pero sinabi niya na huwag na itong magpaliwanag dahil gusto na niyang kalimutan ang nakaraan. "Okay ka lang?" tanong sa kaniya ni Jasmine. Bumaling siya sa kasintahan. Kitang-kita ang pag-aalala sa kaniyang mukha. Huminga siya ng malalim at inihinto ang sasakyan sa gilid ng kalsada. Nang maitabi ang sasakyan, hinarap niya si Jasmine."Hindi ko lang maiwasan na makaramdam ng guilty dahil isinantabi ko ang tangkang pagpapaliwanag ni dad sakin. Dapat pinakinggan ko siya, dapat hindi ako naging makasarili. Dapat— pinutol na ni Jasmine ang iba pa niyang sasabihin sa pamamagitan ng pagsapo ng mukha niya gamit ang dalawang palad nito."Hindi pa naman huli ang lahat, baby. Puntahan natin ngayon sina Tita Celeste at Tito Dan para maipaliwanag mo yung side mo. Pero sana, huwag kang maga
"Gusto sana kitang makausap, Jarred kung iyo sanang mamarapatin." anito at ibinaba sa center table ang hawak na tasa. Napatitig si Jarred sa ginang, kababakasan ang mukha nito ng pagkabalisa at pagod. Tumango siya."Sige po. Tungkol po ba ito kay Beatriz?" tanong niya. Wala namang ibang dahilan kung bakit narito ang ginang kung hindi patungkol ito kay Beatriz. Nagsumbong ba si Beatriz sa ina niya? Wala siyang dapat na ikabahala, dahil hiwalay na sila ni Beatriz ng magkaroon sila ng relasyon ni Jasmine."Iwan ko muna kayo, baby. Doon muna ako sa itaas." ani Jasmine. Akmang hahakbang na ito ng pigilan niya itong sa braso."Stay, baby." aniya sa seryusong tinig."Pero sa tingin ko wala akong karapatan na makinig sa pag-uusapan ninyo, kaya sa itaas muna ako." giit nito. Hinila ko siya at inakbayan tsaka inilapit ang labi sa kaniyang taenga."You have the rights, baby. Your my future wife." aniya. Napakagat-labi ito na wari'y pinipigilan ang kilig dahil nasa harapan nila ang ginang."Mau