Nakangiting tinitigan ko ang aking sarili sa harap ng salamin. Nakasuot lang ako ng tipikal na pantalon at puting t-shirt. Itinali ko na lang ang aking buhok dahil hindi naman ako masyadong mahilig na ilaylay ang buhok ko dahil sa mahaba ito at mainit sa pakiramdam. Ayoko namang pagupitan dahil
baka magtampo.
Hindi na ako nagpaligoy-ligoy pa at nagmadali na akong bumaba para naman makapagluto na dahil gising na rin ang iba. Hindi pa naman ako nakakapagbayad ng upa dahil wala pa akong trabaho, kaya bilang ganti ay ako na ang kumikilos sa gawaing bahay. Hindi rin naman ako nag-iisa dahil kasama ko lagi si Jona. Dalawang linggo din kasi siyang suspended dahil sa pagtusok niya ng tinidor sa isang costumer na sinasayawan niya noon, hinipuan daw siya sa bandang ibaba niya kaya niya iyon nagawa. Hanggang sayaw lang naman daw siya at kung kailangan talagang gawin ang bagay na ayaw niyang mangyari, ay doon niya lang ginagawa. Kaya pala panay ang pagpapaalala niya sa akin kapag may mga lalaking lumalapit sa akin.
"First day mo sa work?" nakangiting tanong sa akin ni Ella na mukhang kagigising lang.
Tumanggo ako saka siya sinabayan sa paglalakad. "Oo, e. Sana mabait sila roon 'no?" tanong ko saka siya tumawa.
"Sana lang talaga. Maraming pogi roon dai, siyempre mga engineer ang nagtatrabaho roon. Ang daming mga fafa." Nagtatatalon na niyakap niya pa ako kaya ako natawa.
Hanggang sa nakapunta na ako ng kusina at nandoon na nga ang iba ka kumakain, pati si Jona na agad na naglapag ng plato sa puwesto ko.
"Galingan mong mag-mop doon, ah. Kailangan kumintab ang sahig, para ma-promote ka agad," sabi ni Maylene sa akin na tinapik pa ang puwetan ko.
Sobrang babait nila sa akin dahil naranasan daw nila ang mga bagay na ginagawa ko ngayon. Ganito din daw sila noon at sana raw ay hindi ko na sila magaya dahil baka hindi ko sikmurain. Sa totoo lang ay hindi ako sang-ayon sa mga gano'ng bagay lalo na't dignidad nila ang natatapakan.
Pero kailangan nilang mabuhay. Minsan, hindi nakukuha ng isang dasalan ang lahat ng pangangailangan mo. Iyon ang natutuhan ko sa kanila sa araw-araw na nakakasama ko sila.
"Kung anong pinagawa nila sa 'yo, gawin mo na lang. Kung tingin mo may maling mangyayari, umiwas ka na agad," pagpapaalala sa akin ni Rizza na medyo masungit sa kanilang lahat.
"At saka huwag kang papadala sa mga ngiti ng mga engineer na 'yan, gago 'yong isang costumer ko, hindi man lang ako binayaran ang puking*na," inis na sambit ni Klea, na nakatutok pa sa akin ang tinidor.
Hindi ko mapigilang matawa dahil sa sobrang dami nilang sinasabi na hindi ko Alam kung magagawa ko pa ba kapag naroon na ako. Ilang araw na hindi umuuwi si Ate Calli dahil sa pinuntahan nila sa ibang lugar, hindi naman daw ako dapat na mag-alala dahil gano'n naman daw parati si Ate noon.
Inubos ko na lang ang aking pagkain at saka nagpaalam na umalis. Ang tanging dala ko lang ay ang envelope ko at si Jona na panay ang pagpapaalala sa akin kung anong gagawin ko at kung anong numero ang tatawagan kung sakaling magkaproblema.
"E, basta ikaw ang bahala. Kung nagbago ang isip mo tawagan mo agad ako para masundo kita," sabi nito na agad kong kinawayan dahil nakita ko na si Ma'am Alora.
"Ingat sa daan. Salamat Jona!" Kaway ko saka naglakad palapit sa babang nakangiti sa akin.
"Maaga ka sa usapan ah, good thing. Ahm, puwede ka na palang magsimula at hindi ka na nila kakausapin— Ally, here's Jona. Siya 'yong sinasabi ko sa 'yo, ikaw ng bahala sa kaniya, okay?" malambing na sabi ni Ma'am Alora, at saka bumaling sa akin. "Don't worry, kilala ko siya. Mauuna na ako, bye!"
Hindi ko na nagawang magpaalam dahil sa biglaang paglapit sa akin no'ng Ally, na tinutukoy niya. Napangiti ako at bahagyang tumikom dahil mukha siyang masungit. Ngunit inabot niya sa akin ang isang clip na parang may perdible.
"Ikabit mo 'yan sa dibdib mo para makilala ka agad. Kailangan na talaga namin ng mga kagaya mo dahil kulang na kami, sobrang dami ring kalat lalo na taas. Ililibot naman kita rito para maging pamilyar ka. At saka, huwag kang matatakot dito, mababait naman sila. Lumaki ka sa probinsya, ano?" pagtatanong nito saka ako ngumiti dahil naging maamo ang kaniyang itsura.
Akala ko talaga ay masungit siya.
"Ah, oo. Ngayon lang ako nakapunta rito sa Maynila."
"Pero nakakaintindi ka ng Ingles, 'di ba?"
"Oo naman. Bakit? Kailangan ba ingles ang gagamitin ko rito?" pagtataka ko na ikinatawa niya nang kaunti.
"Hindi naman. May mga englisyero kasi rito. Baka mamaya bigla kang utusan o ano. Dahil kaunti lang naman tayo, all around ang gawin mo. Sa ngayon nagpupunas ka lang ng mga dingding sa taas dahil gawa iyon sa salamin, tapos mag-ma-mop ka rin sa isang buong floor. Dagdag trabaho nga lang kapag inutusan ka ng mga tao rito, kailangan gawin mo agad," mahabang litanya niya sa akin kaya ako napatango.
Mukhang kaya ko naman pala. Kaso nakakatakot lang dahil baka bigla akong pagalitan eh, bago pa lang naman ako, at hindi ko alam ang pasikot-sikot dito.
Sinimulan niyang sabihin sa akin kung anong floor ang kadalasang marumi, at habang iniikot niya ako ay may dala na rin kaming gamit at ginagaya konang ginagawa niya na kaya ko naman. Nanginginig nga lang ang kamay ko dahil pasmado ako at isa pa ay nakakalula dahil para lang akong nasa mall.
Ngayon ko lang nalaman na ito ang kumpanya kung saan halos lahat ng engineer ay naka-base rito. Muntikan na raw kasi itong bumagsak kaya kinailangang magbawas ng tauhan at ngayong okay na sila ay doon naman daw walang nag-apply sa kanila. Kaya maswerte ako kahit papaano.
"Okay na ako rito. Natandaan ko naman kung saan ako didiretso pagtapos ko rito. Salamat ulit," ngiting sabi ko saka niya ako nginitian.
Magsasalita pa sana siya pero tinawag siya no'ng babaeng galing sa kaniyang cubicle na halos ang daming mga papel. Dinala ko na ang mga gamit ko gaya ng mop at ang tinutulak na maliit na bagay kung nasaan ang tubig. Hindi ko maiwasang mamangha dahil sobrang tahimik dito, lalo na't umaga pa kaya kaunti lang din ang tao, madalas na marami raw ang tao rito kapag tanghali, kaya mas maiigi raw na malinis na ang bawat floor bago dumating ang iba.
Naka-assign ako sa 12th hanggang 15th floor, dito sa main building. Kapag wala namang dapat na punasan ay nagwawalis na lang ako ng mga alikabok. Hindi rin naman mainit dito dahil sa aircon sa buong building. Natapos ko ang 12th hanggang 14th floor nang maayos, nakasalubong ko pa noon si Lily, na pinuri pa ako dahil mukhang kaya ko na raw.
Kaya gumamit ako ng elevator para makaakyat sa 15th floor, malapit na kasing magtanghali at break time na ng iba at baka magsidatingan ang ibang mga galing sa site. Nang magbukas ang elevator ay bumungad sa akin ang tahimik na hallway. Mahaba ang hallway na iyon at sobrang laki ng lawak ng isang kwarto bago mahanap ang pinto nito.
Isa raw ito sa mga conference floor.
"Ang dumi naman," bulong ko dahil sa mga bakas ng paa at putik na mahahalata kapag tinitigang mabuti.
Imbes na magreklamo ay ginawa ko ang dapat na trabaho ko, sobrang dinidiinan ko talaga ang pagkuskos para mawala ang mga dumi. Kapag lumilipas ang limang minuto na paniguradong tuyo na ang tiles ay winawalisan ko agad dahil baka may makakita ng kalat doon.
Nasa dulo naman na ako ng floor kung saan kitang-kita ang ibang mga gusali. Ngunit sa takot na baka may makakita sa akin dito ay nagmamadaling binasa ko ang mop saka ibinagsak sa tiles at kinalat iyon sa sahig dahilan kaya kumintab ay namuti iyon. Ngunit gano'n na lang ang pag-atras ko nang bumukas ang pinto sa mismong aking gilid at dapat ko sana siya haharangan nang bigla itong sumalampak sa sahig.
"D*mn!" sabi nitong nakahawak na sa kaniyang balakang kaya ako napa-upo sa sahig para sana alalayan siya ngunit may mga lumapit sa aming mukhang katrabaho niya.
"S-Sorry po, sir—"
"Anong klaseng trabaho ba 'yan?" mataas na tono na sabi ng isang babaeng matangkad kaya ako napayuko.
Hindi ko matingnan ang mga tao sa harapan ko dahil sa panginginig ng aking katawan. Hindi ako sanay na napapagalitan lalo na't hindi ko siya kilala. Baka saktan nila ako.
"Hindi naman kasalanan ni Ate. Pasensya ka na Miss— Ada, ah? Huwag mo na lang siguro babasain nang sobra 'yong mop—"
"Sorry po, hindi na po mauulit," bulong ko saka nagmamadaling kinuha ang mop sa tabi nila at pinilit na pinapakalma ang sarili dahil sa pantutubig ng aking mga mata.
"Whatever! Palibhasa'y baguhan, kaya ganyan. Dapat sila Noel ang nag-aasikaso rito," sabi ng babae habang naglalakad palayo sa puwesto kong nakayuko pa rin habang nakikita ang mga paa ng iba na nagsisilakad na palayo roon.
Mabilis kong pinunasan ang luha ko nang mapansin kong wala ng taong lumalabas sa pintong iyon saka ko kinuha ang mop. Pero hindi pa ako nakakapagpunas muli ng sahig nang makita ko ang dalawang lalaki sa likuran ko.
"Are you crying? It's not your fault, okay? I'm sorry," kalmadong sabi ng lalaking nadulas na mukhang pamilyado na dahil sa itsura nito.
Tumango lang ako dahil hindi ko kayang magsalita sa harapan nila.
"Engr: Andrada, let's go!" sigaw ng babaeng halos nagpahiya sa akin kanina.
Walang salitang iniwan nila ako roon at saka ako nagpasiyang ipagpatuloy ang ginagawa ko.
Ang malas ko. Unang araw ko pa lang sa trabaho palpak na agad ako. Hindi ko naman alam na may tao pala roon. Nakakainis lang dahil sa mga taong imbes na sabihan ng tama kaming nagkakamali, ang dami pang sinasabi.
"One, two, three, smile!" Halos mapangiti ako nang makita ko na naman ang litrato naming lahat no'ng ikinasal ako. Lahat ay kumpleto, walang nakaligtaan kahit pa ang mga katrabaho ko noon ay inimbita ni Gab, pati ang naging amo ko sa kumpanya nila Gab dahil minsan akong magtrabaho roon. "Ma?" tawag ko kay mama at marahang naglakad papunta sa gawi niya. May project kasi sina Gab kaya isang buwan siya nawala, kaya si mama muna ang lumuwas para tumingin sa akin dahil pitong buwan na rin ang pangalawang pinagbunbuntis ko. Mabuti na lang at babae na dahil usapan namin ni Gab na hanggang dalawa lang kapag babae ang pinagbunbuntis ko ngayon. "Nagugutom ka na naman? Kakain mo lang ah," sabi nito saka binitawan ang walis at lumapit sa akin. "Gusto ko po ng sinigang mamaya," nguso ko dahilan para ma-iling ang ibang kasambahay. "Oo sige, magluluto ako mamayang hapunan." Ngumiti lang ako sa kaniya at saka sila iniwan sa sala. Dumiretso agad ako sa kwarto kung nasaan gumagawa si Jace ng ass
"Happy birthday papa," mahinang usal ko habang kinakaway-kaway ang braso ni Jace dahilan para matawa ito. Naalimpungatan tuloy si Gab kaya ako umusog sa kama at hinayaang gumapang si Jace papunta sa kaniya. Nakangiting sinalubong ito ni Gab at ang bahagyang paghalik nito sa leeg ng anak. "Anong oras ka uuwi mamaya?" tanong ko habang nilalabas ang mga gamit na kailangan niya para sa trabaho. Hindi ito sumagot dahil abala ito sa paglalaro kay Jace. Hinayaan ko na lang silang dalawa. Iniwan ko sila sa kwarto para naman paghandaan ng pagkain ang mag-ama, ugali na kasi ni Gab na tuwing umaga ay siya ang magpakain sa anak niya at bago man lang umalis ay maalagaan niya lamang. Nadatnan ko agad ang mga kasambahay na nag-aasikaso na rin, kaniya-kaniya sila ng gawain kaya mabilis natatapos, kaunti lang din naman ang gawain dito sa bahay dahil wala naman masiyadong kalat. "Nay? Hanggang tanghalian na po ba iyan?" tanong ko na nginitian niya. "Oo naman, lalo na't tanghali na rin naman. Papa
Halos hindi maalis ang aking ngiti nang makapasok kami sa mismong bahay, ni hindi ko rin kasi lubos maisip na ganito pala kalaki at halos kumpleto na ang mga kailangan namin, may tatlong kasambahay na ang dalawa ay kasambahay nila Gab at kakilala ang isa. "Ada? Sila ang mga Nana ko, 'yong isa pamangkin ni Nana Lita. Ah, Nana, kilala ninyo na po siya 'di ba?" pagpapakilala nito sa akin. Ngumiti ang dalawang matanda samantalang ang dalaga ay kumaway sa akin. "Aba'y oo naman. Kami pa ata ang unang nakaalam sa relasyon ninyo bago ang magulang mo," sabi nito na ikinatawa namin. Nagmano lang ako sa mga ito na mukhang mababait naman base na rin sa kuwento ni Gab sa akin. "Sila ang makakasama mo rito kapag nasa trabaho ako, si Nana Lita na ang nag-alaga sa akin kaya matutulungan niya tayo, 'di ba nang?" "Ikaw talagang bata ka, kahit sampung anak pa iyan, kaya namin."Halos magtawanan kami dahil sa pang-aasar na iyon ng mga kasambahay. Tinulungan na muna nila kami sa paglalagay ng mga ga
Ilang linggo na ang nagdaan at hindi pa rin ako makakilos, hindi na rin muna tumanggap ng project si Gab para naman mabantayan kami ng anak niya. Hindi rin kasi kami puwedeng umalis hangga't hindi ako magaling, inaayos din kasi ang mga papeles ko at ng bata para sa Maynila ay wala ng ibang problemahin pa. Pinagmamasdan ko lang si Gab na buhat-buhat ang bata habang marahang sinasayaw, madalas lang itong tumingin at ang bahagyang pagngiti nito sa akin. "Hindi niya pa ba kayang magsalita?" tanong ni Gab. Hindi ko alam kung tatawa ba ako o iintindihin siya dahil sa pagkakaalam ko ay naging baby rin si Lucy. "Hindi mo ba nakitang sanggol si Lucy?" tanong ko na inilingan niya. "Medyo malaki na si Lucy no'ng nakita ko siya, kaya wala talaga akong alam sa mga sanggol, normal naman iyon 'di ba? At saka nandiyan naman sina mama kung sakaling hindi natin alam ang gagawin," ngiting asta nito dahilan para panandalian akong huminto sa dapat na pagtayo. Mama? Sa pagkakaalam ko mommy ang tawag
"Anong pakiramdam?" Hindi ko pa rin sinasagot ang mga tanong ni Annie dahil abala ako sa pagtutupi ng mga damit, wala kasi akong magawa mula pa kahapon dahil tinutulungan ko rin si Gab sa pag-aayos ng mga papeles. Buo na rin ang desisyon kong sumama sa kaniya ngunit kapag nakapanganak na lang ako. "Ayan Ada, ah, hindi mo ako pinapansin." "Tinatamad ako magsalita," reklamo ko dahil wala talaga ako mood makipag-usap. May sinabi pa itong hindi ko na narinig at saka siya umalis dahil kailangan niya pang mamalengke kasama ang kaibigan namin dito na si Rhoda. Naglinis na lang ako ng buong kwarto at pati kwarto niya ay nilinis ko na rin. Limitado na lang din ako gumalaw dahil sobrang sakit na ng balakang ko, minsan pa nga hindi na ako makatayo kaya naka-upo na lang. Naaawa rin ako kay Annie kasi alam kong hindi na siya nakaka-ipon, kaya kapag umalis ako rito, isasama ko siya sa Maynila. Kinabukasan ay nagising na lang ako dahil sa ingay sa ibaba. Ang mas lalo pang ikina-inis ko ay ang p
Kanina pa ako panay himas sa aking tiyan at inaabangan kung darating ba siya. Biglaan kasi ang pagtawag nila sa kaniya lalo na't may koneksyon naman sila roon. Kanina pa nakatitig sa akin si Annie na paulit-ulit na nagsusuklay gamit ang daliri. Literal kasi na kinakabahan ako o ano. "Hilong-hilo na ako sa 'yo," bulong nito saka kumuha ulit ng tinapay. "Hindi ka naman ata excited na makita siya ano?" biglang ngiti nito na hindi ko pinansin. Mas mahalaga ang baby ko kaysa sa gano'ng bagay. Gusto ko lang siyang maka-usap nang maayos at linawin ang lahat. Kahit hindi na siya magpaliwanag dahil tapos na rin naman na ang mga nangyari, doktor na kasi ang nagsabing baka maka-apekto sa akin ang mga negatibong nangyayari. "Pero sa totoo lang Ada, bet ko talaga para sa 'yo si Gab. Sana lang maging okay kayo. Kaso siyempre, hindi ako marunong makalimot sa ginawa niya sa 'yo, pero kasi siya ang ama. Sana lang maging okay kayo, pero kasi potangina pa rin ng ginawa niya," nanggigigil na sabi nit