Share

Chapter 03

last update Last Updated: 2023-06-08 12:41:21

Hindi ko pa nadidikit ng mabuti ang tainga ko sa pinto para sana pakinggan ang nasa loob kaso bigla itong bumukas kaya muntikan tuloy akong dumiretso papasok ng office.

"Ah. Haha!" iyon lang ang sinabi ko at peke akong tumawa "Ikaw kaya ma-late ng gising tignan natin kung makapasok ka ng maaga," mahinang saad ko na ako lang ang makakarinig.

"Are you saying something, Ms. Belarde?" tanong niya sa akin.

Kailangan ba talaga english? Papahirapan pa ata ko nito. Hanggang kailan kaya ako tatagal sa kaniya? Baka kasi laging magka-menstruation ang ilong ko sa kaka-english niya.

"You don't care!" sagot ko naman na ikinakunot ng noo at ikinalaglag ng panga niya. Tatanga-tanga ka na naman self, mapapahamak ka talaga dahil d'yan sa katangahan mo self, baka tuluyan na talaga akong alisin nito.

Kailangan kong makaisip ng paraan, hindi ko kasi alam kung anong dapat isagot sa tanong niya kaya 'yon ang nasabi ko saka gano'n lang ang alam kung mga english, eh. "I don't care . . ." dagdag ko pa mas lalo s'yang nainis dahil nakita ko ang panlilisik ng mata niya. "e. e. e .e. e. Uh I don't care . . . you don't care. PH Care!" pag-iiba ko sana effective yawa nakakatakot palang magalit 'to.

". . . Hehe. Galing kong kumanta 'no, Sir?" saad ko pa sabay peace sign.

"You're out of your mind," umiiling s'yang pumasok sa opisina niya na napabuntong-hininga naman ako.

"Muntikan ka na ro'n, Gian! Minsan kasi mag-isip ka rin!" Pangaral ko sa sarili ko kaso "Wala pala akong isip," matamlay na dagdag ko pagka-realize ko no'n.

Okay lang, at least kung ikukumpara ang utak ko kay Made, sa akin 7 out of 10 habang sa kaniya 3 and ¾ out of 10, may ¾ pa 'yan ah. Minsan napapaisip ako baka sa math talaga ako matalino, hehe.

"What are you doing? Kailan ka pa nagsimulang kausapin ang pinto?" napatalon ako sa gulat ng bumalik si Sir, kausap ko kasi ang sarili ko sa harap ng pinto.

Napaka-pakialamero naman nito!

"Anong pake-ilangan mo, Sir?" ayan ka na naman Gian, 'di ba kailangan mo munang mag-isip bago magsalita, malilintikan ka na talaga n'yan.

"Coffee, ice tea, or me-me-lon." gosh! masisiraan na talaga ako ng ulo dito, ba't ba kung ano-ano nasasabi ko sa lalaking 'to. Nababasa ko lang naman kasi ang mga post na gano'n sa f******k, e. Tignan mo 'yan pati f******k ipapahamak ako.

"You," asik niya sa akin. "I need you!" dagdag niya pa kaya napakurap-kurap ako. Ano raw? si Sir naman masyadong atat umamin. Oo na, alam ko na maganda ako pero masyado kang speed Sir. Ayaw maagawan ha? Sorry Sir pero may pila, do'n ka sa pinakalikod.

Sabagay guwapo naman siya, may pagka-tigre nga lang pero p'wede na.

"Po? Pumapayag na ako, Sir!" diretsong sagot ko, 'di na ako magpapaka-hard to get 'no! Grasya na kusang lumalapit sa akin magiging choosy pa ba ako? Syempre hindi na.

"Anong pumapayag? Kahit 'di ka pumayag wala kang choice kasi trabaho mo 'yon!" sermon niya naman.

"Alin po?" paglilinaw ko, 'yong pagiging girlfriend ba ang tinutukoy niya? Kasama pala 'yon sa trabaho ko na maging girlfriend niya. Luh, ngayon ko lang nalaman.

"I said. I need you inside my office. It's your job Ms. Belarde, now answer the fucking phone," oo bobo ako sa english pero nakakaintindi ako. Akala ko pa naman magiging girlfriend na niya ako ang tinutukoy niya pala ay kailangan niya ako sa loob para sagutin ang tumatawag.

"Eto na po, Sir. Sasagutin na." Sagot ko sa kaniya at patakbong lumapit sa table niya. Nagdalawang-isip pa ako kung alin ang kukunin do'n. Nakapatong kasi sa mesa niya ang phone niya at ang telepono, sabi niya kasi 'answer the fucking phone' pero telepono 'yong tumutunog, bobo din pala si Sir sa english.

CEO ka na sa lagay na 'yan, ah? 'Di mo mga alam pinagkaiba ng phone at telephone. Tss.

"Hello. This is Clouise Martinez from . . ."

"I'm not asking your name," sabat ko naman sa nasa kabilang linya, pakialam ko ba sa pangalan niya.

Nakita ko naman ang pagtigil ni Sir sa paglalakad na dapat ay papunta sa upuan niya. Nangunot naman ang noo sa akin. "It's a prank. H-Haha. Ano nga po ulit pangalan niyo?" pagbawi ko kahit wala talaga akong plano na bawiin 'yon kung 'di lang ako tinignan ng masama ni sir.

"Oh. I see. This is Clouise Martinez from Halkon & Company may I talk to Mr. Javier?"

"Gusto raw kayong makaus-" 'di ko tuloy nasabi ng buo ang dapat ko sanang sasabihin ng magsign language si sir.

"No." Banggit ko ng umiling-iling si Sir 'no' kasi ibig sabihin no'n. "Door" dagdag ko pang wika ng sunod na itinuro ni Sir ang pinto. "Wash the face." Sunod naman na napahilamos si Sir sa mukha niya kaya 'yon ang sinabi ko. "Throw the paper." Sunod ko pa ng kunin ni sir ang mga papel na nasa harapan niya at kunwaring ibabato sa akin.

"What? I don't understand you," reklamo sa akin ng nasa kabilang linya. Pagkakuwa'y nakita ko si Sir na kinuha ang ballpen at isang papel nagsulat siya do'n at pinakita sa akin kaya binasa ko 'yon.

"Sorry but Sir Javier is not around," pagkabasa ko do'n ay bigla namang akong nalito, anong ibig sabihin niya ro'n?

"Oh? If that so, I will call next time then. Bye." Paalam ng nasa kabilang linya kaya binaba ko na ang telepono

"Sir! Bakit mo nakalagay do'n na Sir Javier is not around?" tanong ko sa kaniya.

"I'm just lying. I don't want to talk to them and have a negotiation, that's why I lied." pagpapaliwanag niya pa. Mukhang hindi niya nakuha ang tanong ko.

"Hindi po 'yon, Sir!" reklamo ko rin. "Nakalagay kasi do'n sa sinulat niyo na 'Sir Jwvier is not around' eh 'di ba obvious naman talaga na hindi ka bilog? Bakit kailangan pang sabihin na 'is not around?" paliwanag ko pa, sana naman na-gets niya.

"Guard!" kinabahan ako ng kunin niya ang telepono sa ibabaw ng mesa at ilang saglit s'yang nagpipindot do'n bago nagsalita. "Pakikuha nga si Ms. Belarde dito sa office ko at kahit kailan ay h'wag niyo na s'yang papabalikin sa kompanya ko." Pagkausap niya sa kabilang linya pagkatapos ay binaba na ang cellphone.

"Si Sir naman hindi mabiro. Joke lang 'yon, Sir. Alam ko naman ang ibig sabihin no'n, eh. Binibiro lang kita kasi masyadong mainit ang ulo mo," katwiran ko.

"Pasensya na Sir, hindi na mauulit. Please, Sir. I really need this job," pagmamakaawa ko pa. Taray english iyon 'no.

"Well, ayoko namang masiraan ng ulo dahil sa 'yo!" asik pa niya at nakita ko ang pagkuha niya sa resume ko sakto namang dumating na si Manong guard kaya napatingin ako dito bago muling nakiusap kay Sir Javier.

"Please, Sir! Don't do this to me. Gagawin ko po lahat h'wag niyo lang po akong paalisin," napatigil si Sir sa aktong pupunitin niya ang resume ko pagkasabi ko no'n.

"Really?" paninigurado niya.

"Opo, Sir! Gagawin ko po lahat promise!" itinaas ko pa ang isang kamay ko na animo'y nangangako.

"Okay, mabilis naman akong kausap. Narinig mo 'yon 'di ba Manong guard? Gagawin niya raw lahat, ikaw ang witness ko Manong, ah? Kapag hindi sumunod sa usapan ang babaeng ito," pagkuntiyaba niya kay Manong guard.

"Opo, Sir! Ako pong bahala, makakaasa kayo!" pagsang-ayon din nito, akala ko pa naman close na kami ni Manong guard, madaya, hmp!

"Sige na Manong, balik ka na sa trabaho mo." Pagkasabi no'n ni Sir ay tumango naman si Manong at nagpaalam na lalabas na siya.

Napalunok naman ako ng mapansing kong diretsong nakatitig sa akin si sir.

"A-Ano po ba g-gusto n'yong ipagawa sa akin, S-sir?" nauutal kong tanong.

"Uhm . . ." kunware nag-iisip n'yang halinghing. "Wala pa naman sa ngayon, malalaman mo na lang sa susunod. Okay?" tanong niya pa.

"O-Opo," tipid na sagot ko naman.

"That's good. I just want to be clear," pagsang-ayon niya.

"Huh? Ako naman po I just want to be a hair," masayang wika ko pa.

"W-Why?" naguguluhan n'yang tanong na nakangunot pa ang noo.

"Kasi 'di ba Sir gusto mo maging clear kaya ako naman 'yong magiging buhok," paliwanag ko pero parang 'di niya nakuha. "Di ka natawa, Sir? Clear po kasi shampoo 'yon! Ano ba naman 'yan ang hina m-" napatigil ako ng ma-realize ko kung anong sasabihin ko buti na lang 'di ko pa natuloy.

". . . Ang hina ng aircon hehe," pag-iiba ko, "Palakasan ko lang, Sir, ah? Naiinitan kasi ako," kinuha ko ang remote sa mesa niya at pinindot ko 'yon. Tumunog naman ang aircon kaya ibig sabihin no'n ay okay na, kunwari pa akong pinapaypayan ang sarili ko parang naiinitan talaga ang pag-acting ko.

Sa maghapon 'yon ay kaunti pa lang naman ang ginawa ko, tumawag si Sir ng isang employee na nag-tour sa akin sa loob ng kompanya. Nakakapagod at kahit sobrang sakit na ng paa ko dahil sa suot kong stilleto, baka nga nagkasugat-sugat na ang paa ko pero tiniis ko na lang iyon.

Wala naman ako ibang pamimilian dahil pinasok ko na ito. Pagsapit ng hapon ay sinama naman ako ni Sir sa mga sites nila para raw may ideya ako. Pagkabalik naman namin sa kompanya ay pinag-type pa niya ako ng mga reports, alam ko naman na ganito kahirap ito dahil nakapag-try na ako sa ibang kompanya pero mas malaki ang kompanyang 'to ni Sir kaya mas doble ang bigat ng trabaho.

Pagkarating ko sa bahay ay rinig na rinig ko ang kaingayan nila. Mukhang may nangyaring maganda kaya masyado silang masaya.

"Waaaah! Congrats ang galing mo!" rinig ko pang sigaw ni Cali. Nasa sala na naman sila. Ito na ang nakagawiang bonding namin, eh. Kaso 'di na ako nakakasabay dahil may trabaho na ako.

"Woooy! Talaga?" bungad ko kaagad. "Buti na lang tinanggap ka?" pang-aasar na tanong ko pa.

"Kahit isa wala pang tumanggi sa akin, Gian!" mayabang n'yang sagot.

Huwaw ah! edi, ikaw na.

"Baka nga 'yong boss niya pa ang tumiklop sa kaniya," pang-aasar din ni Kylie.

"Ang sabihin mo, kung sakaling 'di iyan tanggapin baka magkanda-bali-bali ang buto ng boss niya," suhestiyon ni Cali.

"Subukan lang talaga nilang tanggihan ako," matapang na dagdag ni Ele. "Mawawalan sila ng kaligayahan pag nagkataon," kahit kailan talaga masyadong matapang ang babaeng 'to. Walang sinasanto.

Napansin kong wala 'yong pinaka-lowgets sa amin dito. Nasaan naman kaya 'yon?

"Nasaan si Mad-"

"Yes! Gotcha!!" hindi ko natuloy ang sasabihin ko ng marinig ko ang pagsigaw ni Made mula sa taas, ano kayang nangyari ro'n? Parang nanalo sa lotto.

"Ele!" ilang saglit lang ay kumuripas s'yang bumaba sa hagdan."Akin na isang daan ko," iminuwestra niya ang palad niya kay Ele ng makalapit ito sa amin.

"Ha? Anong isang daan? May pinatago ka, beh?" nagtatakang tanong ni Ele.

"Wala! Pero ito oh," pinakita niya sa amin ang isang daliri niya, nakita ko ro'n ang isang . . .

"Yak! Kadiri ka, Made!" sigaw ko ng mapansin kong kulangot 'yon.

"Nahanap ko na 'yong kulangot ni Ele, kaya akin na ang isang daan!" pero kahapon pa 'yon ch-in-allenge sa kaniya ni Ele, ngayon niya palang nahanap at talaga namang nagsayang siya ng oras para ro'n. Leche talaga, kailan kaya titino ang isang 'to.

"Ano ba 'yan, Made! Napaka-baboy mo naman!" reklamo ni Cali.

Continue to read this book for free
Scan code to download App

Latest chapter

  • His Innocent Secretary   Special Chapter VI

    “Sinabi ko bang paniwalaan mo ‘ko?” sarkastikong tugon ko sa kaniya.“Hayop ka, Zayne! Kaya mo ba talagang gawin ‘yan kay Gian? Mahal mo si Gian, Zayne! H’wag kang magpalamon sa galit mo, sa paghihigante mo! H’wag mo ‘yan gagawin kay Gian. Baka pagsisihan mo lang ‘yan, Zayne!” pag-k-kuwestiyon niya sa akin.“Gawin mo na ang dapat mong gawin, Andrius. H’wag kang magpapabilog sa babaeng ‘yan. Kompanya ang nakasalalay dito. Mamili ka! Buhay ng babaeng ‘yan o ang kompanya?” sabat pa ni Dad kaya muli akong bumaling kay Gian. “Iputok mo na, Andrius!” muli akong napalingon kay Dad.“Bilis!” nanginginig ang kamay ko habang kinakasa ang baril.“Hindi puwede!” akma ko na sanang ilalagay ang kamay ko sa trigger ng baril nang sumigaw ang kaibigan ni Gian. “H-Hindi mo siya puwedeng p-patayin Zayne d-dahil buntis si G-Gian! Buntis si Gian!” nanlaki ang mata ko sa sinabi niyang iyon na bigla ako nanlamig.“H’wag mo sabihing maniniwala ka Zayne sa babaeng ‘yan! Niloloko ka lang n’yan, nililito ka lan

  • His Innocent Secretary   Special Chapter V

    “That woman doesn’t deserve your love. You don’t need to waste your time on someone who only wants you around when it fits their needs. Don’t turn a valuable rugby into a priceless gem, Zayne! Stop breaking your own heart by trying to make a relationship work that clearly isn't meant to work. Don’t lose yourself by trying to fix what's meant to stay broken. Do you understand? Now, stop! I will not give your phone back if you couldn’t realize what I mean.” Hindi niya nga binalik sa akin ang phone ko kaya nanahimik na lang ako.Nang maiuwi nila ako sa bahay ay pinalitan lang nila ako ng damit at umalis na rin sila.Nagising ako dahil sa sinag ng araw na pumapasok sa bintana dahil hindi pala nakasara ang kurtina nito. Napahawak ako sa ulo ko matapos kong maramdaman ang pananakit nito. Napansin ko pa na iba na rin ang suot ko, kaya naman inisip ko kung ano bang nangyari kagabi hanggang sa maalala ko lahat-lahat, ultimo ang sinabi ni Aiden.“That woman doesn’t deserve your love. You don't

  • His Innocent Secretary   Special Chapter IV

    “Ano ibig-sabihin nito, Zayne? Hindi mo na ba ako itataboy? Okay na ulit tayo?” tanong niya sa akin pagkatapos kong hugutin ang pagkalalaki ko sa kaniya.Kunut-noo akong umiling-iling sa kaniya matapos niyang itanong ‘yon. “Of course not. Avery is already pregnant. I just did it to make you stop, okay? Pinagbigyan lang kita ngayon para tigilan mo na ako. Now leave permanently and don’t you dare to come back!” sinunod naman niya ang sinabi kong umalis siya. Nang tuluyan na siyang makaalis ay pagalit kong basta-basta na lang itinapon ang laman ng mesa ko, wala akong pakialam kung ano ang mga nahagis ko na kumalat na lang sa sahig. Matapos ‘yon ay napaupo na lang ako sa swivel chair.“I’m sorry, Gian . . . I'm sorry for hurting you like this. I just can't accept the fact that you choose to make love with my brother, I just can’t accept that you do this to me. Umasa ako, eh. Umasa akong enough na ako sa ‘yo! Umasa akong ‘di mo magagawa ito dahil lang sa nagawa ko, akala ko maiintindihan

  • His Innocent Secretary   Special Chapter III

    “What?!” gulat kong tanong dito. “But . . .”“No buts, Andrius! It’s important! You need to be here, as soon as possible!” hindi ko pa nasasabi ang dahilan ko ng pangunahan niya ako.Pero paano si Gian? May usapan kami, hindi puwedeng ‘di kami matuloy, hindi puwedeng ‘di ko siya puntahan, baka maghintay lang siya nang maghintay sa akin do’n. Hindi puwede ‘to!Tatawagan ko na sana si Gian kaso saktong pagbukas ko ng phone ko ay bigla na lang itong namatay. Hush! Wrong timing! Paano na ito?Lumabas na ako papunta sa parking lot para tignan kung nando’n ba sa sasakyan ko ang charger ng phone ko pero tanging nando’n lang ay ang power bank, ch-in-arge ko kaagad ang phone ko, naghintay ako ng ilang minuto para bumukas ang phone, kaso ‘yong power bank naman ang walang charge. Pinilit ko pang i-power on ang phone baka sakaling umabot pa, mabuti na lang ay nag-on pa ito. Una kong tinignan ‘yong message ni dad which is ’yong location kung saan ang meeting. Nag-t-type pa lang ako ng i-m-messag

  • His Innocent Secretary   Special Chapter II

    “Nagka-ex ka na ba, Sir?” I spilled the coffee I was drinking after she suddenly asked. Ang masama pa rito pati ang suot ko ay natapunan din.She apologized to me, but it was also her fault that she had suddenly ask questions. I went home with her. When we returned to the company, she went straight to her desk. I watched her while I was at my table. Drowsiness was obvious in her eyes as they were already started to close. And only just a few minutes later, she folded her arms and laid her head on it.I approached her to wake her up, but I stopped walking while staring at her as she slept. I bent down and slowly brought my face closer to her, I leaned down on the table as I suddenly stared at her innocent face.“I like watching you fall asleep. It is like watching a star fall from the sky,” I whispered as I took a few strands of her hair that were blocking her face and I place it behind her ear.Mas nilapit ko pa ang mukha ko sa kaniya. “What a beautiful view. Sweet dreams!” matapos

  • His Innocent Secretary   Special Chapter i

    “Who’s this girl?” I asked myself as I watched the woman walk into this elevator.“11th floor.” I utter to the elevator staff in a calm voice.“Sa floor number eleven po, Ate.” The woman spoke with me at the same time, so I automatically looked at her again with a frowned face.“Who said that you can go to the 11th floor?” I asked her immediately. Sino ba siya para pumunta ro’n sa office ko?She was still pushing herself, she was still brave enough to argue with me even if I’ve said that she’s not allowed there. What a hard-headed, woman!Nauna pa talaga siya sa akin papuntang opisina ko. Ang lakas naman ng loob nito.“Kung titignan mo lang ako’y napaka walang-kuwenta mo pala!” siya na nga itong malakas ang loob na manguna sa akin, siya pa ang mas galit. Kung tutuusin ako dapat ang magalit kasi teritoryo ko ‘to. “Ikaw kaya kumatok para may maambag ka naman sa ekonomiya?” nang-utos pa nga.I shuddered as I stared at her wickedly. I took the key card from my pocket and immediately slid

More Chapters
Explore and read good novels for free
Free access to a vast number of good novels on GoodNovel app. Download the books you like and read anywhere & anytime.
Read books for free on the app
SCAN CODE TO READ ON APP
DMCA.com Protection Status