Share

Chapter 12

Akala ko kaming tatlo lang nila Kylie at Cali ang pupunta, nagulat na lang ako na pati sina Ele at Made ay sasama rin.

Sasakyan na lang ni Ele ang ginamit namin, mabilis kasing magmaneho si Ele at gusto nilang makapunta kaagad do’n kahit madaling araw na. Ganito sila kasabik na makaharap ang kasambahay ni Aiden.

Since alam na rin ni Ele ‘yong bahay ni Aiden ay ‘di na kami nahirapan. Pagkaraan lang ng bente minutos ay naroon na rin kami. Kaso, hindi kami makapasok sa loob ng subdivision dahil wala raw nag-inform sa guard na may papapasukin ng ganitong oras.

“Aish! Ano nang gagawin natin? Nangangati pa naman ang kamay ko, mukhang gusto na atang makasampal,” reklamo ni Kylie, isa rin siya sa mahilig makipag-away sa aming lahat, naalala ko pa no’ng high school kami ay ilang beses na s’yang napa-guidance dahil palagi s’yang nasasangkot sa gulo pati nga silang dalawa ni Cali ay nagka-away din.

“Balik na lang kaya tayo bukas?” suhestiyon ni Cali sa amin pero walang sumang-ayon sa kaniya, si
Locked Chapter
Ituloy basahin ang aklat na ito sa APP

Kaugnay na kabanata

Pinakabagong kabanata

DMCA.com Protection Status