Share

Chapter 3- Hacienda Guerera

Maaliwalas ang umaga at mga ibon ay masayang nagsisi awitin. Ang ugong ng mga insektong tila nag uusap at nagpapalitan ng masayang balita  buhat ng magandang panahon na ibinigay sa kanila ang kaniyang naririning.

Mabini at preskang hangin ang bumalot sa katawan ni Anjelouv habang siya ay naka dungaw sa Teresa ng kaniyang silid.

Masaya siyang ngumiti at pinikit ang mga mata upang salubungin ang magandang araw na naghihintay sa kaniya. Buong puso niyang kinawayan ang mga tauhang maligayang nagta trabaho sa kanilang hardin at puspusang pinapanatili ang kagandahan nito.

Kitang kita niya kung paano sumayaw ang bawat bulaklak at puno sa saliw ng musikang hatid ni inang kalikasan. Hindi niya mapigilang magpasalamat sa tanawing kaniyang nasilayan.

“Senyorita Kristen, tinatawag na po kayo ni senyor at senyora kakain na raw po.” May ngiting ani ng kanilang mayordomang si Martha habang inaayos ang kaniyang kobre kama at inihahanda ang mga kasoutang gagamitin niya mamaya sa pagbisita sa kanilang rancho.

“Salamat tiya Martha!” Masiglang tugon ni Anjelouv sa mayordoma.

Masaya at pakanta-kantang tumungo si Anjelouv sa kanilang komedor. Masuyo at buong pagmamahal niyang binati ang kaniyang lolo at lola.

“Magandang umaga lolo at lola, kamusta iyong tulog niyo?” Tanong ng dalaga.

“Masarap at mahimbing ang tulog namin apo lalo pa at binisita mo kami kagabi bago matulog. You, how was your sleep, hmm? ” Naaaliw na sabat ni senyora Aurora sa kaniya habang magiliw itong tinitingnan.

“Masaya po lola! Especially that Tiya Martha combed my hair before I went to sleep, "she said as her eyes went directly to Martha, watching her with gladness.

Martha's been her nanny since she was two years old, and she stayed with her till she grew up into a fine lady. Wala itong pamilya dahil siya na ang itinuring nitong anak simula ng mamatay ang kaniyang mommy Xandra. She is now 23 years old, but her grandparents and their helpers used to take care of her like she was still a kid.

Mahinhin siyang umupo sa kaniyang pwesto at buong siglang kinausap ang kaniyang lolo at lola habang hinihintay na matapos ang paghain ng kanilang mga kasambahay. Buong suyo silang pinagsilbihan ng kanilang kasambahay na nakahilera sa kanilang likod. Naghihintay lamang ang mga ito na utusan.

“Apo balita ko’y pupunta ka ngayon sa rancho. Are you going to check the horses and the animals there? ” Her grandfather, Senyor Xencio, asked her with a smile plastered on his lips.

“Yes Lolo, I want to check the condition of our animals and if the vitamins we brought to them last month were truly effective or not. I am also going to visit our plantation. The harvesting is fast approaching we need to check if what are the things needed so we can help our farmers to fasten the harvesting,” she replied honestly while looking directly to her grandfather.

“That is good apo. The sales of our plantation have increased in these consecutive years, Berting reported to me. I am so proud of you that you are able to handle this,” she smiled proudly at her grandfather.

"Yes, Lo. Of course, I am also thankful to our farmers and helpers because of their loyalty, and, of course, they let me know the problems they encountered in our hacienda. We are able to give solutions from it and now we are enjoying this blessing, "she said.

It is also a great help to them apo. Look, they are now stable and their financial status is good,” Senyora replied, habang kinukumpas ang mga kamay nito.

"Yes, Lola, and I am also planning to add some slots from our scholarship program and also a monthly check-up to our people.” Nilahad din nito ang planong pinag isipan niyang mabuti.

“That’s really great, apo! We need to prioritize their health because without them we will never reach this pedestal, " senyora answered giddily and proudly to her. She keeps on praising Anjelouv, and even the house helpers praise her. They are also proud of her achievements.

Humalakhak ang Senyor Xencio sa didikasyon ng apo at taas noong nakikinig sa papuring tinatanggap nito.

Mabilis na tinapos ni Anjelouv ang kaniyang agahan at dali daling tinahak ang silid upang maligo at maghanda papuntang rancho.

Anjelouv wears her racerback sleeveless shirt with her pants. She also pairs it with her cowgirl boots. She is all set and ready to do her work.

Habang pababa sa kanilang magarbong hagdan, naabutan niya ang kanilang mga kasambahay sa malawak na tanggapan habang naglilinis. Isa isa silang bumati sa kaniya at yumuko upang ipakita ang respeto. Sinuklian niya lamang ito ng magiliw na ngiti at masayang sinalubong si Mang Berting na papasok pa lamang sa kanilang pintuan.

Si Mang Berting ang katulong niya sa pangangalaga sa buong Hacienda Guerera. Ito rin ang kanang kamay ng kaniyang yumaong ina. Matalik ring magkaibigan ang pamilya nila.

“Mang Berting magandang umaga!” Anjelouv greeted Mang Berting.

“Magandang umaga senyorita Kristen tara na?” Buong pag suyo at maamong sambit ni Mang Berting habang inabot sa kaniya ang bag na kaniyang dala. Inalalayan siya nitong makasakay sa kanilang pick up truck. Ito ang gagamitin nila papuntang rancho.

Ang mahabang hilera ng taniman at ang berdeng- berde na mga tanim ang bumati sa kaniyang mga mata. Hindi niya mapigilang mapangiti ng malawak at ilabas ang kamay sa pick up truck upang damahin ang hangin at upang mahawakan ang iilang dahon sa kanilang dinaraanan.

Hindi mabilis at katamtaman lamang ang bilis ng pag mamaneho ni Mang Berting kaya mas nadama niya talaga ang kapayapaan na handog ng kanilang Hacienda.

Ang sinag ng araw na tumatama sa kanilang pananim ang nagbibigay tingkad at kulay sa buong lupain. Ang mabining hangin naman ang nagbibigay buhay sa mga punong nakapalibot sa buong hacienda.

This view really gives her the tranquility and peace that everyone is asking for. She can bargain for anything to experience this kind of place and scenery.

She wants this kind of life, peaceful and full of color. Away from the toxicity and pollution of the city.

When their pick-up truck stopped, she immediately went down, and she was greeted by the children, excited to see her.

“Kanina pa po sila dito Senyorita. Hinintay ka talaga ng mga yan noong sinabi ko na darating ka, "nakangiti at masayng imporma sa kaniya ni Mang Berting.

As she stepped away from their pickup truck, the children came rushing towards her with different kinds of flowers in their tiny hands.

They greeted her with joy and gave her the flowers they had. She was smiling widely while accepting and listening to the giggles and greetings of these cute babies in front of her.

“Ate Kristen, magandang umaga!” sabay sabay na bati ng mga ito sa kaniya.

Some of the children hugged her legs, and she also picked up the smallest baby in the group.

“Ang ganda naman ng baby na iyan.” Kinikiniliti niya ang bata.

Humahagikhik ang batang kaniyang karga tulad nalamang ng mga batang yumayapos at naka ngiti sa kaniya. Lumuhod siya harap ng mga ito at binigyan ng karampatang atensyon ang bawat isa.

Ako din po maganda ate!” bida sa kaniya ng mga batang pilit na itinataas ang mga kamay.

Mang Berting comes to them with a bag in his hands. He opens it and shows the kids the chocolates she brought.

Oh ito regalo sa inyo ni Ate Kristen ninyo, halina na kayo bilis.” Pag agaw ni Mang berting ng atensiyon ng mga ito.

Ang mga bubwit ay dali-daling lumapit kay Mang Berting upang tanggapin ang mga chocolates. Hindi niya mapigilang tumawa at maaliw sa mga batang kanina’y nasa  kaniyang harapan.

Binati niya rin ang mga magulang ng mga bata at  tuwa- tuwang pinagmamasdan ang mga anak.

“Magandang umaga, Senyorita Kristen!” Magiliw na pagbati sa kaniya ng mga taong naroon.

“Magandang umaga po sa inyo! Kamusta po?Balik niyang pagbati sa mga ito.

“Maayos naman kami senyorita kayo po. Ang senyor at senyora kamusta po?”  Pagbati ni Aling Rosa, ang asawa ni Mang Berting habang masuyo itong inaalalayan patungong papag kung saan nakalatag ang mga pagkain.

“Maayos naman po ako at sina lola at lolo, kinakamusta niya rin po kayo,” pahayag nito.

“Ganun ba, paki sabi nalang kay Senyor at Senyora na mabuti naman ang aming kalagayan dito,” masayang imporma ni Aling Rosa.

“Opo Aling Rosa makakarating po.” May ngiting pahayag ni Anjelouv habang nakatingin sa mga pagkaing nakahain sa kaniyang harapan.

Nilagang kamote, mais, mani, pandesal, kanin, tuyo at porkchop. Mayroon ring iba’t ibang prutas tulad ng mangga, melon at ubas na nakahain. Kape naman ang inumin lalo na sa mga lalaking manggagawa nila.

Dumampot siya ng kamote at siyang kinain habang nakikinig sa mga masasaya at nakakatuwang biruan ng kanilang mga manggagawa.

Matapos kumain, kaagad siyang  nagtungo sa kanilang rancho at tinulungang suriin ang bawat hayop na naroon.

“Senyorita malusog po ang mga hayop at maganda po ang resulta ng bitaminang binili natin.” Buong galak na pahayag ni Mang Asiong habang hinihimas nito si Hera. Ang kabayong pagmamay ari nito.

“Ganun po ba, sige po pakasabi po sa supplier na dagdagan po ang order natin,” ika niya habang sinusuri ng mabuti si Hera.

“Opo Senyorita masusunod po.” Malugod na sabat ng matandang lalaki.

Masaya itong pumunta sa opisina na malapit sa rancho. Siguro’y tatawagan nito ang supplier na pinagkukuhanan nila ng bitamina at gamot para sa mga alagang hayop.

Matapos ang kaniyang paglilibot sa rancho kaagad niyang nilapitan ang mga namamahala dito at pinaabot ang kaniyang buong pusong pagpapasalamat. Nagbigay rin siya ng instruction na tawagan siya agad kung may problema man.

Sinunod niyang pinuntahan ang plantation. Bago siya naglibot ay salu- salo silang kumain nina Aling Rosa at ng mga manggagawa ng tanghalian. Masaya siyang nakipag usap sa mga ito at pinaabot niya rin ang balita patungkol sa slots ng scholarship na binuksan niya at ang gaganaping check up sa mga ito.

Labis ang tuwa ng mga magulang na may anak na nag aaral. Ang ibang mga binatilyong naroon kasama na ang mga dalaga ay nagsisitalon sa tuwa sa balitang kaniyang dala.

Ang kanilang tanghalian ay napuno ng saya at pagdiriwang.

Matapos magpasalamat at kumain ay pumunta na kaagad siya sa kanilang plantation. Wala namang problema roon.

“Mang Berting, siguro kailangan na nating palabasin sa bodega ang Harvester at Tractor para mas mapadali po ang trabaho nila rito,” Anjelouv said while instructing him.

“Sige po Senyorita mamaya ay bibisitahin ko ang mga makinarya at ipapaalam ko sa kanila ang inyong inuutos,” tugon nito.

“Maraming salamat Mang Berting.” Sabay ngiti nito sa kaniya.

After she finished checking the plantation and making sure that everything was in its proper place, She immediately went home.

Her duties and responsibilities at Hacienda Guerera are not as hard as she expected because their workers are cooperating and working really hard to maintain their good status.

As she reaches their grandiose mansion, her grandmother surprises her with the news that made her world stop spinning.

Kaugnay na kabanata

Pinakabagong kabanata

DMCA.com Protection Status