Share

Chapter 4

Author: Diena
last update Last Updated: 2024-02-09 00:09:04

Naging maayos ang paninirahan ni Nenita sa mansyon. Hindi niya naramdaman ang pagiging isang katulong. Kundi para siyang isang prinsesa na inaalagaan ng apat na prinsipe. Palagi siyang may pasalubong sa tatlong magkapatid kapag naka uwi ang mga ito. Mag damit, pagkain o kung ano pa man. Lalo na si Don Emmanuel na hindi nakakalimut na uwian siya ng mga paslaubong.

“Kailan ang birthday mo?” tanong sa kanya ni Ethan. “

Nasa theater room silang lahat habang nanonood ng palabas. Napagitnaan siya ng apat.

“Sa May 26.”

“Oh, next month na. Diba 18th birthday mo na iyon?” Javier said.

“So, ibig sabihin kailangan nating maghanda ng malaki at engrandeng birthday party?!” masayang usal ni Enrico na tila ay may naiisip nang magandang plano sa araw na iyon.

“Hindi naman kailangan na paghandaan,” pagtanggi ni Nenita. “Dalaga na ako sa araw na iyon. Pang bata lang ang party,” natatawa na dugtong niya.

Hindi naman talaga kailangan. Magulang niya nga hindi maalala ang special na araw na iyon. Tapos ang pamilyang ito ay gusto pa siyang bigyan ng engrandeng kaarawan. Sa tanang buhay niya hindi niya pa naranasan na batiin siya, ipaghanda siya sa araw na iyon, o bilhan man lang ng isang mamon para may mapaglagyan ng kandila na hihipan niya.

Minsan naisip niya, ampon lang ba siya kaya parang wala lang sa mga magulang niya sa tuwing sasapit ang kanyang kaarawan? Kaya naging normal na lang sa kanya ang araw na iyon sa buhay niya.

“Pero isang beses lang iyan mangyari sa buhay mo, hija.” wika ni Don Emmanuel.

Umiling siya sabay ngiti dito. “Eh, hindi na ho. Hindi ko naman naranasan na mag-celebrate nang kaarawan kaya hindi na importante sa akin iyon. Magsimba lang ako sa araw na iyon.”

Iyon ang kagawian niya sa tuwing sasapit ang kaniyang kaarawan. Dahil walang nakaalala sa araw na iyon kaya mag-isa siyang nagdidiwang. Sanay naman siya. Ngunit masakit sa kanyang kalooban na mabuti pa ang ibang tao binibigyan ng importansiya ang araw na iyon samantalang ang mga magulang niya ay hindi man lang iyon maalala.

Ngunit hindi nababagay sa kanya ang ganoong engrande na celebration. Dahil isa lang siyang muchacha na sampid sa pamilya. Sino ba siya para pag aksayahan ng pera para lang ipagdiwang ang kanyang kaarawan.

Hindi na nagpumilit pa ang tatlong magkapatid sa mangyari dahil hindi nila mapilit si Nenita. Nang makita ni Enrico ang pagiging malungkot ni Nenita, gusto niya itong yakapin. Ngunit pinigilan niya ang sarili dahil ayaw niyang maramdaman ni Nenita na kinakaawaan siya.

Nang makita ni Javier ang butil ng luha na pumatak sa mga mata ni Nenita, nagkunwari itong walang alam at nakita. Nagkuwari itong nasa palabas ang atensyon ngunit naiiyak siya habang nakikita na malungkot at may pinapasan na problema ang dalaga.

Kapag kaharap sila nito isa siyang masayahin, maligalig, madaldal. Ngunit kapag siya nalang mag-isa doon lumalabas kung ano ang tunay niyang naramdaman.

Ilang beses na napakurap si Nenita. Hindi siya maka fucos sa palabas dahil sa naiisip. Iniyuko niya ang ulo ng mapagtanto na lumuluha na pala siya. Mariin siyang napapikit dahil ayaw niyang makita ng mga ito na umiiyak siya. Natatakot siya sa maaring sabihin ng mga ito at magtanong kung ano ang dahilan ng kanyang pag-iyak.

Sa kanyang pag pikit, ilang sandali ang lumipas hindi niya namalayan na nakatulog na siya. Pinahiga siya ng maayos ni Enrico sa couch na kanyang inuupuan nang mapansin na nakatulog na si Nenita. Kinumutan niya rin ito.

“Ampunin nalang kaya natin siya?” biglaang sambit ni Enrico.

“Oo nga, dad. Bakit hindi nalang natin siya ampunin?” pag sang-ayon ni Ethan.

“Hindi natin siya pwedeng ampunin,” ani Don Emmanuel, malamlam ang mga mata na nakatingin kay Nenita.

“Bakit hindi pwede, dad? Tutal wala na naman siya sa pamilya niya. Sinasaktan pa siya ng tatay niya,” saad ni Javier.

“Dahil pamilya niya pa rin iyon. May mga magulang parin siya. Pwede niyo naman siyang ituring na kapatid, prinsesa. Pwede niyo rin siyang alagaan, proteksyonan, ipagtanggol sa lahat. Pero hindi ang kukunin siya sa kanyang totoong pamilya. We will wait the right time para maging isang Montefalco siya.”

Walang nagawa ang tatlong magkapatid sa naging desisyon ng kanilang ama. Hindi lang kase sila naaawa kay Nenita, kundi gusto nila itong maging kapatid nang sa ganon ay may babae na sila. Iyon rin ang gusto ni Don Emmanuel, dahil hindi sila biniyayaan ng babaeng anak nang asawa niyang si Debbie. Kaya hindi niya masisi ang kanyang mga anak ngayon kung bakit sabik sila at gustong ampunin si Nenita.

“Kung bakit kase ang bagal niyong gumawa ni mommy ng anak, e. Ayan tuloy puro barako kami. Wala man lang kahit isa na prinsesa,” reklamo na wika ni Javier.

“Bakit hindi nalang kayo magsiasawa nang sa ganon may maging prinsesa at prinsipe kayo? Hindi iyong dinadamay niyo pa ang mommy niyo,” naka dikuwatro ang paa na wika nito.

Tumahimik ang tatlong magkapatid. Kahit gustong gulpihin ni Ethan at Enrico ang kanilang kuya ngunit hindi nila ito magawa dahil narito ang kanilang ama. Ito ang pinaka ayaw na marinig nilang tatlo. Ang usapang asawa. Ngunit ang Kuya Javier nila ang dahilan bakit na ungkat na naman iyon ng kanilang ama.

“I wanted her to be my daughter, too. Dahil iyon ang gusto namin ng mommy niyo ang magkaroon ng babae kahit isa lang,” ani nito sa malungkot na tono. “Ngunit hindi lahat ay kaya kong ibigay sa inyo. Si Nenita lang ang maka desisyon kung ano ang gusto niya. Huwag natin samantalahin ang kanyang sitwasyon ngayon na wala siya sa kanilang pamilya.” tumayo siya at pinagtuturo ng kanyang tungkod na hawak ang mga anak. “Bantayan niyo yan,” aniya at lumabs ng theater room.

Nang makalabas si Don Emmanuel, inayos ni Enrico ang kumot ni Nenita pagkatapos ay humiga ito sa couch sa katabi ng babae. Si Ethan ay palundag na humiga rin sa kabilang couch sa tabi ni Nenita at ipinikit ang mata.

Umawang ang labi ni Javier nang makita ang dalawang kapatid sa tabi ni Nenita. Humihilik pa ang mga ito upang iparating na tulog na sila kahit bago palang sila nakapikit. Gusto niya pa sana itong pagsabihan ngunit napangiti nalang kalaunan.

KINABUKASAN, nagising si Nenita na parang may nakadagan sa kanya. Hindi siya makagalaw. Hindi siya makahinga ng maayos dahil pati sa kanyang noo ay may nakapatong doon. Nang imulat niya ang kanyang mata, muntik na siyang mapatili sa nadatnan. Nasa theater room parin siya ngunit may katabi siya.

Si Enrico ay nasa kanyang kanan banda. Naka tanday ito sa arm set ng couch ngunit dahil matangkad siyang tao umabot ang paa nito sa binti ni Nenita. Sa kanyang kaliwa ay naroon si Ethan, pareho silang dalawa ni Enrico ng posisyon at humihilik pa. Alam na niya kung sino ang nasa kanyang uluhan na nakadagan ang braso nito sa kanyang noo.

Hindi niya alam kung paano gisingin ang magkapatid. Hindi rin siya makagalaw dahil balot na balot siya ng kumot na para bang isa siyang suman na binalot. Hindi niya rin maigalaw kahit kaunti ang paa dahil sa bigat ng dalawang paa na nakatanday doon.

Nakangiwi na lumingin siya nang bumukas ang pinto kasabay ang pagbukas ng ilaw. Natigilan si Don Emmanuel sa nakita. Nang mahimasmasan nagpatuloy siya sa pagpasok at huminto sa paanan ni Nenita.

Magsalita sana si Nenita ngunit dumausdos ang braso ni Javier pababa sa kanyang bibig, tuloy hindi siya makahinga ng maayos.

“Hija, huwag kang matakot, ha. May gagawin lang ako nang matauhan itong mga anak ko,” ani Don Emmanuel at may hinugot sa kanyang likuran.

Nanlaki ang mata ni Nenita at tila tinakasan ng dugo nang makita na baril iyon. Pakiramdam niya parang kulay papel na ang kanyang mukha nang itutok iyon ni Don Emmanuel sa kanya kasabay ang isang nakakabingi na putok ng baril.

Mabilis pa sa alas-kwatro na bumangon ang tatlong magkapatid. Muntik pang mahulog si Javier sa gulat. Si Ethan ay pasuray itong napatayo at si Enrico ay muntik ng masubsub sa sahig pagkabangon niya. Naalimpungatan ang mga ito sa putok ng baril. Habang si Nenita ay naroon sa higaan nakatulala kay Don Emmanuel at parang na trauma pa yata.

“Ano sa tingin niyo ang ginagawa niyo kay, Nenita!?” umalingawngaw ang boses ni Don Emmanuel sa loob ng room.

Mabilis na dinaluhan ng magkapatid si Nenita at tinulungan na kalasin ito sa nakabalot na kumot nang maalala ang dalaga. Inalalayan nila itong maupo ngunit hindi parin nawala ang kaba na kanyang naramdaman.

“Anong oras na hindi pa kayo nagising? Bumaba na kayo at maghanda ng makakain!”

Mabilis na tumalima paalis ang tatlo. Nakalimutan pa nilang isama si Nenita sa takot nila sa kanilang ama. Gustuhin man ni Nenita na sumunod hindi niya kayang tumayo. Namamanhid ang mga binti niya. Ngayon niya lang rin napansin na nanginginig pala siya.

Lumapit sa kanya si Don Emmanuel at umupo sa kanyang tabi. “Pagpasensiyahan mo ako, natakakot kita. Dapat mo na yata na sanayin ang sarili mo sa ganitong sitwasyon at baka mapapadalas ang pagsayang ko ng bala,” pagbibiro na wika nito.

Hindi magawang sumagot ni Nenita. Hindi niya kase alam kung ano ang irereact niya dahil halata naman na natakot siya at na trauma kahit pa sinabi ni Don Emmaneul na para iyon sa mga anak niya. Akala niya kase kanina ay sa kanya iyon iputok ng Don. Sa kanyang pagkagulat na makita ang baril hindi niya alam kung saan o kung ano ang nataan ni Don Emmanuel kanina.

Dapat nga siguro na sanayin na niya ang sarili sa ganitong biglaan na pangyayari. Healthy naman ang katawan niya lalo na ang puso niya, ngunit kung palagi itong mangyayari ay baka bigla nalang siyang humandusay sa sahig sa biglaang pamumutla.

Sa mga sumunod na araw ay ganoon parin ang takbo ng buhay ni Nenita kasama ang pamilyang Montefalco. Masaya, kontento, maginhawa. Ngunit hindi niya parin maikaila na namimiss niya ang kanyang pamilya. Kaya nang matanggap niya ang kanyang sahod galing kay Don Emmanuel, nagpasya siyang umuwi muna siya sa kanila.

“Hindi sana malaman ito ng mga anak ko,” ani Don Emmanuel nang huminto ang sasakyan nito sa bukana ng maliit na daan papasok sa tahanan nila Nenita.

Nagpumilit kase ang matanda na ihatid siya nang sa ganon mapanatag ang kanyang loob at hindi magtaka ang kanyang mga anak kung hindi nila madatnan si Nenita sa mansyon.

“Alam mo naman kung gaano sila ka protective sayo lalo na sa ginawa ng ama mo.”

“Opo, Don Emmanuel. Naintindihan ko po. Huwag ho kayong mag-aala hindi ako magpapakita sa kanya. Mag aabot lang ako ng pera sa mga kapatid ko.”

“Mag-ingat ka. Ako na ang bahala sa mga anak ko kapag hinanap ka nila.”

Inabutan pa siya ni Don Emmanuell ng extra money nang makababa siya ng sasakyan. Nakangiti na kumaway siya sa matanda bago tumalikod pauwi sa kanilang tahanan. Tahanan na hindi tahanan ang turing sa kanya.

"NAGAWA mo na ba ang pinapautos ko? " tanong lalaki ng batang babae.

Nakayuko ang ulo, natatakot na umiling siya. "H-hindi pa ho. Hindi ako maka tiyempo dahil naroon sila palagi. "

Mariin siyang napalunok nang marahas na hablutin ng lalaki ang kanyang braso "Sa susunod, wag kang umuwi rito kung wala ka namang magandang balita na sasabihin sa akin! Walang silbi! Simpleng utos lang hindi mo pa magawa!”

Continue to read this book for free
Scan code to download App

Latest chapter

  • His Personal Maid   Epilogue

    Graving will always hits you. Later on, you're okay; you're accepting that someone will never be with you anymore. But, on the other side you miss them, and hope that they are still with you, celebrating the small wins in your life.“Ikakasal na ako," saad ni Nenita habang hinahaplos ang lapida ng ina. “Sorry ngayon lang ako nakadalaw. Ngayon lang lumakas ang loob ko. Nito ko lang natanggap ng buo ang lahat ng nangyari. Thank you, “ she started to cry. " Thank you sa lahat ng mga sinakripisyo mo, sa pagmamahal mo.”She's getting emosyonal again. Pero maayos na siya. Tanggap na niya. Naiiyak lang siya dahil isa sa mahalagang tao sa buhay niya ang wala sa araw ng kasal niya. “Sa susunod na pagbalik ko, kasama ko na ang lalaking mahal ko. Ipakilala ko siya sayo." PINAG-ISIPAN, pinagplanuhan niya ito ng maigi. Nang maka uwi sa kanilang bahay kinausap ni Nenita ang mga magulang.“Hihingi sana ako ng tulong sa inyo, ‘tay." Aniya at sinabi sa mga ito kung ano ang dahilan bakit siya humin

  • His Personal Maid   Finale

    Hindi pa nila napag-usapan dalawa kung kailan ang kanilang kasal. Sinusulit pa nilang dalawa ang pagiging mag-fiance nila. Sinusulit pa nila ang mga araw na wala pa silang ibang responsibilidad kundi ang bawat isa. They always go on date. Mamasyal kung saan nila gusto. At ang paborito nilang gawin, is to travel. So, King decided to transform his car into a camping house car to tour around the beautiful places here in Philippines—that's their goal. And soon, when King can walk again, iikutin nila ang buong mundo kasama ang kanilang mga anak. Salitan silang dalawa ni Nenita sa pagmaneho. They were both happy and enjoy. King planned where to propose Nenita again. He wanted to make it something special and memorable for both of them. “Parte pa ba ito ng Sagada?" Tanong niya kay King dahil ngayon lang siya napadpad sa lugar na ito. Paakyat sila sa matarik sa lugar. Ang daan ay napalibutan ng mga nagtataasang pine trees at iba't ibang uri ng mga kahoy. Hindi naman mukhang nakakatakot

  • His Personal Maid   Chapter 70

    “Ang dami mong call sign sa’kin. Tangina mo ka!" Naiiyak na pinalo ni Nenita ang balikat ni King.Paano pa siya iiwas at pagtakpan ang tunay niyang naramdaman kung may pagbabanta ng sinabi si King sa kanya? Wala parin siyang kawala kung lalayo siya at magtago. Tama rin ang mga sinabi ni King, kung patuloy siyang magpadala sa takot at pagdududa siya lang rin ang masasaktan at mahihirapan. Parehas silang dalawa ng nararamdaman, nang gustong mangyari, at wala na ring hadlang, ngayon pa ba nila sukuan ang bawat isa?King chuckled ang gigglingly hugged Nenita. “Ano ang bumabagabag sayo bakit hindi mo masabi sa akin na mahal mo ako?" King asked in sweetie's way.Kusa siyang binitawan ni King. Hindi na pumalag ai Nenita nang ipagsiklop ni King ang kanilang mga palad. Habang tinitingnan niya si King, kung paano ito magmaka-awa sa kanya, paano ito umiyak sa harap niya at ipakita ang tunay na siya, napagtanto ni Nenita na ang swerte niya dahil may King sa buhay niyang mahal na mahal siya.H

  • His Personal Maid   Chapter 69

    Malinaw ang sinabi niya kay King na wala silang relasyon dalawa, tapos na ang ugnayang mayroon sila noon kaya wala siyang ibang maisip na dahilan bakit panay ang pag punta ni King dito sa bahay nila kundi ang tungkol sa ama niya.She's prepared for this. Pero ngayon na nandito na siya sa sitwasyon bigla siyang naduwag, bigla siyang natakot sa maaring kahinatnan ng kanyang ama. But, how about King? What about the fear, trauma and being person with disability for the rest of his life kung hindi niya makuha ang hustisya sa sarili at pagbayarin ang taong sumira ng buhay niya?It's not fair. Hindi makatarungan kung hahayaan na lang iyon at kalimutan.Huwag lang marinig ni Nenita na dahil sa pagmamahalan ni King sa kanya kaya nagbago ang kanyang desisyon. Dahil ayaw niyang gawin na dahilan ang sarili para lang maudlot ang katarungang dapat makuha ni King.Sa bakuran niya natagpuan si King. Ka aalis lang ng mga magulang niya at kapatid, siguro upang mabigyan sila ni King ng oras na makausap

  • His Personal Maid   Chapter 68

    “Nak, mag iisang oras ka na diyan hindi ka pa ba tapos maligo?" Wika ni Fatima habang kinakatok ang pintuan ng kwarto ni Nenita. “Papasok ako ha." Naka upo sa gilid ng kama, tulala si Nenita sa kawalan habang tuwalya lang ang tanging sapin sa katawan. Mukhang kanina pa ito tapos maligo dahil tuyo na ibang parte ng buhok nito.Fatima crossed her arm. Sumandal siya sa nakasaradong pinto, nakataas ang isnag kilay at nanunuri ang tingin kay Nenita. “Nagdadalawang-isip ka ba na magpakita sa kanya o kung hindi ka makapili ng damit na susuotin mo?" Pabagsak na humiga sa kama si Nenita. Wala siyang pakialam kung lumihis man ang tuwalya niya sa hita at makita ng nanay niya ang hindi dapat makita. “Wala sa choices, Nay." Ngunit ang totoo, nahihiya siyang magpakita kay King nang maalala ang mga nangyari noong isang araw. Ang mga pagyakap niyang daig pa ang linta kung lumingkis.“Okay, sabi mo e. Kaya pala ako nandito dahil aalis kami ng tatay mo." Umangat ang ulo ni Nenita upang silipin ang

  • His Personal Maid   Chapter 67

    Bumitaw ng yakap ang mag-asawa nang makita si Nenita na tumatakbo palapit sa kanila na walang sapin sa paa. Umiiyak ito.“Anak, bakit—”Naputol ang dapat na sasabihin ni Hernan nang salubungin siya ng mahigpit na yakap ni Nenita at doon humagulgol sa bisig nito. Malungkot, naaawa kay Nenita na nagkatinginan ang mag-asawa ngunit kalaunan parehas nila itong niyakap.Tanging iyak lang ang nagawa ni Nenita. Nawalan siya ng sasabihin sa nabasa niyang sulat galing sa ina. Ngayon, malinaw na sa kanya ang lahat. Nasagot na ang tanong na dapat niyang marinig. Wala ng kulang. Wala ng espasyo at puwag sa puso niya. Finally, sa mahabang panahon na puno siya ng pagkukulang, naging buo na rin ang pagkatao niya.“Tay…” umaatungal niyang tawag sa ama. Panay naman ang pagpapatahan ni Hernan habang nasa tuktok ng ulo ni Nenita ang labi at yakap ito ng mahigpit—yakap ng isang ama na ramdam mong ligtas ka." Tay, nasagot na ang lahat ng mga tanong ko,” puno ng luha ang mata na tiningala niya ang ama.

More Chapters
Explore and read good novels for free
Free access to a vast number of good novels on GoodNovel app. Download the books you like and read anywhere & anytime.
Read books for free on the app
SCAN CODE TO READ ON APP
DMCA.com Protection Status