Kaarawan niya ni Nenita ngayon. Ngunit hindi niya ramdam. Katulad lang ng dati na isang normal na araw lang iyon sa kanya. Nang maihatid siya ni Don Emmanuel kanina ay naging malungkot siya. Hindi kase siya binati ng Don at ng mga anak nito. Umasa kase siya na sa paggising niya kanina ay babatiin siya ng mga ito.
"Siguro ay nakalimutan nila. Last month pa namin iyon napag-usapan e," kumbinsi niya sa sarili at nagpatuloy sa paglakad pauwi.“Ate Net!” Gulat na hiyaw ng kanyang bunsong kapatid na si Totoy nang makita siya nito.Binitawan nito ang basang lupa na nilalaro at tumakbo upang salubungin ang ate niya. Ginulo ni Nenita ang buhok ng kapatid nang yakapin siya nito ng mahigpit. Inilapag niya sa lupa ang dalawang plastik bag na pinagsidlan ng pasalubong niya at kinarga ang batang kapatid.Nenita grunt. “Ang bigat mo na. Pero ang asim mo parin,” aniya at sinunghot ang leeg ng kapatid.Humagikhik naman ito dahil nakikiliti sa ginagawa ni Nenita. Lumabas sa kanilang bahay ang dalawa pa niyang kapatid na babae. Pareho itong nagulat at hindi makapaniwala na narito ang kanilang Ate Nenita.Nag unahan silang tumakbo patungo kay Nenita at niyakap ito. “Miss na ka namin, ate. Hindi ka na ba aalis?” naiiyak na wika ng kanyang kapatid na si Rona, walong taong gulang.Ibinaba ni Nenita si Totoy. Ang isang plastik bag ay binitbit niya at ang isa ay binitibt ng pangatlo niyang kapatid na si Ashly, sampung taong gulang. Sabay silang pumasok apat sa loob ng kanilang bahay.“Miss ko na rin kayo. Pero kailangan magtrabaho ni ate nang sa ganon mabibili ko ang mga gusto niyo,” masayang usal ni Nenita sa mga kapatid at inilapag sa lamesa ang plastic bag. “Para hindi na kayo makapagliban sa klase dahil may baon na kayo araw-araw.”Ayaw niya kase maranasan ng mga kapatid niya ang pumasok sa eskwela na walang baon na pera at kumakalam pa ang sikmura. Ayaw niyang maranasan ng mga kapatid niya ang naranasan niya noong siya ay nag-aaral pa.“Baka lalo lang magalit si tatay,” maliit ang boses na wika ni Ashly.Nenita smiled at them. “Si ate ang bahala. Totoy, maghugas ka muna ng kamay. Kayong dalawa tulungan niyo si ate na mag ayos nitong pinamili ko,” aniya sa dalawa niyang kapatid na si Ashly at Rona.Mabilis na nagbago ang mood ng mga kaptid niya at natuon iyon sa mga groceries. Tuwang-tuwa ang mga ito dahil karamihan sa mga binili ni Nenita ay ngayon lang nila ito matitikman.Nagpapasalamat siya kay Don Emmanuel dahil ni libre siya nito ng grocery na iuwi niya sa kanyang pamilya. Ang saya niya habang nakatingin sa kanyang mga kapatid na tuwang-tuwa na pinaghahati-hatian ang mga biscuit at chocolate.Hindi na siya nag abala na magtanong dito kung nasaan ang mga magulang nila dahil halata naman na wala ang mga ito dito. Wala siyang balak na magtagal dahil ayaw niyang maabutan siya ng kanyang ama.“Babalik ulit ako rito sa katapusan. Bibili tayo ng mga gamit niyo sa darating na pasukan,” aniya sa mga kapatid na ngayon ay mga malungkot na at papa-iyak. “Wag pasaway.”Mabigat man ang loob na iwan ang mga kapatid ngunit kailangan na niyang umalis. Ganitong oras kase umuuwi ang kanyang ama at alam niyang lasing na naman ito. Ayaw niyang maabutan siya ng kanyang ama.“Ashly, ‘wag mong ibigay lahat kay tatay ang pera nang sa ganon may maitabi ka para sa sarili mo. Dalaga ka na at may pangangailangan,” habilin niya dito.“Opo, ate. Ako na rin ho ang bahala kina Rona at Totoy.”Hanggang nasa bukana na siya ng kanto nakatanaw parin sa kanya ang mga kapatid niya, malungkot habang kumakaway sa kanya. Kumaway siya pabalik sa mga ito na may luha sa mata at mabigat na damdamin.Dumiritso siya sa chapel dito sa kanilang barangay. Nag sindi siya ng kandila at nag dasal. Umalis rin siya pagkatapos. Ngunit hindi pa siya umuwi ng mansyon. Ayaw niyang umuwi roon dahil hindi niya kayang magpanggap na hindi siya malungkot. Pati kase mga kapatid niya ay hindi siya nito binati na katulad ng kanyang nakasanayan sa mga nagdaang taon. Ni hindi nga siguro alam ng mga kapatid niya kung ilang taon na siya ngayon.Mula sa kanilang barangay nilakad niya ang daan pauwi sa mansyon. Sa malawak na palayan siya dumaan na short cut hanggang sa dulo ng Montefalco Village. Kahit pilitin niya ang sarili na maging masaya sa araw na ito hindi niya magawa.Sanay naman na siya. Pero ito ang araw na hindi niya maipaliwanag kung bakit ang bigat sa kanyang dibdib at hindi niya magawang batiin ang sarili ng happy birthday. Kahit magpanggap man lang na masaya siya.Madilim at tahimik ang mansyon ng makarating siya. Siguro ay wala rito si Don Emmanuel at siguro hindi pa naka-uwi ang mga anak nito. Binigyan siya ni Don Emmanuel ng spare key kanina kaya nakapasok siya na walang inabala sa pamilya.Hindi pa uminit ang puwet niya sa sofa nang bigla siyang mapatayo nang biglang may kumanta. Pagharap niya sa kitchen kung saan galing ang boses, nanubig ang kanyang mata nang makita ang sindi ng ilaw galing sa dalawang piraso ng kandila.They were all singing a happy birthday. Naka suot ng tuxedo ang mga ito at may bitbit na isang pirasong rosas. Hindi niya ito inaasahan kaya hindi niya alam kung ano ang gagawin sa pagkagulat. Naka awang lang ang kanyang bibig at nanlalaki ang mata habang tumutulo ang luha sa labis sa sayang naramdaman.“Happy bithday!” sabay na pagbati nilang apat nang makalapit kay Nenita.“Mag-wish ka muna bago mo hipan ang kandila,” ani ni Enrico na siyang may hawak ng cake.Nenita close her eyes and whisper her wishes. Nang imulat niya ang mga mata, may ngiti sa labi na hinipan niya ang kandila na naroon sa ibabaw ng cake.“T-thank you po,” emosyonal na sambit niya hindi maawat ang luha na kumakawala doon.Lumapit sa kanya si Don Emmanuel at inabot ang isang pirasong rosas sa kanya. Nagtataka man tinanggap iyon ni Nenita. "Ayaw mo ng engrandeng selebrasyon kaya kami lang apat ang bisita mo, " ani ng Don. "Happy birthday, Nenita. Maari ba kitang isayaw?”Doon lang napagtanto ni Nenita ang lahat. They surprised her on her 18th birthday. Tumango siya bilang tungon sa nais ni Don Emmanuel. Naiiyak na naman siya. Kinurot niya pa ang sariling daliri baka nag-hallucinate lang siya. Pero hindi. Totoo na pinaghandaan ng pamilyang Montefalco ang kanyang kaarawan na hindi maalala ng mga magulang niya.Si Javier ang sumunod na sinayaw siya. Makita sa mga mata ni Javier ang saya habang sinasayaw nito si Nenita. Actually, lahat naman silang magkapatid ay makita sa kanilang mga mata ang saya at tuwa. Na para bang may isang goal silang na unlock sa tanang buhay nila.Ipinasa siya ni Javier kay Ethan. Hinalikan pa siya ni Ethan sa tuktok ng kanyang ulo nang batiin siya nito ng happy birthday.Ang huli ay si Enrico. Her heart beating so loud and fast nang lumapat ang labi ni Enrico sa kanyang noo. “Happy birthday. Simula ngayon maipagdiwang mo na ang kaarawan mo taon-taon na kasama kami.”Hindi alam ni Nenita kung anong kabutihan ang nagawa niya para iparanas ito sa kanya ng mag-ama.“Thank you po at ipinaranas niyo sa akin ito,” emosyonal na wika ni Nenita. “Ito ang pinakamasayang araw sa buong buhay ko na hinding-hindi ko makakalimutan.”Kung sino pa iyong hindi niya ka ano-ano, iyon pa ang nagbigay ng halaga sa maliit na pangyayari sa buhay niya. Hindi niya talaga lubos maiisip na ganito ka subra ang kabutihan na pinaparamdam ng pamilya sa kanya.Pinagsaluhan nilang kainin ang handa na hinanda ng tatlong magkapatid. Apat na putahe lang iyon at may maliit na lechon baboy. Ang saya niya habang pinagmamasdan ang mga taong kasama niya sa hapag-kainan. Mabilis niyang pinahid ang luha ng maisip ang sariling pamilya. Ngunit ayaw niyang sirain ang masayang sandali kaya binura niya iyon sa kanyang isipan.“Mag-aral ka kaya this year. Sayang din ang panahon,” sambit ni Enrico sa gitna ng kanilang masayang hapunan.Napa ubo si Nenita ng mabulunan ito. "Wag na ho. Sayang sa gasto baka hindi pa ako makapagtapos.”" Anong hindi?” sabat ni Javier. “You’re genius and smart. I'm sure makakatapos ka kapag ang goal mo ay magtapos ng pag-aaral.”“Inaalala niya ang gastos,” ani Ethan.“Tama ang mga anak ko, Nenita. Bakit kaya hindi ka mag-aral sa kolehiyo?” Singit ni Don Emmaneul sa usapan.Walang mahagilap na sagot si Nenita dahil pinagtulungan siya ng mag-ama. Hindi lang naman kase ang gastos ang iniisip niya. Nahihiya rin siya dahil ang laki na nang naitulong ng pamilya sa kanya. Sobra-sobra na para tanggapin niya pa ang alok nilang mag-aral siya.Gusto niyang mag-aral. Dahil iyon ang pangarap niya ang magtapos at magkaroon ng diploma. Subalit maraming bumabagabag sa isipan niya. Maraming agam-agam kung susubok ba siya.May tiwala siya sa sarili dahil kahit paano ay matalino naman siya pagdating sa academics. Pero naisip niya na baka mahirapan siyang pagsabayin ang trabaho at pag-aaral. At iniisip niya rin na baka lalo lang magalit ang ama nito sa kanya kapag nalaman nitong nag-aaral siya.Paano na iyong mga kapatid niya? Labis na kahihiyan na ang matatanggap niya kung tatanggap pa siya ng sweldo gayong pinapa-aral pa siya ng mga ito. Ayaw niyang matigil ang pagbibigay ng sustento sa mga kapatid hanggat nag-aaral pa ang mga ito dahil hindi naman maaasahan ang mga magulang nila.“Kahit anong kurso pa ang kunin mo basta mag-aral ka lang, ibibigay namin ang buong suporta sayo,” saad pa si Don Emmaneul. “Mahalaga ang edukasyon, hija.”Hindi pa siya makapag desisyon sa ngayon. Tinitimbang pa niya ang kanyang sitwasyon. Kung tutuusin, barya lang sa mga Montefalco ang tulong nilang paaralin siya. Ngunit kalabisan na kase iyon para kay Nenita.“Pag-isipan ko ho. Matagal pa naman ang pasukan,” aniya nang matigil na ang mag-ama sa pangungulit sa kanya.Isang matamis na ngiti ang iginawad sa kanya ng mag-ama sa sinagot nito at muling itinuloy ang kasiyahan.Umaasa kase ang mga ito na makumbinse nila ang dalaga na mag-aral sa kolehiyo. ISANG matalim at masamang tingin ang napangantog ng tuhod ng batang nagngangalang Antonette nang makita sa ‘di kalayuan ang lalaking kinakatakutan niya. Ang klase ng tingin na iyon na alam niya kung ano ang ibig sabihin. Tingin na nagbabanta dahil hindi nito nagustuhan ang bawat galaw na ginagawa ng dalaga. Tingin na alam niyang may sinusuway sa utos ang dalaga.Graving will always hits you. Later on, you're okay; you're accepting that someone will never be with you anymore. But, on the other side you miss them, and hope that they are still with you, celebrating the small wins in your life.“Ikakasal na ako," saad ni Nenita habang hinahaplos ang lapida ng ina. “Sorry ngayon lang ako nakadalaw. Ngayon lang lumakas ang loob ko. Nito ko lang natanggap ng buo ang lahat ng nangyari. Thank you, “ she started to cry. " Thank you sa lahat ng mga sinakripisyo mo, sa pagmamahal mo.”She's getting emosyonal again. Pero maayos na siya. Tanggap na niya. Naiiyak lang siya dahil isa sa mahalagang tao sa buhay niya ang wala sa araw ng kasal niya. “Sa susunod na pagbalik ko, kasama ko na ang lalaking mahal ko. Ipakilala ko siya sayo." PINAG-ISIPAN, pinagplanuhan niya ito ng maigi. Nang maka uwi sa kanilang bahay kinausap ni Nenita ang mga magulang.“Hihingi sana ako ng tulong sa inyo, ‘tay." Aniya at sinabi sa mga ito kung ano ang dahilan bakit siya humin
Hindi pa nila napag-usapan dalawa kung kailan ang kanilang kasal. Sinusulit pa nilang dalawa ang pagiging mag-fiance nila. Sinusulit pa nila ang mga araw na wala pa silang ibang responsibilidad kundi ang bawat isa. They always go on date. Mamasyal kung saan nila gusto. At ang paborito nilang gawin, is to travel. So, King decided to transform his car into a camping house car to tour around the beautiful places here in Philippines—that's their goal. And soon, when King can walk again, iikutin nila ang buong mundo kasama ang kanilang mga anak. Salitan silang dalawa ni Nenita sa pagmaneho. They were both happy and enjoy. King planned where to propose Nenita again. He wanted to make it something special and memorable for both of them. “Parte pa ba ito ng Sagada?" Tanong niya kay King dahil ngayon lang siya napadpad sa lugar na ito. Paakyat sila sa matarik sa lugar. Ang daan ay napalibutan ng mga nagtataasang pine trees at iba't ibang uri ng mga kahoy. Hindi naman mukhang nakakatakot
“Ang dami mong call sign sa’kin. Tangina mo ka!" Naiiyak na pinalo ni Nenita ang balikat ni King.Paano pa siya iiwas at pagtakpan ang tunay niyang naramdaman kung may pagbabanta ng sinabi si King sa kanya? Wala parin siyang kawala kung lalayo siya at magtago. Tama rin ang mga sinabi ni King, kung patuloy siyang magpadala sa takot at pagdududa siya lang rin ang masasaktan at mahihirapan. Parehas silang dalawa ng nararamdaman, nang gustong mangyari, at wala na ring hadlang, ngayon pa ba nila sukuan ang bawat isa?King chuckled ang gigglingly hugged Nenita. “Ano ang bumabagabag sayo bakit hindi mo masabi sa akin na mahal mo ako?" King asked in sweetie's way.Kusa siyang binitawan ni King. Hindi na pumalag ai Nenita nang ipagsiklop ni King ang kanilang mga palad. Habang tinitingnan niya si King, kung paano ito magmaka-awa sa kanya, paano ito umiyak sa harap niya at ipakita ang tunay na siya, napagtanto ni Nenita na ang swerte niya dahil may King sa buhay niyang mahal na mahal siya.H
Malinaw ang sinabi niya kay King na wala silang relasyon dalawa, tapos na ang ugnayang mayroon sila noon kaya wala siyang ibang maisip na dahilan bakit panay ang pag punta ni King dito sa bahay nila kundi ang tungkol sa ama niya.She's prepared for this. Pero ngayon na nandito na siya sa sitwasyon bigla siyang naduwag, bigla siyang natakot sa maaring kahinatnan ng kanyang ama. But, how about King? What about the fear, trauma and being person with disability for the rest of his life kung hindi niya makuha ang hustisya sa sarili at pagbayarin ang taong sumira ng buhay niya?It's not fair. Hindi makatarungan kung hahayaan na lang iyon at kalimutan.Huwag lang marinig ni Nenita na dahil sa pagmamahalan ni King sa kanya kaya nagbago ang kanyang desisyon. Dahil ayaw niyang gawin na dahilan ang sarili para lang maudlot ang katarungang dapat makuha ni King.Sa bakuran niya natagpuan si King. Ka aalis lang ng mga magulang niya at kapatid, siguro upang mabigyan sila ni King ng oras na makausap
“Nak, mag iisang oras ka na diyan hindi ka pa ba tapos maligo?" Wika ni Fatima habang kinakatok ang pintuan ng kwarto ni Nenita. “Papasok ako ha." Naka upo sa gilid ng kama, tulala si Nenita sa kawalan habang tuwalya lang ang tanging sapin sa katawan. Mukhang kanina pa ito tapos maligo dahil tuyo na ibang parte ng buhok nito.Fatima crossed her arm. Sumandal siya sa nakasaradong pinto, nakataas ang isnag kilay at nanunuri ang tingin kay Nenita. “Nagdadalawang-isip ka ba na magpakita sa kanya o kung hindi ka makapili ng damit na susuotin mo?" Pabagsak na humiga sa kama si Nenita. Wala siyang pakialam kung lumihis man ang tuwalya niya sa hita at makita ng nanay niya ang hindi dapat makita. “Wala sa choices, Nay." Ngunit ang totoo, nahihiya siyang magpakita kay King nang maalala ang mga nangyari noong isang araw. Ang mga pagyakap niyang daig pa ang linta kung lumingkis.“Okay, sabi mo e. Kaya pala ako nandito dahil aalis kami ng tatay mo." Umangat ang ulo ni Nenita upang silipin ang
Bumitaw ng yakap ang mag-asawa nang makita si Nenita na tumatakbo palapit sa kanila na walang sapin sa paa. Umiiyak ito.“Anak, bakit—”Naputol ang dapat na sasabihin ni Hernan nang salubungin siya ng mahigpit na yakap ni Nenita at doon humagulgol sa bisig nito. Malungkot, naaawa kay Nenita na nagkatinginan ang mag-asawa ngunit kalaunan parehas nila itong niyakap.Tanging iyak lang ang nagawa ni Nenita. Nawalan siya ng sasabihin sa nabasa niyang sulat galing sa ina. Ngayon, malinaw na sa kanya ang lahat. Nasagot na ang tanong na dapat niyang marinig. Wala ng kulang. Wala ng espasyo at puwag sa puso niya. Finally, sa mahabang panahon na puno siya ng pagkukulang, naging buo na rin ang pagkatao niya.“Tay…” umaatungal niyang tawag sa ama. Panay naman ang pagpapatahan ni Hernan habang nasa tuktok ng ulo ni Nenita ang labi at yakap ito ng mahigpit—yakap ng isang ama na ramdam mong ligtas ka." Tay, nasagot na ang lahat ng mga tanong ko,” puno ng luha ang mata na tiningala niya ang ama.