“Teka lang po, sir,” sabi ko sabay hawak sa kamay nitong fake kong asawa.
Nandito na kami sa parking lot ng hospital. Kanina habang sinasabi niya sa akin ang mga dahilan kung bakit niya ginagawa ang lahat ng ito, medyo nabawasan naman ang inis ko sa kanya. May puso din naman palang tumitibok. Akala ko manhid at hindi marunong magmahal. Kaya lang, parang bumabahag naman ang buntot ko ngayong nandito na kami. Paano kung gaya n’ya, mata-pobre rin ang pamilya niya? Paano kung hindi nila ako tanggap bilang asawa nitong masungit nilang Anak? Paano kung sandamakmak na panghahamak na naman ang marinig ko mamaya? Kahit pa hindi totoo ang mga sasabihin nila, ang sakit pa rin kayang marinig. Kanina nga lang, tagos hanggang buto ko ang sakit ng mga sinabi ni Sir Danreve. Kaya kahit alam kong may puso naman pala siya, hindi pa rin tuluyang nawala ang sama ng loob ko. At saka, unang araw pa nga lang ng play namin ngayon bilang mag-asawa. Hindi pa namin kilala ang isa’t-isa, at hindi ko pa alam kung anong ugali mayro’n siya. Bukod do’n, hindi ko pa alam kung ano ang mangyayari sa susunod na mga araw. Sana lang kayanin ko ang magpanggap. Sana kakayanin kong maging sweet dito kay Sir Danreve sa harap ng maraming tao. Kasama kasi ‘yon sa agreement. Syempre, mag-asawa kami, kaya dapat naming gampanan ang papel bilang mag-asawa na nagmamahalan, para hindi kami mahanapan ng butas. “Bakit na naman?” tanong niya. Gigil at pabulong. “Kasi po…” Hindi ko maituloy ang sasabihin ko. Hindi ko masabi-sabi sa kanya na natatakot ako. Malungkot na titig lang ang ginawa ko habang nakatingala sa mukha niya. “Don’t tell me, you’ve changed your mind?” Hindi ako sumagot. Nakamot ko na naman ang ulo ko. “Look, Charmaine, alam kong mahirap sa’yo ang set up na ‘to. But, nandito na tayo. Besides, we’ve discuss everything already. Maayos na ang kontrata. Dapat mo lang tandaan ang lahat ng ‘yon. Be sure na hindi ka magkakamali.” Bumagsak ang balikat ko, sabay ang buntong-hininga. Nilakasan ko naman ang loob ko. Lalo’t para sa Nanay ko ang ginagawa kong ‘to. Kaya lang, hindi ko nga maiwasan na makaramdam ng takot. Mayaman nga sila. At ako, isang dalaga na mahirap at wala pang narating sa buhay. At isa pa, paano sila maniniwala na nag-iibigan kami nitong matandang ‘to. Ang layo nga agwat ng edad namin. “Hindi lang mahirap, sir! Sobrang hirap! Ni holding hands while walking, never ko pang naranasan. Tapos, bilang may asawa na ako, sa matanda pa!” Nakagat ko naman ang labi ko matapos sabihin ‘yon. Namaywang ang matanda. Parang Nanay na galit at gusto akong kurutin sa singit. “Kung hindi ko lang talaga kailangan ang tulong mo!” gigil naman nitong sabi, may kasama pang duro. Kamot na lang sa ulo ang sagot ko, sabay haba ang nguso. “Let’s go, kanina pa naghihintay ang Lolo ko,” sabi nito, at walang sabi-sabi na hinawakan ang kamay ko. “E, sir…” “Bakit na naman?” asar nitong tanong. “Pwede ba…” Pagnguso sa kamay ko na hawak niya ang kasabay ng pabitin kong salita. Ngumiti siya at inangat ang magkahawak naming kamay. “Sabi mo, never mo pa na-experience ang holding hands while walking? So, mag-enjoy ka hanggang sa magsawa ka!” “Sir naman e! Puro kalokohan. Hawak mo nga ang kamay ko, wala naman akong maramdamang kilig! Paano ako mag-e-enjoy?” Gigil na nakagat niya ang pang-ibabang labi. Tumirik pa ang mga matal. Ayan ang napala sa nag-asawa ng bata. Manawa ka sa sakit ng ulo. “Bitiwan mo na lang ako, sir. Hindi naman ako tatakas. Promise?” Taas ang kanang kamay habang sinasabi ko ‘yon. “No! I have to do this, para magmukha naman tayong mag-asawa at hindi mag-ama!” Natiim ko ang labi. Pero ilong ko naman bubuka-bukaka. Pinipigil ko kasi ang tawa. Sa wakas, inamin niya rin na matanda na siya. “Where here,” mamaya ay sabi niya. Nilingon niya rin ako. “Sir, teka lang. Mamaya na po tayo pumasok.” Pigil ko na naman sa boss ko. Namumula na ang mukha. Halatang nagpipigil na sumabog. Bahala nga siya. Takot nga ako at kinakabahan. “Ano ba naman, Charmaine! Ang dami mong arte.” “Sir, hayaan mo muna akong huminga sandali. Ang lakas ng tibok, sir!” Tinatapik-tapik ko ang dibdib ko. Sinuklay ko rin ang buhok ko, gamit ang mga daliri ko, at saka, inayos ko naman ang damit ko. “Sir, how do I look po?” “Maganda—” agad nitong sagot, pero nag-break sa dulo. Parang nadulas ang salita niya, at dumeritso sa kanal. Napaismid ako, pero ngiti ko, hindi ko naman maawat. “Talaga po ba, sir? Maganda ako?” tanong ko sa pinalambing na boses, pero tampal sa noo ko ang sagot niya. “Umayos ka na, pwede ba? At saka, stop calling me, sir!” madiin na naman nitong sabi. “One more thing, avoid scratching your head in front of my family. It’s discusting!” “Okay, My heart…” Matamis na ngiti ang kasabay ng sinabi ko na ikinangiwi naman niya. Pero hindi naman nagreklamo. Mukhang nag-iisip pa nga. Matapos mag-isip, nanliit naman ang mga mata niya. “Ready, My star?” tanong niya na nagpawala naman ng ngiti ko. Nag-isip pala ng endearment. “Wow! Star…galing mong pumili ng endearment, sir.” Nasabi ko na lang. “Tumahimik ka na!” gigil na naman nitong sabi, sabay hawak sa door handle. “Ihanda mo na ang sarili, dahil tiyak na magiging star ka talaga kapag nasa loob na tayo.” Hindi ko na naman tuloy napigil ang mapanguso. Ito na kasi talaga. Wala ng atrasan ‘to. Para kay Nanay, lulunukin ko na lang lahat ng maririnig ko. “Danreve!” Paigtad kaming napalingon nang marinig ang sikmat na ‘yon. “Where have been? And why are you not answering your phone?” tanong ng maganda at supistikadang Madamme na nasa akin na ang tingin. Purmahan at kasungitan palang nito. Alam ko na agad, ito na fake kong mother-in-law. Hindi sadyang napayakap ako sa braso ni Sir Danreve. Nanlilisik kasi ang mga mata ni Madamme, parang galit na tigre na gusto akong kalmutin. “I’m sorry, Mom. Naiwan ko po ang cellphone ko sa kotse,” sagot ni Sir Danreve na paminsan-minsan akong sinusulyapan. Niyakap ko nga kasi ng todo ang braso niya sa puntong dumikit na ang jumbo mamon ko sa braso niya. At alam kong ramdam niya ‘yon. Pero wala na nga akong paki! Sa galit na Mommy niya ako nag-focus. Sa hitsura nito na parang nakakain ng hilaw na ampalayang sinawsaw sa sukang maraming sili. Nakakatakot! Baka kasi biglang sumugod at kalbuhin ako. “Is that so, Danreve? O, dahil sa kanya kaya hindi ka ma-contact!” Duro niya ako sa matulis niyang kuko. Ngayon ay napalunok naman ako. Heto na ‘yong kinatatakutan ko. Ano ba itong pinasok ko? Hanggang kailan ko kaya kakayanin ang maging star nitong my heart ko? Para na kasing titigil ang tibok nitong heart ko sa tingin at duro pa lang nitong Mommy ni Sir Danreve. Paano na lang kung makaharap ko na ang ibang kamag-anak niya? “Who is she, Danreve?” Taas ang isang kilay nito habang hindi pa rin ako nilubayan ng tingin. Konti na lang, malulusaw na ako sa init ng tingin niya. “Charmaine, huminga ka! Breath in, breath out!” Tahimik ko na lang na pinapakalma ang sarili ko. Halos sumuksok na rin ako sa kilikili nitong fake kong asawa na sandali akong nilingon. Tingin ay nagsasabing ‘wag akong padala sa takot, gumawa ako ng paraan para kusang kumalma ang galit ng Mommy niya. Isa kasi ‘to sa nagpag-usapin namin kanina. Dapat raw, ‘wag na ‘wag ako magpakita ng takot. ‘Wag kong ipakita sa pamilya niya ang kahinaan ko dahil lalo lang nila akong tatakutin hanggang sa sumuko ako. Kaya kahit nanlalambot na ang mga tuhod ko, at nanlalamig ang mga kamay ko. Nagtapang-tapangan ako. Ngumiti at humakbang ng konte, sabay sabi, “Tita, I am Charmaine po, your daughter-in-law,” pakikila ko na lalong nagpaasim sa mukha nito.(Third POV) **DAISY**Nakatayo si Daisy sa gilid ng reception hall, watching Charmaine and Danreve share their first dance as husband and wife. Sa wakas, nakita niya rin ang kaibigan niyang nakasuot ng wedding dress, mga bagay na hindi naranasan nito noon. At masaya siya para sa kanyang kaibigan. Naging saksi nga kasi siya kung paano nagsimula ang kanilang relasyon—the fake marriage, the lies, the eventual heartbreak. Lahat ng ‘yon ay nakita niya. Hindi nga siya makapaniwala, sa kabila ng mga nangyari ay magkabalikan pa sila. Naalala pa ni Daisy, ang sinabi niya noon sa kaibigan na maliit lang ang palad ng unggoy, baka kapag kumuyom ay mahalin nila ang isa’t-isa. Nangyari nga ‘yon, pero sinubok naman sila ng panahon.She recalled the nights Charmaine cried over Danreve, nang maghiwalay sila. Daisy had held her, promising things would get better, though she wasn’t sure she believed it herself. It had been a long road for her friend, and now, watching them together with their son, it
The morning sunlight filtered through the curtains, casting a golden glow on Danreve’s face. Hindi ko naman mapigil ang mapangiti habang pinagmamasdan ang gwapo niyang mukha.Ang gaan kasi sa pakiramdam—ang saya sa pakiramdam na gumising katabi ang mahal ko—pakiramdam na akala ko, hindi ko na muling maramdaman at mararanasan.Ang nangyari sa amin kagabi is a beautiful reminder of the love that had always existed between us, despite sa mga trials na aming naranasan. Napigil ko sandali ang hininga ko nang gumalaw si Danreve, his arms tightening around me as he opened his eyes. His gaze met mine, saka matamis siyang ngumiti. “Good morning, my star,” sabi niya, sa inaantok na boses.Matamis naman akong ngumiti, “Good morning, my heart,” sabi ko, at niyakap din siya ng sobrang higpit.We lay there for a few moments, savoring the peaceful intimacy of the morning. “Mommy, Daddy." Sabay kaming bumangon, at agad isinuot ang aming mga damit nang marinig ang masiglang pagtawag ni Chad, kasabay
For almost a month, I had been shielding my heart with anger and fear. Gusto kong protektahan ang sarili ko sa sakit na maaring maranasan ko ulit. Pero dahil sa tiyaga ni Danreve, tuluyan na ring bumigay itong puso ko. Nawala ang takot at nangibabaw ang totoo kong nararamdaman.“Totoo, uwi tayo sa bahay?" maang na tanong ni Danreve kasabay ang pagtayo. “Sa bahay natin? Sa villa?" tanong nito ulit na parang naguguluhan pa rin. Hindi nga nito alam kung ngingiti na ba o hindi. “Ayaw mo yata…” Tatalikuran ko na sana siya, pero agad-agad niyang niyapos ang baywang ko at ngumiti."Wait! Gusto ko, syempre. Ito na nga ang pinakahihintay ko." Naglabas siya ng pera sa wallet at iniwan sa lamesa. “Let’s go, my star.” Ngiting-ngiti nitong sabi, habang ang kamay ay marahang pumipisil-pisil sa baywang ko. At Kung kanina ay parang tanga siya na hindi maintindihan ang sinasabi ko, ngayon ay kulang na lang buhatin na ako, marating lang namin agad ang parking area. “My star, uwi ka na talaga sa ba
“Hi, my star," nakangiting bungad ni Danreve, paglabas ko ng clinic. Tipid na ngiti lang ang sagot ko sa malambing nitong bati.Paano ba naman kasi, naunahan na naman ako ng tili nitong assistant kong kilig na kilig pa rin sa mga banat ni Danreve.“Dok, mauna na po ako. Sir Danreve…fighting!” bilin pa nito na pamatay na kindat naman ang sagot nitong ama ng anak ko.Ganito lagi ang ginagawa niya. Tuwing hapon ay sinusundo niya ako, at hindi pwedeng wala siyang dalang rosas—isang pulang rosas na tanda raw ng pagmamahal niya. “Gutom ka na ba?" tanong nito, at pinagbuksan ako ng pinto. “Medyo," tipid ko namang sagot. Kasabay na rin ang pagpasok ko sa kotse. "Let me…" Ikakabit ko na sana ang seatbelt ko, pero siya na naman daw ang magkakabit. Para namang hindi ko alam na pumaparaan lang siya para makalapit ng todo sa akin. Kulang na nga lang ay ilapat nito ang labi sa akin, at hindi lang ‘yon, sinasadya niya pang bagalan ang kilos na sumabay sa malagkit nitong titig na parang tumutuna
“Danreve, nakikiusap ako, pakawalan mo na ako. Bitiwan mo na ako. Sa ginagawa mong ‘to, lalo mo lang pinapahirapan ang sitwasyon. Lalo mo lang sinasaktan ang sarili mo.” Matapos ang ilang minutong pagkaparalisa ng buong katawan ko, dahil sa yakap ni Danreve, nagawa ko ring magsalita. Nagawa ko ring sabihin ang nilalaman ng utak ko. Oo, utak ko lang ang pinapagana ko ngayon. Kasi itong puso ko, hindi ako sigurado kung saan ako dadalhin.“Sige na, Danreve. Bitiwan mo na ako, please," muli kong pakiusap. Pasimple ko ring pinahid ang mga luha ko. Pinipilit na ‘wag pumiyok ang boses ko, habang nagsasalita. Paulit-ulit na pag-iling ang sagot niya. Ramdam ko kasi ang paggalaw ng ulo niya, dahil sa mukha niya na bumaon sa batok ko.“Charmaine…” Pumiyok ang boses niya na sumabay sa lalong paghigpit ng yakap niya. “‘Wag ka munang umalis. Makinig ka lang sa sasabihin ko. Wala akong pakialam kung maniniwala ka o hindi, but please, hayaan mo lang akong magsalita. Hayaan mo akong sabihin lahat na
His words echoed in my mind. Hindi ko alam kung ano ang sasabihin. Hindi ako makagalaw at parang natuod sa kinatatayuan ko. Nakakasakal ang katahimikan na namamagitan sa amin, at ang mga salitang hindi namin masabi ay parang mabigat na mga bato na dumadagan sa dibdib ko. Kung sa mga nakaraang araw na nagkikita kami ay iniiwasan ko ang mga titig niya, ngayon ay hindi na. Wala akong kurap na tumitig sa mga mata niya. Gusto ko ng confirmation. Gusto kong alamin kung totoo ba ang sinasabi niya.“We’re still married?” Sa wakas, nagawa ko ring magtanong; pabulong, ngunit alam kong malinaw niyang narinig.Bumuga siya ng hangin, tumango-tango, “Yes, Charmaine.” Ang kalmado ng boses pati ng mukha niya habang sinasabi ‘yon. Habang ako, nag-iinit na, hindi lang ang ulo ko, kung hindi buong katawan ko. Para na akong bulkan na malapit nang sumabog. “Ikaw lang ang pumirma ng divorce papers, Charmaine. Ikaw lang ang gustong matapos ang mayro’n tayo. I never wanted to end everything between us.”H