Share

Kabanata 7

Penulis: sweetjelly
last update Tanggal publikasi: 2024-05-30 11:22:08

Sa asim ng mukha ng Mommy ni Sir Danreve, gusto ko na lang mahimatay at hindi gigising hangga’t kasama pa namin siya.

“Danreve!”

Agad akong umatras nang magtaas ito ng kamay. Akala ko masasampal na ako. Dinuro niya lang pala si Sir Danreve.

“Are you out of mind?!” Gigil na sikmat nito.

Kung kanina ay duro-duro niya lang si Danreve, ngayon ay kuyom na ang kamao na parang gustong suntukin ito.

“Ang gusto namin ay gumawa ka ng paraan na makabawi sa lolo mo. Hindi ‘yong gagawa ka nga ng paraan na mas ikamamatay niya,” pabulong, ngunit gigil na gigil nitong sabi. Nanginginig na rin ito sa galit.

“Mom, calm down. Makinig muna kayo, please,” pabulong din na pakiusap ni Sir Danreve.

Sa totoo lang, dobleng takot na ang nararamdaman ko. 

Takot dahil sa nanggagalaiti na galit na Mommy ni Sir Danreve at takot sa kondisyon niya.

Tumaas na yata kasi ang dugo. Medyo hirap na rin ito sa paghinga. Paano kung atakihin siya sa puso?

Nilingon ko si Sir Danreve. Gusto kong sabihin na gumawa siya ng paraan para kumalma ang mommy niya.

Natatakot na kasi talaga ako. Ang gusto ko lang ay mapagamot at madugtungan ang buhay ni Nanay. Hindi ko hangad na may mawalan ng nanay dahil sa akin.

“Mom, please. Just hear me out.” Bumuga ng hangin si Sir Danreve, sabay sulyap sa akin.

Bago pa kami nagpunta rito sa hospital, napag-usapan na namin ang mga posibleng mangyari. Pero ngayong nasa aktuwal na kaming pangyayari. Lahat ng napag-usapan namin kanina ay awtomatikong nabura.

Ramdam ko, gaya ko, hindi na rin alam ni Sir Danreve kung ano ang sasabihin.

Hindi ko sadyang naipulupot ang braso ko sa baywang ni Sir Danreve. Pero ramdam kong napaigtad siya at sandaling tumitig sa mga mata ko, saka naman niya muling hinarap ang mommy niya.

“Mom, ‘wag ka naman magalit, please,” pakiusap na naman niya.

Hindi na sumagot ang mommy niya. Hinahabol pa rin kasi nito ang paghinga.

“Alam ko na kasi na ito ang mangyayari. Kaya ko nga po tinago ko ang totoo nang matagal na panahon. Alam ko na magagalit kayo.” Halos pabulong na paliwanag nito. Kasinungalingang paliwanag.

Matapos mawala sa isip ang mga napag-usapan namin kanina. Sa wakas ay nagbalik din sa katinuan ang mga utak namin.

“Alam ko, pagdududahan n’yo siya. Alam ko, you wouldn’t accept her.”

Ngayon ay um-effort na si Sir Danreve. Parang totoo at hindi kasinungalingan ang mga sinasabi nito. 

Titig na titig pa ito sa mommy niya.

Kung hindi nga lang ako kasali sa dramang ‘to, tiyak ay mapapaniwala niya rin ako na he's deeply in love with me.

Sobrang makatutuhanan kasi ng paliwanag niya. Masyado nga yata siyang nadala ng emosyon, pati ang kamay niya ay sumabay din sa pagsasalita niya. Hinaplos-haplos ba naman ang likod ko; may papisil pang kasama.

“Do you think maniniwala ako sa kasinungalingan mo? I wasn’t born yesterday, Danreve. Hindi mo ako mapapaniwala sa kasinungalingan mo. Ninyo nitong batang ‘to!” Duro na naman ako nito na may kasabay na matalim na tingin.

Mapaklang tumawa si Danreve. “Bata…” Mahinang tawa ang tumapos sa salitang ‘yon. “Mom, walang bata o matanda when it comes to love. Alam mo naman po ‘yon.” Sandali naman niya akong nilingon at ngumiti nang matamis.

Saglit akong nawala sa focus. Hindi ko kasi napaghandaan ang ngiting ‘yon. Hindi ko alam na marunong din palang ngumiti ang gaya niya.

“Nakalimutan mo na po ba? Thirteen years din ang age gap ng Lolo at Lola no’ng ikasal sila?”

Thirteen years? Parang kami lang. Nineteen ako. Siya ay thirty-two.

Hindi na tuloy maalis ang tingin ko sa mukha nitong fake kong asawa na ang galing um-acting, with action pa talaga.

Matapos kasing magtaas-baba ang kamay nito sa buong likod ko, ngayon ay baywang ko naman ang pinagdidiskitahan. Pinisil-pisil ba naman na may paminsan-minsang haplos.

“Please, Mom, give us a chance…”

“Stop it, Danreve!” Diniin niya ang food container sa dibdib ng anak niya.

Agad naman iyong hinawakan ni Sir Danreve at inilayo sa katawan niya, sabay lingon naman sa akin.

Mainit yata ang stainless container. Dumaing kasi siya at napabitiw sa baywang ko.

“I don’t want to hear any more lies. Ang gagawin mo, pumasok ka sa loob. Alagaan mo ang lolo mo. Pakainin mo. Gawin mo lahat, mawala lang ang dinaramdam niyang sama ng loob sa’yo, at hindi ‘yong magdadala ka ng sakit ng ulo!”

“Mom—”

Kokontra pa sana si Sir Danreve, pero pinatahimik ito sa duro ng Mommy niya na sinabayan ng panlilisik ng mga mata.

“And you! Come with me!” Agad nitong hinawakan ang braso ko at pakaladkad akong hinatak.

Hindi ako nakapag-react. Hindi na rin ako nahawakan ni Sir Danreve. Akmang susunod din sana siya sa amin, pero dinuro na naman siya ng mommy niya.

Gusto kong magsalita. Gusto kong magmatigas, pero nadaig na naman ako ng takot. 

Sumikip na ang dibdib ko. Nag-iinit na rin ang mga mata ko.

Paulit-ulit akong bumuga ng hangin. Pinapakalma ko ang sarili. Si Nanay… ang kalagayan ni Nanay ang iniisip ko. Sa kanya lang kasi ako kumukuha ng lakas at kapal ng mukha para magawa ko itong trabahong pinasok ko.

“Tita—”

Isang lingon niya lang na may kasamang pandidilat ay agad nang sumara ang labi ko. Halos hindi ko na nga mapigil ang panginginig.

“Magkano ang kailangan mo? Layuan mo lang ang anak ko?” pasinghal nitong tanong, sabay ang patulak na pagbitiw sa akin.

Bumangga ako sa nakaparadang kotse. Masakit. Pero physical pain lang ‘yon. Mawawala rin agad. Ang masakit, iyong tingin niya sa akin. Tingin na parang ang dumi-dumi ko.

Napangiti ako nang mapait. Napapikit din ako sandali.

Alam ko na ito talaga ang maririnig ko. Mayaman nga sila. 

Akala nila, kaming mahihirap; pera lang ang katapat. Which is tama naman. Dahil sa pera, kaya ko ‘to ginagawa.

Oo, inaamin ko, masama ang magsinungaling. Masama ang magpanggap. Pero kapit sa patalim na nga ako. As long as wala naman akong nasasaktang tao, go lang nang go para sa Nanay ko.

“Tita—”

“Don’t call me Tita! Hindi kita kilala at lalong hindi kita kapamilya!” sikmat niya, pero may dinudukot naman sa loob ng bag.

“One million pesos, sapat na siguro ito. Layuan mo lang ang anak ko.” Diniin niya sa dibdib ko ang cheque. Wala akong nagawa kundi hawakan iyon.

Muli na naman akong ngumiti nang mapait habang ang tingin ay nasa tseke. One million. Ang laking halaga na nga nito, pero alam kong hindi pa rin ito sapat para sa gastos sa gamutan ng Nanay ko.

“Hindi po sapat ‘to!” matapang kong sagot na nagpatawa sa kanya. 

Tawang nanghahamak.

Inagaw niya ang cheque at pinagpupunit iyon nang pinong-pino. “Then say it. Give a number na sapat na bayaran ang gold-digger na katulad mo!”

Ouch! Narinig ko na naman ang pinaka-hate kong salitang narinig ngayong araw na ‘to. Pero sige lang. Tiis lang. Pinasok ko nga ‘to, kaya titiisin ko hangga’t kaya ko.

Mapait na naman akong ngumiti. Kasing pait ng nararanasan kong hirap ngayon sa buhay.

Humakbang ako palapit sa fake kong mother-in-law. ‘Yong mapait kong ngiti, siniguro kong hindi mawala sa labi ko.

“Hindi sapat ang anumang halaga na ibibigay n’yo sa akin, Ma’am. Walang katumbas na halaga ang pagmamahal ko sa anak ninyo!” Mabagal ang bigkas ko sa mga salitang ‘yon na nagpaangat ng isang kilay niya.

“Hypocrite!” madiin nitong sabi.

“Hipokrita na kung hipokrita, pero iyon po ang totoo. Kahit buong kayamanan n’yo pa ang ibibigay n’yo sa akin, hinding-hindi ko pa rin lalayuan ang anak ninyo,” sagot ko, at agad na umalis sa harap niya.

Ayaw ko nang pahabain ang usapan namin. Baka hindi ko na kayanin ang sakit. 

Baka mapaamin na ako nang wala sa oras.

Walang lingon at ang bilis ng mga hakbang ko. Patawid na rin sana ako. Pero nahinto dahil sa lalaking kalalampas lang sa akin at walang lingon-lingon na tatawid na sana.

“Sir!” sigaw ko, pero hindi niya ako pinansin.

Nagpatuloy siya sa mabagal na paglalakad at hindi pansin ang paparating na motorsiklo.

Agad ko siyang tinakbo at niyakap. Naiwasan nga namin ang motorsiklo, pero sabay naman kaming natumba sa sementadong daan.

At imbes na tulungan kami no’ng muntik bumangga sa amin, sinigawan pa kami bago niya pinaharurot ang motor niya.

“Okay lang po ba kayo? Hindi po kayo nasaktan?” nag-aalalang tanong ko, at tinulungan siyang umupo.

Saka ko naman naramdaman ang hapdi sa siko at tuhod ko.

“Are you crazy? Bakit mo ‘yon ginawa?” singhal ng tinulungan ko na nagpahinto sa paghinga ko.

sweetjelly

Maraming salamat sa mga bumabasa nito. Thank you sa gems.

| 7
Lanjutkan membaca buku ini secara gratis
Pindai kode untuk mengunduh Aplikasi

Bab terbaru

  • His Pet Nanny   Special Chapter

    (Third POV) **DAISY**Nakatayo si Daisy sa gilid ng reception hall, watching Charmaine and Danreve share their first dance as husband and wife. Sa wakas, nakita niya rin ang kaibigan niyang nakasuot ng wedding dress, mga bagay na hindi naranasan nito noon. At masaya siya para sa kanyang kaibigan. Naging saksi nga kasi siya kung paano nagsimula ang kanilang relasyon—the fake marriage, the lies, the eventual heartbreak. Lahat ng ‘yon ay nakita niya. Hindi nga siya makapaniwala, sa kabila ng mga nangyari ay magkabalikan pa sila. Naalala pa ni Daisy, ang sinabi niya noon sa kaibigan na maliit lang ang palad ng unggoy, baka kapag kumuyom ay mahalin nila ang isa’t-isa. Nangyari nga ‘yon, pero sinubok naman sila ng panahon.She recalled the nights Charmaine cried over Danreve, nang maghiwalay sila. Daisy had held her, promising things would get better, though she wasn’t sure she believed it herself. It had been a long road for her friend, and now, watching them together with their son, it

  • His Pet Nanny   Kabanata 99 (Wakas)

    The morning sunlight filtered through the curtains, casting a golden glow on Danreve’s face. Hindi ko naman mapigil ang mapangiti habang pinagmamasdan ang gwapo niyang mukha.Ang gaan kasi sa pakiramdam—ang saya sa pakiramdam na gumising katabi ang mahal ko—pakiramdam na akala ko, hindi ko na muling maramdaman at mararanasan.Ang nangyari sa amin kagabi is a beautiful reminder of the love that had always existed between us, despite sa mga trials na aming naranasan. Napigil ko sandali ang hininga ko nang gumalaw si Danreve, his arms tightening around me as he opened his eyes. His gaze met mine, saka matamis siyang ngumiti. “Good morning, my star,” sabi niya, sa inaantok na boses.Matamis naman akong ngumiti, “Good morning, my heart,” sabi ko, at niyakap din siya ng sobrang higpit.We lay there for a few moments, savoring the peaceful intimacy of the morning. “Mommy, Daddy." Sabay kaming bumangon, at agad isinuot ang aming mga damit nang marinig ang masiglang pagtawag ni Chad, kasabay

  • His Pet Nanny   Kabanata 98

    For almost a month, I had been shielding my heart with anger and fear. Gusto kong protektahan ang sarili ko sa sakit na maaring maranasan ko ulit. Pero dahil sa tiyaga ni Danreve, tuluyan na ring bumigay itong puso ko. Nawala ang takot at nangibabaw ang totoo kong nararamdaman.“Totoo, uwi tayo sa bahay?" maang na tanong ni Danreve kasabay ang pagtayo. “Sa bahay natin? Sa villa?" tanong nito ulit na parang naguguluhan pa rin. Hindi nga nito alam kung ngingiti na ba o hindi. “Ayaw mo yata…” Tatalikuran ko na sana siya, pero agad-agad niyang niyapos ang baywang ko at ngumiti."Wait! Gusto ko, syempre. Ito na nga ang pinakahihintay ko." Naglabas siya ng pera sa wallet at iniwan sa lamesa. “Let’s go, my star.” Ngiting-ngiti nitong sabi, habang ang kamay ay marahang pumipisil-pisil sa baywang ko. At Kung kanina ay parang tanga siya na hindi maintindihan ang sinasabi ko, ngayon ay kulang na lang buhatin na ako, marating lang namin agad ang parking area. “My star, uwi ka na talaga sa ba

  • His Pet Nanny   Kabanata 97

    “Hi, my star," nakangiting bungad ni Danreve, paglabas ko ng clinic. Tipid na ngiti lang ang sagot ko sa malambing nitong bati.Paano ba naman kasi, naunahan na naman ako ng tili nitong assistant kong kilig na kilig pa rin sa mga banat ni Danreve.“Dok, mauna na po ako. Sir Danreve…fighting!” bilin pa nito na pamatay na kindat naman ang sagot nitong ama ng anak ko.Ganito lagi ang ginagawa niya. Tuwing hapon ay sinusundo niya ako, at hindi pwedeng wala siyang dalang rosas—isang pulang rosas na tanda raw ng pagmamahal niya. “Gutom ka na ba?" tanong nito, at pinagbuksan ako ng pinto. “Medyo," tipid ko namang sagot. Kasabay na rin ang pagpasok ko sa kotse. "Let me…" Ikakabit ko na sana ang seatbelt ko, pero siya na naman daw ang magkakabit. Para namang hindi ko alam na pumaparaan lang siya para makalapit ng todo sa akin. Kulang na nga lang ay ilapat nito ang labi sa akin, at hindi lang ‘yon, sinasadya niya pang bagalan ang kilos na sumabay sa malagkit nitong titig na parang tumutuna

  • His Pet Nanny   Kabanata 96

    “Danreve, nakikiusap ako, pakawalan mo na ako. Bitiwan mo na ako. Sa ginagawa mong ‘to, lalo mo lang pinapahirapan ang sitwasyon. Lalo mo lang sinasaktan ang sarili mo.” Matapos ang ilang minutong pagkaparalisa ng buong katawan ko, dahil sa yakap ni Danreve, nagawa ko ring magsalita. Nagawa ko ring sabihin ang nilalaman ng utak ko. Oo, utak ko lang ang pinapagana ko ngayon. Kasi itong puso ko, hindi ako sigurado kung saan ako dadalhin.“Sige na, Danreve. Bitiwan mo na ako, please," muli kong pakiusap. Pasimple ko ring pinahid ang mga luha ko. Pinipilit na ‘wag pumiyok ang boses ko, habang nagsasalita. Paulit-ulit na pag-iling ang sagot niya. Ramdam ko kasi ang paggalaw ng ulo niya, dahil sa mukha niya na bumaon sa batok ko.“Charmaine…” Pumiyok ang boses niya na sumabay sa lalong paghigpit ng yakap niya. “‘Wag ka munang umalis. Makinig ka lang sa sasabihin ko. Wala akong pakialam kung maniniwala ka o hindi, but please, hayaan mo lang akong magsalita. Hayaan mo akong sabihin lahat na

  • His Pet Nanny   Kabanata 95

    His words echoed in my mind. Hindi ko alam kung ano ang sasabihin. Hindi ako makagalaw at parang natuod sa kinatatayuan ko. Nakakasakal ang katahimikan na namamagitan sa amin, at ang mga salitang hindi namin masabi ay parang mabigat na mga bato na dumadagan sa dibdib ko. Kung sa mga nakaraang araw na nagkikita kami ay iniiwasan ko ang mga titig niya, ngayon ay hindi na. Wala akong kurap na tumitig sa mga mata niya. Gusto ko ng confirmation. Gusto kong alamin kung totoo ba ang sinasabi niya.“We’re still married?” Sa wakas, nagawa ko ring magtanong; pabulong, ngunit alam kong malinaw niyang narinig.Bumuga siya ng hangin, tumango-tango, “Yes, Charmaine.” Ang kalmado ng boses pati ng mukha niya habang sinasabi ‘yon. Habang ako, nag-iinit na, hindi lang ang ulo ko, kung hindi buong katawan ko. Para na akong bulkan na malapit nang sumabog. “Ikaw lang ang pumirma ng divorce papers, Charmaine. Ikaw lang ang gustong matapos ang mayro’n tayo. I never wanted to end everything between us.”H

  • His Pet Nanny   Kabanata 67

    Ang saya-saya ko nang makita ko si Danreve na kausap ni Sir Onse. Agad nga akong napangiti. Nabuhay ang pag-asa ko. Pakikinggan na niya ang paliwanag ko at magkakaayos na kami dahil kasama ko na ang mga kaibigan ko na may alam sa totoong nangyari sa hotel.“Of course, you will defend her. Gusto mo ng

  • His Pet Nanny   Kabanata 66

    Ramdam ko ang hapdi sa pisngi kong nahiwa dahil sa binatong mga picture sa akin ni Danreve. Pero mas ramdam ko ang kirot dito sa puso ko, habang nakatingin sa madilim at puno ng galit na mga mata niya. Ilang minuto rin akong hindi gumagalaw; gusto kong magsalita, gusto kong magtanong kung saan niya

  • His Pet Nanny   Kabanata 65

    ((Charmaine))“Good morning, my star. I love you.” Basa ko sa note na iniwan ng asawa ko sa ibabaw ng unan, kasama ang pulang rosas.Hindi naman mawala-wala ang ngiti ko habang inamoy-amoy ang rosas na bigay niya, habang nakatingin pa rin sa note na tadtad ng heart at wink emoji. “Ang sweet naman tala

  • His Pet Nanny   Kabanata 64

    ((Danreve))Tahimik kong pinagmamasdan ang asawa kong mahimbing na natutulog, habang hawak-hawak ang laptop ko.Nagawa ko na siyang pasayahin kanina. Ginawa ko lahat, makalimutan niya lang ang problema niya kahit sandali lang. Pero ngayon, habang tulog siya, bakas pa rin ang lungkot sa mukha niya. Mag

Bab Lainnya
Jelajahi dan baca novel bagus secara gratis
Akses gratis ke berbagai novel bagus di aplikasi GoodNovel. Unduh buku yang kamu suka dan baca di mana saja & kapan saja.
Baca buku gratis di Aplikasi
Pindai kode untuk membaca di Aplikasi
DMCA.com Protection Status