LOGINLalaine's Point of View
Mahigpit kong pinanindigan ang magtulog-tulugan. Gusto kong damhin ang pekeng kapayapaan. Kahit man lang sa panaginip ay tunay akong malaya, batid ko sa paggising ay wala iyong katuturan. Sa loob ng sasakyan, nag-uusap ang dalawang tao. Nag-uusap ang mga ito sa lengguwaheng Englis kaya malaya kong naiintindihan ang punto ng bawat salita. Bantay-sarado ang ekslusibong sasakyan ng lalaking tinatawag ng driver na Mr. Valerio. Malakas ang awtorisasyon nito't walang tao ang gustong humadlang sa hangarin nito. Takot, kaba, at kawalan nang pag-asa. Iyon ang nararamdaman ko sa puntong ito. Kanina ko pang pinag-aralan ang lalaki. Tahimik ang awra nito ngunit alam kong mapanganib. Mapanganib ang bibig at ang bawat galaw. Doon pa lang sa Auction Hall, ito lamang ang bukod-tanging agaw pansin. Taklesa at walang patawad, iyon ang alam kong katauhan ng lalaking bumili sa'kin. Ang mas masaklap, ito pala ang taong nag-utos kay Mr. Schmidt. Bumagsak ang aking pag-asa. Nabulag lang ba ako sa katotohanan? Pera lamang ba ang iniisip ko't hindi ang sapat na kaligtasan? Si Vicky lamang ang bukod-tanging nag-aalala sa'kin. Posible kayang ang manager ko ay binayaran rin? Sa isipan na iyon ay nabasag ang puso ko. Paano ako makikipag-komyunikasyon sa ina at kapatid? Ito na ba ang aking walang katapusang pagdurusa? Kailangan kong mag-isip. Kailangan kong makahanap nang paraan. Kakaiba ang estilo ng bansang ito. Walang pakialam sa mga taong naagrabyado. Kapansin-pansin ang naglahong lungkot sa aking damdamin, napalitan nang kagustuhang makatakas sa kamay nitong si Mr. Valerio. Huminto ang sasakyan. Pasimple kong binuksan ang kaliwang mata. Halos malula ako sa nasaksihan. Sa tapat nang sasakyan ay isang malaking bahay—hindi, isang malaking mansyon. Hindi ako kailanman nakasaksi nang ganito kalawak at kalaking tirahan. "Bring her to my room, Black." Rinig kong sabi ni Mr. Valerio. "On it, Mr. Valerio." Sagot naman ng lalaking nagngangalang Black. Kalaunan ay binuksan nito ang pintuang bahagi ng sasakyan kung saan ako nakaupo. Muli akong nagpanggap na tulog. Isang mahabang buntong-hininga ang narinig ko mula kay Black. Sa kasunod na minuto ay hawak ako nito. Maingat na kinarga. Hindi ko man lang naramdamang nahihirapan ito sa buo kong bigat. Hindi ko na rin maramdaman ang presensya ni Mr. Valerio kahit ang malamig ngunit matigas nitong boses ay nawala. Siguro ay nauna nang magtungo sa loob. Doon ako nakakuha nang pagkakataon. Iminulat ko ang mga mata, diretso sa unahan ang paningin ni Black. Hindi ako nito napansin. Bago ito tuluyang makapasok sa matayog na gate, inangat ko ang kanang daliri upang tusukin ito sa mata. Napasigaw ito sa sakit. Ibinaba ako upang asikasuhin ang napuruhan ko yatang mga mata nito. "Mr. Valerio! The woman escaped!" Rinig kong sigaw nito ngunit hindi na ako lumingon pa. Tuloy-tuloy akong nakalaya, nakaalis sa bisig ng taong gustong magbigay nang kakaibang karanasan sa'kin. Tumakbo ako nang walang patutunguhan. Hindi alam kung saan ako liliko, kung saan dapat kumanan at kumaliwa. Desididong makaalis sa lugar na iyon, wala akong naging pakialam at kung saan-saang eskinita lamang pumasok. Doon ay mistulang tubig sa batis ang aking mga luha. Bigla-bigla na lamang ang mga iyong umagos sa'king mga mata. Hindi ko naman magawang tumawag kay Vicky sapagkat nasa kanya ang cellphone ko. Hindi ko nakuha pagkatapos ng photoshoot. Mula sa masikip na eskinita ay nakalabas ako sa maraming kabahayan. Hindi ko alam ang gagawin, nagpalinga-linga kung saan dapat tutungo. Tila ako isang taong naligaw sa lugar na walang kaalam-alam kung anong mayroon o kung makakalabas pa ba nang buhay. Unti-unti akong nawawalan nang pag-asa. Hindi ko alam kung anong oras na. Tanging kadiliman, katahimikan at malamig na hangin ng lugar ang aking nararamdaman. Pinalis ko ang mga luha. Nakalaya ako sa mga kamay ni Mr. Valerio. Patunay iyon na may pag-asa pa akong makabalik sa production team na umabandona sa'kin. Lumunok ako ng laway. Kumuha ng buong lakas sa pamamagitan nang paglanghap-buga ng hangin. Kahit kapos sa hininga'y hindi nawala ang pag-asang kanina lang ay binitiwan ko na. Natigilan ako nang makarinig ng kaluskos. Nanggaling iyon sa eskinitang nilabasan ko. Mabilis akong gumilid, itinago ang sarili sa isang mabaho at punuang timba ng basura. Pumasok ako roon, may sapat na butas ang takip niyon kaya'y malaya kong nakikita kung sino ang paparating. Pinigilan kong hindi lakasan ang paghinga. Tinakpan ko ang ilong sapagkat umaalingasaw ang amoy imburnal sa loob. Nakita ko ang binti ng lalaki. Kumanan ito at kumaliwa, tila hindi alam kung ano ang dapat gagawin at kung saan pupunta. Nagkaroon ako nang tyansa upang makita kung sino iyon at labis ang aking gulat nang makitang si Mr. Valerio iyon. Seryoso ang mukha. Alerto ang mga mata. Tumigil ito sa mismong tapat ng basurahan kung saan ako pumasok. Mas nagulat ako nang makita kung ano ang nasa kamay nito. Isang baril. Natutop ko ang bibig. Tila alon sa dagat ang mga luha ko sa pag-iyak nang walang tunog. Papatayin niya ako. Magagawa niya akong patayin kung makita man ako nito. "Where the hell are you?" Naisatinig nito. Mula sa kabilang direksyon ay nakita ko si Black. Armado rin. Lumapit ito kay Mr. Valerio na naghihikahos, marahil ay sa kakatakbo kakahanap sa'kin. "I didn't find her, Mr. Valerio." "Search all the area. She can't get that far. This place is isolated, no one would dare to help her if she needs one." Pahayag nito. Tumango naman si Black at mabilis na kumilos palayo. Nagpaiwan si Mr. Valerio. Matagal bago ito naglakad palayo o mas mainam sabihing tumakbo. Nakahinga ako nang maluwag. Subalit ang pangamba at takot ay naroon pa rin. Naghintay ako nang ilang minuto, gustong siguraduhing hindi na babalik iyon. Nang kumpirmadong hindi iyon tutungo pa rito ay mabilis akong tumayo. Habol ko ang hininga upang makalanghap nang sariwang hangin kumpara sa loob ng basurahan. Pikit ko ang mga mata na muling pinalis ang mga luha. Dahan-dahan akong umalis, pumatong sa mga basurang naamoy ko na kanina. Pinagpagan ko ang sarili nang maibaba ko ang paningin. Dumikit pala ang lahat nang maruming putik sa bestida kong suot. Ngunit hindi na importante iyon. Ang mahalaga ay nalusutan ko si Mr. Valerio at ang drayber o assistant nito sa ganitong pagkakataon. Nilingon ko ang kaliwang bahagi, dahan-dahan kong ihinakbang ang mga paa. Doon ko naisipang pumunta at hindi sumunod sa dinaanan niyong si Mr. Valerio at Black. Maigi nang sigurado, nakasalalay ang kaligtasan ko rito. Ingay lamang ng aking mga yabag ang naririnig. Madilim rin ang bahaging ito. Ngunit hindi ako dapat na tumigil. Siguro sa paglabas ko sa eskinitang ito ay highway na ang sasalubong sa'kin."ANO 'raw ang sabi. Bakit kailangan kong maghanda?"Nagkibit-balikat si Blaire. "Hindi ko po alam, Miss. Inutusan lamang 'ho akong sasabihin ko sa inyo."Her eyes were looking at me with fascination. Kimi itong ngumiti."May gusto ka bang sasabihin, Blaire?" Tila ay hindi nito inaasahan ang tanong ko. Nanlaki ang mga mata nito sa gulat.Tumikhim ito bago magsalita. "Kung hindi 'ho ninyo mamasamain, Miss Lalaine. Gusto ko lamang pong itanong kung ikaw ba iyong sikat na babaeng kilala sa women's magazine, Modelo at actress?"Hindi nagbago ang aking ekspresyon. Natumbok ko rin sa wakas ang matagal na nitong gustong sabihin.Binigyan ko ito nang simpleng indikasyon. Sa pamamagitan ng aking ngiti, namutawi ang kislap ng mga mata nito at sinundan nang malakas na tili. Natutop nito ang bibig."Oh my god! Ikaw nga talaga iyon Miss Lalaine! Ikaw si Lalaine Funtales! Ang matagal na iniidolo namin sa malayo. Abot-kamay ko na ngayon.""Iniisip mo ba noong unang hindi ako si Lalaine?""May instin
LALAINE Naalimpungatan ako. Bahagya akong napaungol sa nararamdamang pananakit ng aking buong katawan. Ayaw ko pa ang bumangon, gusto ko pang magpahinga nang mas mahabang oras. Pabiling-biling ako sa kama, nakahiga patagilid ay iminulat ko ang mga mata. I was facing the room window. Sarado ang kurtina. Ibig sabihin niyon ay hindi pa ganoon kataas ang sikat ng araw. Walang repleksyon niyon ang pumapasok sa loob. Nanliit ang mga matang gumalaw ako pakanan upang harapin ang kinaroroonang bahagi na hinihigaan ni Massimo. Bakante ang espasyo. Wala siya rito. Kumunot ang noo ko. Where could he be at this hour? Kinusot ko ang mga mata muli. Gustong buhayin ang sarili. Hindi dapat paiiralin ang pagiging batugan sapagkat wala ako sa poder ng inay. Dahan-dahan akong bumangon. Bumaluktot ang katawan ko sa una, pinirmi ko ang sarili pagkatapos ay naghikab. Ininat ko ang mga kamay. Nakataas ang mga iyon sa ere nang mas matagal. Nang imulat ko ang mga mata ay napaatras ako. Natigilan
HE pinned my hands above the bed. Ikinulong nito iyon gamit rin ang mga kamay. Sa isang iglap ay bumaba ang labi nito sa'king dibdib. Walang pag-aatubiling kinain ni Massimo ang aking magkabilang suso na tila ay batang uhaw na uhaw.Something inside me was burning. Tila ay may gustong lumabas. Aminado akong naramdaman ko ang hindi pangkaraniwang pakiramdam. A small moan escaped on my lips. Hindi ko napigilan, kusa iyong lumalabas sa'king bibig. Naging sunod-sunod ang aking ungol.Massimo left no crumbs and made me felt weak.Habol ko ang hininga ng ito ay tumigil."You're already burning, Lalaine. Handa ka na. Ngunit hindi pa ako tapos."Gumapang si Massimo pababa. Wala akong ideya kung bakit ganoon ito kung kumilos. Hanggang sa tumigil ito sa pribadong parte ng aking katawan. Kusang umangat ang aking kilay. Dala na rin nang pagka-ilang, I decided to ask questions subalit nagimbal ako sa ginawa nito kasunod.He...he smelled it.Hinawakan ko si Massimo sa ulo sa layuning alisin ang pag
LALAINE Para akong biglaang na-factory reset. Hindi ako umalma. Hinayaan ko si Massimo na hagkan ang buo kong mukha na tila ito ay sabik. He pinned me against the wall. Nagpaubaya ako sa kakaibang init na lumukob sa buo kong katawan. Ang mga kamay nito ay naglikot. Hindi napirmi sa isang pwesto. Gustong may malaman. Gustong pailaliman ang pinakamainit na intimasyon. He never been careful. Hindi ko mawari kung bakit tila ito ay nagmamadaling makarating kami sa punto na 'iyon'. He carried me. Pasan nito ang buo kong bigat nang walang reklamo. I encircled my legs around his waist. Iniutos ni Massimo iyon sa'kin. Habang ito ay naglalakad palapit sa kanina pa naghihintay na malambot na kama. Ang kakaibang sensasyon, ang kakaibang init, ang isang naglalagablab na intimasyon ay binuo ang buong sulok ng kwarto. Ramdam ko ang pagpisil nito sa aking pang-upo. Nakahawak ito roon bilang suporta upang hindi ako malaglag sa sahig. He's movements were too fast. Mabilis nitong nahubad ang pang-
"ANG buong akala ko 'ho ay magkasabay ang dalawang iyon na lumaki."Umiling si Aling Conchetta."Sa Maynila nagkaroon ng muwang si Massimo at Caspian. Bago pa man mangyari ang krimen, hindi ko kailanman nakasalamuha ang lalaking iyon na nagngangalang Black. Nagulat na lamang ako nang minsan na rin siyang umuwi rito ay kasa-kasama niya ang taong iyon na sa tingin ko ay tapat naman sa kanya."Segundo ang lumipas nang tumigil ito sa pagsasalita. Inaalisa ang nakaraan."Dahil sa nangyaring krimen. Nang si Massimo ay nakatuntong sa edad na dalawampu't-dalawa. Naisipan niya ang mangibang bansa. Noong una ay tumanggi ako sapagkat masyadong delikado para sa kanya ngunit masyadong malakas ang loob ni Massimo. Hindi rin lamang sa pagmamayabang since sa akin lumaki ang batang iyon. Mayroon siyang malakas na intellectual capacity kahit pa man ay hindi nakapag-aral sa kolehiyo. He's also good with money. Kaya marahil ay naitatag nito ang kompanya nang mag-isa doon sa Germany. Nang walang hinihingi
LALAINE Tahimik ang loob ng mansyon. Walang kahit na anong presensya ng ibang tao ang narito. Kung mayroon man, karaniwan sa mga iyon ay mga taong nakatira sa karatig-bayan. Kahit si Aling Conchetta ay hindi magkamayaw sa pagliligpit ng mga kalat. Mga kalat na dekorasyon sa seremonya ng kasal. Natapos ang selebrasyon na lahat ay galak. Paunti-unti ring umaalis ang mga piling bisita. Si Inay at Shawn ay umalis na rin. Personal na ipinahatid ni Massimo ang mga ito sa pinagkakatiwalaan nitong driver. I am here busy helping to clean the crafts. Gusto ko mang alisin ang sitwasyon na iyon kanina. Ngunit tila iyon sirang plaka na naglalaro sa'king isipan. Hindi na ako nilulubayan ng imahinasyon. Hindi na iyon maalis. Ang ibig kong sabihin ay, wala lamang akong maisip na sapat na dahilan upang patulan ni Massimo iyong pambatang hamon na inilaan ni Shawn. It's not even his cup of tea. Hindi ugali ng lalaking iyon na aksayahin ang oras sa walang makabuluhang mga bagay. Yet, he accepted







