NATIGILAN ako, inangat ang paningin kay Bross. "H-ho?" Awang ang aking bibig, walang naiintindihan sa pinapahiwatig nito. "Nag-request si Mr. Schmidt, Lalaine. Ayaw niyang may extra. Gusto niyang makilala ka nang personal ng kayong dalawa lang, hija." Nakangiting tugon ni Bross. "A-akala ko ba kasama ang buong production team at saka si Vicky rin?" Umiling si Bross. "Bayad na ang oras mo kay Mr. Schmidt, Lalaine. Sige na't lumabas ka na. Naghihintay na marahil sa iyo si Mr. Schmidt sa sasakyan nang mahabang oras." Pagtutulak nito sa akin palayo. "P-pero di'ba ang usapan ay—" pinutol ni Bross ang sasabihin ko. "Pasensyahan muna tayo ngayon, Lalaine. Ayaw ni Mr. Schmidt nang may ibang tao na kasama. Gustong solohin ka niya ngayon." Tumalikod ito. Naiwan akong hindi alam ang gagawin. Natatakot, nagdadalawang-isip. Ni kakarampot na pera noon ay kaya kong tipirin umabot lamang nang isang linggo. Ngayon na abot-kamay ko na ang pangarap ay may balakid naman. Itong karera ng
Last Updated : 2026-01-31 Read more