Partager

Chapter 12

last update Date de publication: 2026-10-27 17:51:39

Nakakaisang linggo na kami ni Fritz dito sa poder ng mga magulang ni Diego, at nakilala ko na rin ang iba pa niyang mga kapatid.

Nakakagulat nga na malaman na sampu pala silang magkakapatid, at lahat sila ay puro lalaki pa. Kaya naman parang anak na rin ang turing sa akin ni Mrs. Clea, ang nanay nila, dahil wala raw itong anak na babae.

Nagulat pa nga siya nang malaman niyang disisiete pa lang ako at halos kutusan na niya si Diego, dahil inakala niyang baka kinidnap lang daw niya ako na agad ko
Continuez à lire ce livre gratuitement
Scanner le code pour télécharger l'application
Chapitre verrouillé

Dernier chapitre

  • His Purchased Innocence    Chapter 16

    Habang nasa biyahe kami, hindi ko maiwasang magtaka nang mapansin na pamilyar sa akin ang lugar na tinatahak namin ngayon.At tuluyan kong napagtanto kung na saan kami ngayon nang ihinto na niya ang kotse sa parking lot ng ospital kung saan naka confined si mama.Agad akong napalingon sa kanya.“Bakit tayo nandito, Diego?”Inalis muna niya ang seatbelt na suot niya bago lumingon sa akin.“I know you want to visit your mom. And also, there’s good news waiting for you there.”Kumunot ang noo ko.“Good news? Ano ’yon?”Ngumiti lang siya sa akin. “See for yourself.”Mabilis ang mga hakbang ko papunta sa kuwarto ni Mama na nasaVIP room kung saan siya nilipat ni Diego. Ramdam ko na tahimik lang din na nakasunod si Diego sa likuran ko.Nanginginig ang kamay ko nang hawakan ko ang doorknob.At nang mabuksan ko ang pinto ay parang tumigil ang tibok ng puso ko sa nakita.Gising na si Mama.Gising na siya!Kita sa itsura nito ang panghihina pa, pero naka bukas na ang mga mata niya at nakatingin

  • His Purchased Innocence    Chapter 15

    Pagdilat ko pa lamang ay ang nakangiting si Fritz na agad ang bumungad sa paningin ko. Nakadagan ito sa akin habang pinagmamasdan ang mukha ko.Nakakahawa ang ngiti nito kaya gad din akong napangiti at hinaplos ang buhok niya.“Happy birthday, ate!” masigla niyang bati.“Thank you, Fritz,” malambing kong sagot bago ko siya halikan sa pisngi.Tiningnan ko ang oras at nakita kong alas-nuwebe na pala ng umaga at mukhang na late na ako ng gising.“Kumain ka na ba?” tanong ko sa kanya, ngunit agad siyang umiling.“Kumain ka na muna sa baba. Maliligo lang si ate,” sabi ko.Pinauna ko na siyang bumaba bago ako dumiretso sa banyo para maligo.Pagkatapos kong maligo, bumaba na rin agad ako at naabutan ko pa sina Mr. Leo at Mrs. Clea na mukhang ngayon palang din nag-aalmusal kasama ang apat nilang anak at si Fritz, na nilalagyan pa ni Mrs. Clea ng pagkain.Agad akong napansin ni Mrs. Clea kaya ngumiti siya sa akin.“Nandiyan ka na pala, Clara. Halika na at sumabay ka na sa amin,” aya niya.Agad

  • His Purchased Innocence    Chapter 14

    Halos mapatalon ako sa gulat nang sundutin ni Anne ang tagiliran ko, kaya nagtawanan sila ni Patricia sa naging reaksyon ko."Ano ba, Clara? Bakit ka nakatulala diyan?" natatawang sabi ni Anne."Kaya nga, halos hindi ka pa nakakain ng maayos. Tignan mo nga, parang wala pang bawas man lang yang pagkain mo," dagdag naman ni Patricia.Napatingin ako sa plato ko at nakita kong kakaunti pa nga lang ang nabawas sa pagkain dahil sa pagtulala ko mula pa kanina."Bakit ka ba kasi natutulala diyan?" tanong ni Patricia, kaya muling nanumbalik sa akin ang nangyari nung madaling-araw.Nagising ako around 2:30 am nang maramdaman kong may humahaplos sa buhok ko. Nang idinilat ko ang mata ko, agad na nawala ang antok ko nang makita si Diego na nakaupo ngayon sa gilid ng kama habang nakatingin sa akin na may mapupungay na mga mata.Agad akong kinabahan, lalo na’t nandito siya sa kwarto namin sa ganitong oras, kaya napabangon agad ako at napasandal sa headboard ng kama.Tinignan ko si Fritz na nasa tab

  • His Purchased Innocence    Chapter 13

    Napangiti ako sa harap ng salamin habang tinatapos ibutones ang huling butones sa uniform ko.Pinasadahan ko ng tingin ang sarili ko mula ulo hanggang paa, at hindi ko maiwasang maging masaya sa sarili dahil ganito pala ang feeling kapag nakasuot ka ng uniform ng school. First day of school ko ngayon.Ito ang pinakaunang araw ko at pinakaunang pagkakataon na papasok sa school. Hindi ko tuloy maiwasang mapuno ng saya ang puso ko.Kagabi, halos hindi ako nakatulog sa sobrang excitement na nararamdaman ko, kaya ngayong umaga, kakaunti lang ang tulog ko, pero hindi ko iyon ramdam dahil mas matindi ang saya na bumabalot sa akin ngayon.Ngunit bigla rin akong napalungkot nang maalala ko si mama. Panigurado kasing sobrang tuwa niya din sa akin kung makikita niya ako ngayon na nakasuot ng school uniform.Hanggang ngayon kasi, wala pa siyang malay at hindi pa gumigising. Pero ang sabi naman ng doktor ay maghintay lang ako at gigising din daw siya.Siguro bisitahin ko na lang siya mamaya kapa

  • His Purchased Innocence    Chapter 12

    Nakakaisang linggo na kami ni Fritz dito sa poder ng mga magulang ni Diego, at nakilala ko na rin ang iba pa niyang mga kapatid.Nakakagulat nga na malaman na sampu pala silang magkakapatid, at lahat sila ay puro lalaki pa. Kaya naman parang anak na rin ang turing sa akin ni Mrs. Clea, ang nanay nila, dahil wala raw itong anak na babae.Nagulat pa nga siya nang malaman niyang disisiete pa lang ako at halos kutusan na niya si Diego, dahil inakala niyang baka kinidnap lang daw niya ako na agad ko naman iyong itinanggi.Hindi ko alam kung ano ang sinabi ni Diego sa kanila, pero halatang wala talagang ideya si Mrs. Clea kung bakit ako narito. Mabuti na lang din at hindi niya ako tinatanong, dahil kahit ako mismo ay hindi ko rin alam kung ano ang isasagot ko kapag nagkataon.Ayoko naman kasing sabihin na kinuha ako ni Diego dahil sa deal naming iyon.Pero pakiramdam ko ay may ideya si Mr. Leo dahil sa mga tinging ibinibigay niya sa akin, lalo na tuwing magkasama kami ni Diego.Natatakot ng

  • His Purchased Innocence    Chapter 11

    Tiningnan ko si Fritz na mahimbing na natutulog habang nakaunan ang ulo niya sa aking mga hita. Nakatulugan na niya ang walang tigil na pag-iyak kanina.Naawa ako kay Fritz.Sa murang edad niya, nararanasan na niya agad ang hirap ng buhay na samantalang sa edad niyang iyon, dapat ay masaya lang siyang naglalaro sa labas, walang iniintinding problema.Alam kong naiinggit siya sa ibang mga batang maayos ang buhay dahil kahit ako, naiinggit din sa mga taong ganoon. Iba talaga ang pakiramdam kapag alam mong hindi ninyo kailanman mararanasan ang ganoong buhay.Tunay ngang hindi pantay ang mundo.Napunta ang tingin ko sa rearview mirror, lalo na sa lalaking nagmamaneho ng sasakyang sinasakyan namin ngayon.Hindi ko alam kung tama ba ang naging desisyon kong sumama sa kanya at tanggapin ang deal na inaalok niya, pero wala na rin akong magagawa pa.Hindi ko na alam kung ano ang dapat kong gawin, at siya na lamang ang tanging taong naiisip kong maaaring tumulong sa akin.Paniguradong pagsisisi

Plus de chapitres
Découvrez et lisez de bons romans gratuitement
Accédez gratuitement à un grand nombre de bons romans sur GoodNovel. Téléchargez les livres que vous aimez et lisez où et quand vous voulez.
Lisez des livres gratuitement sur l'APP
Scanner le code pour lire sur l'application
DMCA.com Protection Status