Nang makarating sa parking lot, dumeretso sa loob ng kotse 'yung lalaki at nagpalit ng damit. Agad din 'tong lumabas ng kotse habang nakangiti.
"Here." Inabot nito ang damit sa dalaga. Nakangiting tinanggap naman ito ni Eunice at nilagay sa bag na dala, "Pag nalabhan ko na 'to kuya, ibabalik ko sa'yo. Nga pala pwede ko makuha ang number mo? Para pag okay na 'yung damit mo, itetext o tatawagan na lang kita."
"Alright, no problem." Inabot ni Eunice ang phone niya sa lalaki. Ewan ba niya, hindi naman siya ganito. Pwede namang hindi niya bayaran o labhan ang damit ng estrangherong kaharap, kaso iba talaga 'e, ang gaan gaan ng pakiramdam niya sa tao.
Matapos malagay ng lalaki ang number niya sa phone ni Eunice, binalik niya na ito sa dalaga.
"Thank you! Sorry talaga ha? Itetext na lang kita pag okay na 'tong damit mo." Tiningnan ni Eunice ang phone niya para i-save sana ang number ni kuya kaso napakakunot noo siya nang walang pangalan na nakalagay, number lang talaga. 'Ano ba 'yun? Hindi man lang nilagay ang name niya.' Anito sa isipan.
"Ah kuya? Anong name mo? Para ilagay ko dito?" Naiilang na saad niya, winagayway pa niya ang sariling telepono. 'Jeez Eunice, parang sa datingan mo gumagawa ka ng move kay kuya 'e! Aist! Baka anong isipin niya, huhuhu baka akalain niya trip ko siya, nakuuu kuya kasal na ako.'
"Oh sorry, nakalimutan ko ilagay. Anyway, I'm Jacob Fuentes." Nilahad nito ang kamay. Nakangiting inabot ni Eunice ang kamay nito at nagshake hands sila, "Eunice Dela Cerna."
"Oh Dela Cerna, hmmm what coincedence. Kaapelyido mo pa ang kaibigan ko." Ngumiti naman ako.
"Talaga?"
"Yeah. Oh siya okay na siguro? Pwede ka na mamili miss. Anong oras na baka gabihin ka." Nanlaki naman ang mata niya. Chineck nito ang oras at oo nga! Nako po.
"Hala oo nga. Hehe sorry talaga Jacob ah? Text na lang kita pag okay na 'yung damit mo. Bye!" Tumalikod na siya at nagmadaling naglakad. Hindi na niya hinintay ang sagot nito. Kailangan na niya magmadali.
"Alright Eunice! Hintayin ko ang text mo!" Habol na sigaw ni Jacob. Nilingon niya ang lalaki at kumaway. Nagmadali na siya dahil baka gabihin nga siya. Malalagot siya kay Travis pag hindi siya naabutan sa bahay.
Habang si Jacob, pinagmasdan lang si Eunice habang nagmamadali itong maglakad pabalik sa supermarket, "Ibang klaseng babae, nakakatuwa siya. Sana magkita ulit kami.." Nang mawala na sa paningin, napagpasyahan na niyang pumasok sa kotse at umalis. Kanina pa siya hinihintay ng mga barkada niya.
******
Hingal na hingal na nilapag ni Eunice ang mga pinamili sa ibabaw ng lamesa. Tiningnan nito ang oras.
"Gosh, 4:55 p.m. na, kailangan ko na mag ready ng dinner namin. Mamaya ko na aayusin ang mga pinamili ko." Mabilis kumilos si Eunice. Kinuha agad niya ang rice cooker para magsaing. Ang lulutuin na lang muna niyang ulam ay adobong manok para mabilis lang. Baka dumating na kasi ang asawa niya.
Matapos mailuto ang kanilang dinner, inumpisahan na niyang ayusin ang mga pinamili. Baka maabutan pa ng asawa ang ganoong itsura at magalit na naman ito.
Habang nilalabas ang gulay na binili, napatingin siya sa bag at naalala ang damit na lalabhan niya.
"Oo nga pala 'yung damit ni Jacob lalabhan ko pa pala." Mabilis niyang hinugasan ang mga gulay bago ilagay sa ref. Tinapos na muna niya ang dapat gawin bago bumaling sa bag niya at kinuha ang damit.
"Sana mawala ang dumi nito para hindi ako mapahiya kay Jacob. Ang lakas pa ng loob kong sabihin na lalabhan ko na lang, tsk!" Pumunta siya sa likod bahay para kunin ang maliit na planggana. Nilagay niya ang damit at bumalik sa kusina, sa lababo na lang niya lalabhan para kung sakaling dumating ang asawa'y maririnig na niya agad.
"Geez! 'Yung sabon pa pala, ano ba 'yan!" Naiirita siyang bumalik sa likod bahay para kunin ang sabong panlaba,
Pagbalik, sinimulan na niya itong labhan.
"Gosh! Ang hirap matanggal ng dumi! Waaaah makisama ka naman! Uhmm, ibabad ko na muna kaya? Para lumambot 'yung dumi? Ays, ganon ba 'yun? Nakalimutan ko na 'yung tinuro sakin ni manang dati, hays. Ibabad ko na nga muna tapos mamaya ko na lang kusutin ulit." Naghugas na siya ng kamay. Iniwan na lang muna niya sa lababo ang nilalabhan.
Inayos na niya ang lamesa. Muli niyang tiningnan ang oras. 6:38 na, pauwi na asawa niya.
At hindi nga siya nagkamali, ilang minuto lang ang nakalipas narinig na niya ang busina ng kotse nito sa labas.
Mabilis siyang lumabas ng bahay para buksan ang malaking gate.
Pumasok ang kotse ng asawa. Muli niyang sinara ang gate at nakangiti siyang lumapit sa asawa.
"Sakto ang dating mo, nakapagluto na ako ng hapunan. Tara kumain na tayo." Tiningnan lang siya saglit ni Travis tapos naglakad na ito papasok sa mansyon. Naiwan siyang mag isa sa labas, nagkibit balikat na lang siya at sumunod sa asawa. Sanay na siya na ganoong reaksyon nito.
Nakita niyang naupo ito sa may sala habang hinuhubad ang necktie nito, sumunod ay yumuko ito para hubarin ang sapatos. Kumilos naman agad si Eunice para kunin ang tsinelas pambahay ni Travis.
Agad siyang lumuhod para tulungan ang asawa.
"Ako na, isandal mo na lang ang likod mo sa upuan para marelax ka." Hindi na umapela pa si Travis, pagod siya sa trabaho. Wala siyang oras na singhalan o magalit sa babaeng kaharap. Pinagmasdan na lang niya ang ginagawa nito.
Hinubad ni Eunice ang sapatos ni Travis at ang medyas nito. Bago ibaba, hinilot hilot na muna niya ito. Nakangiti siyang tumingala sa asawa, nakita niyang napapikit ito, mukhang nagugustuhan ang ginagawa niya.
Nang matapos hilutin ang paa ng asawa, kinuha niya ang sapatos para itabi. Muli siyang bumalik sa asawa na nakasandal pa rin sa upuan at nakapikit ang mga mata. Kahit nagdadalawang isip, lumapit siya sa likod nito para hilutin ang balikat nito.
Napapitlag si Travis nang maramdaman niya ang kamay ng asawa sa balikat niya. Imumulat na sana niya ang mata at pagsasabihan ito na alisin iyon, kaso naramdaman niya ang marahang hilot nito sa balikat niya. Masarap iyon, pinili na lang niya ang manahimik. Ang dami niyang ginawa sa opisina, kailangan niya ang hilot na ganito para marelax.
Napapangiti si Eunice habang minamasahe ang balikat ng asawa. Buti na lang hindi ito nagalit, akala niya sisinghalan na naman siya 'e.
Makalipas ang ilang minuto, dumilat na si Travis at tumayo. Nagulat naman si Eunice.
"Kumain na tayo para makapagpahinga na." Naglakad patungo sa kusina si Travis, maghuhugas muna ito ng kamay bago maupo sa hapag kainan.
Tumango tango si Eunice kahit hindi nakita ni Travis. Dumiretso na lang siya sa lamesa para icheck kung may kulang pa ba sa mga hinanda niya. Kumpleto naman na lahat.
TRAVIS A married life doesn't easy, dahil doon palang papasok sa pagsasama niyo ang mga pag-subok sa inyong buhay. Ang dami naming pinag-daanan ni Aaliyah, simula sa umpisa hanggang sa nagsama na kami at bumuo ng isang pamilya. Akala ko talaga tuluyan na akong iiwan ni Aaliyah, Akala ko masisira na ang pamilyang binuo ko. Salamat dahil may asawa akong maunawain at maintindihin. Nag-papasalamat talaga ako na pinilit ng mga magulang namin na ikasal kami ni Aaliyah, kasi siya pala ang babaeng bubuo sa akin, ang babaeng mamahalin ako sa kung ano ako, Ang babaeng mahal pa rin ako kahit nasaktan kona ng ilang beses, Ang babaeng pinaiyak ko pero tinanggap pa rin ako ng taos puso. Ang babaeng nagparanas sa akin ng totoong pagmamahal at pinaramdam sa akin ang totoong kasiyahan. She’s the right girl for me and to love her is very worth it. I never regret that she is the woman I loved and will be with until my old age. Sobrang proud ako dahil si Aaliyah ang asawa ko at duma
** “Love, the doctor said you were pregnant. We will have a baby, we will have the family we want. Binigyan na tayo ng anghel na ninanais natin. Thank you, Love. Sobrang saya ko.” Emosyonal na sambit ni Jacob, habang mahigpit na nakahawak sa kamay ng asawa. Samantalang si Bes, naman ay natulala. Hanggang sa unti-unting nanubig ang kanyang mga mata. At hindi makapaniwalang tumingin sa amin. “T-talaga? Buntis nga ako? Totoo 'yong hinala natin, Bes?" mabilis naman akong tumango habang may ngiti sa labi. At doon, napahagulgol na nga siya ng iyak. Niyakap naman siya ni Jacob. “Oh my gosh..'yung dating pinapangarap ko lang, binigay na ni lord. Magiging isang ganap na kaming pamilya soon." “Yes, love. Matutupad na ang pangarap natin.” Hinayaan muna namin sila saglit sa ganoong tagpo, umiiyak pa rin si Bes, iba talaga ang hormones ng buntis. “That's enough, Bes. Hindi pwede sa buntis ang ganyan, makaka-apekto sa baby. Hanggang maari dapat iwas sa stress okay?” Sunod sunod
Aaliyah Nakarating kami sa hospital at agad na dinala sa ER si Trisha para icheck kung anong lagay nito. Habang kami nag-hihintay lang sa labas. Hindi mapakali si Jacob, palakad lakad ito, pabalik balik. “Hey, Ja. Can you please, sitdown? Nahihilo ako sa'yo. Don't worry too much. Sigurado ok na si Bes.” Sabi ko ng hindi na matiis ang pagpapabalik-balik niya. Nilingon naman niya ako. “How can I calm down, Ali? my wife is inside and I don't know the reason why she fainted, then you still don't want to tell us what really happened.” Halata sa boses nito ang pagkairita, naiintindihan ko naman. Bumuntong hininga ako bago siya tinitigan ng deretso sa mga mata. “I understand that you're worried, but I don't want to say my suspicions right away. Maybe I'm wrong and giving more problems. I want to make sure first and I really want the truth to come from the doctor or Bes. I'm sorry. You will understand me later. I don’t want to rush right now; there’s still no certainty.” Sery
KINABUKASAN Nagising ako dahil may naririnig akong nagsusuka, nakapikit ang isang mata ng kapain ko sa center table ang phone ko para icheck ang oras, 5:18am palang. Ang aga-aga pa. Dahan-dahan akong bumangon at pinakinggan kung tama ba ang naririnig kong may nag-susuka. Nang masigurado kong may tao nga sa banyo ay bumaba ako sa kama at sinilip ang bawat higaan kung sino ang kulang. Nangunot ang noo ko, nang makitang walang katabi si Jacob, Sobrang sarap ng tulog nito na hindi niya alam na wala na siyang katabi. So, means si Trisha ang nasa loob at nag-susuka? Muli kong pinasadahan ng tingin ang higaan, malalalim pa rin ang tulog nila. Mukhang pagod na pagod sa bihaye kahapon at sa pag-langoy tapos sinabayan pa ng uminom kami kagabi. Dalawang beer lang naman ang aking ininom. Sila ay medyo nakarami din pero hindi naman mga lasing o may tama. Sakto lang para pampatulog talaga. Pagkatapos ko pasadahan ng tingin ang lahat ay dahan dahan na akong nag-lakad patungo sa ba
Aaliyah Matapos kumain, nag-pahinga lang kami saglit, bago nagpalit ng damit pang-ligo. Inuna ko munang bihisan si Trisha na excited na excited ng bumaba. Sinunod ko naman si Trevor na tuwang tuwa din sa kanyang salbabida na binili ni Travis sa baba. Nang masiguro kong ok na ang mga bata, ako naman ang sumunod na nag-bihis. Isang bikini na kulay pula ang sinuot ko, tapos ay pinatungan ko iyon ng isang white maxi summer dress with slit. Hinayaan ko lang nakalugay ang wavy kong buhok. Nang makuntento sa ayos ng aking suot ay lumabas na ako ng banyo. Saktong ako na lang pala ang hinihintay ng lahat. Napangiti ako ng makita ang ayos ng asawa ko. Parehas kami ng kulay ng damit. Ang sa kanya naman ay isang floral hawaiian summer polo shirt na naka bukas at may panloob na sandong puti tapos ay isang board short na navy blue ang kulay. Napaka-gwapo talaga ng asawa ko. "Okay na ba ang lahat? let's go! saktong sakto ang baba natin." Excited na yaya sa amin ni Trisha. Kinuha nit
Nang mag-park si Travis ay binalingan kona si Trishana at Tracy, para dahan-dahan gisingin. Si Trevor naman ay mabilis lang nagising ni Elsa, Alam na alam na talaga niya kung paano gigisingin ang bata na hindi totoyoin. Kanina habang nasa biyahe ay nasa akin si Trevor nilalaro ko siya at nagbobonding kaming mag-ina kaso ng inantok na ay hinanap pa rin niya si Elsa at doon na nga ito nakatulog sa kandungan ng babae. Wala naman akong nagawa dahil laging si Elsa talaga ang nakasama nito sa nagdaan na buwan at araw. Ang problema lang kapag bagong nanny na ang mag-aalaga dito. Baka ang mangyari ay hindi muna ako makapasok sa kompanya kapag nagkaganon. Baka mahirapan ang bago naming makukuhang nanny, kailangan ko muna siyang alalayan at ituro ang mga dapat gawin. “Girls, gising na. Nandito na tayo.” Malambing ang boses na gising ko sa kanila. Nang marinig nila ang sinabi ko ay agad agad silang umayos ng upo at sumilip sa labas. “Omg! Were here na po talaga!” Masayang turan ni