Share

Chapter 4

HILAW akong natawa dahil sa pangako nitong halata naman na never niyang magagampanan. Isa lang naman ang pwede niyang gawin para hindi na ko mandiri sa kanya at iyon ang itigil niya na ang pagiging babaero, pero subrang labo non para sa kanya, hindi nga ata mabubuhay ang lalaking yan kung walang mahahalikan.

"Man whore."

Ang akala ko magagalit siya dahil sa sinabi ko pero hindi ganon ang ekspresiyon na pinakita niya, after he saw the girl crying to her friend may ngisi sa labi na tumingin sakin si Kuya West.

"Wag mong masiyadong isipin ang mga sinabi ko, thank you for being here Doll, a big thanks for being part of the show."

Hindi ko alam kung ano ba ang dapat kong maramdaman. Bakit ko nga ba seneryoso ang mga sinabi niya? Nong una palang galit siya sakin dahil sa mga sinabi ko doon sa bahay nila tapos ngayon, parang nag confess? Bakit hindi ko manlang naisip na baka pinag lalaruan niya lang ang damdamin ng babae at dinamay ako.

"Hindi nakakatuwa ang palabas na ginawa mo. If you want your show to be popular, wag mo kong idamay dahil kakaiba din ako gumawa ng palabas. Baka pag sisihan mo pag naging parte ka nito," hindi ko matatawag na babala ang mga sinabi ko, gusto ko lang malaman niya na hindi ako natutuwa kung sinasali niya ko sa mga kalukohan niya.

Ayokong madawit sa kahit anong gulo na gawa niya, kung siya walang pakialam sa magiging kalabasan nito, ako meron. May pakialam ako sa imahe na iniingatan ng mga magulang ko, siguro sa susunod nalang ako gagawa ng mga larong kagaya niya kung ibang lastname na ang gamit ko.

Hindi ko alam kung ilang minutong nag papaulit-ulit sa isip ko ang mga nangyari ngayon-ngayon lang hanggang sa nalampasan ko na pala ang library na dapat pupuntahan para humiram ng history book.

Pag harap ko namumula ang ilong at pisngi habang mugtong ang mata ng babae ang sumalubong sakin. Ganon niya ba kagusto si Kuya West para iyakan niya ng ganito? Ano nga ba ang nakikita nila sa manluluko na yun na hindi ko makita?

"K-kaya ba pinaupo mo ko sa bench para i-isampal sa mukha kong ikaw ang g-girlfriend niya?"

Bahagya ko pang iginilid ang ulo ko para ipaalam sa kanya na clueless din akong tao. "Girlfriend nino? Mukha ba kong low class na papatol sa babaero?" balik kong tanong dito.

"Are you saying na low class ako?" nawala ang amo sa mukha niya.

'Tsk akala ko totoong inosente ang isang to.'

"Hindi mo narinig sa bibig ko na ikaw ang tinutukoy ko, pero kung iyan ang pag kakaintindi mo. Edi sige, low class ka para pumatol sa gago."

"So, hindi ka niya girlfriend?"

"Ni Kuya West?" paninigurado ko kunwari.

"My gosh! K-kapatid ka niya?" nanlalaki ang mata niya habang nakaawang ang bibig.

Hindi ako tumango o umiling man lang, i want her to believe kung ano man ang paniniwalaan niya. Wala akong oras para mag laro dahil una palang hindi naman talaga ako kasama sa gulong to.

"Tsk."

Iniwan ko siya sa labas at nag lakad papuntang library, laking pasasalamat ko nalang talaga dahil hindi niya na inisip pang sumunod o mag ingay man lang.

Nagiging pala isipan para sakin kung bakit ganon nalang sila kabaliw sa babaerong yun, like, wala na ba silang choice kundi ibaba ang standard nila para lang sa gwapo? I admit, gwapo nga si Kuya West pero hindi ganon ang standard ko, wala pa siya sa kalingkingan ng standard ko, nikatiting wala.

"Sign ka lang dito hija."

Tumango ako sa sinabi ng librarian at pumirma kagaya ng utos nito, hindi ko nilagay ang exact date na ibabalik ang libro dahil alam kong kailangan kong aralin halos lahat dito, alam kong kailangan kong basahin ang lahat para may tumatak na bagong salita sa utak ko.

"Thank you ma'am."

Umalis ako sa library na dala ang hiniram na libro at dumiritso ng classroom para kunin ang bag para makauwi ng maaga. Wala naman nang gagawin kaya mas mabuti nalang na umuwi kaysa mag liwaliw lalo na't may pinag hahandaan akong contest.

(AFTER A FEW HOURS)

HALOS ganon nalang ang gawin ko, higa doon at higa dito para hindi mabored sa binabasa. Mas gugustuhin ko pang mag basa ng ebooks or novels kaysa sa history, hindi naman sa tamad akong mag basa ng educational books pero iba talaga ang dating pag history.

Ililipat ko na sana sa ibang page ng tumunog ang phone kong naka-charge sa study table, tinignan ko muna ang caller nito at ng makitang si Kuya West iyon hindi ako nag laan ng minuto para mag isip. I didn't answer his call.

Bumalik ako sa kama para basahin sana ulit ang libro pero sa pangalawang pag kakataon tumawag na naman ang loko, pero kagaya ng ginawa ko nong una hindi ko sinagot ang tawag nito.

Ang ingay ng sunod-sunod na missed call nito, pag talaga hindi importante ang reason ng pag tawag niya masasapak ko siya bukas, kailangan ko ng sapat na pag-aaral at tulog dahil may test pa kong dapat iperfect bukas.

"What do you want, man whore?"

Nag tataka kong tinignan ang phone, hindi ko alam kung pinatay ba nito ang tawag kaya walang nag sasalita o ibang tao ang tumawag?

Pero tama naman ako na si Kuya West ang caller, pero bakit hindi man lang sumagot ang lalaking to? Is he trying to waste my time?

["H-hello sweetie? Nakakaisturbo ba si tita sayo?"]

Natakpan ko ang bibig ng marinig ang malambing na boses ni Tita Eden. She used Kuya West phone! My gosh tinawag ko pa namang man whore si Kuya West!

"Tita? I'm not busy po bakit?"

["Nag away ba kayo ni West kaya ka umalis ng bahay? How are you?"]

Kung si Mommy sana ang tumawag sakin ngayon at kukumustahin ako baka kanina pa ko tumalon sa tuwa, pero hindi e, ever since umalis sila ni daddy hindi pa siya tumawag sakin. Kung tumawag naman si daddy puro paalala lang tungkol sa grades ko.

"Sorry po Tita kung hindi ako nakapag paalam gusto ko rin po kasing mag karuon ng tao dito sa bahay para hindi mukhang hunted house pag dumating sila Mommy."

Kahit hindi ko kita alam kong nakangiti si Tita ngayon dahil sa sinabi ko. Naalala ko noon na kahit katiting lang na ginagawa ko nagiging proud siya sakin, kung sana si Tita Eden ang Mommy ko hindi ko sana mararamdaman ang pressure na to, hindi ko sana iisipin na kailangan kong i-perfect lahat ng kilos ko at isipin lahat ng galaw at salita bago ko isa-kilos o lumabas sa'king bunganga.

["May family dinner tayo tomorrow kaya sumama kana kay West papunta dito sa bahay, pupunta din si Tita Jhellian mo at Ella at inaasahan din namin si Tito Blue at Tita Liza mo kasama si Brail."]

Ilang taon narin simula nong nakita ko si Brail at aminadong siya ang ideal man ko pero hindi ko siya crush, kahit ideal man yun hindi parin pasok sa standard. Ilang taon na ang lumipas kaya hindi ko alam kung pareho parin ang ugali nito ngayon sa ugali niya noon.

"Hindi po ba pwede na ako nalang pumunta mag-isa diyan o sumama nalang po ako kay Ella? Hindi po kasi kami okay ni Kuya e."

["Oo naman, basta pumunta ka okay? Miss na kita at may pasalubong din si Tita sayo, ang sabi ni West may contest ka kaya hindi na muna kita iisturbohin for chika, see you tomorrow hija."]

"Thank you sa invite, bye po Tita."

Si Tita na ang pumutol ng tawag at ako naman bumalik na sa ginagawa kanina. Gusto kong kaltukan ang sarili dahil walang pumapasok na kahit ano sa utak ko, para akong nag babasa pero walang naiintindihan.

Masiyadong napupuno ang utak ko ng mga posibilidad na mangyari bukas, isabay pa ang muling pag kikita-kita namin nila Brail.

'I give up!'

Matutulog nalang ako para may lakas ako bukas, i-re-refreash ko nalang ang mga binasa ko ngayon para may maalala ako pag nag test bukas. Kailan ko din ng lakas para makipag plastikan sa lalaking yun at kay Tita Jhellian narin. For sure tudo tanong na naman siya tungkol sa buhay ko bukas, at siguro ako na naman ang main topic nito.

Kaugnay na kabanata

Pinakabagong kabanata

DMCA.com Protection Status