Share

Chapter 5

UMAGANG-UMAGA chismis agad ang bumungad sakin sa school, nag tranfer daw ang babaeng may gusto kay Kuya West kaya ang ibang kababaehan galit ang itsura.

Wala naman ng bago don, talagang nag t'transfer ang taong may gusto kay West once na malaman nilang araw-araw itong pumasok. Yung iba nga lang napapagud kasi hindi nila makita si West dito sa school, sino ba namang tanga ang mag-iisip na sa lawak ng school namin makikita nila ang hinahanap nila? Parang pusang gala pa naman ang lalaking yun lalo na kung may tinataguan.

"Ayaw niyo ba non may new member na tayo?" ngiting wika ni Divine sa mga kasama niya.

Si Divine ang president ng fandom kuno ni Kuya, siya ang admin ng page at siya ang nangungunahan sa mga activities tuwing may laro ng volleyball ang grupo nila. Sa lahat ng fandom president siya lang ang maswerteng nakakalapit sa grupo para kumuha ng picture or interview.

"Hindi kaba takot na baka maagaw niya ang pagiging president mo sa fandom?" tanong naman ng isang kaibigan niya.

Nakangiti parin siya na umiling. "Kahit ibigay ko pa sa kanya yun o kahit sino sa inyo dito. Ang iniisip ko lang hindi kayo nakakalapit sa kanila kaya wala rin kwenta."

Tama naman siya, kahit hawak nila ang title ni Divine hindi din sila papayagang makalapit ng grupo lalo na ni West, kahit mga babaero ang mga lalaking yun may pinipili din naman sila, minsan nga lang.

"Ella?" taka kong tawag sa babaeng nakasilip sa bintana.

"Noveda my dear," ngisi niya.

"What are you doing here? Wala ka bang pasok?"

"Ten na sister, kung may pasok tayo sana kanina pa pumasok yung mga teachers natin. Mabuti na nga lang na walang pasok kasi i forgot to review."

"Sayang naman yung pag r'review na ginawa ko," i pouted.

"Sasabunin ka naman ni Mommy mamaya kaya mabuti nang nag aral ka," biro niya.

Inirapan ko lang siya bago maalalang mamaya nga pala ang family dinner na sinasabi ni Tita Eden. Mabuti nalang palagi akong may dalang damit kaya mag papalit muna ako para hindi subrang madumihan ang uniform na suot.

"Sayo ako sasabay mamaya, dala mo ba sasakyan mo?"

Umiling siya. "Makikisabay lang din ako kay West mamaya. Sabay ka nalang din."

I don't know what to react. Kaya nga ko sasabay sa kanya kasi ayokong sumabay kay Kuya West tapos malalaman kong makikisabay lang din siya? Mukhang wala na kong ibang choice kundi sumakay ng jeep papunta sa bahay ng mga Clemente.

"Mauna nalang pala kayo may dadaanan pa ko. By the way, may meeting ba ngayon? Bakit walang teachers?" nakita kong umupo siya sa sahig kaya agad naman akong napatayo. "Pumasok ka nga! Nakakahiya itsura mo diyan, uupo ka tapos sisingaw yang palda mo!"

Natawa lang siya bago dahan-dahan na sumilip sa pinto at pumasok. Wala namang pakialam ang mga kaklase ko kung may pumasok na taga ibang section, busy din sila sa mga kanya-kanyang chika sa buhay na parang hindi nag kita kahapon.

"May meeting daw sila para sa laban ng Volleyball team. Hindi ko nga alam kung bakit isasabay pa ang laban nila sa intrams."

"Malamang kasi may sport festival."

"Diba contest mo rin yun? Hindi ba uuwi sila Tita Almeera para manuod sa laban mo?"

"Ano sa tingin mo ang laban ko? Boring para sa kanila ang quiz bee kaya mas mabuting wag nalang sila pumunta."

As if naman pupunta sila pag sinabi ko. Wala ngang time tumawag dahil busy, mag laan pa kaya ng panahon para sa bored na quiz bee?

"Sayang naman, good thing nandito ako at sila Tita Eden. Mananalo ka kasi alam naming bukod sa dugo maraming letra ang laman niyang utak mo."

"Kahit maging champion pa ko kagaya ng sinasabi mo wala lang yun para sa mga magulang ko."

Mapait ang naging ngiti niya dahil sa sunod na sinabi ko, maybe relate din siya dahil ganon din naman ang Mommy niya not like her Father na tudo support sa kung anong gusto niya. Her Mom loves spoiling her with new things pero hindi naman nito mapakita na mahal talaga siya, while her Dad keep motivating her at laging nandiyan kahit di binibigay ang mga gusto niya.

Okay na sana sakin kung ganon din si Daddy, okay na sana sakin kung may Lola at Lolo akong mapupuntahan kung wala ang parents ko, kaso wala rin eh. Bukod sa parehong nasa canada ang parents ni Daddy dahil do'n sila nakatira wala rin akong relatives dito maliban sa mga bestfriends ni Daddy.

I remembered na palugi na ang negosiyo ng mga grandparents ko sa Canada kaya maybe this year sasabay sila sa pag uwi nila Mommy dito sa Philippines.

Naalala ko kung ganon kabait ang mag asawang Tañega sakin, hindi ko lang alam kung dahil bata pa ko no'n o talagang ganon talaga ang ugali nila.

"Bakit parang ang lalim ata ng iniisip mo?"

Saan niya naman kaya nakuha ang pag kain na yan? Don't tell me binuksan niya ang lunch box ko na hindi ko man lang namamalayan?

"Where did you get that?"

"Sa lunch box mo, peace tayo gustom na kasi ako."

Naiiling nalang ako dahil sa katakawan niya. Hindi ko naman na pwede agawin dahil nakagatan niya na iyon.

"Iniisip ko lang kung ano ang mangyayari sakin pag umuwi dito sa Philippines sila Lola."

"Mas okay yun para may kasama kana sa bahay niyo."

"Kaya nga, ang iniisip ko lang kung makakaya ko ba ang ugali na meron sila. Bata pa ko nong huli ko silang nakita," nguso ko.

"Mababait daw sila sabi ni Tita Eden, minsan nga nakwento nila na dahil sa grandparents mo kaya nag katuloyan sila ni Tito Wayne."

Sana nga mabait sila. Dahil hindi ko na ata makakaya pa kung may mga bagong taong dadating sa buhay ko hindi para pagaanin ang pressure na nararamdaman ko kundi pabigatin pa ito. Ang kailangan ko ngayon isang tao na kaya kong sandalan pag subrang bigat na ng pinapasan ko, at sana ang Lola at Lolo na ang taong iyon.

"Friday ba ngayon?"

I check my phone kung friday na nga ngayon at ng makitang friday nga inayos ko na agad ang gamit ko, kapag friday ang ibig sabihin half day kaya hindi na dapat ako mag tataka kung bakit busy ang teachers ngayon dahil kadalasan friday ginaganap ang mga meetings or what-so-ever nila.

"Mauna na muna ako sayo Ella, kita nalang tayo sa bahay ni Tita Eden."

Kumaway pa ko dito habang papalabas ng school, hinatid niya ko hanggang sa gate dahil wala naman daw siyang gagawin. Busy din si Third dahil may practice sila ngayon kaya baka after ng pag hatid niya sa gym sunod niyang ruta.

Pumara ako ng jeep na may karatulang Tacloban at may nakasulat na Robinson sa ibaba nito, siguro mag papahangin lang muna ako don at mamimili ng pwede bilhing libro. Nakakasawa na ang ibang novels ko at talagang kailangan ko na ng bago.

Bibili narin ako ng keychain para do'n ko ilagay ang mga susi ko from susi ng kwarto, bahay, locker, at susi narin ng kwarto ko sa bahay ni Tita Eden.

Twenty-five pesos lang ang bayad from school papuntang Robinson kaya hindi na subrang bigat sa bulsa, after kong mag bayad tumakbo agad ako papasok sa loob at tinignan ang area ng mga anime keychain.

May keychain ng Hunter X Hunter, meron ding Attack On Titans, Hero Academia, One Piece, Promise Neverland at higit sa lahat ang pinaka favorite ko, Haikyuu. Dalawang keychain ang kinuha ko isang keychain na chibi version ni Shoyo Hinata at yung isa chibi version din pero dalawa na sila ni Tobio Kageyama na nag aagawan ng bola.

Unang tingin ko palang sa dalawang keychain pumasok agad sa isip ko si Kuya West, kuhang kuha nito ang talon ni Hinata at Serve ni Kageyama para siyang two in one. Ang pag kakaiba nga lang ayaw ni Kageyama sa atensiyon na siya namang gusto ni Kuya West at maganda ang ugali ni Hinata na kabaliktaran ni Kuya.

"Mag kano ang ganitong keychain?"

"170 po ma'am ang keychain na si Shoyo Hinata ang design while 250 naman po yung isa pang hawak mo."

Gusto kong sabihin na ang mahal naman pero hindi ko magawa, ang ganda ng quality niya kaya siguro ang mahal tapos ang cute pa.

"Sayo nalang sukli ate," ngisi ko sabay abot ng 450. Binigay niya sakin ang maliit na supot na nag lalaman ng binili ko.

Sunod kong pinuntahan ang food gallery at bumili ng finger food para may makain ako habang nag lilibot, hindi na ko nag tagal sa food gallery dahil gusto ko ng makahawak ng bagong libro, kanina pa nangangati ang palad ko.

Marami akong shop na pinasukan pero lalabas din na walang dala, hindi malaking halaga ang perang dala ko kaya kung gusto ko ng libro kailangan kong mag timpi sa lahat ng nakikita para may pera akong ipangbili.

Pag pasok ko ng National Books Store amoy ng mga bagong libro ang agad na bumungad sakin, agad kong hinanap ang area kung saan Fictional/W*****d books ang nakalagay at pumili ng librong hindi tumataas sa 250. Ang gaganda ng mga librong labas ngayon ang kaso nga lang mga mahal ito, kung hindi 290 umaabot ng 300 pataas at ang isang libro nga ng He's Into Her 600 ang price.

Bagsak ang balikat akong namili ng maliliit na novel dahil iyon lang ang pasok sa budget ko pero wala naman akong magustohan kaya ang kinalabasan lumabas din ako sa National Books Store na walang dala.

Malungkot ang naging tingin ko sa phone na bigla nalang nag ring, si Ella ang caller nito. Dumapo ang tingin ko sa orasan ng phone at kung pwede lang maluwa ang mata ko kanina pa naluwa, five na ng hapon at dapat sa mga ganitong oras nandon na ko.

Kabadtrip naman mukhang hindi ako masasabon about academics kundi masasabon ako kung bakit late akong dumatin.

Sa bunganga pa naman ni tita Jhellian magaling gumawa ng kwento kahit wala namang nakita basta yung ang pinaniniwalaan niya ip'push niya.

________

expectation:

Noveda: 'Sorry i'm late, galing akong Robinson para bumili sana ng libro.'

Jhellian: 'Upo na para kumain, baka lumamig ang foods.'

reality:

Noveda: 'Sorry for being late, galing akong Robinson para bumili ng libro.'

Jhellian: 'Di pa nga nag tatanong nag dahilan na agad, ganon siguro pag may boyfriend na kadate.'

Kaugnay na kabanata

Pinakabagong kabanata

DMCA.com Protection Status