Share

Chapter 6

HUMAHANGOS akong pumasok ng kusina at naabutan silang nakaupo doon pero hindi pa nag sisimulang kumain.

"Nandito na pala ang hinihintay natin."

Ngisi at nanunuyam ang tingin ni Tita Jhellian at alam ko na kung saan patungo ang magiging usapan naming ito kung hindi ko pa unahan.

"Sorry for being late, pumunta akong Robinson para bumili ng libro."

"Di pa nga nag tatanong nag dadahilan na agad, ganon siguro pag may boyfriend na ka-date."

"Dating is not my thing."

"Bakit hija wala ka bang boyfriend ngayon?" ngiting tanong ni Tita Liza sakin.

Lumapit muna ako sa kanila para b****o at ganon din sa asawa nitong si Tito Blue, hinanap ng mata ko ang anak nilang si Brail na dapat ay nakaupo sa tabi nila.

"Wala po kong boyfriend Tita, never pa pong nag karuon."

"Ampalaya po yang si Noveda, Tita."

Natawa naman sila dahil sa sinabi ni Ella na ngayon ay katabing umupo ng Daddy niya.

"Tawagin mo na yung dalawa sa taas, sabihin mo nandito na si Noveda kaya kakain na," utos ni Tita Eden sa asawa na nag pupunas ng kamay.

Tumango lang ito at sinunod ang utos ng asawa. Kung titignang mabuti ang mag asawang Clemente talaga ang ideal couple ko dahil ang matured ng relationship nila, parang walang kahit anong problema ang makakagiba, kasunod non ang mag asawang Collantes na puro kakulitan at ang huli ang mag asawang Roca na laging nakakakilig dahil sa pagiging sweet ng Daddy ni Ella.

"Hey you there! How are you Noveda?" cool na tanong ni Brail sakin.

Ang layo niya na sa Brail na kilala ko noon, kung dati para siyang ligaw na bata ngayon naman ang pogi niya dahil sa ash gray na buhok. Ang ganda din ng super light brown na mga mata niya.

"I'm good, ikaw? Ang tangkad mo na a?"

"Akala ko sasabihin mong ang pogi ko na kahit ang pogi ko naman talaga no'n pa."

Natawa naman ang mommy niya kaya sinamaan niya ito ng tingin na naging dahilan para kalabitin ni Tita Liza si Tito Blue at tinuro ang anak, parang bata si tita na nag susumbong.

"What?" tanong ni tito Blue.

"Your son is glaring at me," sumbong nito.

Ako ang namula ng yakapin ni Tito Blue si Tita Liza na para bang prinoprotektahan niya ito. Diyos ko naman kahit dito sa hapag kainan pinapairal nila ang kasweetan, paano nalang ako na single? Ang sakit kaya nila sa mata, kahit ampalaya ako kinikilig din naman ako pag love story ng ibang tao.

"Ka-miss si Third," bulong ni Ella sa tabi ko.

"Sampalin kita diyan," kurot ko sa hita niya.

Aksidente akong napatingin kay Kuya West na nakatitig sakin, ng marealize niya nakatingin din ako sa kanya agad siyang nag iwas tingin at tumango kahit wala namang sinasabi ang ina.

‘Parang tanga lang ganon?’

"Baka tinamaan sayo?"

Kinunotan ko ng noo si Brail dahil sa sinabi nito, what is he saying and what does he mean? Anong tinamaan? May tinamaan ba sakin? Wala naman akong binabato a.

"Weirdo," irap ko dito.

Tumawa lang siya bago maupo sa upuan na para sa kanya. Tudo chismis lang sila habang kami bored at hindi naiintindihan ang kanilang pinag-uusapan. Ganito ata talaga pag matatanda ang nag uusap wala kang maiintindihan lalo na kung di mo pa naranasan.

"Mom sa pool area lang kami," paalam ni Kuya West.

Hindi sana ako tatayo pero hinila ni Ella ang braso ko para maisama sa pupuntahan nila. Gabi na ata malamig, ano naman ang gagawin namin sa pool area? Maliligo ba sila?

"Hindi naman ako maliligo kaya sa kusina nalang ako."

"Nag paalam na kami kanina kung pwede tayo mag inom, ang sabi ni Tita okay lang daw kasi nandito lang naman tayo sa bahay."

"Hindi ako iinom dahil may review pa kong gagawin."

"Hindi ba pwede bukang nalang yan? Saturday bukas," biglang sabat ni Kuya West na hawak ang apat na beers.

"Ang weak naman," wika ni Brail ng makitang good for four person lang ang hawak na beer ni Kuya.

"Marami pa sa ref! Sabado bukas kaya deserve nating mag enjoy tonight!" sigaw ni Ella.

Nag tataka ako kung saan niya naman nakuha ang maliliit na upuang dala-dala niya ngayon papuntang kinatatayuan namin.

"Di ba pwede sa loob tayo mag inom? Ayokong sipunin."

"Maingay sila sa loob," kuya West.

"Pero ayoko dito sa labas."

"Arte mo," irap ni Brail.

"Wag mo kong irapan kung ayaw mong tawagin kitang bakla!"

Inismiran niya lang ako bago tunggain ang beer na hawak niya, hindi ito ang first time kong uminom kaya sanay na ko sa beer lang. Hindi naman subrang sama ng lasa niya lalo na kung may mani or sisig na pulutan.

Ngayon palang iniisip ko na kung ano ang mga pwede mangyari sa intrams, nong last intrams kasi hindi ako nakapag enjoy. After nung contest namin sa quiz bee umuwi agad ako dahil gusto kong maabutan sila Mommy bago sila lumuwas ng Canada pero nahuli na ko ng dating. Hindi ko man lang nasabi sa kanila na nag champion ako, mabuti nalang tinawagan ako ni Tita Eden at pinapunta ako dito sa bahay nila dahil nag handa daw siya para sa maliit na salo-salo.

"May guitara kang dala?" tanong sakin ni Brail.

"Wala, hindi na ko tumutug-tug."

"Bakit hindi na? Sayang naman."

"Napagud narin siguro, nakakapagud gawin yung mga bagay na hindi mo naman mahal."

"Hindi mo ba talaga mahal?" tanong ni Kuya West. May kung ano sa mga mata nito na hindi ang mag tug-tug ang tinutukoy.

"Hindi, hindi ko naramdaman eh."

Tinaas ni Ella ang kamay niya bago tumayo. "May dala akong guitara!"

Ang hype naman ng babaeng to, parang kanina lang ang tamlay dahil miss niya na daw si Third na boyfriend niya.

Buhat-buhat niya ang guitara habang nag lalakad papuntang deriksiyon namin, hindi man lang nag abalang mag suot ng tsinelas ang babaeng to. Pinasa niya ang guitara kay Brail na nag hahalungkat ng lyrics sa phone.

Sa aming apat si Brail ang may talent sa music, malambig at nakakantok ang boses nito habang si Ella naman sa pag sasayaw, may talent din naman ako sa instrument at pag kanta pero hindi ko pinahalagahan iyon, while si Kuya West ang hindi ko pa alam, hindi siya showy sa talents maliban sa sports niyang volleyball.

"Anong kakantahin mo?" i ask.

"Gusto mo ikaw muna?" lahad niya ng guitara.

Nag dadalawang isip kong tinanggap iyon, ilang taon narin ang lumipas at ngayon lang ulit ako makakahawak ng guitara, after maging busy ni Daddy sa works niya hindi ko na ulit pinakialaman ang guitara niyang nasa kwarto ko lang.

(SONG: Little Do You Know

BY: Alex & Sierra)

"Little do you know

How I'm breakin' while you fall asleep

Little do you know

I'm still haunted by the memories

Little do you know

I'm tryin' to pick myself up piece by piece

Little do you know

I need a little more time."

May bigat sa puso ko habang kinakanta ang unang bahagi na iyon, hindi ko alam kung saan galing yung bigat dahil never pa naman ako na-inlove, basta ang alam ko lang may something sa dib-dib ko na kailangang lunasan.

"Underneath it all I'm held captive by the hole inside

I've been holding back for the fear that you might change your mind

I'm ready to forgive you, but forgettin' is a harder fight

Little do you know

I need a little more time."

Tumingin ako sa kalangitan at pinag masdan ang mga bituin na malayang kumikinang, hindi ko alam kung bakit gusto ko nalang maging bituin kahit ang kapalit non ay sakit, ayokong maging isang bituin dahil ayokong maging option lang, ayokong ako naman ngayon dahil wala pa yung para sa kanya. Ayoko ng ako lang muna dahil wala pa siyang nahahanap na iba.

"I'll wait, I'll wait

I love you like you've never felt the pain

I'll wait

I promise you don't have to be afraid

I'll wait

Love is here and here to stay

So lay your head on me

Little do you know

I know you're hurt while I'm sound asleep

Little do you know

All my mistakes are slowly drownin' me

Little do you know

I'm tryin' to make it better piece by piece

Little do you know I

I love you 'til the sun dies."

Nabitin sa lalamunan ko ang mga sunod na katagang kakantahin na sana, ng marinig ko ang walang kasing lambing na boses ni Kuya West, nakatingin siya sakin habang sinasabi ang mga iyon at wala kang makikitang biro habang kinakanta niya ang part na dapat kakantahin ko.

Parang sinasabi niyang mag hintay lang ako hanggang sa maging handa na siya, mag hintay lang ako sa pag babago niya. Mag hintay ako kahit walang kasiguraduhan. Mag hintay ako kahit malabo pa dahil may nararamdaman na siya na hindi niya maisatinig kaya dinaan nalang sa kanta.

"Oh wait, just wait

I love you like I've never felt the pain

Just wait

I love you like I've never been afraid

Just wait

Our love is here, and here to stay

So lay your head on me

I'll wait (I'll wait), I'll wait (I'll wait)

I love you like you've never felt the pain

I'll wait (I'll wait)

I promise you don't have to be afraid

I'll wait

Love is here, and here to stay

So lay your head on me

Lay your head on me

So lay your head on me."

Sinabayan ko ang kanta niya habang mas pinalalamig ang tunog ng guitara, parang ayoko ng matapos pa ang kanta, ayoko pang matapos iyon dahil hindi lang ang tono nito ang naiintindihan ko ngayon kundi pati rin ang ibig sabihin, lalo na ng kantahin ni Kuya West ang ilang bahaging yun.

"'Cause little do you know I

I love you 'til the sun dies," ngiting bulong nito sa tenga ko.

Mahirap paniwalaan ang mga sinasabi mo kahit alam kong bahagi lang ng kanta ang mga yun, kahit alam kong hindi niya mismo sinadyang sabihin yun tumatak sa puso ko ang mga salita at gumawa ng butas para pumasok ang paniniwala sa mga salita niya na hindi naman dapat.

Kaugnay na kabanata

Pinakabagong kabanata

DMCA.com Protection Status